Before we give instructions…first, we must be good followers

Before we can give instructions

…first, we must be good followers

By Apolinario Villalobos

We must first do the things that we want done to show that they are possible, before we can expect others to do the same. This is about the possibility of results that we expect. In short…do first to prove, then, give instructions or demand for similar results. For all those things, we should be patient.

This expectation, however, is situational. If we are the employer, we have all the right to be followed as our subordinate has no choice. To have some kind of good results based on our expectations, it is necessary to show our subordinates what should be done. On the other hand, in a situation where the parties are on equal footing, instructions should be given with subtleness or lightness, hence, co-equals are given the choice to follow or not.

Respect to the one who gives instruction is necessary. Without such in any situation, expect the futility of the effort, regardless of the good motive. If the leader, for instance is seen as indifferent or weak, expect the subordinates to ignore him as he turns his back, even leer at him. His voice becomes a cry in the wilderness. Others will then perceive the leader as inept or inefficient.

If the leader has not proven anything yet, he has no right to give instructions or expect results out of them. Along this line, the incompetent political leader who is already in place, vigorously peddles influence and buys support from the different levels of the government using people’s money, to ensure that he will have a clout. His act gives a wrong signal to his subordinates and peers who then think that they can do the same. Those “bought”, meanwhile, smile their way to the bank. The selfish motive of the leader has practically bred corruption!

Finally, corruption results from the ineptness of people who do not want to sweat out the good results of their effort. They let themselves be used by others or lick their ass, to gain influence and wealth.

Ang Kawalan ng Puso at Isip ng Mga Namumuno sa Gobyerno ng Pilipinas

Ang Kawalan ng Puso at Isip ng
Mga Namumuno sa Gobyerno ng Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Mula nang mailuklok sa pamunuan si Cory Aquino na akala ng mga Pilipino ay magbibigay ng ginhawa pagkatapos na mapatalsik si Marcos, hanggang sa kasalukuyan ay wala ni isang kapiranggot nito na naramdaman o nadaranasan. Maliban sa kalituhan ng mga nagmamarunong na mga lider, nalambungan din ang bansa ng matinding korapsyon na animo ay kanser na tumatagos hanggang buto. Umabot sa sukdulan ang dusang dinanas ng mga Pilipino nang magsimulang mag-privatize ng mga kagawaran na ang layunin ay pangasiwaan ang mga pangunahing pangangailangan ng bansa tulad ng kuryente, langis at tubig, kaya lalong nahirapan ang mga Pilipino.

Nang ibenta ang lupaing nakatalaga para sa militar upang gawing commercial center, ang ipinaalam sa taong bayan ay gagamitin ang perang malilikom sa pag-modernize ng mga gamit ng lahat ng sangay ng military, subalit inabot ng kung ilang taon na, walang nangyari sa pangako.

Nang ibenta ang kumpanya ng langis (Petron) at sinabayan pa ng pag-deregularize ng bentahan ng langis, ang inaasahang pagsigla ng kalakalan dahil sa kumpetensiya ay hindi nangyari. Nagkaroon pa ng kutsabahan ang mga kumpanya ng langis.

Mabuti na lamang at napigilan ang pagbenta ng mga ospital pampubliko. Tulad ng dati, ang ginawang dahilan sa naunsyaming bentahan ay upang ma-modernize daw ang mga kagamitan ng mga ospital at nang sa ganoon ay maaari na silang makipagsabayan sa mga modernong ospital ng mga mauunlad na bansa. Isang katwirang baluktot! Paanong mangyari ang ganito, ay hi hindi nga makapagtalaga ng mga regular na health workers sa mga barangay health centers?!!! Ang sinasabi palagi ay walang budget. Subalit kung para sa kurakutan, ay mayroon!

At, ngayon naman ay pinipilit ng gobyerno, sa pamamagitan ni Abaya na itaas ang pamasahe sa LRT at MRT, at halatang-halata ang ginamit na paraang mapanlinlang. Hindi naman bulag ang mga sumusubaybay sa nakikitang hudyat para sa isa na namang nakaambang bentahan. Dahil sa bulok na sistema ng operasyon ng LRT at MRT, walang bibili nito, maliban na lang kung itataas muna ang mga pamasahe na magsisilbing garantiya sa kikitain ng bibili…ganoon lang naman, kaya pursigido ang DOTC na itaas agad ang mga pamasahe.

Hindi dahilan ang noon pa sanang pagtaas ng pamasahe dahil nabisto mga kwestiyonableng transaksyon ng mga namumuno dito, lalo na sa aspeto ng pagmimintina. Bakit hinayaang mamayagpag ang problema na matagal na palang nangyari? Kaya siguro hindi nagtaas ng mga pamasahe noon pa man, ay upang mapagtakpan ang mga kabulastugang nangyayari. Kung hindi pa pumutok ang isyu sa pagmamalabis ni Vitangcol, ay hindi inilantad ang korapsyon sa sistema. At, ngayon ay sinisisi ang mga mananakay ng MRT at LRT na hindi daw umuunawa sa kaawa-awang kalagayan ng mga ito!…ganoon lang? Pagkatapos makurakutan, ay ibabato sa mga tao ang sisi?

Kung walang balak ang gobyerno na ibenta ang LRT at MRT, bakit kailangang magtataas pa ng mga pamasahe ganoong sa mga naaprubahang mga badyet ay nakapaloob ang malaking subsidiya para sa mga ito? Saan gagamitin ang perang kikitain sa pagtaas ng mga pamasahe?…o di kaya ay, saan gagamitin ang inaprubahang subsidiya?

Dahil sa mga nangyayari, malinaw ang pagkamanhid ng mga nakaupo sa gobyerno sa hirap na nararamdaman ng mga Pilipino…wala silang puso…at hindi na yata nag-iisip ng kung anong maganda para sa taong bayan!