NAKAKAHIYA!…Dahil sa Kapalpakann ng Bureau of Corrections, pinagtatawanan ng Buong Mundo ang Pilipinas

NAKAKAHIYA!…

Dahil sa Kapalpakan ng Bureau of Corrections

Pinagtatawanan ng Buong Mundo ang Pilipinas!

Ni Apolinario Villalobos

Pinapalala lamang ng kasalukuyang Director ng Bureau of Corrections na si Franklin Bucayo ang palpak na katayuan ng nasabing kagawaran habang nagbibigay siya ng pahayag sa mga interview. Sa unang interview pa lamang sa kanya noon bilang reaksyon niya sa nadiskubre ng nag-inspeksiyon na mga senador ay puro pambobola na ang kanyang mga sinabi dahil siguro inaakala niyang bobo ang mga sumusubayby sa issue.

Sa pinakahuli niyang interview pagkatapos ng operation ng DOJ at PDEA sa National Bilibid Prison (15 December), ay “inaako” niya ang pangunguna sa nasabing operation, ganoong ito ay sa initiative ng DOJ. Kaya nga pumasok sa eksena ang DOJ at humingi na ng tulong sa PDEA ay dahil walang nagawa si Bucayo sa kabila ng kung ilang buwang palugit na ibinigay sa kanya. Wala nang ginawa si Bucayo ay nang-agaw pa ng credit!

Sa bibig ni Bucayo mismo ay lumabas ang impormasyon na nag-iinspeksiyon lamang siya kung may mga kaguluhang nangyayari. Ang isa pang dahilan kaya hindi niya regular na nai-inspection ang maximum security compound ay dahil sa lawak ng kulungan, at maraming pasikut-sikot kaya nakaliligaw. Wala siyang dahilan na hindi pag-ukulan ang pag-iinspeksyun dahil sa loob din naman siya ng compound nag-oopisina. Dahil sa mga sinabi niya, parang siyang isda na nahuli o nabingwit dahil sa bibig niya. Dahil sa pagmamagaling niya, hindi niya naisip na ipinagkanulo niya ang kapalpakan ng kanyang pamumuno!

Nakakatawa pa ang pagrerekomenda niya ng mga patakaran, ganoong ang mga ito ay siya niyang mga dapat ginawa o ginagawa bilang hepe ng kagawaran! Gusto niyang palabasin na may laman din pala ang isip niya subalit mali naman ang diskarte niya. Baka kaya siya nagrerekomenda ay gusto niyang si de Lima ang magpatupad ng mga ito!

Marami na siyang dapat ginawa mula pa noong unang araw pa lamang ng kanyang pagkatalaga na ang dahilan ay mismanagement din ng pinalitan niya. Dapat noon pa man ay gumawa na siya ng mga hakbang batay sa mga problemang pinaputok noon ni Kabungsuwan Makilala, subalit nagsayang siya ng panahon mula noong unang araw na pag-upo niya hanggang ngayon. Kung talagang may laman ang mga sinasabi niya sa mga interview, dapat nagpakita siya ng mga plano niya o mga rekomendasyon na nakasulat – in black and white, sa mga reporter! Hindi yong salita siya ng salita ng harap pa mismo ng kamera kaya nagmumukha siyang katawa-tawa. Kung naka-black and white ang mga sinasabi, hindi masasabi ng mga tao na wala siyang ginawa, sa halip ay susuportahan pa siya dahil hindi pinansin ang kanyang mga isinumite kung kanino man…subalit talagang hanggang salita lang siya. At, lalo sanang hindi siya masisisi ngayon.

Maaalala na noong pumutok naman ang isyu tungkol sa paglabas-labas ni Leviste sa kanyang kulungan ay pumunta pa si Miriam Santiago sa NBP at ang unang hinanap ay ang “operating manual” subalit wala silang nailabas na updated. Ibig sabihin hanggang ngayon ang mga security measures nila ay outdated! At sila ay nag-ooperate lamang sa mga paisa-isang memo na iniisyu kung kinakailangan. Dapat ang puntong yon ang pinagtuunan ng pansin ng bagong Director dahil ang mga patakaran ang siyang gagabay sa kanya sa pagpapatakbo ng national penitentiary.

Ang planong modernisasyon ng NBP ay noon pa pinag-uusapan, maraming taon na ang nakalilipas at may napirmahan na ngang batas para dito at anumang oras ay maglalabas na ng budget, kaya hindi dapat akuin na naman ni Bucayo. Kasama sa modenisasyon ang pagtataas ng sweldo ng mga kawani at pagpatayo ng mas malaking national penitentiary. Ang mga ito ang binabanggit ni Bucayo na “sana” daw ay mangyari. Ang hirap sa kanya, papasok sa isyung ito na tapos na, at wala pa siyang kinalaman. Kaya ang mga inaasta niya ay malinaw na nagpapakita ng kawalan niya ng kaalaman sa pagpapatakbo ng isang kagawaran. At dapat lang na LAHAT mga kasalukuyang kawani lalo na ang mga namumuno ay hindi makinabang sa mga benepisyo na ibibigay ng bagong batas para sa modenisasyon ng NBP.

Ang dapat kay Bucayo ay patawan ng kasong administratibo dahil sa kapabayaan, batay sa prinsipyo ng “command responsibility”. Isa si Bucayo sa mga patunay na hindi lahat ng mga retired general ay maaasahan sa pagpapatakbo ng mga ahensiya na nangangailangan ng bruskong namumuno….dapat ay may talino rin. Ang lahat ng mga nakatalaga sa NBP ay dapat tanggalin at suspindihen habang may imbistigasyong ginagawa. Maaari silang palitan pansamantala ng mga military police upang mawala ang “familiarity” sa mga nakakulong.

Dahil sa mga nakakahiyang anomalya na kinasasangkutan ng Bureau of Corrections, napatunayan na hindi epektibo ang mga retiradong opisyal ng military o police sa pagpapatakbo nito. Ang mga detinado sa NBP ay mga taong napariwara ang buhay, nagkasala sa lipunan, hindi nakipag-away sa giyera. Kaya sila ipinasok sa kulungan ay upang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang magbago at sa paglabas nila ay maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa.

 

Ang kailangang mamumuno sa Bureau of Corrections ay may alam sa “office management” upang makagawa ng mga alituntuning maayos at pang-sibilyan, at lalong dapat ay may alam din sa sikolohiya o psychology. Ang mga kulungan ay hindi military camps kaya dapat itigil na ng mga presidente ng Pilipinas ang pagtalaga ng mga retired generals ng military o police para sa pamunuan nito. Dapat ang mga italagang mamumuno ay mga taong nakakaunawa sa mga taong ang takbo ng isip ay dapat maibalik sa katinuan upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan.

 

Dapat ituring na leksiyon ang anomalya sa national penitentiary at ang parusa sa mga nagkamali ay dapat mabigat upang maging babala sa ibang mga empleyado ng gobyerno na korap at pabaya sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin!

A Fearful Prediction on the World’s Course

A Fearful Prediction

on the World’s Course

by Apolinario Villalobos

At the rate the pockets of unrest are scarring the face of the earth, horrendous sentiments have practically overcame the peoples of different nations. The overzealous races even think of the events as premonitions of the Biblical Armageddon.

The African continent has long been rocked with unrests, and so are parts of Europe. The Asian regions are not free from bickering among neighboring countries over disputed parcels of maritime territories, and even the country of Uncle Sam, long known as the cradle of democracy is not without its share of bombings.

European countries have come together to meld themselves into the European Union (EU). In Asia, there is the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) over which hovers “big brother”, China. In the Middle East, there is the Organization of Islamic Conference (OIC). Left out are the weak black African nations, the Judaic country of Israel, and Japan that still manifest unwavering faith in the United Nations.

With the emergence of China as an economic giant, and which wisely makes use of such reputation to its advantage, the US and other traditionally strong nations, wisely maintain their safe perch on the fence, as they gawk at events around them. The US lives up to its reputation as champion of democracy by meddling in the affairs of the exploited countries, and in so doing, drags along willing allies. China, on the other hand, stealthily and discreetly impresses its mark of economic hold throughout the world which is dangerously polarized between the haves and the haves not, while concentrating its focus in Asia – an open land of opportunities where labor can be had for a pittance, where natural resources are ready for the taking, and worse, where lives wallow in poverty.

It will not be long, for the earth to be finally sliced like a cake into portions that represent blocks of the African countries, Islamic countries, European countries, north and south American countries, mainland Asian countries, and Southeast Asian countries….with the weak coming under control of the strong. If Israel fails to choose which group to join, it may again suffer the wrath that caused the dispersal and persecution of its people, although, the US has proved to be a dependable protector, but for how long?

The world is undergoing a cleansing. Aside from the man-made calamities – wars that systematically wipe out helpless populations, it is also periodically ravaged by natural catastrophes such as, typhoons, floods, earthquakes, and plagues. Lethal bombs that can zero-in to their targets, thousands of miles away can be launched by countries that are driven by maniacal desire to rule the world. Technology has made another world war that may ensue, sophisticated, sweeping and short-lived, as warring countries can pelt each other with remote-controlled bombs that can practically wipe out cities in minutes.

It seems, the world is taking a course fated with man’s self-destruction elicited by his greed.