Faces of Exploitation

Faces of Exploitation

By Apolinario Villalobos

Exploitation can be viewed as the twin of greed. In the biblical legend about the garden of paradise where God put Adam and Eve with the latter created out of the former’s rib, the serpent exploited the curiosity of Eve, and the latter exploited the submissiveness of Adam who readily gave in to her prodding…that is how my simple understanding goes. All of these resulted to their being driven out of the paradise….the beginning of exploitation and betrayal of trust.

Today, exploitation has so many faces that the world practically throbs with it. From the moment a baby is born, exploitation is already doing its thing. For the mothers who prefer to have a comfortable delivery, they are charged by hospitals enormously and they are left with no choice. Mothers who deliver babies in the confine of pushcarts are left with no choice but buy expensive basic infant needs. When babies are supposed to be given a secured spiritual foundation, parents spend for their baptism. For the children to grow, supposedly, on nutrients, parents buy food from opportunistic merchants.

While the world throbs with exploitation, man breathes it. Practically, everything that man does is tainted with exploitation. Survival of the fittest has become the norm of life. If one is weak, he gets trod on by the strong. So now, we see weak countries that are overly dependent on economically strong ones. The more, that this disparity has become vicious with the strong ones aligning themselves to better exploit the weak.

No amount of hypocritical “assistance”, be they in the form of food or finances can hide the true intention of the “helpful big brother” countries. While they extend their right hand, their left hand behind them has crossed fingers. The purse of solace, being handed out, on the other hand, has a long string attached to it. “Grants” are debts that are contracted between the haves and the haves-not, renewed just before they are paid out, leaving the latter in the helplessness of seemingly eternal indebtedness. These are the two kinds of nations in the world today. The United Nations seems to play the role of a guarantor to ensure that this exploitation goes on.

At the rate the deterioration of peace and man’s morale values are going, thanks to the machination of the few strong nations, the world may eventually be “united” under them. Strong manifestation of this direction can be clearly discerned around us.

Ang Kasabihang “Mamatay Ka Sa Inggit”…tungkol ito sa taong mainggitin

Ang Kasabihang “Mamatay Ka sa Inggit”

(tungkol ito sa taong mainggitin)

Ni Apolinario Villalobos

Totoo pala talaga ang kasabihang nasa titulo. Akala ko noon ay kantiyaw lang na pabiro, yon pala ay talagang totoo. Nahuli ko ang isa kong kaibigan na idinaan sa mga kantyaw ang kanyang pagkainggit sa mga natamo ng kanyang kaibigang sikat na kolumnista. Masakit ang mga kantiyaw niya sa kanyang kaibigan. Hindi ko personal na kilala ang kolumnista pero bilib ako sa galing niya sa pagsulat kaya bukod sa diyaryo ay may lingguhan din siyang sinusulatang magasin. Ang kaibigan ko namang mainggitin pala ay walang natamo sa buhay, maliban sa negosyong pumalpak kaya nalugi. Nakarma siguro dahil s ugali niyang pagkamainggitin.

Nang minsang hindi na ako makatiis ay pinagtanggol ko ang kolumnista sa pagbatikos ng kaibigan ko kahit walang dahilan. Para bang nabubuo lamang ang araw niya kapag may naibulalas siyang masama laban sa kaibigan niyang kolumnista. Pati sa akin ay nainis na rin ang kaibigan kong maiinggitin kaya mula noon ay iniwasan ko na lang. Para namang pinagtiyap ng pagkakataon ang pagkurus ng landas namin ng kolumnista sa isang handaan. Nagulat ako nang sabihin niyang ang iba pala niyang mga sinusulat sa kolum ay hango sa mga blogs ko na nababasa niya sa internet, kaya pala napansin kong may pagkahawig ang mga ideya.

Mula noon ay nagpalitan na kami ng mga mensahe sa internet at nagtulungan sa pagbuo ng mga sinusulat namin. Ilang beses na rin niya akong nahingan ng pormal na pahintulot na magbatay ng mga isusulat niyang pananaw, sa mga naisulat ko na. Buong lugod ko naman siyang pinagbigayan.

Nang minsan namang biglang magkita kami ng kaibigan kong maiinggitin at banggitin ko sa kanya na magkaibigan na kami ng kaibigan niyang kolumnista sabay sabing nagtutulungan kami, ay napansin kong namutla siya, na para bang aatakehin sa puso. Halos wala akong narinig sa sinabi niya nang talikuran niya ako at biglang lumayo na nakatungo ang ulo. Hindi ko nasakyan ang kanyang inasal dahil ang inaasahan ko ay matutuwa siya dapat.

Makalipas ang dalawang araw, may nagbalita sa aking naospital ang kaibigan kong mainggitin dahil inatake daw sa puso, pero hindi naman natuluyan…tumabingi lang ang mukha at bulol na kung magsalita.

Ang leksiyon: huwag tayong mainggit sa tagumpay ng kaibigan natin sa larangang hindi naman natin kaya. Dapat ikatuwa natin ang tagumpay ng kaibigan natin. Ang inggit ay nangyayari kung ang isang tao ay gustong magpakitang gilas upang masabing lahat ay kaya niyang gawin, kaya ang gusto niyang mangyari ay ituring siyang nag-iisa lamang na magaling at wala nang iba. Ang isa pang gustong mangyari ng taong mainggitin ay pare-pareho na lang sila ng kanyang mga kaibigan na walang pinagtagumpayan dahil siya ay hindi rin nagtagumpay!…ang tawag sa huli kong nabanggit ay ugaling hilahan pababa!