Nakakadismaya si Coco Pimentel

Nakakadismaya si Coco Pimentel
Ni Apolinario Villalobos

Nakakadismaya ang parunggit ni Coco Pimentel na hindi dahil maraming pera ang isang tao sa bangko ay dapat pagdudahan na. Nangyari itong parunggit nang lumabas ang balita tungkol sa pag-freeze ng lahat ng mga asset ng mga Binay at mga dummies nila na nagkakahalaga sa kabuuhan ng mahigit sa Php11B, at nakapaloob sa 242 bank accounts.

Noon pa man, marami na ang nakakaalam na hindi dating mayaman ang mga Binay bago pa pumasok ang pinaka-ama ng pamilya sa pulitika at ang unang naging puwesto ay pagka-mayor ng Makati. At kahit pa doktora na noon si Mrs. Binay, hindi rin nangangahulugan na aabot sa nakakamanghang dami ang mga deposito nila sa mga bangko. Dahil dito, marami ang nagtaka at nagtanong kung saan nanggaling ang yaman nila.

Ang mga katanungan ay tila nasagot paunti-unti nang magsulputan ang mga kaso ng pangungulimbat nila sa kabang-yaman ng Makati, at sa mga gawaing may kinalaman sa mga puwestong hinawakan ng Bise-Presidente.

Ang nakakagulat lang ay nang malaman ng publiko na malapit pala sa mga Binay ang tatay ni Coco Pimentel, na dating senador din, si Aquilino Pimentel. Nabisto kasi sa isang hearing ng Senado tungkol sa katiwalian sa pagpagawa ng University of Makati, na ang tatay ni Coco Pimentel ay isa sa mga Board Members nito. Matapos ang pagkabulgar, napansin na parang nawalan na ng lakas ang mga salita ni Coco laban sa mga Binay, at lalong napansin ito nang magsalita siya tungkol sa malaking perang nakaembak sa mga bangko at hinihinalang may kinalaman sa mga kasong binibentang sa mga Binay.

2 thoughts on “Nakakadismaya si Coco Pimentel

  1. na-shock ako Caps talaga nang mapanood ko ang hearing na binanggit ko re University of Makati during which, casual na binanggit ang name ni Aquilino Pimentel as one of the original Board Members…tindi nang hypocrisy sa politics ng Pinas talaga!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s