Ang Kapangyarihan ng Pera

Ang Kapangyarihan ng Pera
Ni Apolinario Villalobos

Ang buhay ni Hesus ay tinapatan ng tatlumpong pirasong pilak. Sa halagang yon, siya ay namatay sa krus na paraan niya sa pagligtas sa sangkatauhan. Ibig sabihin, kung hindi dahil sa tatlumpong pilak ay nakasadlak pa rin tayo sa ating kasalanan hanggang ngayon.

Ang kapangyarihan ng pera ay hindi matatawaran. Maraming pamilya ang nabuwag at magkaibigang nagpatayan dahil dito. Mayroon ding napariwara dahil pinagpalit ang kanilang dangal sa kinang nito. Mayroon pang nagsugal ng buhay, makahawak lamang ng ilang bungkos ng salapi. May mga taong dahil nasilaw sa pera ay bumigay kaya nalaman ang tunay na layunin kahit anong pilit nilang pagtatakip dito.

Ang mga bansa ay pinapatakbo ng pera, kaya kung alin sa kanila ang may pinakamarami nito ay itinuturing na makapangyarihan. Sa pamamagitan ng pautang ay natatali nila ang utang na loob ng mahihirap na bansa upang maging kaalyado nila.

Pera ang pinapakilos upang magkaroon ng mga nakamamatay na imbensiyon ng tao. Ito rin ang ginagamit upang masira ang buhay ng dating matitino na nalulong sa bawal na gamot, lalo na ng mga kabataan sa nagsimula ang bisyo sa alak at sigarilyo. Ito rin ang dahilan ng pagiging suwail ng mga anak na dahil hindi masunod ang luho ay natutong maging tampalasan sa kanilang mga magulang.

Subali’t kung iisiping mabuti, ang layunin ng pera ay upang mapagaan ang buhay ng tao, dahil nang nagkaroon siya nito ay hindi na niya kailangan pang magbitbit ng kanyang kayamanan tulad ng bulto-bultong ginto, pilak, alahas, at mga hayop gaya ng ginagawa noong unang panahon. Ngayon, ang kailangan ng tao ay ilang pirasong papel at barya na pera, tseke o credit card, at maaari na siyang mamili o maglakbay.

Hindi dapat isisi sa pera ang mga hindi magandang nangyari sa buhay ng tao. Ang hindi magandang paggamit sa pera ang dahilan kung bakit nasira ang tao.

4 thoughts on “Ang Kapangyarihan ng Pera

    • may nag-request nito….ayaw ko sanang i-touch dahil marami akong masasagasaan, pero pinagbigyan ko ang isang follower dahil may problema yata sila sa family nila tungkol sa pera… familiar ang name – halatang mayaman…thanks!

      Liked by 1 person

  1. i totally agree with this conclusion “Hindi dapat isisi sa pera ang mga hindi magandang nangyari sa buhay ng tao. Ang hindi magandang paggamit sa pera ang dahilan kung bakit nasira ang tao”. May all of us know how to handle money properly in any situation. Maraming salamat sa pagbou mo ng usapin ito sa ating wika.

    Liked by 1 person

    • reaksiyon ko lang ang blog sa kasabihan sa english na “money is the root of all evils”…also, dahil requested ng kababayan natin, talagang sa Pilipino ko na isinulat…paki-check yong reply ko sa comment din ng kasama natin, pero kasinggaling mo na travel blogger – nasa bandang itaas, yong tungkol sa kung paano ko naisulat itong blog…thanks!

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s