Mga Rebelasyon sa Pre-fight Press Conference ni Pacquiao at Mayweather…at ang oportunidad ng mga okasyong may media

Mga Rebelasyon sa Pre-fight Press Conference
Ni Pacquiao at Mayweather
…at ang oportunidad ng mga okasyong may media
Ni Apolinario Villalobos

Impressive ang venue ng presscon nina Pacquiao at Mayweather para sa kanilang bakbakan. Marami rin ang mga rebelasyon. Si Pacquiao, ginawang magician ang Diyos nang sabihin niyang ginawa daw siya “from nothing into something”. Wala man lang nagbulong sa kanya na sana ay “from nobody into big somebody”. Lahat kasi ay natulala sa kabonggahan ng okasyon na animo ay pang- Grammy Awards…may red carpet pa! Si Mayweather ay talagang tuso, dahil hindi nagpatalo kay Pacquiao. Trying hard si Mayweather sa pagsalita na parang pastor, para bang gustong ipahiwatig na hindi man siya nagbabasa ng Bible o nagpi-preach tulad ni Pacquiao, pwede naman siyang umastang parang pastor at mas swabe pa ang epek kaysa kay Pacquiao dahil sa unbelievable na sobra niyang pagkamahinahon lalo na sa ginamit niyang mababang boses at mga piling salitang binitiwan.

Nagpasalamat si Pacquiao sa kanyang mga team na banyaga at Pilipino na umaalalay sa kanya. Hindi niya binanggit ang nanay niya, ganoong binigyan siya nito ng rosaryo kaya nananalo daw siya noon sa mga laban niya, pero hindi na niya ipinakita nang maging born-again Christian siya. Ang nanay naman niya bandang huli ay nagkasya na lamang sa pagbato ng mga incantations o dasal sa kanyang mga kalaban upang matalo niya. Malamang nakahanda na naman ang nanay niya para sa darating na laban nila Mayweather…baka mas matinding incantation ang inihanda niya…huwag lang sana niyang samahan ng pagsirko-sirko at pagsayaw. By the way, nanay niya ang nasa likod ng pagsuot niya milyong-halagang outfit sa presscon. Sabi ng nanay niya…”deserve mo yan, anak”. Ganyan dapat ang nanay!

Si Mayweather naman, abut-abot ang pasalamat sa kanyang tatay na naghirap upang maging batikan siyang boksingero. Hindi niya nabanggit ang Diyos. Dahil sa ginawa ni Mayweather, sana ay hindi masumbatan ni Mrs. Dionesia Pacquiao ang kanyang anak na hindi nagbanggit sa kanya. Sa kabuuhan, talagang parang maamong tupa si Mayweather kaya marami ang natuwa sa kanyang pagbabago. Hindi kaya nag-alala lang ito dahil ang mga Holywood celebrities ay kay Pacquiao nakapusta? Kaya kapag nagsalita siya ng laban kay Pacquiao, siguradong “maaayos” siya!

May mga okasyong talagang nakakapagpabago ng tao, kahit panandalian lamang. Sa isang okasyon nga ay may isang taong akala ng marami ay mahina lang ang loob kaya walang kibo kahit nilalait na sa media, subalit biglang naging mabalasik sa pagbato ng mga paninisi sa isa pang tao. Naging kampanti yata dahil ang mga umatend sa okasyon ay inakala niyang puro niya kakampi – mga piling bisita. Ang mga okasyong may media ay itinuturing din na magandang venue upang makapagyabang, kaya ginagamit ang mga ito nitong tao at kanyang mga tagapagsalita upang maipagyabang ang mga ginawa daw niya, na sa totoo lang ay puro kasinungalingan. Kilala na itong tao sa pabago-bago niyang mga sinasabi, at sa pagsandal sa mga kaibigan na akala niya ay matatalino at magagaling. Subalit parang pinagsisihan niya ang ginawa niyang pagbitaw sa isa dahil hindi na niya ito binabanggit kapag siya ay nanduduro ng paninisi sa isa pang tao!…ibig sabihin kasi ng “bff” ay “best friend FOREVER”!

4 thoughts on “Mga Rebelasyon sa Pre-fight Press Conference ni Pacquiao at Mayweather…at ang oportunidad ng mga okasyong may media

  1. Oh my gosh. Natawa naman ako dito sa post mo. Excited ako sa laban nilang 2. Hindi ko alam kung sinong mananalo pero sana si Pacquiao. Hmmmm.
    Nakakatawa ‘yong sinulat mo tungkol kay Mommy D. Pero kahit nakakatawa ‘yong first part ng post mo, medyo seryoso ‘yong final part, so kudos to you.

    Like

    • Sana nga si Pacquiao ang manalo at tanggapin ni Mayweather. Sa labang ito, walang mawawala kay Pacquiao, pero si Mayweather kung matatalo mawawala ang “perfect score” niya na puro panalo kaya malaki ang risk niya. Kaya I hope talaga na sakaling matalo si Mayweather, i-maintain niya ang pastor stance niya, para bumilib sa kanya ang mga boxing aficionados. I a from the south, malapit sa amin ang Gensan na part ng South Cotabato, kami naman part ng Sultan Kudarat, kaya turing namin sa mga Pacquiao hindi na rin iba. Actually, down to earth si Mommy Di…I do not blame her kung bakit ngayon siya bumabawi pagdating sa paggastos pero sa totoo lang, simply lang ang tastes niya. Noong latest bday niya, local na mananahi ang nagtahi ng dalawa niyang gown at very proud siya, binarat pa daw niya. Masuwerte si Manny sa pagkaroon ng nanay na tulad ni Mommy Di na nagpakatatag nang iwan siya ng tatay nina Manny at nakipag-live sa iba. Lahat ginawa niya upang mabuhay sila…nagtinda sa palengke, gamit bilao nilagyan ng mga kalakal, pati tinapay, at iba pa….mabuti na lang na-appreciate mo ang sinulat ko. Pang-break kasi sa depression na dulot naman ng ibang blogs ko lalo na yong tungkol sa Mamasapano at kay Pnoy at ibang korap sa Phil govt.

      As regards your blogs….BOW NA BOW AKO!…BILIB NA BILIB AKO!…MATINDI AT INSPIRING, YON NGA LANG…MAHIRAP GAYAHIN, KAYA HANGGANG INSPIRATION NA LANG ANG MAKUKUHA…NAIIBA ANG STYLE MO – MATINDI!…KEEP IT UP! AND THANKS…PROUD AKO TO HAVE GOT CONNECTED WITH YOU!

      Liked by 1 person

      • Oh wow. Malapit lang pala kao kina Pacquiao. Medyo inggit ako, ha. Big fan ni Pacquiao ang dad ko. Parang napanuod niya yata lahat ang mga shows, major fights, at documentaries tungkol sa kanya. Hindi ako masyadong familiar sa character ni Mommy D, pero may napanuod akong documentary na nagsasabi nga na down-to-earth siya. Ang problema nga lang, ‘pag nafe-feature siya sa mga common Filipino shows, ginagawa siyang comic relief, ine-exaggerate ‘yong mga mannerisms niya. I feel kind of sorry for her, pero ang maganda lang sa kanya, confident siya sa sarili niya. At least, that’s how I see it.

        This is the first time that I thought of their upcoming fight that way: na mas malaki ang mawawala kay Mayweather ‘pag natalo siya dito sa laban nila ni Pacquiao. That’s a good way to view the possible outcome of this fight. Pero kahit na anong mangyari, si Pacquiao pa rin ang gusto kong manalo.

        Anyway, thank you! Hahaha. Hindi mo kailangang i-compliment ang blog ko. It’s super different from your blog, but I’m flattered, so salamat! Nababasa ko ‘yong mga posts mo sa reader ko regularly, pero first time kong nag-comment sa’yo kasi very interested ako dito sa laban ni Pacquiao. Keep up the great work. Medyo nahihirapan akong intindihin ‘yong malalalim mong Filipino words minsan pero I’m glad to read posts like yours kasi at least hindi ko nakakalimutan mag-Tagalog lalo na ‘yong mga malalalim na words. Keep on blogging!

        Like

  2. Ang Gensan ay about 45 minutes lang from our place na Tacurong City, part of Sultan Kudarat, malapit din kena Mangudadato na yong wife ay isa sa mga na-ambush sa Ampatuan…ang celebrated Maguindanao massacre. Nasa crossroads ang place namin between Davao City, Cotabato City and Gensan. Malapit din kami sa Mamasapano at Ligwasan Marsh, kaya noong nabobombahan sa Ligwasan nararamdaman namin ang pagyanig ng lupa. Malapit din kami sa Mamasapano.

    Mabuti frank ka sa pagkoment tungkol sa malalalim na Tagalog words. Actually, ang mga gamit ko ay Bulakenyo, Batangenyo, at Cavite. Marami rin ang nagsabi tungkol sa mga words na gamit ko, kaya pinipilit ko nang gumamit ng conversational words…kaya ako biglang nag-explain why sa latest blog ko tungkol sa Pilipino na nagiging hybrid na. Doon sinabi ko na gagamit na ako ng mga English words na kinonbert sa Pilipino.

    Thanks sa encouragement mo…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s