Tsaa

Tsaa

Ni: LOUIE JOHN M. SALDA

Habang akoy umiinon ng mainit na tsaa,
Akoy napaupo sa aming bakanteng sala.
Halimuyak ng mga magagandang bulaklak sa labas,
Dalay kasiyahang walang katumbas.

Sa aking pag-inom,
Ako’y may kakaibang napansin.
Ako’y may hinahanap na panlasang kaibig-ibig,
Sa kakaisip ko ay aking napagtanto,
Kulang ito sa kalamansing nasa harap ko.

Ang bawat patak ng kalamansi dala ay ligaya,
Sa bawat higop dala ay habag.
Oh anong tuwa ko habang ikay iniinom,
Dahil napawi ang pighati ng damdaming sawi.

Ako ang tsaa at ikaw ang kalamansi,
Kung ika’y wala ay walang kasing-pait.
Buhay ko’y sadyang nagpupumilit,
Na ikaw ang hanap kahit gaano kasakit.

Bakit ngaba ika’y inibig,
Na ako lamang ang may alam sa aking pag-ibig.
Tila sadyang mapagbiro itong si tadhana,
Dahil puso’t isip ikaw ay laging hanap hanap.

Alam kong ikaw ay may mahal at ibang gusto,
Bakit di mo na lng ako prangkahin ng diretso.
Wag ka ng mag-aksaya ng paanhon na hanapin ako,
Dahil alam kong di ako ang tasa ng tsaa mo.

Tanggap ko na siya ang iibigin mo,
Sana siya ay mamahalin at iingatan mo.
Di bale na lng akoy paiyakin mo,
Huwag lang tumulo ang luha nya ng dahil sayo.

Dito ko na lang idadaan sa aking tula,
Mga salitang di ko maibigkas.
Tawagin mang akong BITTER ng iba,
Ako ay di na aasa para huwag matawag na HOPIA.

2 thoughts on “Tsaa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s