Ang Pagpapakatotoo

Ang Pagpapakatotoo
ni Apolinario Villalobos

Hindi kailangang magkunwari ang isang tao upang magkaroon ng kaibigan, kahit pa best friend. Kung ano ang tunay na katayuan sa buhay, ito ang dapat ipakita sa mga kaibigan.

May isa akong nakilala noon sa isang okasyon na ang impresyon ko ay mayaman, dahil may kotse, at ang mga damit ay hindi ang mga tipong nabibili sa sale o bargain section ng department store. Magaling siyang magdala ng iba pang burloloy sa katawan, hindi trying hard ang dating. At, sa maliitang umpukan na inuman, siya palagi ang taya sa gastos. Subalit ni minsan ay wala siyang inimbita sa kanilang bahay kahit sinuhestiyon na namin ito upang makatipid.

Sa isang hindi maiwasang pagkakataon, nagpatsek siya sa akin ng mga dokumento na kailangan niya sa kanyang trabaho…kailangang i-edit. Dahil emergency, isinama niya ako sa kanyang bahay. Doon ko nalaman na isang maliit na kwarto ang inuupahan niya, kasama ang asawa at dalawang anak, walang sariling kubeta at importanteng refrigerator. May computer siya pero lumang modelo. Ang kotse ay pinaparada niya sa harap ng barangay hall, isang bloke mula sa kanila, dahil eskinita ang daanan papunta sa tinitirhan niya na entresuwelo lang ng isang lumang bahay.

Nang magawa ko ang mga papeles, nagpasalamat siya sa akin at bibigyan sana ako ng bayad. Subalit tinanggihan ko, sa halip ay may hiniling ako. Nang tanungin ako, diretsa kong sinabing magbago siya. Akala ko magagalit sa sinabi ko, hindi naman, yumuko at tumahimik. Sinundan ko ang sinabi ko ng paliwanag na hindi niya kailangang “bumili” ng kaibigan. Dahil kaya naman ng suweldo niya, sinabihan kong lumipat ng tirahang maayos para sa kapakanan ng mga bata.

Mahigit isang buwang hindi namin siya nakita, kaya maraming naghanap sa kanya dahil nawalan nang maglilibre ng alak. Isang araw nakatanggap ako sa kanya ng text, may ipapagawa daw uli at magkikita kami sa isang lugar, ibinigay ang address na pinuntahan ko. Isa palang maliit na apartment sa Pasay. Nakalipat na pala. Ang ginawa niya ay ibinenta ang kotse upang magamit ang pera sa paunang bayad at deposito, ang natira itinabi para sa emergency.

Pagkatapos kong batiin sa bagong buhay niya, sinabi niya na noon pa pala niya gustong tumigil sa pagporma pero natatakot siyang mawalan ng kaibigan kaya panay ang gastos niya sa inom upang hindi sila mawala. Mula noon ay hindi na siya nagpakita sa kanyang mga “kaibigan”.

Dapat mag-ingat sa pagpapakita ng hindi totoong pagkatao dahil ikakapahamak lang ito. Gagamitin din ang ipinakitang impression na batayan ng iba upang makapag-abuso. Ang iba ay nakikidnap dahil akala ay mayaman kaya itinuturo sa kakutsabang kidnaper. Yong iba ay isinasangkalan sa mga kagipitan dahil ang akala ay may kayang makatulong sa pamamagitan ng pera na wala naman pala. Yong iba ay sinasakripisyo ang panahon para sa pamilya para lang maipakitang marunong silang makisama kaya halos hindi na maipagluto ang mga anak at asawa.
Ang tunay na kaibigan ay hindi kailangang bilhin sa pamamagitan ng pera at sobrang pakisama. Lulutang ang tunay na pakikipagkaibigan kung ang samahan ay walang bahid ng pagkukunwari at taos sa puso ang pinapakita.

Life’s Sorrows and Joys, Pleasures and Pains

Life’s Sorrows and Joys,
Pleasures and Pains
By Apolinario Villalobos

Life is not a bed of roses, so they say…
And it is not always pleasure that we feel
But pain that can be like death, as well…
Life is also specked with sadness and sorrow
But beyond them, is always a bright tomorrow.
The pain of birth that convulses a mother
Becomes a joy, with her babe’s cry like no other.
There is sorrow for those who cry for food
But joy with thought, they’re more loved by the Lord.
The world wallows in pains of greed and abuse
But there is always hope that in life hereafter –
Man’s face will shine with joy and forever!

Walang Patawad and Curruption sa Pilipinas…pati sa kulungan ay talamak

Walang Patawad ang Corruption sa Pilipinas
…pati sa kulungan ay talamak!
Ni Apolinario Villalobos

Sa Pilipinas lang nangyayari na ang corruption ay talamak din mismong sa loob ng bilangguan at sa pambansang piitan pa! Talagang masama magkaroon ng halimbawa, na parang wala lang kung ipamayagpag. Dahil mismong mga nakakataas na hantarang bistado na ay nakikipaglaban pa sa kanilang pagka-inosente, naisipan na rin ng mga nasa mababang hanay na gumaya!

Ang mismong Presidente ng Pilipinas ay may bahid na ng corruption batay na rin sa mga sinasabi ng Supreme Court, at damay din ang ilan niyang kalihim. Sinundan ng mga senador na bawa’t isa ay may dapat ipaliwanag na kwestiyonableng transaksyon gamit ang kani-kanilang pork barrel fund. Sumunod ay ang mga nasa Kongreso na nilahat na rin dahil pa rin sa pork barrel. Sa ilalim nila, ay may mga lokal na opisyal na hindi nagpatalo sa pangurakot, pati na ang maliliit na mga kagawaran.

Kaya pati ang hindi inaasahang pambansang piitan ay binubulok na rin ng corruption! Ang institusyong ito ang dapat magpapatino sa mga nagkasala sa lipunan subalit mismong sa loob nito ay may nangyayari palang katiwalian! Nang magsalita ang mga dating opisyal ng Bureau of Corrections ay nalamang matagal na raw palang nangyayari ang corruption sa piitan kaya gumawa sila noon ng mga hakbang at nagbigay ng mga suhestiyon, subalit kahit kapiranggot na suporta ay wala silang nakuha sa mga nakatataas sa kanila. Nagkatanggalan na lang ng mga namumuno dito ay wala pa ring nangyari na umabot pa sa puntong pati drug laboratory daw ay meron na rin ang pambansang piitan. Lumakas kasi ang loob ng mga sangkot na bilanggo, kaya tuloy lang ang ligaya para sa kanila!

Kung may raid mang ginawa kaya nabisto ang mga hi-tech at maluluhong tirahan ng mga bigtime drug lords sa maximum security compound, hanggang kaylan mapapanatili ang ganitong pagmamanman upang tuluyang maayos ang mga kalakaran? Baka ningas-kugon na naman!

Never Mistake Laziness for Patience

Never Mistake Laziness for Patience
By Apolinario Villalobos

The cleverness of some people enable them to assume a patient image, though, in reality is actually one of indolence or laziness. The alibi is usually, their being patient in awaiting good result for certain undertaking. And, it is just that…doing nothing but wait, instead of being productive in doing other things while waiting.

The country is practically flooded with graduates every year. The number bloats with the years because only a very significant number of past graduates consists the lucky applicants to land jobs. Worse, the “patient” graduates always reason out that they are waiting for the calls of companies to which they submitted their resumes. Rather than try other companies they opt to sit it out in the company of their buddies imbibing bottles of beer, or confine themselves at home with eyes glued to the TV set.

When opportunities come knocking, ambitious job-seekers reject them as they strongly believe that they deserve more than the offered wage, because they finished their degrees in high-end universities. They refuse to work their way up the corporate ladder, by acquiring knowledge from starter positions as clerks. These ambitious university graduates want a managerial job right away!

When after years of patiently waiting passed them by without results, they wake up one morning to the reality that competition in seeking job has become stiffer…and they blame the government for their being jobless! They blame the government for not creating jobs for them, when all the while, jobs are scattered around, but these indolent do not want to dirty their hands up, by taking courses leading to research, office administration, sales, business management, etc. – all white collar jobs. On the other hand, the information technology and mechanical courses which are what the present time needs are never even given a side glance.