The Double Talk of China on the Issue of West Philippine Sea…and America’s late entry into the scene

The Double Talk of China
on the Issue of West Philippine Sea
…and America’s late entry into the scene
by Apolinario Villalobos

Going straight to the point, the problem with China as regards the issue on the West Philippine Sea is the tendency of her leaders to “double talk”. Simply put, they talk with fingers crossed behind them. They say that the Philippines is the one doing massive reclamations in that disputed body of water, when all that such poor third-world country has done is try to keep a barnacle-covered ship afloat as a “station” on one of the reefs within her territory, for her haggard coast guards, as well as, keep alive, the spirit of a handful of her citizens on Kalayaan island. The whole world can see this, in contrast to what the giant Asian country is doing such as destroying the habitats of marine life, as they are topped with soil to become fake islands to accommodate airstrips and heavy bunkers for warfare armaments.

To the United States, they offered the use of the soon-to-be finished facilities which the Chinese say are intended for “rescue” operations and protection of the said area. But to the neighboring small Asian countries, their “territory” is “off limits”. The Chinese leaders say that they are respecting the area as a free international maritime highway, yet, they challenge the boats and planes that sail and fly by. They are also saying that they are not disturbing the peace that had been prevailing over the area, yet, they are naïve to the fact that since they started their unrestrained reclamation activities, such peace became a word of the past.

What made the matter worse is America’s getting into the picture…this late. Had this self-proclaimed “protector” of democracy listened to the clamor of the Philippines very long time ago, while reclamations have not been initiated yet, negotiations could have been possible. But with the project almost finished which the Chinese leaders declare to the world as akin to a simple road project, how can they swallow their pride and give in to the demands of a country which is thousands of miles away, and not even among their rival claimants?

Despite the word war and exchanges of threats between the two “giants”, the world still hope that a compromise can be made among claimant nations, but for sure, China will find ways so that the United States shall be kept out of the picture…a humiliating “request” for the so-called protector of world democracy and freedom, and home to the “sedate” United Nations Headquarters…that has done nothing about the issue.

Kawawa naman ang Pangulo…naniniwala pa rin pala sa mga maling report sa kanya

Kawawa naman ang Pangulo
…naniniwala pa rin pala sa mga maling report sa kanya
Ni Apolinario Villalobos

Sa kanyang talumpati sa Japan noong June 3, sinabi ni Pnoy na nabawasan na daw ang nag-aabrod upang magtrabaho. Isa daw itong indikasyon na umaangat na ang ekonomiya ng bansa. Kawawa naman siya, dahil hanggang ngayon ay naniniwala pa rin pala sa mga pambobola ng mga tao sa kanyang gabinete na pinagkakatiwalaan niyang magbibigay sa kanya ng mga impormasyon.

Pagkatapos niyang magtalumpati sa Japan, sa parehong araw pa rin, lumapag naman ang isang eroplano sa Manila galing Saudi Arabia at mula rito ay nagsibabaan ang maraming Pilipino na dineport ng nasabing bansa dahil sa programa nilang Saudization. Madadagdag sila sa mga Pilipinong hindi makakapag-abroad dahil walang panlagay sa mga switik na recruiter, at mga libo-libo o baka milyon na, na naipong mga graduate, at kung ilang taong nang nakaistambay. Ang maswerte sa kanila, kahit papaano ay nakakakuha ng contractual na trabaho sa loob ng limang buwan. Yan ang tunay at kalunus-lunos na kalagayan ng kakapusan ng trabaho sa Pilipinas!

Ang mga nabanggit ba ang indikasyon na umaangat ang ekonomiya ng Pilipinas? Anong pera ang gagamitin ng mga istambay upang magastos, na siya sanang magpapausad ng mga negosyo, ganoong wala naman silang trabaho o pirmihang trabaho?

Sa susunod, sana huwag nang magsinungaling ang pangulo upang maiwasang siya ay mapulaan o pagtawanan. Kung wala siyang masabi, magkuwento na lang ng iba…tulad halimbawa ng pagbalik sa serbisyo mula sa anim na buwang suspension ng kanyang best friend na si Allan Purisima. Pwede rin niyang ikuwento ang pagtakbo ng mga questionable na mga kalihim niya sa election 2016, na ang infomercials ay umaarangkada na sa TV at radyo – ginastusan ng milyones na pera ng bayan. At lalong maganda kung kanyang i-enumerate ang mga anomalya na naipon ng kanyang administrasyon – sa mga ganyan siya pag-uusapan…kung yan ang gusto niyang mangyari. Baka mailagay pa siya sa Guinness Book of World Record!

Historically, Malaysian kaya tayo?…kung hindi matanggap, eh di, “Aeta” na lang!

Historically, Malaysian kaya tayo?
…kung hindi naman matanggap, eh di, “Aeta” na lang!
Ni Apolinario Villalobos

Kung gagayahin ng Malaysia ang pamimilosopo ng Tsina sa pag-angkin ng halos lahat ng mga bahura o reefs sa West Philippine Sea at karagatan mismo, ay kaya nilang gawin, kung ibabatay pa rin sa kasaysayan. Nakasaad kasi sa history books na ginagamit sa mga eskwelahan sa Pilipinas ang tungkol sa “Ten Bornean Datus” na nakarating sa Visayas, particularly sa Panay Island, at doon ay nadatnan nila ang mga “Aeta” sa pamumuno ni Marikudo na nagbenta sa kanila ng lupang matitirhan. Ang mga “Aeta” o “Ati” sa salitang Bisaya ay maliliit na taong kulot ang buhok, sarat ang ilong, at maitim ang balat. Ibig sabihin, ang mga “Aeta” ang talagang mga lehitimong katutubo ng Pilipinas.

Noong panahon ni Marcos, napag-alamang may mga dapat baguhin sa mga nilalaman ng mga libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. May ginawa na kaya rito ang nanahimik na National Historical Commission? Bakit hindi rin sila kumikibo sa isyu ng West Philippine Sea na may kinalaman sa kasaysayan? Bakit hindi nila opisyal na ituwid ang mga maling itinuturo sa mga bata? Kulang kaya sa budget? Naibulsa din kaya ng mga kawatan ang budget nila? Yong DepEd naman at CHED, busy ba sa pag-apruba ng maraming workbook na hindi na magagamit uli?

Ang nangyayari sa West Philippine Sea ay dapat isisi sa unang gumawa ng mapa ng mundo kung saan ay nakasulat ang “South China Sea”, kaya akala tuloy ng mga Intsik ay kanila ang malawak na karagatang ito dahil may pangalan nila. Kung nakaisip ang mga cartographer noon ng “Pacific Ocean” at “Atlantic Ocean”, bakit hindi sila nakaisip ng ibang pangalan sa halip na “South China Sea”, ganoong napakalayo na nito sa mainland China? Intsik din kaya ang gumawa ng mapa?

Ang dapat namang sisihin sa haka-hakang nanggaling ang lahi ng Pilipino sa Malaysia, ay ang nagpangalandakan ng “Ten Bornean Datus”, dahil gusto lang yata niyang magkaroon ng kulay ang librong isinulat, kaya nilagyan ng ganitong kwento. Pati ang “katotohanan” tungkol sa Kalantiaw Code ay pinagdudahan na rin. Subalit ang masaklap ay ginamit pa ang kasaysayan sa isang TV series na “Amaya” kaya lalong nag-ugat ng malalim ang pinagdudahang mga pangyayari noong unang panahon. Aliw na aliw naman ang mga nanonood dahil kay Marian Rivera! Ganyan na ba kababaw ang Pilipino?

At dahil sa ugali ng Pilipino na malikhain, pinagbatayan pa ng isang relihiyosong festival ang pagdating ng mga datu sa Panay. Gumawa sila ng “Ati-atihan”, isang nakalilitong festival dahil hindi malaman kung saan nakasentro ito… kung sa Sto. Niῆo o sa mga “Aeta”. Narambol din ang mga costume, kaya nagpapaligsahan na lang sa pagka-outlandish at kulay. Bakit hindi nililinaw ng simbahang Katoliko at ahensiyang may kinalaman sa kasaysayan ang mga kalituhang ito? Dahil ba naging tourist attraction na?

Pero, para safe ang mga nagpi-festival na lunsod…yong sa Iloilo, tinawag na “Dinagyang”…yong sa Cebu, tinawag na “Sinulog”. Samantalang, itinuloy na lang ng Kalibo, tunay na pinanggalingan ng festival na ito, ang dati nang tawag na “Ati-Atihan”. Kalaunan, naging generic na rin ang katawagan, dahil basta may mga costume at street dancing, ang festival ay itinuturing na “ati-atihan”. Yan ang isa sa mga malinaw na katunayan tungkol sa ating nakalilitong pagkakakilanlan.

Ngayon, kung hindi matanggap na ang ninuno ng mga Pilipino ay ang mga “Aeta” na dinatnan ng mga datu galing Borneo, ibig sabihin, mga Malaysian kaya tayo? Ang malinaw kasi, hindi tayo Kastila, Amerikano, o Hapon – mga lahing umalipin sa atin. Ang pagkaroon ng kulay ng mga Pilipino, na kayumangging mapusyaw, o tisayin at tisuyin ay resulta lamang ng mga pambubuntis na ginawa ng mga dayuhang ito sa mga babaeng native noon kaya nahaluan ang dugo nila at ang resulta ay ang mga sumunod na henerasyon.

Malinaw ang kalituhan natin sa tunay na pagkakakilanlan ng ating lahi. Kaya sa kalituhan, madalas ayaw aminin ng mga Pilipinong nasa abroad na sila ay galing sa lahing sinakop ng ibang bansa. At, ang ganyang kahinaan din ang magpapalaho ng ating lahi kung hindi tayo magkakaisa dahil lamang sa magkaibang paniniwala sa Diyos na isinalaksak lang din sa kaisipan ng ating mga ninuno noong panahon ng pananakop. Ang katatagan ng isang lahi ay nakasalalay sa katatagan din ng tunay na identity nito. Kung nakakalito ang identity, hindi buo ang pagkatao ng mga taong tinutukoy ng lahi.

Sa isang banda, kung sa Amerika naman nakatira ang nagdi-deny na Pilipino siya, para sa akin ay okey lang…kung TNT siya!…o Tago Ng Tago! Mag-ingat lang siya dahil maari siyang ipagkanulo ng kalahi niya kapalit ang ilang pirasong berdeng pera na kung tawagin ay dolyar!

Ang Mga Taong Mainggitin, Makasarili at Mapang-api

Ang Mga Taong Maiinggitin, Makasarili at Mapang-api
Ni Apolinario Villalobos

Sa bawat komunidad, hindi maiiwasang makakita ng mga taong may iba’t ibang ugali tulad ng pagkamainggitin, pagkamakasarili, at pagkamapang-api. Dahil dito, hindi rin maiwasan ang kadalasang pakikipagplastikan na lamang ng magkakapitbahay o magkakaibigan upang masabi lang na maganda ang kanilang samahan.

Tulad na lang ng isang kwento sa akin ng isa kong kaibigan tungkol sa isa nilang kapitbahay na noong naghihirap pa, halos lahat sa kanilang lugar ay inutangan. Madalas, umaga pa lang ay umiistambay na sa labas ng bahay ng madalas niyang mauto upang hingan ng pagkain. Subalit nang magkaroon ng pera dahil nakapagtrabaho ang mga anak sa abroad, ni hindi na makabati sa mga inutangan niya. Yong katapat lang na kapitbahay daw na madalas niyang hingan ng pagkain ay hindi man lang maimbita kung may okasyon o madalhan man lang ng sobrang pagkaing inihanda. Naging biyang sosyal daw kasi, kaya ang mga iniimbita sa bahay niya lalo na kung may okasyon ay mga kaibigang de-kotse.

Yong isang kapitbahay naman daw niya, tadtad na nga ng mga sakit, pahiwatig siguro ng Diyos na dapat baguhin niya ang masama niyang ugali, ay nagpapairal pa rin ang kanyang pagkamapang-api ng kapwa. Minsan ay nagreklamo daw ito dahil ang kubo na pinagawa ng homeowners’ association nila ay pinagpahingahan o tinulugan ng isang taong nangungupahan lamang sa kanilang lugar. Dapat nga daw ay matuwa ito dahil napapakinabangan ng lahat ang kubo. Kung inuutos nga ng Diyos na dapat ay buksan natin ang pinto ng ating bahay sa mga taong nangangailangan, ito pa kayang kubo na nasa labas ng ating bakuran na walang pinto?

Yong isa pa, umasenso lang ang kapitbahay niya na masipag magnegosyo ng kainan, kinainggitan na. Gusto yata niya, lahat ng kapitbahay niya ay gumaya sa kanyang walang ginawa kundi tumunganga sa maghapon!

Ang pakikipagkapwa-tao ay isa sa mga kautusan ng Diyos sa mga taong naniniwala sa Kanya. Kahit araw-araw pang magsimba, halimbawa, ang isang Kristiyano, hindi siya maaaring tawaging ganoon kung ang kanyang puso ay tumitibok sa pulso ng inggit, pang-api, at pagkamakasarili. Kaya nagkakagulo ang mundo ay dahil sa ganitong uri ng mga tao….

Dasal para sa darating na kampanyahan at eleksiyon 2016 ng Pilipinas

Dasal para sa darating na kampanyahan
at eleksiyon 2016 ng Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Oh, Diyos na makapangyarihan sa lahat
Naglalang sa lahat ng bagay at may buhay sa mundo
Darating na naman ang panahon ng pangangampanya
Susundan ng eleksyon 2016 na inaabangan ng buong bansa.

Ipag-adya nyo po kami sa mga sinungaling
Silang nangangako ng langit, ang mukha ay makapal
Sila na ang mga labi ay may pilit at permanenteng ngiti
Sila na maya’t maya ang pagpahid ng alcohol sa mga pisngi.

Ipag-adya nyo po kami sa pang-aakit nila –
Gamit ay nakaw na yaman mula sa kaban ng bayan
At bungkos ng salapi na sa harap nami’y iwawagayway
Na ang kapalit nama’y walang katiwasayang pamumuhay.

Harinawa naman na ang ibang malilinis pa
Ay hindi matulad sa mga bantad sa mga katiwalian
Silang malinis ang mga layunin ang tangi naming pag-asa
Upang mabawasan man lang kahit kaunti ang aming dusa.

Hinihiling namin ang mga ito sa ngalan ni Hesus
Na ang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus
Ay may layuning iligtas kami sa mga kasalanan –
Utang na loob namin sa Kanyang walang hanggan.

Amen!