The Shabby Scenes from the Airport Terminals and the Derelict Intramuros and Liwasang Bonifacio

The Shabby Scenes from the Airport Terminals
and the Derelict Intramuros and Liwasang Bonifacio
By Apolinario Villalobos

The problem with the Department of Tourism is that, while it promotes touristic destinations in the countryside, it forgot Manila which is supposed to be the gateway. The agency is proud of the oceanic theme park at the back of the Luneta grandstand and also the “dancing fountain”. But those can be found anywhere as they have become ordinary fixtures of parks, with some provinces even having more picturesque and enticing dancing fountains. The tourism people seem blind to the shabby scenes from the airport terminals that surely catch the eyes of incoming tourists on their way to their hotels along Roxas Boulevard and Makati Business Center.

From the Terminal 1 and 2 for instance, what catch the eyes are big bill boards and ramshackle shanties of barangay Pildera. The patroness of air voyage looks forlorn with the neglected shrubs at the base of its pedestal. Trees that line the street are untrimmed. Pieces of garbage dot the ground with wilting grass due to neglect. From Terminal 3, the same monotonous view greets the visitors as they drive down Andrews Avenue toward Baclaran and Tramo. From terminal 4, the short distance to Airport Road of Baclaran is worst, especially, as one exits towards Roxas Boulevard, with both sides of the street lined with run-down beerhouses.

The clusters of modern edifices that are filling the reclaimed Manila bay are being developed by owners of the business establishments, themselves who are mostly foreigners. In this regard, the Department of Tourism has no right to claim the credit for the fast transition of the once grassy reclaimed land.

Intramuros at the northwest terminus of Roxas Boulevard is supposed to be the historical showcase of the city, together with Liwasang Bonifacio or Lawton Plaza. Unfortunately, both are awful disappointments. What makes Intramuros interesting a bit, are just the presence of Manila Cathedral, San Agustin Church, and some of its streets lined with old houses that are not even refurbished to improve their antiquated facades. What worsen the disappointing landmark are the filthy skeletons of neglected government buildings and stinking nooks of the once formidable walls and their imposing bastions.

Liwasang Bonifacio’s conspicuous landmarks are the Post Office Building and the fountain behind the statue of Andres Bonifacio. But the grounds are always littered with refuse. The public toilet is perpetually closed and has become the abode of vagrants. The police precinct under the flyover lacks decency in appearance, though, fairly clean. The vacant lots have become dumping grounds for practically everything. The once glorified Metropolitan Theater because of its exquisite beauty is now an eyesore. Entrances and exits to the underpasses are lorded over by vagrants and rugby-sniffing street urchins. Ironically, the Manila City Hall, is just several meters away!

Several years ago, a foreign student blogged the dirty public toilets that stink due to the absence of water, with cracked and grimy tiles, lack of tissue paper, doors without lock, and lack of lighting fixtures. Instead of being thankful, the government reacted negatively, threatening the poor student with deportation unless he apologized publicly which he did, when all he wanted was just to call the attention of the negligent government agencies, particularly the Department of Tourism and concerned local government units.

And now, the Department of Tourism (DOT) is located in a busy section of Makati, and housed in a building – far from the people that it is supposed to assist. Its location can be accessed with much difficulty due to heavy traffic along the way. The agency should have made use of common sense in relocating itself within the “tourist belt” to serve its purpose with propriety. If the DOT is renting and how much, I dare not say more…

Advertisements

Ang Aming Nanay….

Ang Aming Nanay…
Ni Apolinario Villalobos

Nakagisnan ko na ang bisyo ng aming nanay na pagnganga. Sa gulang niyang wala pang limampu, naipanganak niya kaming labing-isang magkakapatid, subalit siyam lamang ang buhay. Bihira siyang magsalita, at sa kanilang dalawa ng aming tatay siya ang taga-disiplina sa amin. Sa aking paningin, siya ay matapang at napatunayan ito nang minsang sugurin niya ang puwesto ng larong “pool”, yong parang bilyar, subalit flat na bilog na kahoy ang tinutumbok ng tako. May nagsumbong kasing naglalaro doon ang isa kong kuya sa halip na pumasok sa eskwela. Pagpasok daw niya ay kumuha agad siya ng tako at hinataw ang kuya ko, at nang mabali ito, kumuha pa raw ng isa at iwinasiwas sa ibang mga nandoon na hindi alam kung saan susuling, habang minumura ang may-ari ng puwesto. Pinasara daw niya ang puwesto subalit sa awa sa may-ari ay pinabuksan din makalipas ang ilang araw.

Ang una naming pagtatalo na umabot sa pagpingot niya sa magkabila kong tenga ay nang tumanggi akong magsuot ng ukay-ukay na long sleeves at puting polo shirt, na dahil may pagka-synthetic ang material ay mainit sa katawan. Ayaw ko ring isuot ang malaking sapatos at maluwag na pantalon ng kuya ko. Ang okasyon ay ang pag-akyat ko sa stage upang masabitan ng ribbon na pang-third honor noong ako ay grade three. Pinagyabang niya ako sa mga bumabati sa kanya, na ikinainis ko rin, dapat daw kasi ay first honor ako, pero dahil kamag-anak namin ang teacher, binigay na lang sa akin ang third honor para walang masabi ang ibang magulang.

Nang malugi ang negosyo naming tuyo at daing, nagtinda siya ng ukay-ukay na ang tawag noon ay “relip” mula sa salitang “relief” dahil nga naman ang mga damit ay “relief goods” na donasyon galing Amerika at unang ibinagsak noon ng mga tiwaling negosyante sa palengke ng Bambang sa Sta. Cruz, Manila. Kumalat ito hanggang Baguio na nadagdagan ng mga surplus galing naman sa Subic (Olongapo) at Clark (Pampanga). Ang mga artista at singer noon ay may mga suking tindero at tindera na alam ang mga style na gusto nila, kaya kung may bubuksang mga bundle, inuuna nilang pinipili ang para sa mga ito. Ang nanay ko naman ay sa Bambang lang kumukuha dahil nandoon ang suki niyang puwedeng utangan.

Dahil sa negosyo naming ukay-ukay, lahat ng damit namin ay galing na dito. Pinagtitiyagaan niyang i-alter ang mga damit upang magkasya sa amin. May mga suki siya na pinapatawag sa akin tuwing may bagong bundle siyang bubuksan upang una silang makapamili, at ang matira ay binebenta sa palengke at idinadayo pa sa mga tiyangge ng ibang bayan. Gumigising siya at ang kuya kong hinataw niya ng tako, madaling araw pa lang upang umabot sa trak na naghahakot ng mga “volantero”, tawag sa mga dumadayo sa tiyangge ng ibang bayan. Hindi ko sila nakitang humigop man lang ng kape bago umalis, dala ang malalaking sako ng ukay-ukay. Sumasabay sa kanila ang tatay namin sa pag-alis ng bahay upang mag-abang sa palengke ng mga kalakal na kanyang mahahakot bilang kargador, na naging trabaho niya nang malugi ang negosyo namin.

Dahil sa laki ng pamilya namin, kahit anong sipag ng aming magulang ay hirap kaming makaangat sa buhay. Ang unang bumigay ay ang aming tatay na dahil siguro sa sama ng loob ay natutong uminom na nagpadali sa kanyang buhay, kaya namatay sa sakit na kanser sa atay.
Sa kabila ng lahat hindi pa rin sumuko ang aming nanay na tumira sa bukid upang makasama sa mga kamag-anak na nagsasaka, kaya napasabak naman siya sa pagtanim ng palay, mais, at pag-ani na rin ng mga ito. Nagbukas din siya ng maliit na tindahan na ang mga paninda ay pinapautang niya at ang bayad ay mais o palay, hindi pera. Ganoon ka-diskarte ang aming nanay. Tuwing Sabado naman ay binibisita ko siya at dahil kapos sa pamasahe, sinasabayan ko ang ang pagsikat ng araw kung lakarin ko ang ilang kilometrong layo mula sa aming bayan, hanggang sa bukid na tinitirhan niya. Lakad din ang ginagawa ko kung ako ay uuwi na sa bayan, madaling araw pa lang ng Lunes upang maghanda sa pagpasok sa eskwela.

Noon ko napansin ang madalas na pagtali ng nanay namin ng malaking panyo sa kanyang sikmura. Akala ko ay normal lang yon tuwing umaga. May iniinda na pala siyang sakit na nagpapahirap sa kanya dahil sa kirot na naging sanhi pa ng kanyang pagsusuka kung minsan. Dahil sa kakapusan ng pera, sa arbularyo siya dinadala ng mga kapatid ko kung atakehin siya ng sakit.

Isang hapong umuwi ako mula sa eskwela, sinalubong ako ng kalaro kong kapitbahay namin na nagsabing kailangan ko raw magmadali upang “umabot pa ako”. Hindi ko siya naintindihan, subalit pagdating ko sa amin, nagulat ako dahil maraming tao, yon pala, kararating lang ng kapatid ko kasama ang bangkay ng aming nanay na natuluyan habang ginagamot ng arbularyo. Nasa kalagitnaan ako ng first year high school noon, at wala pang isang taon ang nakalipas nang mamatay ang aming tatay. Namatay ang nanay namin sa sakit na kanser sa matris.

Bilang paggunita sa Buwan ng mga Ina, itong payak na pag-alala lamang ang kaya kong magawa dahil hindi ko naman kayang ibalik ang kanyang buhay upang maski papaano sana ay maipatikim ko sa kanya bilang ganti, ang ginhawang bunga ng kanyang pagsisikap katuwang ang aming tatay.

Sa isang banda, ang panawagan ko naman sa mga mambabasa na may mga magulang pa, kahit tatay o nanay man lang…mahalin ninyo sila….dahil sila ang bukod-tanging kayamanan sa ating buhay na walang katumbas…o di man, ay buhay lamang natin ang katumbas. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayo sa mundong ito….