Ang Pagbatikos

Ang Pagbatikos
Ni Apolinario Villalobos

Ang pagbatikos ay hindi nangangahulugang galit ang nambabatikos sa kanyang binabatikos, kung malinis ang kanyang hangarin o layunin. Ang hindi maganda ay ang pagbatikos na ang dahilan ay mababaw lamang at pansarili tulad ng inggit. Ang malinis na layunin ng pagbatikos ay ang pagpamukha sa taong binabatikos tungkol sa kanyang pagkakamali na maaaring hindi niya alam.

Madalas mangyari ang pagbatikos sa larangan ng pulitika tulad ng nangyayari sa mga Binay. Sa kabila ng lampas-taong batikos na natatanggap ngayon ng pamilyang ito, pinipilit pa rin nila na sila ay pinupulitika lamang. In fairness na lang sa kanila, siguro naman, ayon sa standard of morality ng kanilang pamilya ay wala talaga silang ginawang masama. Naalala ko tuloy ang isa kong kaibigan na sinabihan kong may bahid ng lipstick ang kanyang pisngi. Sinagot niya ako ng, “ah, yan ba? biniro lang ako sa opisina”, pero umaalingasaw din siya ng pabangong pambabae na dumikit sa kanyang damit. Kahit halata namang dumaan siya sa bahay ng kanyang kerida na alam ng mga kaibigan niyang ibinabahay niya, todo palusot pa rin siya.

Binabatikos din si Pangulong Pinoy na dahil sa hindi malamang kadahilanan ay bihirang sumagot at kung mangyari man ay idinadaan na lang sa paulit-ulit na pagsabi ng mga pangako niya noong panahon ng kampanyahan na sumentro sa “matuwid na daan” at pagmamalaki ng mga report tungkol sa pag-asenso daw ng bansa na hindi naman pinaniniwalaan . Yon nga lang sinasabayan naman niya ng pagbatikos sa isang babaeng pasyente na may brace sa leeg, na dahilan daw kung bakit naghihirap ngayon ang Pilipinas. Dahil sa ginawa ni Pnoy, biglang nalusaw ang good breeding, na inakala ng mga taong meron siya. Teacher din pala niya ito noong siya ay nag-aaral pa sa Ateneo kaya lalong hindi maganda ang ginagawa niya…batikusin ba naman ang mahal niyang teacher! Dapat ay magpasalamat siya dahil very obvious na may natutunan siya sa kanyang teacher….nakikita naman ng mga tao kung ano ang mga ito.

Sa isyu kay Purisima, ang gusto lamang siguro ni Pnoy ay tumanaw ng utang na loob dito dahil iniligtas daw siya nito mula sa bingit ng kamatayan . Ang pag-apura naman sa pagpasa ng BBL na ngayon ay BL na lang ay dahil siguro sa tangka sanang pagtulong ni Iqbal sa kanyang ama kung hindi ito pinaslang sa NAIA. Ang ganitong pagtanaw ng loob din siguro ang gusto niyang ipakita sa mga taong sinasandalan niya tulad ng mga tagapagsalita niya, lalo na si Abad na itinuturing niyang matalino sa “paghawak” ng budget….marami pa sila sa kanyang gabinete. Siguro para sa presidente, hindi masama ang tumanaw ng utang na loob sa mga best friends. Kaya dahil best friend siya ng mga ito, sinasalag na lang niya ang mga kaliwa’t kanang batikos ng mga tao na gustong pumalit sa kanya. Isa siyang maituturing na best friend na martir na handang sumalag ng mga batikos!…siya ay maituturing na isang rare na species ng tao.

Ang mga mambabatas naman, binabatikos dahil marami daw sa kanila ay mukhang pera, mga korap, mga magnanakaw sa kaban ng bayan, nagbebenta ng budget sa mga taong ang negosyo ay pekeng NGO. Subalit may napatunayan ba? …yan ang tanong nila! Dahil sa fair kuno na justice system, sila ay “innocent until proven guilty”, kaya lahat sila ay matamis pa rin ang ngiti kung humarap sa tao. Meron ngang gusto pa ring tumakbo sa susunod na eleksiyon kahit nasa kulungan na siya. Masama nga namang batikusin ang halos himatayin na sa pagsabing inosente sila, kahit nagsusumigaw ang mga ebidensiyang biglang pagkaroon nila ng mala-palasyong bahay, maraming mamahaling sasakyan, malalawak na lupain, nagkikislapang alahas sa katawan, at maya’t mayang weekend outing sa ibang bansa. Pero ang iba ay wise dahil gumagamit ng mga kaibigang dummy.

May mga nagsabi pang naiinggit lang daw ang mga nambabatikos sa kanila, kasama na diyan ang mga pari dahil hindi nakakagawa ng gusto nila. Dagdag pa nitong mga malilinis kuno, kung gusto daw ng mga nambabatikos, pumasok na rin sila sa pulitika upang madanasan nila kung paanong maipit sa trapik sa pagpunta sa Malakanyang upang maki-tsika sa Pangulo; makipaggitgitan sa elevator sa pagpunta sa opisina ng NGO upang makipag-business talk tungkol sa mga “projects”; makipaghalakhakan sa mga sosyalan after office hours na umaabot hanggang madaling araw kaya nagkakaroon sila ng sore throat; matulog nang nakaupo sa session hall habang ang mga kasamang mambabatas ay nagbibigay ng walang katurya-turyang talumpati; lumamon ng nakakasawang pagkain sa mga 5-star restaurants at hotels; sumakay sa eroplano ng kung ilang beses sa isang linggo dahil ayaw sumakay sa walang class na barko kung umuwi sa kanilang bayan; piliting pangitiin ang mga labi habang ang talukap ng mga mata ay lumalaylay sa sobrang antok, o hindi kaya ay nanlilisik dahil nakipag-away sila sa asawang nahuli nilang may kabit. Ganoon pala kahirap ang maging mambabatas! Kawawa naman pala sila!

Siguro ang maganda ay hayaan na lang dumami ang dumi nila sa kanilang mukha upang lalo pang kumapal at upang lalong hindi nila maramdaman ang kahihiyan dahil sa mga karumaldumal nilang ginagawa!

To be an Artist

To be an Artist
By Apolinario Villalobos

To be an artist is difficult…yes, in a way, that is, if one tries to acquire other skills. But all creatures on earth are with inborn skill or skills, even those that belong to the plant kingdom. Every creature has an inborn “something” to show for the amusement of the world. And, that for me is what I mean by art – anything done by a creature to delight any or all senses.

Plants with their adaptation become natural artists by developing beautiful appendages such as twigs, branches, leaves, flowers, and scents for the pleasure of man and animals. Cats for instance become excited at the smell of catnip. Animals are amused in the artistically natural movement of their kind, such that a dog may bark in wild abandon at the sight of a wriggling worm.

As for man, painters compose landscapes on canvass for the discriminating view of visual art enthusiasts, sculptures form woods and metals to come up with beautiful decorative objects, cooks concoct savory foods to delight the palate of foodies, literary people write poems and essays for the romantics and the serious, photographers skillfully capture images in their cameras for the “aahhs” and “oohhs” of their viewers, hair cutters snip at clumps of hair for the appreciation of their customers, the same as with facial artists who dab faces with colorful rouges – to name a few.

Mobile creatures can even escape death with artistic cunning. Monkeys in their own domain, for instance, gracefully swing from tree to tree, while lizards and worms camouflage themselves to meld with their surroundings to escape their predators; schools of small fishes form a giant and deceptive “ball” by swarming together to scare away big fishes; and in circus shows people gape at escape artists do their ware.

Unfortunately, artistry has gone out of bounds because the skill has spread to the halls of government edifices where found are lawmakers and office personnel who, with artistic skill manipulate budgets. With artistic expertise, they deviate the flow of budgets through conduits to finally end up in their bank accounts. Their conniving cohorts can even come up with artistically-worded words in coming up with make-believe projects to justify the release of budgets.

In front of microphones, the demagogical artists in the lawmaking Halls, weave stories of great accomplishments in the hope that constituents will still vote for them for the same position, or for a higher one, come election time. Not to be outdone is the guy on the highest pedestal of the land who artistically claims similar accomplishments, making him the pun of jokes as constituents know them to be just lies!…his effort eventually, transforming him into an artistic liar!

The above “learned artists” have joined the rank of the con artists – masters of deception who bleed others for their hard-earned money.

Living is an art. We need to artistically brush aside disheartening events in our lives if we want to live on. We need to artistically console ourselves with an inspiration that beyond the stormy clouds is a silver lining…an equally artistic line that can push the struggling man with a grumbling empty stomach to live on for another day and for many more days to come.

Man is an artist, bad or good. It is the only way that he can’t become harsh and hard on anything that comes his way…. because as an artist he is patient.

Ang Pag-amin ng Pagkakamali at Pagsisisi

Ang Pag-amin ng Pagkakamali at Pagsisisi
Ni Apolinario Villalobos

Dahil sa katalinuhan ng tao, dapat ay wala siyang dahilan upang hindi malaman kung ano ang tama at mali. Subali’t ang paggawa ng desisyon ay naapektuhan din maraming bagay, tulad ng kinalakhang tahanan at pamilya, ginagalawang komunidad, at mismong uri ng damdamin ng tao kung ito ay mahina o matatag.

Kung lumaki ang isang tao sa isang tahanan na ang kapiling na pamilya ay nagpapairal ng pagmamahal, kalimitan, ang kanyang isip ay mapayapa kaya ang kanyang kilos at mga desisyon ay walang kaakibat na pagsisisi sa huli. At, dahil hindi niya nakasanayan ang ganito, kung sakaling hindi inaasahang siya ay magkamali, madali rin siyang nagsisisi.

Kung siya ay nakatira sa isang komunidad ng mga taong ang paggawa ng kasalanan ay bahagi na ng kanilang araw-araw na pamumuhay, mahahawa siya sa ganitong ugali kung hindi siya mag-iingat. Ganito rin ang mangyayari kung ang mga taong pinakikisamahan niya ay may kaparehong ugali. Kaya may kasabihan sa Ingles na ang katumbas sa Pilipino ay, “sabihin mo sa akin kung sino ang mga kaibigan mo at sasabihin ko kung anong uring tao ka”. Ang isang eksepsiyon dito ay ang mga nakikihalubilo o nakikipagkaibigan sa uri ng mga taong nabanggit, at ang layunin ay tulungan silang magbago ng ugali.

May mga taong malambot ang damdamin kaya sa konting pagkakamali ay abut-abot agad ang pagsisisi, na tanda ng pag-amin. Ang iba naman ay matigas ang damdamin dala na rin siguro sa sobrang pagkabilib sa sarili kaya kahit malaki na ang naging perhuwisyo ng kanyang pagkakamali sa iba ay bale-wala pa rin sa kanya. Ito ang uri ng mga taong hindi nakikitaan ng kahit maliit na pagsisisi man lang. Ito rin ang mga taong tumutugma sa kasabihang, “siya na nga ang nagkamali, ay siya pa ang galit”, na sa madaling salita ay mayabang.

Ang buhay natin sa mundo ay may hangganan, at sa loob ng panahong ito, mahirap ipunin ang mga pagkakamali. Maganda sanang mangyari na bago tayo mamaalam ng tuluyan ay wala na tayong inaalala pang mga pagkakamali na dapat ay inihingi ng kapatawaran sa ating naperhuwisyo. Kung hindi natin aminin agad ang ating mga pagkakamali, baka ang mga ito ay makalimutan natin habang umuusad ang panahon, subalit ang hindi makakalimot ay ang mga nagdusang biktima. Kung umabot sa ganito, ang kamatayan natin ay hindi mapayapa dahil hindi patatahimikin ng mga kuwentong patuloy pa ring pag-uusapan….mga kuwentong hindi natuldukan.

Si Eden…Matatag na Ina

Si Eden…Matatag na Ina
Ni Apolinario Villalobos

Iba’t ibang pagkakataon ang sumusubok sa katatagan ng isang ina. Nandiyan ang mamatayan ng asawa kaya naiwang mag-isang nagtaguyod sa mga anak; mabubugbog ng istambay na ay adik pang asawa subali’t hindi niya maiwan dahil ayaw niyang mawalan ng ama ang kanyang mga anak; mamasukan sa beer house bilang entertainer upang mabuhay ang mga anak sa pagkakasala…marami pang iba.

Iba at pambihira ang nangyari kay Eden, wala pang apatnapung taong gulang na ina. Maganda ang samahan nila ng kanyang asawang nagta-traysikel hanggang ito’y maputulan ng isang paa dahil sa sakit na diabetes. Dinoble ni Eden ang pagkayod sa pamamagitan ng paglalabada at pagpapataya ng “ending”, isang sugal na paborito ng mahihirap dahil sa laki ng panalo kahit maliit ang taya, pati pagtinda ng banana-cue ay ginawa na rin niya. Sa kabila ng lahat, talagang kinakapos pa rin sila dahil lima ang kanilang anak, na ang mga gulang ay mula tatlo hanggang labing-anim na taon. Tuwing mag-usap kami ng asawa ni Eden noong buhay pa ito, pabiro itong nagsasabi na hindi lang kaliwa’t kanan ang mga utang nila, kundi harap at likod pa. Ang nagpatindi ng pangangailangan nila sa pera ay ang regular check- up at mahal niyang mga gamot .

Bilang huling hirit sa kapalaran nila, nagdesisyon si Eden na magtrabaho sa ibang bansa, at pinalad namang makapasok bilang katulong sa Saudi. Naiwan sa kalinga ng asawang pilay ang mga bata. Maganda ang mga plano na ibinahagi sa akin ng asawa niya dahil uunahin daw muna nilang bayaran ang mga utang, at saka na sila mag-iipon ng pangpuhunan sa negosyo. Inaasahan niyang may maiipon sila dahil dalawang taong kontrata ang nakuha ni Eden. Ang masakit nga lang ay inatake siya hanggang matuluyan dahil hindi nakainom ng gamot ng kung ilang araw. Nangyari ang trahedya, tatatlong buwan pa lamang na nakaalis si Eden.

Nagpakatatag ang mga bata na inalalayan ng ilang kamag-anak, lalo na ng mga kapitbahay na siyang nag-asikaso sa pinaglamayang asawa habang hinihintay ang desisyon ng amo ni Eden kung papayagan siyang umuwi. Masuwerte siya at napayagan naman, ibinili pa ng tiket sa eroplano at pinagbakasyon ng isang buwan upang maasikaso ang pagpalibing sa kanyang asawa. Dahil sa kabaitan ng amo, hindi maaaring hindi siya bumalik sa Saudi, lalo na at nakatali pa siya sa kontrata na maaari niyang ikakulong kung kanyang susuwayin.

May isang kamag-anak ang kanyang asawa na nagbigay ng matitirhan nilang mag-iina. Sa tabi nito nakatira ang bayaw ni Eden na nagpalakas ng kanyang loob. Magpapadala naman siya ng pera sa isa pang kamag-anak para sa mga pangangailangan ng mga bata lalo na ng mga nag-aaral.

Nang mag-usap kami ni Eden, nakita ko ang pangamba sa kanyang mukha na hindi naikubli ng maya’t mayang pagpatak ng luha na pinapahid niya agad upang hindi makita ng mga bata. Kailangang magpakita siya ng katatagan upang hindi panghinaan ng loob ang kanyang mga anak. Kinausap na rin daw niya ang mga ito at nagpasalamat siya dahil kahit sa mura nilang isip, naintindihan nila ang lahat kaya magtutulungan na lang daw sila at handa silang magtiis.

Iniwan ni Eden ang kanyang mga anak bago pumutok ang araw upang makaiwas sa trapik sa pagpunta niya sa airport. Nangyari ang inasahan niyang iyakan nilang mag-ina bago siya makalabas ng bahay, at dahil tulog pa ang bunso, siguradong mahihirapan ang mga kapatid sa pagpatigil ng kanyang pag-iyak paggising nito. Nang huli kaming mag-usap nina Eden at mga anak niyang tin-edyer, nag-isip na kami ng maraming dahilan na sasabihin sa bunso kung hahanapin siya nito.

Nakakalungkot isipin na ang ibang ina sa panahon ngayon ay walang kasiyahan sa kabila ng kasaganaan sa buhay. Ang iba, dahil halos hindi na alam ang gagawin sa paggastos ng labis na kita ng asawa ay inii-spoil ang mga anak sa pagbigay ng kanilang mga luho, bukod pa dito ang mga pansarili nilang kapritso kaya kung anu-anong retoke ang pinapaggagawa sa katawan.

Ang iba naman ay hindi natutong pagkasyahin ang kita ng asawa sa mga pangangailangan kahit sapat naman sana kung hindi lang dahil sa kanilang bisyo tulad ng pagsusugal at paglalabas-labas kasama ang mga kumare. Ang iba ay nagsa-sideline o kumakabit sa mga may pera upang matustusan ang kanilang luho na hindi kayang suportahan ng kita ng asawa, kaya napapabayaan pa ang mga anak.

Maraming biyuda tulad ni Eden sa mundo. Subali’t iilan lang siguro silang may matatag na kalooban. Ang iba ay nagpapakamatay dahil hindi nila kayang balikatin ang napakabigat na responsibilidad sa kanilang balikat. Ang iba ay nawawalan ng katinuan sa pag-iisip kaya bumagsak sa ospital ng may kapansanan sa pag-iisip at ang mga anak ay napapunta sa bahay-ampunan.

Palagay ko ay malalampasan ni Eden at mga anak niya ang mga pagsubok dahil hindi naman ito ibibigay ng Diyos kung hindi nila makakaya. Sa mga makakabasa, dasal para sa mag-iina ang hinihiling ko.