Ang Pag-amin ng Pagkakamali at Pagsisisi

Ang Pag-amin ng Pagkakamali at Pagsisisi
Ni Apolinario Villalobos

Dahil sa katalinuhan ng tao, dapat ay wala siyang dahilan upang hindi malaman kung ano ang tama at mali. Subali’t ang paggawa ng desisyon ay naapektuhan din maraming bagay, tulad ng kinalakhang tahanan at pamilya, ginagalawang komunidad, at mismong uri ng damdamin ng tao kung ito ay mahina o matatag.

Kung lumaki ang isang tao sa isang tahanan na ang kapiling na pamilya ay nagpapairal ng pagmamahal, kalimitan, ang kanyang isip ay mapayapa kaya ang kanyang kilos at mga desisyon ay walang kaakibat na pagsisisi sa huli. At, dahil hindi niya nakasanayan ang ganito, kung sakaling hindi inaasahang siya ay magkamali, madali rin siyang nagsisisi.

Kung siya ay nakatira sa isang komunidad ng mga taong ang paggawa ng kasalanan ay bahagi na ng kanilang araw-araw na pamumuhay, mahahawa siya sa ganitong ugali kung hindi siya mag-iingat. Ganito rin ang mangyayari kung ang mga taong pinakikisamahan niya ay may kaparehong ugali. Kaya may kasabihan sa Ingles na ang katumbas sa Pilipino ay, “sabihin mo sa akin kung sino ang mga kaibigan mo at sasabihin ko kung anong uring tao ka”. Ang isang eksepsiyon dito ay ang mga nakikihalubilo o nakikipagkaibigan sa uri ng mga taong nabanggit, at ang layunin ay tulungan silang magbago ng ugali.

May mga taong malambot ang damdamin kaya sa konting pagkakamali ay abut-abot agad ang pagsisisi, na tanda ng pag-amin. Ang iba naman ay matigas ang damdamin dala na rin siguro sa sobrang pagkabilib sa sarili kaya kahit malaki na ang naging perhuwisyo ng kanyang pagkakamali sa iba ay bale-wala pa rin sa kanya. Ito ang uri ng mga taong hindi nakikitaan ng kahit maliit na pagsisisi man lang. Ito rin ang mga taong tumutugma sa kasabihang, “siya na nga ang nagkamali, ay siya pa ang galit”, na sa madaling salita ay mayabang.

Ang buhay natin sa mundo ay may hangganan, at sa loob ng panahong ito, mahirap ipunin ang mga pagkakamali. Maganda sanang mangyari na bago tayo mamaalam ng tuluyan ay wala na tayong inaalala pang mga pagkakamali na dapat ay inihingi ng kapatawaran sa ating naperhuwisyo. Kung hindi natin aminin agad ang ating mga pagkakamali, baka ang mga ito ay makalimutan natin habang umuusad ang panahon, subalit ang hindi makakalimot ay ang mga nagdusang biktima. Kung umabot sa ganito, ang kamatayan natin ay hindi mapayapa dahil hindi patatahimikin ng mga kuwentong patuloy pa ring pag-uusapan….mga kuwentong hindi natuldukan.

Advertisements

Si Eden…Matatag na Ina

Si Eden…Matatag na Ina
Ni Apolinario Villalobos

Iba’t ibang pagkakataon ang sumusubok sa katatagan ng isang ina. Nandiyan ang mamatayan ng asawa kaya naiwang mag-isang nagtaguyod sa mga anak; mabubugbog ng istambay na ay adik pang asawa subali’t hindi niya maiwan dahil ayaw niyang mawalan ng ama ang kanyang mga anak; mamasukan sa beer house bilang entertainer upang mabuhay ang mga anak sa pagkakasala…marami pang iba.

Iba at pambihira ang nangyari kay Eden, wala pang apatnapung taong gulang na ina. Maganda ang samahan nila ng kanyang asawang nagta-traysikel hanggang ito’y maputulan ng isang paa dahil sa sakit na diabetes. Dinoble ni Eden ang pagkayod sa pamamagitan ng paglalabada at pagpapataya ng “ending”, isang sugal na paborito ng mahihirap dahil sa laki ng panalo kahit maliit ang taya, pati pagtinda ng banana-cue ay ginawa na rin niya. Sa kabila ng lahat, talagang kinakapos pa rin sila dahil lima ang kanilang anak, na ang mga gulang ay mula tatlo hanggang labing-anim na taon. Tuwing mag-usap kami ng asawa ni Eden noong buhay pa ito, pabiro itong nagsasabi na hindi lang kaliwa’t kanan ang mga utang nila, kundi harap at likod pa. Ang nagpatindi ng pangangailangan nila sa pera ay ang regular check- up at mahal niyang mga gamot .

Bilang huling hirit sa kapalaran nila, nagdesisyon si Eden na magtrabaho sa ibang bansa, at pinalad namang makapasok bilang katulong sa Saudi. Naiwan sa kalinga ng asawang pilay ang mga bata. Maganda ang mga plano na ibinahagi sa akin ng asawa niya dahil uunahin daw muna nilang bayaran ang mga utang, at saka na sila mag-iipon ng pangpuhunan sa negosyo. Inaasahan niyang may maiipon sila dahil dalawang taong kontrata ang nakuha ni Eden. Ang masakit nga lang ay inatake siya hanggang matuluyan dahil hindi nakainom ng gamot ng kung ilang araw. Nangyari ang trahedya, tatatlong buwan pa lamang na nakaalis si Eden.

Nagpakatatag ang mga bata na inalalayan ng ilang kamag-anak, lalo na ng mga kapitbahay na siyang nag-asikaso sa pinaglamayang asawa habang hinihintay ang desisyon ng amo ni Eden kung papayagan siyang umuwi. Masuwerte siya at napayagan naman, ibinili pa ng tiket sa eroplano at pinagbakasyon ng isang buwan upang maasikaso ang pagpalibing sa kanyang asawa. Dahil sa kabaitan ng amo, hindi maaaring hindi siya bumalik sa Saudi, lalo na at nakatali pa siya sa kontrata na maaari niyang ikakulong kung kanyang susuwayin.

May isang kamag-anak ang kanyang asawa na nagbigay ng matitirhan nilang mag-iina. Sa tabi nito nakatira ang bayaw ni Eden na nagpalakas ng kanyang loob. Magpapadala naman siya ng pera sa isa pang kamag-anak para sa mga pangangailangan ng mga bata lalo na ng mga nag-aaral.

Nang mag-usap kami ni Eden, nakita ko ang pangamba sa kanyang mukha na hindi naikubli ng maya’t mayang pagpatak ng luha na pinapahid niya agad upang hindi makita ng mga bata. Kailangang magpakita siya ng katatagan upang hindi panghinaan ng loob ang kanyang mga anak. Kinausap na rin daw niya ang mga ito at nagpasalamat siya dahil kahit sa mura nilang isip, naintindihan nila ang lahat kaya magtutulungan na lang daw sila at handa silang magtiis.

Iniwan ni Eden ang kanyang mga anak bago pumutok ang araw upang makaiwas sa trapik sa pagpunta niya sa airport. Nangyari ang inasahan niyang iyakan nilang mag-ina bago siya makalabas ng bahay, at dahil tulog pa ang bunso, siguradong mahihirapan ang mga kapatid sa pagpatigil ng kanyang pag-iyak paggising nito. Nang huli kaming mag-usap nina Eden at mga anak niyang tin-edyer, nag-isip na kami ng maraming dahilan na sasabihin sa bunso kung hahanapin siya nito.

Nakakalungkot isipin na ang ibang ina sa panahon ngayon ay walang kasiyahan sa kabila ng kasaganaan sa buhay. Ang iba, dahil halos hindi na alam ang gagawin sa paggastos ng labis na kita ng asawa ay inii-spoil ang mga anak sa pagbigay ng kanilang mga luho, bukod pa dito ang mga pansarili nilang kapritso kaya kung anu-anong retoke ang pinapaggagawa sa katawan.

Ang iba naman ay hindi natutong pagkasyahin ang kita ng asawa sa mga pangangailangan kahit sapat naman sana kung hindi lang dahil sa kanilang bisyo tulad ng pagsusugal at paglalabas-labas kasama ang mga kumare. Ang iba ay nagsa-sideline o kumakabit sa mga may pera upang matustusan ang kanilang luho na hindi kayang suportahan ng kita ng asawa, kaya napapabayaan pa ang mga anak.

Maraming biyuda tulad ni Eden sa mundo. Subali’t iilan lang siguro silang may matatag na kalooban. Ang iba ay nagpapakamatay dahil hindi nila kayang balikatin ang napakabigat na responsibilidad sa kanilang balikat. Ang iba ay nawawalan ng katinuan sa pag-iisip kaya bumagsak sa ospital ng may kapansanan sa pag-iisip at ang mga anak ay napapunta sa bahay-ampunan.

Palagay ko ay malalampasan ni Eden at mga anak niya ang mga pagsubok dahil hindi naman ito ibibigay ng Diyos kung hindi nila makakaya. Sa mga makakabasa, dasal para sa mag-iina ang hinihiling ko.

Ang Kapangyarihan ng Pera

Ang Kapangyarihan ng Pera
Ni Apolinario Villalobos

Ang buhay ni Hesus ay tinapatan ng tatlumpong pirasong pilak. Sa halagang yon, siya ay namatay sa krus na paraan niya sa pagligtas sa sangkatauhan. Ibig sabihin, kung hindi dahil sa tatlumpong pilak ay nakasadlak pa rin tayo sa ating kasalanan hanggang ngayon.

Ang kapangyarihan ng pera ay hindi matatawaran. Maraming pamilya ang nabuwag at magkaibigang nagpatayan dahil dito. Mayroon ding napariwara dahil pinagpalit ang kanilang dangal sa kinang nito. Mayroon pang nagsugal ng buhay, makahawak lamang ng ilang bungkos ng salapi. May mga taong dahil nasilaw sa pera ay bumigay kaya nalaman ang tunay na layunin kahit anong pilit nilang pagtatakip dito.

Ang mga bansa ay pinapatakbo ng pera, kaya kung alin sa kanila ang may pinakamarami nito ay itinuturing na makapangyarihan. Sa pamamagitan ng pautang ay natatali nila ang utang na loob ng mahihirap na bansa upang maging kaalyado nila.

Pera ang pinapakilos upang magkaroon ng mga nakamamatay na imbensiyon ng tao. Ito rin ang ginagamit upang masira ang buhay ng dating matitino na nalulong sa bawal na gamot, lalo na ng mga kabataan sa nagsimula ang bisyo sa alak at sigarilyo. Ito rin ang dahilan ng pagiging suwail ng mga anak na dahil hindi masunod ang luho ay natutong maging tampalasan sa kanilang mga magulang.

Subali’t kung iisiping mabuti, ang layunin ng pera ay upang mapagaan ang buhay ng tao, dahil nang nagkaroon siya nito ay hindi na niya kailangan pang magbitbit ng kanyang kayamanan tulad ng bulto-bultong ginto, pilak, alahas, at mga hayop gaya ng ginagawa noong unang panahon. Ngayon, ang kailangan ng tao ay ilang pirasong papel at barya na pera, tseke o credit card, at maaari na siyang mamili o maglakbay.

Hindi dapat isisi sa pera ang mga hindi magandang nangyari sa buhay ng tao. Ang hindi magandang paggamit sa pera ang dahilan kung bakit nasira ang tao.

The Struggle of Man to Survive…a personal view

The Struggle of Man to Survive
…a personal view
By Apolinario Villalobos

Man has for long, exploited the earth’s fossil residues – oil, coal, and natural gas. As estimated by experts, their years are numbered, so that there is a scramble now in finding ways to utilize the sources of renewable energy, such as water, wind, and sun. Even motion will eventually be harnessed for this purpose, as it has been used successfully in small gadgets like flashlight and wristwatch. Many years from now, the battery with different capacity for storage, forms and sizes shall take the center stage in this endeavor. As of now, there are efforts being exerted to make the battery with stored solar energy as an acceptable option, but unfortunately, with few takers.

Moving contraptions such as cars, ships, aircrafts, etc. may later be operated by batteries that shall store energy from wind and motion, as the one from the sun is being used now, though, on a small scale. Homes may utilize batteries that shall store energy from the sun and wind. The batteries for cellphones and cameras may be recharged by motion and body heat. Such batteries may form part of the gadget’s structure, hence, cannot be detached for replacement.

Nature cannot take so much abuse such as denuding of forests, unscrupulous mining, slash and burn farming, fishing with the use of poison, dynamites, and fine meshed trawls. It yields to such onslaught by way of floods, erosions, landslides, and depletion of marine life. With its loss of balance, deprivations, especially, hunger shall definitely get worst.

In this view, time will come that even leaves of trees may be made edible through a meticulous process in which, their fibers shall be softened and flavored to make them palatable. So there may come a time when future generations shall be munching biscuits made from coconut leaves or fill their sandwich with jam made from grape leaves or delight in crunchies made from twigs and tree barks, or wafers made from wood shavings and dust. Practically, the whole tree may become edible! We are leading to that, as in virtual preparation, we are partaking today of “ground” or “powdered” cinnamon bark and other “woody” spices, even powdered roots as herbal drug.

With high-tech process, even poisonous fruits may already be safe to eat, after their deadly substance has been removed. It should be noted that some of the drugs that are used today come from poisonous plants, such as the “tuba-tuba” that yields castor oil. Some poisonous tubers become safe to eat after having been soaked in the running water of river for several days. Further to this, antidotes against some poison come from the same source such as cobra. Even the potent poisonous saliva of komodo lizard is being developed as a powerful drug.

The crossbreeding of vegetables to make them resistant to long drought and flood are being done now. In this regard, new varieties of rice and corn are being developed for the aforementioned situations. Presently, genetically-modified vegetables with remarkable increase in size and slight change in appearance and taste are already in the market, although, opposed by the conservatives who fear their effect to the human genes. But how can that be, when genes of animals are already used today in therapies to prolong the life of man?

Insects as part of exotic cuisine are becoming a fad in many countries. So, now there are pizzas topped with crickets and grasshoppers, sandwiches filled with wormburger, jellies made from giant black ants, baby scorpions as appetizer, etc. Even some kind of starfish may be made into crunchy barbecues. To avert extreme hunger, all kinds of insects may eventually find their way to the dining table. Even crocodile and elephant skin as with all other animals may become crunchy snacks, just like the water buffalo and pig skin which in the Philippines is called “chicharon”.

Subdivision and condo developers may be required in the future to have recycling facilities to make their projects self-sufficient in water. They may also be required to install facilities for the harnessing of sources of renewable energy. The same requirements may also be imposed on factories, commercial buildings and supermarkets, as well as, restaurants. The keyword here is “require”, because to date, what prevails is just the option.

In many years to come, homes, entire subdivisions, and clustered villages may be covered with protective green fiberglass to minimize the deadly effect of long exposure to sun rays. New cities may be developed in this manner. High-end and exclusive subdivisions may even be totally covered to protect the occupants from the excessive polluted air. Such green cover may eventually become part of political promises for a healthy and better life during electoral campaigns. Governments may set aside budgets for this, too.

Though morbid as it may sound, some remote villages in poor countries may revive the practice of cannibalism due to extreme poverty, though, discreetly this time. As a last resort, warring neighboring states may forget their differences and instead, merge to pool their effort in fighting hunger. Water may become the most important and expensive commodity on earth, more expensive than life, as in some remote villages, parents may trade their children for jugs of water. This is actually done now, though indirectly, through adoption of children by foreigners, whereby, parents of adopted children are given monetary consolation.

Politics may be replaced by religion as a driving force and unifying factor of humanity. The struggle could be between the united Islamic States and progressive Christians which had ever been since the Biblical time. It should be noted that politics came into the picture only centuries later, with the spread of the Greek philosophies that somehow classified the different schools of thought. The classification that eventually defined the different thoughts gave man an option to deviate from the path laid down by Godly faith.

Finally, because both Islam and Christianity are God-centered, eventually, they may reach a compromise which shall mark another stage of man’s struggle for survival…the beginning of a new cycle of life on earth.

Ang Mga Dapat Iwasang Banggitin Kung Mangangampanya

Ang Mga Dapat Iwasang Banggitin Kung Mangangampanya
Ni Apolinario Villalobos

Parating na ang panahon ng kampanyahan para sa 2016 eleksiyon at ang mga inaasahan ay ang pagbaha ng pera, bigas at grocey items na ipapamudmod ng mga pulitikong walang malinis na hangarin para sa bayan. Alam nila na milyones man ang kanilang pakakawalan, mahigit sa triple pa ang kanilang kikitain sa pangungurakot ng pera ng taong bayan kung sila ay maluluklok sa puwesto.

Pero sana naman ay huwag na silang magpasikot-sikot pa sa pamamagitan ng mga talumpating namumulaklak ng mga pangakong ampaw at mga salita o linyang laspag na laspag na, tulad ng:

1. Hahatakin ko kayo sa matuwid na daan
2. Ipaglalaban ko ang karapatan ninyo
3. Isasakripisyo ko ang lahat para sa inyo
4. Bukas ang pinto ng opisina ko para sa inyo
5. Isang tawag nyo lang ako
6. Huwag kayong mag-alala
7. Kaagapay ninyo ako
8. Kayo ang boss ko
9. Pag-utusan po ninyo ako
10. Wala sa lahi namin ang sinungaling
11. Mahirap lang ako
12. Nagsikap ako upang umasenso
13. Nangitim ako dahil sa kasipagan
14. Nag-aalaga ako ng ilang baboy upang mabuhay
15. Wala akong ninakaw sa kaban ng bayan
16. May karanasan ako bilang opisyal
17. Ipagpapatuloy ko ang mga reporma….(anong reporma?)
18. Isa po lamang akong hamak na kababayan…(dapat ay “tanga”)

Sigurado namang tulad ng nakagawian, wala ring makikinig sa kanila dahil ang inaabangan lamang ng mga hinakot na tao ay ang pagpamudmod nila ng mga grocery at pera, at pagkatapos matanggap ay uuwi na. Kaya yong ibang mga nangangampanya naman, upang masigurong tatagal sa pagtunganga ang mga tao, ay nagbibitbit ng mga “entertainers” kuno na napulot nila mula sa mga comedy bar. Yong iba, mga artista at singer talaga ang bitbit.

Pero sana naman ay magkaroon ng milagro, kahit tuwing panahon ng kampanyahan man lang. Para ang mga hangal na pulitikong magsabi ng “tamaan na ako ng kidlat kung nagsisinungaling ako” ay matuluyan – matusok ng kidlat mula sa kalawakan. Kung mangyari ang ganito, siguradong dadami ang magbabalik-loob sa Panginoon…aapaw sa dami ng mga taong ninenerbiyos ang mga simbahan! ….yan ang maganda!!!!

Ang Mga Dahilan sa Pagpasok sa Pulitika

Ang Mga Dahilan sa Pagpasok sa Pulitika
Ni Apolinario Villalobos

Sa darating na panahon ng eleksiyon 2016, babaha na naman ng pera sa Pilipinas, lalakas ang buying power ng mga Pilipino, at lalaki ang kita ng mga negosyante, kaya gaganda na naman ang report sa survey tungkol sa pagkabawas ng gutom sa bansa. Aalingawngaw na naman ang mga pangakong ampaw. Magkakaubusan na naman sa botika at grocery ng alcohol na gagamitin ng mga plastik at makatao daw o makamahirap na mga kandidato kaya panay ang yakap at halik sa mga tindera sa palengke, magsasaka, street sweepers, mga sanggol sa iskwater, mga batang yagit, atbp.

Maririnig na naman ang mga litanya ng dahilan ng mga hangal na kandidato kung bakit sila pumasok sa pulitika. At ang pinakatanyag na dahilan ay “gusto kong makatulong sa aking kapwa” na palaging sinasabi ng isang kongresman ng isang lalawigan sa Mindanao, ganoong palagi naman itong absent sa mga session at ang dahilan ay may ginagawa siyang “mahalagang bagay” para sa kapakanan ng bansa. Gusto pa niyang maging senador, at kung maaari nga lang ay Bise-Presidente. Siguro iniisip niya, makakakuha naman siya ng matatalinong staff. OMG!!!

Sa sobrang kayabangan nitong tao, ginagamit na rin ang Diyos upang ipakita sa mundo na siya ay may malakas na pananalig sa Kanya. Ang hindi niya kinatakutan ay ang karma na unti-unting dumadating dahil sa dami ng mga kasong isinasampa laban sa kanya. Bilib na sana sa kanya ang mga Pilipino, subalit nasobrahan naman ang pagkabilib niya sa kanyang sarili na umabot sa puntong lahat ay gusto na niyang pasukan kahit alam ng lahat na hindi niya kaya.

Hindi na dapat pagdudahan ang kanyang kakayahan sa isang larangan na ginagamitan ng tiyaga at lakas ng katawan, subalit sa larangan naman na ang dapat gamitin ay utak, ibang usapan na. Tumatakbo ang kanyang opisina pero dahil sa mga suwelduhang tauhan na matatalino, kaya kahit wala siya ay may naisa-submit na report, nakakagawa ng mga proyekto dahil may nagagamit namang budget, at may naihahaing mga panukala sa kanyang pangalan. Ibig sabihin, sa sitwasyon niya, para siyang nagpa-franchise ng kanyang pangalan para magamit sa pulitika.

Gusto daw niyang tumulong sa kanyang mga kababayan, kaya handa siyang tumakbo sa mas mataas pang puwesto sa pulitika. Kung ang pagiging kongresman nga lang ay hindi niya magampanan ng maayos, mas mataas na puwesto pa kaya? Sana may puwestong pangdekorasyon lang ang gamit, at dahil tanyag siya, doon siya angkop. Magagamit kasi ang pangalan niya bilang bahagi ng Kongreso o Malakanyang!

Hindi kailangang pumasok sa pulitika upang makatulong sa kapwa. Ito ay napatunayan na ng maraming pilantropo na ang ilan ay ayaw magpabanggit ng pangalan. Napatunayan din ito ng nagpapatakbo ng mga bahay-ampunan para sa mga bata, may kapansanan, at matatanda. Napatunayan din ito ng ilang grupo na nakakarating sa mga liblib na isla ng Pilipinas makapamigay lang ng lapis, papel at iba pang gamit-eskwela, pati na tsinelas at damit. At ang isa pang halimbawa ay si Mother Theresa at ang kanyang mga kasamang madre na kahit kapos sa pondo ay nagagawa pang makapamahagi ng tulong.

Marami na akong narinig na mga dahilan kung bakit may mga pumapasok sa pulitika, na ang pinakatanyag nga ay ang una kong nabanggit na pagtulong sa kapwa. Subalit kung katapatan din lang ang pag-usapan, ang pinakabiniliban ko ay ang walang kagatul-gatol na sabi ng isa na, “it runs in the family”. Yan ang tama, dahil nga naman lahat sila sa pamilya ay may puwesto, mula sa pagkakongresman ng tatay, pagka-gobernador ng kapatid, at pagka-mayor ng nanay. Ang nakausap ko ay tatakbo namang kagawad muna dahil puntirya niya ang puwesto sa pagka-mayor na inuupuan pa ng kanyang nanay.

Ang iba pang mga dahilan na hindi dapat kalimutan ay:

1. Ayaw maging hamak na empleyadong inuutusan lamang.
2. Upang mapalawak at mapalaki pa ang mga negosyo ng pamilya.
3. Upang mapatunayan sa sariling kaya niya…(magpayaman?)
4. Upang makaganti sa mga umalipusta sa pamilya nila….(delikado!)
5. Upang maisulong ang adhikain ng grupo…(talaga?)
6. Undergraduate kasi, at walang mapasukang trabaho.

At, ang “pagtulong sa kapwa”?….para yang SUNTOK sa buwan!…hindi na kapani-paniwala!

Kung sa seryosong usapan, ang pagpasok sa pulitika ay nangangailangan ng talino SANA. Pero sa Pilipinas, iba ang kalakaran dahil pera at katanyagan ang gumagalaw, maliban na lang siguro sa pambihirang nangyari sa Davao City dahil ang ginamit ng mga namumuno doon na mag-amang Duterte ay prinsipyo, katatagan, at tapang – hindi pera at katanyagan. Tinupad nila ang pangakong lilinisin at patatahimikin ang Davao City na nangyari naman.

Maraming mambabatas na kahit utak-tungaw ay nakakaupo sa mga bulwagan ng batasan. At, hindi na dapat pang itanong kung ano ang dahilan at sino ang may kasalanan…dahil alam naman ng lahat! Para sa mga nagmamaang-maangan na inosente kuno, basahin lang ulit ang unang talata o paragraph.

The BBL with Unfair Unconstitutional Provisions will just create more animosities…thanks to Pnoy!

The BBL with Unfair and Unconstitutional Provisions
will just create more Animosities…thanks to Pnoy!
by Apolinario Villalobos

The approval of the Congress Ad Hoc Committee of the BBL draft, contains the original list of the provinces, as provided for in the Tripoli Agreement during the time of Misuari, that shall comprise the Bangsamoro and that includes Sultan Kudarat, North Cotabato, two Zamboangas, Davao del Sur, South Cotabato and Palawan – obvious Christian-dominated provinces….yet the name of the seemingly independent state, but masquerading as a region, Bangsamoro, is so named to denote literally that it is a “Moro land”. The big question now is: will Muslim leadership tolerate Christian teachings within its domain when it seems that the direction is establishment of an Islamic “state”? Will there be fair election to give chance to a Christian to assume the leadership of the region? Won’t it be awkward if it happens?….a Moro region under a Christian leader!

If MILF is sincere in its intention in promoting unity despite cultural and religious differences, why did it not choose a name that would stand for all the constituents, instead of the “Bangsamoro” which stands just for the Muslims?

Since very long time ago, yet, there has been a so-called “balik-Islam” movement. The advocacy is very strong now in the African continent as shown by the aggressiveness of the ISIS. There was a time when the same atmosphere was felt strongly in the affected areas, that is why some Christians were said to have opted to be converted into Islam to prepare themselves. There is nothing wrong with that. However, just in case it pushes through via the Bangsamoro region, the leaders should manifest sincerity in doing their job. The first ARMM under Misuari accomplished nothing, and the present administration of the region is also questioned as regards its accomplishment. Are the constituents of the Bangsamoro, assured of a better and sincere leadership without even a faint taint of corruption?

Ever since, I had been espousing “integration” for Mindanao in view of diversity in culture and faith, but utmost tolerance should be observed as regards the differences. Definitely, Congress will approve the draft because majority of the its members are pro-Pnoy. Our last hope then, is the Senate….where more intelligent lawmakers are found, and with the reviewing committee under Miriam Santiago.