The Overzealous Devotion to the Black Nazarene

The Overzealous Devotion to the Black Nazarene

By Apolinario Villalobos

Every year, I partially witness the transfer of the image of the Black Nazarene from Luneta to Quiapo Church. Partial because I just stay along Taft Avenue and follow until the procession reaches the Jones Bridge, then I go the other way towards the direction of Quiapo Church where a multitude of devotees are waiting.

As during the previous years, the Quiapo church authorities try their best to rectify the belief of the devotees that the January 9 is the fiesta of Quiapo which is wrong. The fiesta of Quiapo is June 24, as the district’s patron saint is St. John the Baptist. January 9 is the commemoration of the transfer of the image of the Black Nazarene from Intramuros to Quiapo, and not a fiesta.

Observable as usual, is the overzealous praying to the image which the church authorities are trying to discourage by explaining that it is not Jesus, but just his representation, hence, an image, so that such act is idolatrous. Devotees are also advised not to bring their children to the occasion. Also, those living along the route of the procession should refrain from holding drinking sprees on the street, thinking that the occasion is a “fiesta”. And worse, they also hold piῆata games using earthen pots, resulting to the scattering of potsherds all over the streets which are along the route of the procession of barefooted devotees. Unfortunately, all those calls are unheeded.

The kissing ritual and wiping of the image with hand towels on which is printed the face of the Black Nazarene are also among the overzealous acts of the devotees. The kissing ritual is held at the Luneta Grandstand and the wiping of the image is done along the route of the procession during which many wonder how the towels can be thrown back to their owners afterwards by members of the Hijos de Nazareno who are protecting the image which is firmly perched on the “andas”.

This year, a “miracle” can eventually bolster the faith of the devotees to the Black Nazarene. A long- distressed mother is reunited with his mentally-handicapped son, after so many years of separation. It is as if her son is pushed to her side during the melee that ensued. The mother almost failed to recognize her son whose features are slightly changed. But her maternal instinct told her that it is her son. Radio field reporters eagerly picked up the story with eagerness, and which overshadowed the death of a member of the “Hijos” due to a stroke that resulted from over exhaustion.

The Black Nazarene is among the most popular images with millions of devotees in the Philippines, most of whom are concentrated in Manila and its suburbs. What distract the high-strung devotion are those who act as if possessed if they notice cameras focused to them, as well as, the Jesus personifiers, complete with crown of “thorns”, and who meld themselves in the sea of ardent devotees.

Before I left the procession, I asked one “devotee” whose breath strongly smells of liquor, the reason for his devotion. To my question, he answered that he is asking the Black Nazarene to give him a chance in winning the lottery, even just for once….

Dusa ang Hindi Pagsagot Agad sa Tawag ni Inang Kalikasan

Dusa ang Hindi Pagsagot Agad

Sa Tawag ni Inang Kalikasan

Ni Apolinario Villalobos

Talagang dusa ang aabutin ng isang tao kapag pinigilan niya nang matagal ang pagdumi at pag-ihi. Hindi lang ga-munggong pawis ang biglang lalabas sa katawan, kundi pati mga santong hindi niya natatawag ay kanyang maalalang tawagin. Mapapagkamalan pa siyang namatanda dahil bigla siyang maninigas sa pagpigil…ni hindi makaubo kahit bahagya. Pati mukha ay mawawalan ng ekspresyon at ang mga mata ay halos lumuwa, sa pagpigil pa rin. Mawawala din para sa kanya ang halaga ng pera dahil ibibigay niyang lahat na laman ng pitaka sa makapagtuturo ng pinakamalapit na kubeta! Alam ko…dahil lahat nang yan ay nadanasan ko. Kaya baka pwedeng tumigil na ang nagbabatikos sa MMDA sa plano nitong pagpagamit ng diapers sa kanilang traffic constables.

Noong minsang ako ay pupunta sa Taytay, Rizal, madaling araw pa lang ay umalis na ako sa bahay dahil malayo ang tinitirhan ko at upang makaiwas na rin sa trapik. Pagdating ko sa Crossing, Mandaluyong ay nakaramdam ako ng hilab ng tiyan. Dahil maaga pa, wala pang bukas food outlet na may maayos na CR tulad ng Jollibee. May nadaanan akong pamilyang nakatira sa bangketa, may maliit na kubol, mabuti at gising na ang mag-asawa. Nang sabihan ko sila ng problema ko, ibinuluntaryo agad ang arenola nila na hind pa naman daw nangalahati ng ihi. Ginising nila ang anak nila upang lumabas sa kubol at upang sa loob nito ako gumawa ng ritwal. Nang makaraos ako, binigyan ko sila ng pera at ipinamalengke pa sa nadaanan kong talipapa. Nakakabilib ang pagka-Kristiyano nila!

Minsan naman sa isang mall, inabot din ako dahil sirain talaga ang tiyan ko, maselan sa pagkain. Mabuti na lang maagap ang CR attendant sa pagbigay ng mga kailangan ko tulad ng tissue paper at tubig. Ang masaklap lang, kung kelan dumami ang pumasok sa CR, saka naman nagsimulang mag- “may I go out” ang mga pinigilan ko…at installment na nga ay may mga sound effect pa, kaya panay pagsabi ko ng “sorry”, kada may batch na lalabas. Nang lumabas ako sa cubicle, nagkaroon ako ng maraming kaibigan! Gusto daw nilang makita kung sino ang magalang na delivery man!

Noong umiinom pa ako ng alak, nagpilit akong umuwi kahit halos hindi na ako makagulapay sa kalasingan. Habang nag-aabang ng taxi, palakad-lakad ako sa paghanap ng maiihian. May nakita akong parang pader sa isang maliit na eskinitang madilim, kaya pumuwesto ako. Kung kaylan nagsisimula na ako ng ritwal ay saka nagbukas ang iniihian kong “pader”…gate palang bakal na ang pintura ay kakulay ng pader. Babae ang lumabas…sabay kaming tumakbo, siya pabalik sa loob, ako palayo!

Noong umiinom pa rin ako ng alak, nakatulog ako sa bahay ng kumpare ko dahil sa sobrang kalasingan. Sa isang kuwarto ako pinatulog. Nang madaling araw na, gumising ako upang umihi. Sa pagkapa ko sa dilim, may nabuksang pinto, at dahil akala ko CR, umihi na ako kahit halos pikit pa rin ang mga mata. Nang mag-umaga na, nalaman ko na ang inihian ko pala ay cabinet!

Nang minsan namang sumakay ako sa bus na galing sa Antipolo papuntang Divisoria, nagtaka ako kung bakit ang mga pasahero ay sa harapan banda nakaupo maliban sa nag-iisang babae na nasa pinakalikurang upuan. Ang bus ay dumaan sa isang gasolinahan kung saan bumaba ang mga pasahero, at huling bumaba ang babae na inabot pala ng pagdumi sa pantalon. Dumaan siya sa harap ko na taas noo pa rin, at pagbaba ay dumiretso sa CR ng gasolinahan. Naisip siguro niya na wala siyang pakialam sa ibang tao, hindi naman siya kilala, at ang importante ay nakaraos siya….pero napansin kong maganda siya.

Dahil sa trabaho ko noong panay biyahe sa mga probinsiya, may napuntahan akong maliit na bayan ngunit may nag-iisang maliit na pension house naman. Ang problema lang ay ang kubeta na barado. Mabuti na lang at ang pension house ay halos nasa tabing dagat. Tuwing tawagin ako ni Inang Kalikasan, nagbibihis agad ako ng panligo upang kunwari ay mag-swimming kahit halos hatinggabi na. Ganoon din sa madaling araw kahit sagad hanggang buto ang ginaw. Dahil sa ginagawa ko, bilib sa akin ang staff ng pension house…mahilig daw akong mag-swimming, nature love daw ako!…kung alam lang nila….

Batay sa mga nadanasan ko, mahalagang magdala ng tissue paper, alcohol, ilang plastic bag, lalo na pang-LBM na gamot tulad ng diatabs o lomotil. Kung walang mapaglagyang bag, irolyo ang tissue paper at ilagay sa bulsa kasama ang maliliit na plastic bag, ang alcohol na dadalhin ay yong pinakamaliit na bote para kasya sa bulsa. Ang mga gamot naman ay kasya na sa coin purse. Sa pupuntahang lugar na pampubliko, alamin agad kung saan ang kubeta, kung ito ba ay malinis at hindi barado. Kung titigil naman sa hotel, i-check kung barado o hindi ang kubeta. Sa may planong magbiyahe, agahan ang paggising upang magkaroon ng sapat na panahong sumagot sa tawag ni Inang Kalikasan sa loob ng animo ay sagradong maliit na kuwartong may upuan na ginhawa ang dulot pagkatapos gumawa ng ritwal. Halimbawa, kung ang alis sa bahay ay alas-singko ng umaga, dapat ang gising ay alas-tres man lang, para magsawa sa kaka-cleansing bago lumabas ng bahay.

Kailangan ang sakripisyo para makaiwas sa “pagkabigla” kung nasa labas na ng bahay…huwag matigas ang ulo!

Iba si Cathy…hindi mukhang pera

Iba si Cathy…hindi mukhang pera

Ni Apolinario Villalobos

Si Cathy ay taga- Estancia, isang bayan sa Iloilo na bukod sa kinilala dahil sa mga espesyal na daing, tuyo, at ginamos ay naging tanyag din dahil sa Sicogon Island. Siya mismo ay natutong magdaing ng mga isda at gumawa ng ginamos sa murang edad. Subalit sa kanyang mapusok na ambisyong hanapin ang kanyang kapalaran ay nangahas na lumuwas sa Maynila. Nakapasok sa mga trabaho subalit dahil hindi nakatapos ng pag-aaral, ay hanggang sa pagiging kasambahay lamang.

Nakapag-asawa sa murang gulang at nagkaroon ng apat na anak, subalit maliliit pa lamang ang mga ito, ang kanyang asawa ay nagkaroon ng kanser. Dahil nerbiyosa, hindi ipinaalam sa kanya. Nagsabwatan ang kanyang mga biyenan at asawa sa pagtago ng lihim. Nang umabot na sa stage 4 ang kanser ng asawa ay nalaman na rin niya. Ipinaglaban niya ang kanyang karapatan bilang asawa upang maiuwi ito sa Estancia, ang probinsiya niya. Dahil sa kalagayan ay naging bugnutin ang kanyang asawa at di-hamak na mga panglalait ang inabot ni Cathy, na kanyang pinalampas. Naunawaan niya ang kalagayan ng kanyang asawa hanggang sa ito ay namaalam.

Dala ang mga anak, bumalik siya sa Maynila upang magtrabaho. Pinalad naman siyang makapasok sa mga trabaho subalit hindi mga regular o permanente. Upang madagdagan ang kita, ay tumanggap siya ng mga labada. Nakapagtrabaho siya sa isang pagawaan ng handicraft at tumira na rin silang mag-anak sa compound nito. Sa kasamaang palad ay nagsara ang pagawaan dahil sa hina ng benta, kaya balik si Cathy sa pagtanggap ng mga labada. Dito niya nakilala ang kaibigan kong nakatira rin sa compound.

Naging magkaibigan si Cathy at ang kaibigan ko na ang kasama ay isang apo. Napansin ni Cathy ang mabilis na pagkahulog ng katawan ng kaibigan ko hanggang pati ang paglalaba ay hindi na rin nito nakayanan. Kinuha siya ng kaibigan ko para sa kanyang serbisyo bilang stay-out na kasambahay upang maglaba, maglinis at magluto sa suweldong Php1,500 isang buwan. Ganoon kababa ang suweldong nakayanang ibigay ng kaibigan ko dahil maliit lamang ang kanyang pension.

Nang tumuluy-tuloy ang pagpapaospital ng kaibigan ko dahil sa mga kumplikasyon, pinilit ni Cathy na payagan siya ng kaibigan ko na bantayan na rin siya kaya halos hindi na rin siya iniwan. Umuuwi na lang si Cathy upang ipagluto ang kanyang pamilya, at bumabalik agad sa kaibigan ko. Hindi siya nagpahiwatig para sa dagdag-suweldo, subalit dinagdagan na rin upang maging Php3,000 kada buwan. Hindi lang siya kasambahay ngayon…caregiver pa na ang trabaho ay 24/7, at kasama sa ginagawa niya ay ang pagpalit ng diaper ng kaibigan ko, subalit hindi siya nagrereklamo.

Nag-confide sa akin si Cathy na ngayon siya bumabawi ng pag-alaga sa kaibigan ko dahil halos hindi siya nabigyan ng pagkakataon noong nagkasakit ang kanyang asawa. Mahigit lang ng ilang taon sa kwarenta ang gulang ni Cathy at ang kanyang pangalawang asawa ay doble kayod din sa pagiging Barangay tanod sa gabi at nagdadrayb ng “padyak”, tricycle na de-sikad. Ang kanilang anak ay tatlong taon. Mabait ang bata na paminsan-minsan ay sumisilip sa kanyang nanay habang nag-aalaga sa aking kaibigan. Natutong maglaro ang bata na mag-isa, at sa murang edad ay naunawaan na ang ginagawa ng kanyang nanay. Hindi rin ito umiiyak upang makakuha ng atensiyon ng kanyang nanay.

Sa panahon ngayon, mahirap makakita ng isang taong tulad ni Cathy…iba siya – hindi mukhang pera!