Dapat Magkaroon ng Inventory ng mga Relief Goods na hindi pa Naipamudmod

Dapat Magkaroon ng Inventory ng mga Relief Goods
na hindi pa Naipapamudmod
ni Apolinario Villalobos

Ngayon pa lamang, dapat ay magkaroon na ng inventory ng lahat ng mga relief goods na nakaembak sa mga bodega ng DSW at local government units, na hindi pa naipapamudmod. Mahalaga ding i-check ang mga ginagamit na bag kung may pangalan o mukha ng mga lokal na opisyal na dapat ay bawal. Ang mga listahan ay dapat ilathala sa mga pahayagan upang malaman ng mga tao. Mahalaga ang hakbang na ito upang hindi magamit ang mga relief goods na pang give-away o regalo ng mga ganid na opisyal na tatakbo sa darating na halalan. Ang ganito ay maaaring mangyari upang masupurthan ang mga kandidato ng administrasyon. Ang imbertaryo ay dapat gawin ng COA.

Ang isa pang dahilan kung bakit kailangan imbentaryuhin ang mga relief goods ay ang kumakalat na balitang sa ilang bayan sa Mindanao, may mga binebenta daw na murang mantika, asukal, at iba pang mga items na madalas isinasama sa mga relief bags. Kung matatandaan, mayroong karinderya noon sa Tacloban na nabistong bumili ng ilang sakong bigas na dapat sana ay para sa mga disaster victims ng bagyong Yolanda. Sinundan ito ng balitang “ninakaw” daw ang mga relief goods na nakaembak sa isang bodega sa Cebu, at na-video pa nga. Wala na ring balita sa resulta ng imbestigasyon kung may natanggal dahil sa kapabayaan o kutsabahan.

Sa Cebu pa rin noon, pinagbawalan ang mga reporter na kumuha ng retrato ng mga dumarating na relief goods galing sa ibang bansa…bakit? Nabulgar din na nililipat ang mga relief goods galing sa mga international donors dahil pinapalitan ng mga local na mga relief items…pero buong tapang na pinabulaanan pa rin ng mga ahensiyang pinagdudahan tulad ng DSW.

Kung gusto ng gobyerno na mabawasan man lang ang pagdududa ng taong bayan tungkol sa bagay na ito, dapat ay huwag na itong maghintay na kalampagin pa bilang paalala ng mga grupong nagbabantay sa kapakanan ng bayan at mga Pilipino….isang bagay na nakakahiya!

6 thoughts on “Dapat Magkaroon ng Inventory ng mga Relief Goods na hindi pa Naipamudmod

  1. sabagay mas maganda nga kung monthly and the report should form part of the SOP report na ginagawa ng mga offices, sort of accomplishment report…tama ka sa pagsabi na mas maganda pa na tayo na ang magdiretso sa mga needy…kaya on my own, that’s what I do sa ginagawa kong “random charity” sa Tondo at mga nakatira sa mga bangketa without of course, telling them my real name…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s