Ruby…young hooker of Manila

Ruby
(Young Hooker of Manila)

By Apolinario B Villalobos

A star sapphire glitters in the dark
just when your first cry tore the silence apart
and two faces smile with no word said
but a heartfelt thanks to the God above.

Into this world comes forth
another flower for their eyes and bundle of joy
who there lies for every body to behold
and now your story’s being told.

You’ve trodden enough
roads of stones and thorns so rough
for a woman but you are strong in heart
and full of hope that even the searing sun
could not wilt your will
melt your strength as you go on still
just like the fire
I find in your name.

Ang Pagbubuhat ng sariling bangko ni Binay

ANG PAGBUBUHAT NG SARILING BANGKO NI BINAY
ni Apolinario Villalobos

IKINUMPARA NI VICE PRESIDENT BINAY, SHAMELESSLY ANG SARILI NIYA, SA KAMAMATAY LANG NA ISANG MAGITING, MALINIS, MARANGAL, SIMPLE, MASIPAG, AT MAPRINSIPYONG TAO… ANG DATING PRIME MINISTER NG SINGAPORE NA SI LEE KUAN YEW. BAKA SIGURO INIISIP NIYANG MARAMI ANG NAGAWA NIYA SA MAKATI. PERO, KAYA NGA SIYA INIIMBISTIGAHAN AY MAY “MALAKING” KAPALIT ANG KANYANG SERBISYO…..ANG SERBISYO NI LEE KUAN YEW AY WALA.

ANG NANANAHIMIK NA BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES (BSP) AY “PINAKIALAMAN” DIN NI BINAY KAYA TUMULUY-TULOY ANG PAG-IMBISTIGA SA KANYA.
ILANG ARAW PA LANG ANG NAKALIPAS, SA ISANG TALUMPATI NI BINAY, PAHAPYAW AT UNETHICAL NA TINULIGSA ANG ADMINISTRASYON NI PNOY NA MARAMI PA DAW DAPAT PATUNAYAN NA MAY GINAWA. PARA BANG IPINAPAHIWATIG NIYANG SIYA ANG MAY KARAPATANG MAGING PRESIDENTE NG PILIPINAS, AT ANG PATUNAY AY ANG MGA “GINAWA” NIYA SA MAKATI. SA UULITIN, KAYA NGA INIIMBISTIGA SILANG MAG-AMA AY DAHIL ANG MGA SINASABI NILANG TULONG DAW SA MAKATI AY “MALAKI” ANG KAPALIT.

ANG KINATATAKUTAN KO NA SANA HUWAG NA HUWAG MANGYARI AY IKUMPARA NAMAN NI BINAY ANG SARILI NIYA SA ITIM NA NAZARENO NG QUIAPO, YONG MAY PASAN NA KRUS. BAKA SABIHIN NIYA NA MARAMI DIN SIYANG PASAN-PASAN NA MGA PASAKIT – MGA IMBISTIGASYON SA KATIWALIAN.
BAKA HINDI PA SIYA TITIGIL DIYAN. AT IKUKUMPARA NIYA ANG SARILI SA ITIM PA RIN NA IMAHEN NI HESUS NA NAKAHIGA SA ISANG KRISTAL NA “KABAONG”. ITO ANG IMAHEN NG BANGKAY NI HESUS SA QUIAPO, AT ANG TAWAG NG MGA DEBOTO AY SANTO SEPULKRO….PERO KUNG SABIHIN NIYANG GUSTO NA NIYANG MAGPAHINGA AT HUMIGA, OKEY LANG!

“UNDERDOG” NGAYON SI GLORIA ARROYO DAHIL SA PALAGING PAGTULIGSA NI PNOY. ANG MGA PILIPINO BILIB SA MGA “UNDERDOG”. BAKA GUSTO RIN NI BINAY NA IKUMPARA ANG SARILI DITO…. ANGKOP NA ANGKOP DAHIL KUNG KATABI NIYA ANG MATATANGKAD NA TAO, KASAMA NA DIYAN ANG MGA SECURITY NIYA, SIYA AY UNDER THEIR SHADOW…AT YONG DOG NAMAN….WELL!

PWEDE RIN NIYANG IKUMPARA ANG SARILI NIYA KAY MARCOS NA MARAMING PINAGAWANG MONUMENTAL STRUCTURES NA NAGING LANDMARKS SA PILIPINAS DAHIL SIYA AY MAY PINAGAWA RING “MONUMENTAL” PARKING BUILDING SA MAKATI….O DI KAYA AY KAY RIZAL….AT IBA PA. DAPAT ANG RESEARCHER NIYA AT SPEECH WRITERS AY MAG-CHECK SA MGA HISTORY BOOKS NOW PA LANG PARA SA IBA PANG MGA PANGALAN, NAGMAMADALI RIN LANG SIYANG MANGAMPANYA. GOOD LUCK NA LANG SA KANYA!

Weird daw ako….awwww, c’mon….unique at kamangha-mangha siguro, pwede pa!

Weird daw ako….awww, c’mon!
…unique at kamangha-mangha siguro, pwede pa!
Ni Apolinario Villalobos

Nang minsang may sinamahan akong mga kaibigan upang kumain sa isang karinderya pero hindi ko nagustuhan ang mga naka-display na ulam, humingi na lang ako ng sardinas na nakita ko sa shelf. Humingi din ako ng maraming siling labuyo na sinabay ko sa pagsubo ng pagkain. Sabi ng isa naming kasama, weird daw ako. Noong isang beses naman na kumain ako sa karinderyang magsasara na, dahil wala nang ulam akong inabutan at pati ang kanin ay tutong na lang, inorder ko na lang din ang tutong at humingi ng catsup para pang-ulam. Tanong ng anak ng may-ari ng karinderya… “ano yan?”

Gusto ko sanang sabihin noon sa kaibigan ko na, “kung hindi mo kayang kumain ng sardinas at sili, ako kaya ko, kaya bumilib ka na lang”. Pati yong anak ng may-ari ng karinderya na ayaw maniwalang kinain ko ang tira nilang tutong na karaniwan na nila sigurong tinatapon ay gusto ko sanang barahin ng tanong na, “mayaman ba kayo?”, pero nagpigil na lang ako, dahil kapag pinagsalitaan ko sila baka talagang lalabas ang tunay na pagka-“weird” ko!

Paano na lang kung malaman nilang ang saging na hinog ay sinasawsaw ko sa toyo?…ang abukado ay winiwisikan ko ng suka at sinasabayan ko ng sibuyas kung kainin , sa halip na lamasin sa asukal, gatas, at lalagyan pa ng yelo?…at ang piniritong sunny side up na itlog ay winiwisikan ko ng patis o sukang maanghang?…at wala akong ganang kumain kung walang sili na talagang pinanggigigilan kung nguyain upang sumarap ang sinusubo kong pagkain?…ang kape ay nilalagyan ko ng kending maanghang na “snow bear”, pulbong sili, cinnamon, at luyang dilaw…o di naman kaya ay dinurog na nilagang kamote? Baka himatayin sila!

Sa isyu ng sandwich, ang ibang Pilipino, kung sa bahay ay ayaw kumain ng tinapay na pinapalamanan ng gulay. Pero, bakit sa Jollibee at MacDo, kumakain sila ng tinapay na may kamatis, sibuyas at letsugas? Siguradong ang reaksyon dito ng mga nagpipilit na class sila ay ang pagsabi na tinatabi nila ang mga gulay. Sino ngayon ang “weird”? Di ba yan ay isang weird na kaipokrituhan? Paano na kaya kung ang ipapalaman sa tinapay ay tortang talong o ginisang kamatis at sibuyas o ginataang kalabasa o beko?…o di kaya ay catsup lang? …sigurado, may sisigaw ng, “yuck!!!”

Sa isyu naman ng ispageti, ang alam lang na sarsa ng ibang Pilipino ay yong may karne. Para sa kanila kung hindi karne ang sauce, hindi ito ispageti. At kapag tomato sauce lang o sariwang kamatis at sibuyas o laman- dagat tulad ng hinimay na piniritong galunggong, sea shells o sea weeds, o di kaya ay hinaluan ng pinakbet, o ginisang sardinas, lalo na ng hinimay na piniritong tuyo, o di kaya ay giniling na talbos ng kamote at malunggay na isang uri ng pesto sauce, o di kaya ay winisikan ng ginisang bagoong isda….siguradong magiging weird na itong pagkaing Italyano para sa kanila! Ang noodles na ispageti ay parang kanin, kaya pwedeng sabayan ng kahit na anong ulam, pwede nga kahit brown sugar o molasses lang. Ang ibang Pilipino nga naman, nanggaya lang ng pagkaing banyaga na akala nila ay class…palpak pa!
Kung mimili sa ukay-ukay o department store, ang una kong pinupuntahan ay ang section ng mga naka-sale at kung wala akong magustuhan, saka ako pumupunta sa regular section. Weird daw ako dahil may pera naman na magagastos, bakit ko pipigilan ang sarili ko? Yong kaibigan kong unang nagsabi nito ay madalas umutang sa akin dahil wala sa ayos kung magbadyet. Binara ko siya ng simpleng payo lang naman na: “kung ako ikaw, titingnan ko muna ang kakayahan ko sa paggastos bago mamili, at hindi yong makapamili lang ay uutang dahil hindi kaya ng bulsa”. Sa awa ng Diyos, hindi pa rin nagbago…manhid yata!…yan ang “weird!

Minsan pa rin, may naisama akong kaibigan sa Baseco Compound (Tondo). Bago kami pumasok sa mga iskenita, winarningan ko siya na huwag niya akong tawagin sa tunay kong pangalan dahil iba ang ginagamit ko sa lugar na yon. Nandilat ang mga mata niya, sabay tanong ng bakit daw, may dugtong pang “ang weird mo…wanted ka ba?”. Nang ipaliwanag ko na pulitiko at artista lang ang nagbo-brodkast ng pangalan sa ibang tao for obvious reason, hindi niya ako naintindihan. Nang dinagdagan ko ng, “ hindi kailangang malaman ng tinulungan kung sino ang tumulong”, lalo siyang nahilo. Mula noon hindi ko na siya isinama, at baka lalong mahilo sa mga kutos ko dahil pasaway lang!

Maraming bagay na ginagawa ang iba, na hindi ginagawa o hindi kayang gawin ng iba. Subali’t hindi nangangahulugang sila ay “weird”, na tulad ng tawag sa akin ng kaibigan ko. Negative kasi ang dating ng salitang “weird”. Puwede pa sigurong sabihin na “naiiba, unique” o “nakakamangha” dahil ang dating ng mga salitang yan ay may kaakibat na pagkabilib.

Sa buhay naman ng tao, kung mahirap siya at may kakaibang gawi, tinatawag na “weird”, pero kung mayaman, ay sinasabing may sariling “statement”. Para bang, kapag mahirap ang isang taong hindi diretso ang tingin, tawag sa kanya ay duling o sulimpat, pero kung mayaman, ang tawag ay banlag at ini-Ingles pa na “slanting eyes”. Kung mahirap na tao ang may galis, ang tawag sa kanya ay galisin, pero kung mayaman, siya ay may “allergy” lang, kahit para nang mapa ang eczema at nagnanaknak na ang balat sa kapal ng galis. Sa isa pa ring sakit sa balat ng mahirap, ang nagsusugat at nagnanana na, kung tawagin ay bakukang, pero kung sa mayaman, ang tawag ay “skin eruption”!

Kung mahirap ang tao, ang tawag sa mabaho niyang hininga ay mabahong hininga talaga o bad breath, kung mayaman, ini-Ingles sa mahirap intindihin na “halitosis”, kaya sa mga hindi alam ang meaning, bago nila malaman, halos himatayin na sila kung nabugahan na ng toxic breath ng mayamang kaibigan. Ang tawag sa taong mahirap na may maitim na balat ay “ulekba” o “negro”, pero kung mayaman, ang tawag ay “sun tanned” o “golden brown”. Ang taong mahirap na maputla ang kulay ay tinatawag na kulay-patay o sakitin, pero kung mayaman, tinatawag na “kulay porselana” (porcelain). At, kung payat ang mahirap, tawag sa kanya ay “tisiko” o my TB, di kaya ay “bangkay”, pero kung mayaman, tawag sa kanya ay sexy o slim!

Sino ngayon ang “weird”…na ayaw magpakatotoo?

Ang Pagsi-share ng mga Ideya sa Iba…sa pamamagitan ng blogging

Ang Pagsi-share ng mga Ideya sa Iba
…sa pamamagitan ng blogging
Ni Apolinario Villalobos

Marami na ang nagtanong kung saan daw ako kumukuha ng mga ideya upang i-develop at mai-share sa iba sa pamamagitan ng blogging. Ang sagot ko ay marami akong pinagkukunan, tulad ng mga nabibitawang salita ng kausap ko, mga nakikita ko sa paligid – bagay man ito o pangyayari, mga napapanaginipan ko, mga nakaka-inspire na ginagawa ng ibang tao, Bibliya, at lalo na diksiyonaryo kung saan ay maraming salita na relevant para sa isang paksa.

Alam kong kaya rin ng iba ang ginagawa ko, pero sa sarili nilang style. Ang problema lang ay takot silang maglabas at baka sila ma-criticize, dahil baka daw mali ang English at Tagalog, ang paglagay ng kudlit, ng tuldok, etc. Hindi dapat ganoon ang attitude. Ganoon pa man, marami pa rin akong nadidiskubre na magaling, gamit ang kanilang style tulad ng isang taga-UP na follower ko sa isang site. Akala ko ay estudyante dahil boyish ang mukha, pero yon pala ay may Doctor’s degree! Akala ko pa ay nagri-review lang ng mga librong binibenta niya sa internet, yon pala ay book writer na kinapapalooban ng mga isinulat niyang blogs sa sarili niyang style – mga ilang linya na nakakatawa pero may malalim na mensahe between the lines….yon lang! Inipon niya upang maging libro.

Marami nang Pilipino ang hindi gumagamit ng “diretsong” Tagalog, maski nga sarili nilang salita sa probinsiya. Ang Tagalog ay may halo nang mga English na salita, inispel lang sa Tagalog. Ang Bisaya ay may mga Tagalog na ring salita, pati na ang ibang dialects. Ganoon na kayaman ang ating wika at mga regional dialects kaya ang Pambansang Wika ay tinawag na ring Filipino, subalit hindi pa rin maiwasang matawag sa dati na “Pilipino”.

Ang English ay ganoon na rin…marami na itong hybrid na mga salitang modern kung ituring, lalo na kung mga Pilipino ang gumamit. Halimbawa ay ang hindi na pag-conjugate sa ibang salitang verb. Tulad ng salitang “invite”….sa halip na sabihing, “thank you for the invitation”, ay sinasabi nang “thank you for the invite”. Kung dati, hindi pwedeng umpisahan ang sentence ng “and”, ngayon ay pwede na. Kung minsan sa halip na gumamit ako ng “at”, ang ginagamit ko ay tatlong tuldok na magkakasunod. Inuumpisahan ko rin kung minsan ang sentence ng tatlong tuldok upang palabasing dramatic at bitin ang sentence.

Pero, kung hindi talaga maiiwasan ang pagkakamali ng spelling, pwedeng idahilan na lang ang palyadong keyboard ng computer, lalo na kung nagsusulat sa Tagalog dahil pinipilit ng computer na ispelingin ang ibang salitang Tagalog sa English kaya dinudugtungan nito ng mga letra. Kaya kung minsan sa pagmamadali ko ay nakakaligtaan ko tuloy na balikan upang ayusin ang mga salitang dinugtungan ng computer ng iba pang letra upang mabasa sa paraang English!

Huwag ikahiya ang sariling style sa pagsulat. Yong isang kaibigan kong nasa Amerika, kung mag-blog, dire-diretso, kung baga sa driver ay pag-jingle lang ang pahinga. Pero marami ang nag-aapreciate dahil kung sa isang bulsa ay namimintog sa laman ang mga bina-blog niya. Maingat din siya sa mga ginagamit na salita dahil refined ang kanyang pagkatao. Kung minsan pa nga ay cellphone lang ang gamit niya sa pag-blog pero dahil sa tiyaga ay nairaraos niya ang kanyang passion na mag-share. Ayaw lang niyang ipabanggit ang pangalan niyang “Ding”, kaya nga ingat na ingat ako at baka magalit siya sa akin!….oooppppps!

Ang mga blogger ay nagtutulungan sa isa’t isa sa pamamagitan ng “sharing” o paglilipat ng blogs ng iba sa sarili nilang site. Kaya huwag isiping ito ay pangongopya o plagiarism. Ang paghanap ng makabuluhang blog upang maipamahagi ay binabatay sa isip o ideya ng nagsi-share. Dahil gusto ng nag-share ang nai-share niyang blog, para na rin niyang ideya ito – naunahan lang siya ng iba. Kaya nga may expression na, “…ah, oo nga ano!”. Para bang binuhay lang ng nai-share niyang blog ang “natutulog” na ideya sa utak niya. Ganoon lang…kaya sa mga nagsi-share, ituloy nyo lang!

Ang pagla-like ng blog ay tanda ng pakiki-ayon kaya lumalabas na ang nag-like ay siya na ring gumawa ng blog, lalo na ang nag-comment upang ma-enhance o ma-improve ang blog. Ibig sabihin may mga ideyang hindi nailabas ng blogger na nasa isip ng commentor…na lalong ikinaganda ng blog!

Kung hindi naman mahilig magsulat, pwede na ring i-share ang mga nilulutong pagkain upang maturuan ang viewers na walang alam gawin kundi kumain, at upang hindi alipustahin ng mga mister na naghahanap ng mga pagkaing lutong-bahay. Maganda ring i-share ang mga litrato ng masasayang yugto ng buhay – nakaraan man o kasalukuyan lalo na ng pamilya, upang ipaalam sa iba na mahalaga sa buhay natin ang magpakita ng pagkakuntento sa ibinigay sa atin ng Diyos.

Ang ibang bloggers ay nagsi-share ng mga kaalaman sa kalusugan, pagkain, mga bakasyunan, hotel, at marami pang iba tungkol sa buhay ng tao. Ano pa nga ba at dahil abot-kamay na natin ang isang instrumento upang makatulong sa kapwa, dapat ay huwag nang palampasin pa ito.

Ang Pagsusulat ay parang Pagluluto

Ang Pagsusulat ay parang Pagluluto
Ni Apolinario Villalobos

Walang pinag-iba ang pagsusulat kung ihambing sa pagluluto. Kung sa pagsusulat ay gumagamit ng naangkop na mga kataga upang gumanda ang isinusulat, ganoon din sa pagluluto na gumagamit ng mga angkop na sangkap upang sumarap ang pagkaing niluluto.

Ang ibang isinusulat ay may pinaglalaanang partikular na grupo ng magbabasa tulad ng mga matured na tao, kaya hindi pwede sa mga bata. Ang mga niluluto ay ganoon din, dahil may mga pagkaing hindi pwede sa may sakit na diabetes, o mataas ang cholesterol, at iba pa.

Kailangang bukal sa loob ng sumusulat ang ginagawa niya upang mabasa sa mga linya ang layunin niyang makapagdulot ng kasiyahan. Ang pagluto ay ganoon din, dahil kailangang malasahan sa bawa’t subo ang sarap na sanhi ng isang seryosong pagluto – hindi minadali.

Ang mga manunulat ay may istilong sinusunod na dapat ay tamang-tama lang ang dating – walang yabang kaya hindi nagpipilit na parang sobra na ang kaalaman, dahil kapag nasobrahan, hindi pa man tapos basahin ang unang paragraph, maasiwa na ang nagbabasa. Sa pagluluto naman, may mga spices na nagpapasarap sa niluluto, yong iba ay simpleng betsin lang, “magic sarap”, toyo, patis o asin…lahat sila pampasarap. Subali’t kung masobrahan ng ano man sa mga nabanggit, ang niluluto ay nagiging maalat o mapakla o sobrang maanghang. Kaya sa unang tikim pa lang ng pagkain, dapat masarap na sa panlasa.

Sa pagsusulat, titulo pa lang ay dapat may hatak na ang dating. Dapat sa pagbasa pa lang nito ay maging curious na ang magbabasa upang magpatuloy siya. Ganoon din sa pagkaing niluto na kung ilatag ay dapat may nakakaakit na “presentation”, na sa unang tingin pa lang ay magpapalaway na sa kakain. Dapat maging curious ang kakain kung masarap ang inihain dahil sa ganda ng presentation nito.

Sa mga nabanggit, isang bagay ang mahalaga – tama lang ang timpla. Ganyan din dapat ang buhay natin….dapat nababalanse ang lahat na nangyayari. Huwag maging “patay” o walang kabuhay-buhay sa mga ginagawa, o di kaya ay “OA” o trying hard na nagtataboy ng mga kaibigan.