Naunsiyaming “Pamana” sana…sumabog na parang bomba sa mukha!

Naunsiyaming “Pamana” sana
…sumabog na parang bomba sa mukha!
Ni Apolinario Villalobos

Abut-abot ang gabậ ng presidente. Sa mata ng mga Pilipino ay wala siyang ginawang tama mula pa noong unang araw na pag-upo niya….puro wakal siya….puro dada ng mga talumpating puno ng mga salitang mabalarila. At, dahil pababa na siya sa puwesto, animo ay nag-aapurang magkaroon ng ipapamana niya sa sambayanan. Ang inakala niyang pag-asa na magpapabango ng pangalan niya pati sa mga kaibigan niyang Amerikano ay ang pagkahuli sana ng mga teroristang internasyonal na nagtuturo pa ng paggawa ng bomba na ang ginawang balwarte ay Pilipinas – sa Mindanao. Dahil sa Mamasapano massacre, siya ito ngayon ang parang nasabugan ng bomba sa mukha kaya hanggang ngayon ay walang masabi, tulala pa rin – animo ay asong bahag ang buntot na nakasiksik sa sulok. Kahit hindi pa kasi tapos ang imbestigasyon, malalakas ang mga insidenteng nagtuturo sa kanya bilang promotor ng lahat.

Hindi makakalimutan ng mga Pilipino ang hindi niya pagsalubong sa mga bangkay ng mga bayaning SAF44 na ang ipinalit niya dahil sa pananaw niya ay higit na mahalaga ay ang pagdalo sa pasinaya ng isang pagawaan ng sasakyan. Hindi rin makakalimutan ang pagdating niya ng late sa necrological service para sa mga namatay. Talagang para sa kanya ang mga namatay sa Mamasapano ay walang halaga!

Tulad ni Gloria Arroyo, gumagamit din siya ng mga heneral upang maging panakip-butas…upang hindi umalingasaw ang baho ng bulilyasong nangyari. Ang aga niyang pumuwesto sa Zamboanga, malapit sa pinangyarihan ng massacre sa pag-aakalang “in the bag” na ang mga target na terorista. Sana, sana, sana…kung walang bulilyaso, ilang minuto lang ay puwede siyang lumipad sa Gensan, subalit ang nangyari, daliri ni Marwan ang dinala doon upang i-turn over sa FBI!

Habang kampante sa eroplanong sinakyan pabalik sa Maynila, sa Mamasapano ay naiwan ang mga bangkay ng mga SAF commandos at mga sibilyan na nadamay. Namatay nga ang isa sa mga target na terorista, si Marwan, nakatakas naman si Usman, at ang kapalit ng lahat ay buhay ng 44 na SAF commandos, pagkasugat ng marami pa nilang kasamahan, kamatayan din ng mga sibilyan sa Mamasapano na nadamay sa bakbakan, at pagkasira ng mga pananim na pangkabuhayan ng mga kawawang magsasaka na ngayon ay nakanganga sa nakaambang gutom.

Sa pinakahuling balita, ang pinangakong tulong ng gobyerno sa mga namatayang pamilya ng mga bayaning SAF44 commandos ay hindi pa dumadating. Sinabi ng isang kapamilya ng namatay na ang tanging natatanggap nilang tulong ay galing sa mga naawang nakiramay na mga tao.

Sa pagbaba ni Noynoy Aquino, hindi lang niya babaunin ang mga pagbatikos ng taong bayan, kundi pati na rin ang didikit na parang pagkit sa pagkatao niyang pantukoy na siya ang sumira sa pangalan ng kanilang angkan….at habang buhay na maitatala ang mga ito sa kasaysayan ng Pilipinas!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s