Ang LRT at MRT

Ang LRT at MRT
Ni Apolinario Villalobos

Ang LRT ay ginawa noong panahon ni Marcos. Hanggang ngayon, ilang dekada na ang nakalipas ay wala halos narinig na aberyang nangyari sa pagpapatakbo nito. Ang MRT ay ginawa noong panahon ni Gloria Arroyo. Iilang taon pa lang ang nakalipas, nakakapanindig-balahibong mga aberya na ang sunud-sunod na nangyari at nangyayari na ang iba ay magkasunod sa iisang araw. Ang sabi ng marami, noong panahon ni Marcos, takot ang mga opisyal na gumawa ng katarantaduhan kaya magaganda at de-kalidad ang mga proyekto. Isa lang daw kasi ang korap. Subalit pagkapatalsik kay Marcos, nawala na ang takot ng mga opisyal kaya nagkanya-kanya na ng pangungurakot na ang direktang naapektuhan ay ang kalidad ng mga proyekto – isa na diyan ang MRT.

Nitong huling mga araw, naglabasan ang mga kuwento tungkol sa mga imported na materyales pangkonstruksiyon na mahina ang klase. Nariyan ang yero na animo ay cardboard sa kalambutan at bakal na kahit sa tagal ng pagkakatambak ay “lumiliyad” sa kalambutan. Isa sa mga “sakit” ngayon ng MRT ay ang pagkakaroon ng lamat ng mga riles na bakal, kaya kamakailan lamang ay kailangang paigsiin ang oras sa pagpapatakbo nito upang magkaroon ng panahon sa pagkumpuni ng riles tulad ng pagputol ng bahagi na may lamat upang mapalitan ng bago. Ang nakakabahala dito ay hindi na buo ang riles kaya mas lalong malaki ang posibilidad na ito ay maghiwalay sa dugtungan at mangyari ang pagkadiskarel ng mga bagon! Paano na kung sa pagkadiskarel ng mga bagon ay nahulog pa ang mga ito?

Ang tanong ngayon ay kung bakit hindi iginaya ang sistema ng MRT sa maayos na sistema ng tumatakbo nang LRT, lalo na sa klase ng materyales at disenyo upang “nagkakahiraman” ang mga ito ng mga kailangang piyesa, at upang ang pagmintina ay hindi mahirap. Hindi dapat idahilan ang bidding na dapat ay mababa dahil ang nakasalalay ay ang pangmatagalang paggamit at buhay ng mga mananakay.

Kamakailan pa rin ay nagkaroon ng isyu tungkol sa pangungurakot daw ni Vitangcol na dating namuno ng MRT, kaya tuloy nahantad na ang dahilan ng paghihingalo ngayon ng mass transport system na ito ay ang walang takot na pangungurakot!

Sa ngayon pinapatakbo ang MRT kahit may agam-agam pa rin upang kahit papaano ay maibsan ang problema sa pagbiyahe ng mga taga-Manila. Subali’t hanggang kaylan sila pahihirapan ng pag-alala na anumang sandali ay may sakunang mangyayari sa kanila….na sana ay huwag naman?

(LRT – light rail transit; MRT – metro rail transit)

6 thoughts on “Ang LRT at MRT

  1. substandard marahil ang materyales. why using substandards then? it comes back to bigger issue which is “baka may nakinabang” i dont believe na sa panahon ngayon na mas advance ang pag aaral ukol sa material composition at saka mas mataas ang antas ng quality contol ng ibang materyales ay basta basta na lang masisira ang isang structure. That’s against technological advancement and engineering.

    Liked by 2 people

    • talagang sub-standard ang materials…masyadong obvious…sa ngayon kasi, ang hinahabol ng mga corrupt sa gobyerno ay makatipid at ang matipid ay maibulsa nila, liban sa malaki nang patong!

      Like

  2. dapat tugunan agad ng pamahalaan ang isyung ito.nakakatakot isipin na huwag naman sana, may mangyaring mass casualty incident. kailangan talaga ang total overhauling ng rail transit system natin at bumuo ang pamahalaan ng kauukulang hakbang upang mapabuti pa lalo ang mass transit system sa bansa.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s