Ang Kalunus-lunos na Kalagayan ng Edukasyon ng Pilipinas

Ang Kalunus-lunos na Kalagayan ng Edukasyon ng Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Mismong mga guro ay nagsasabi na maraming kabataan ngayong kahit umabot na sa Grade 3 ay hirap pa ring bumasa at sumulat. Nang interbyuhin ang isang mataas na opisyal ng DepEd tungkol dito, ang paliwanag niya ay: “kasi hindi sila dumaan sa prep at kinder”. Nang marinig ko ito, lumabas sa ilong ko ang kahihigop ko pa lang na kape. Kung mismong isa sa mga namumuno ng DepEd ay may ganoong kahindik-hindik na takbo ng pag-iisip ay talagang wala na ngang maaasahan sa kabuuhan nito ang sistema ng edukasyon ng bansa. Kawawa naman ang mga kabataan!

Nang tanungin naman ang bangag yatang assistant Secretary tungkol sa K to 12 na ayon sa mga teachers ay hindi pa napapaghandaang mabuti, ang sabi niya, kailangan daw talaga ito upang paggradweyt daw ng mga estudyante sa high school ay maaari na silang magtrabaho. Isa pa ring hangal na sagot, dahil kung ang college graduate nga ay hirap makahanap ng trabaho, high school graduate pa kaya? Kung ang iniisip nitong isip-tungaw na tao ay trabahong pang-construction tulad ng paghalo ng semento na isa yata sa ituturo sa K to 12, tanga talaga siya, dahil maski hindi gradweyt ng elementarya ay kaya ang ganitong trabaho. Ang isa pang ituturo yata ay trabahong pang- beauty parlor na kaya naman pag-aralan ng mga tumatambay sa parlor. At, ang isa pa rin ay pagluluto na pwede namang pag-aralan kung papasok sa mga restaurant. Bakit kailangan pang pahirapan sa gastos ang mga magulang?

Yong tungkol naman sa mga textbook na ginawa nang workbook dahil nilagyan ng mga test questions kada katapusan ng chapter, alam pala niya at alam din pala niyang hindi na magagamit ulit ang mga textbooks kaya dagdag gastos talaga para sa mga magulang. Nang tanungin kung may ginagawa ang DepEd tungkol dito, ang sagot-bangag uli ay “kasi yan na ang kalakaran ngayon”. Kung nakamamatay lang ang long distance na pagmumura, siguro ay nangisay na ang opisyal ng DepEd sa dami ng nagmumurang nakikinig sa interbyu!

Mabuti hindi tinanong ng radio announcer yong tungkol naman sa mga libro na sa dami ay halos isang maleta na kaya ini-stroller na lang ng mga bata pagpasok sa klase. Baka ang sagot niya dito ay: “mabuti yang habang bata pa lang ay marunong nang humila ng maleta, bilang paghanda sa pagpunta nila sa ibang bansa upang maging katulong o di kaya ay construction worker pagkagradweyt nila sa high school ng K to 12 program”.

Nakakagulat malamang, “normal” lang pala para sa DepEd ang daming 45-50 na mag-aaral bawat kwarto. Kaya pala, yong iba, makaupo lang ay nagdadala ng sariling plastic na upuan, yong iba naman ay nakasalampak sa sahig. At ang lalong hindi pagtatakhan ay kung bakit talaga walang natututuhan ang mga bata dahil hindi natututukan na mabuti ng mga guro….dahil sa dami nila.

Ang pera ng bayan ay binubulsa ng mga kawatan sa pamahalaan. Ang presidente ay nagrereport ng mga kaayusan na daw sa mga paaralan batay sa mga binibigay sa kanya, ngunit ang hindi niya alam, karamihan sa mga ito ay imbento lamang. Ang hindi niya pinapakinggan ay ang mga guro mismo na direktang nakakaalam ng tunay na kalagayan ng sistema ng edukasyon sa bansa.

Ang malinaw, minadali niya ang pagsabatas ng K to 12 at ang pagpatupad nito upang maisama niya sa kanyang SONA, at para may masabing accomplishment pagbaba niya sa puwesto. Kung sakaling tumuluy-tuloy ang pagpatupad, madadagdag na naman ito sa habang-buhay niyang batik sa katawan, tanda ng kapalpakan niya bilang pangulo, at hindi maitatago sa likod ng isang apelyido na akala niya ay may madyik pa rin ang dating sa mga Pilipino hanggang ngayon.

Advertisements

6 thoughts on “Ang Kalunus-lunos na Kalagayan ng Edukasyon ng Pilipinas

  1. Ideyal naman talaga ang K12 system e. Hindi natin kinukontra yan kasi dapat talaga iyan na ang sistema ng edukasyon natin para makasabay sa mundo. Pero ang malaking isyu kasi ay ang kahandaan natin para maipatupad ito. Handa ba tayo para sa mga napakaraming guro na nawalan na at mawawalan ng trabaho sa 2016? Ang mga paaralan? Handa ba sila pagdating sa kaayusan at kakumpletuhan ng mga pasilidad? May mga libro na ba para sa asignaturang ituturo sa grades 11 at 12? E ang mga Pilipino mismo? Hindi pwedeng sabihin ng pamahalaan na handa na tayo kasi kung handa na tayo, dapat kahit ngayon pa lang na nasa kasalukuyang sistema tayo ay natugunan na ang mga perennial concern na yan sa ating educational system.

    Liked by 1 person

    • tumbok na tumbok mo ang mga problema ng k-12…kung noon pa lang sanang na-umpisa sa kanyang trabaho si Pnoy para paghandaan ito, wala sanang problema…pero dahil sa kalamyaan niya, nagkakagulo ngayon dahil dito…dagdag pa diyan ang mga maling report ng mga taong inaasahan niya….

      Like

  2. ang problem, karamihan ngayon, nagmamadali sa pagbasa, kaya mas magandang approach ay yong ginagawa mo na may visuals para hindi boring ang dating…yong blogging style mo…ituloy mo lang….malayo ang mararating mo, I am sure of that dahil kumpleto ang style mo – travel, food, photography at essay…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s