May Kaunting Tapang at Kulang sa Anghang ang Talumpati ni Pnoy sa Pagtanggap ng Resignation ni Purisima

May Kaunting Tapang at Kulang sa Anghang
Ang Talumpati ni Pnoy sa Pagtanggap
ng Resignation ni Purisima
ni Apolinario Villalobos

Malinaw na nangibabaw ang personal na utang na loob ni Pnoy kay Purisima kaya mabigat sa kanyang kalooban ang pangtanggap ng resignation nito bilang hepe ng PNP. Sa pag-amin na ito, inihantad ni Pnoy ang kahinaan niya bilang isang lider. Dapat isinaalang-alang niya ang mga responsibilidad niya bilang pangulo bilang una sa lahat ng mga bagay lalo na sa mga personal at utang na loob. Hindi magandang dahilan na kaibigan niya si Purisima kaya ayaw sana niyang bitiwan, dahil pagpapakita ito ng kawalan ng propesyonalismo, lalo pa at siya ang tinuturing na “ama ng bayan”, kaya inaasahang walang kinikilingan.

Binitin na naman niya ang taong bayan dahil hindi niya binanggit kung sino ang papalit kay Purisima. Matagal na niyang alam ang saloobin ng taong bayan laban kay Purisima kaya dapat noon pa man ay nag-iisip na siya o may listahan na siya ng mga pangalan ng taong papalit kung umabot sa puntong tatanggalin na niya ito sa puwesto….na hindi nangyari. Kritikal ang pagkakaroon ng talagang opisyal na papalit kay Purisima, hindi lang bilang pansamantala dahil ang puwesto ay may kaakibat na mabibigat na responsibilidad. Sa pagpapatupad ng mga responsibilidad, malaking bagay at makakapagbigay ng inspirasyon ang permanenteng pagkatalaga sa taong uupo sa puwesto.

Sana noon pa man ay binitiwan na lang ni Pnoy si Purisima bilang opisyal na hepe ng PNP, at ginawa niya itong security consultant kung talagang malaki ang tiwala niya dito bilang kaibigan. Kung nagawa niya yon, sana ngayon ay hindi siya sisinghap-singhap sa lampas ulong pagbatikos ng taong bayan.

2 thoughts on “May Kaunting Tapang at Kulang sa Anghang ang Talumpati ni Pnoy sa Pagtanggap ng Resignation ni Purisima

  1. Tama ka. Bilang isang lider ng bansa at “ama ng bayan,” nangingibabaw dapat ang propesyonalismo sa pagtatalaga ng opisyales ng mga kagawaran, lalung-lalo na sa isang ahensyang nangangalaga ng katahimikan at kaayusan ng bansa. Higit pa, bilang pangulo ng bansa, hindi na dapat nangingibabawa lalo na sa isang pagharap sa bansa sa isang talumpati ang sintomas ng Kaibigan, Kaklase at Kabarilan…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s