Pagsisikap: Puhunan ng Buhay Na Hindi Mawawala at Walang Katumbas

Pagsisikap: Puhunan ng Buhay

Na Hindi Mawawala at Walang Katumbas

Ni Apolinario Villalobos

Ang puhunan ng Diyos nang likhain niya ang tao ay ang buhay nito na may kasamang talino. Ang tao naman ay dapat na tumbasan itong ibinigay na puhunan, sa pamamagitan ng pagsisikap. Ang pagsisikap ay likas nang bahagi ng ating pagkatao at naghihintay lamang na mapitik upang magising.

Walang katumbas na halaga ng salapi ang pagsisikap at hindi rin ito mawawala kailanman sa ating pagkatao. Habang may buhay tayo, nasa diwa natin ang pagsisikap upang mabuhay. Ang katanyagan at perang makakamit dahil sa pagsisikap ay maituturing na “tubo”. Ang tubong ito ay dapat na ituring na biyaya na dapat ay ipamahagi, hindi dapat maimbak. Maraming matutulungang tao kung ang mga tubong natamo dahil sa pagsisikap, ay magagamit nang walang pag-imbot.

Ampaw ang buhay na walang pagsisikap, dahil walang katuturan ang pamamalagi sa ibabaw ng mundo. Bawa’t tao ay pinaglaanan ng Diyos ng layunin sa mundo na kailangang matupad. Nagkakaiba ang mga layunin ng mga tao. At, lalo na ang pamamaraan ng pagsisikap upang makamit ang layunin ng bawa’t isa. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo dapat manibugho sa mga nakamit ng iba na sa tingin natin ay nakakahigit sa nakamit natin.

Pagdating ng araw ng pagharap natin sa Kanya, hindi tayo tatanungin nang may panunumbat kung gaano kadaming pera ang ninakaw natin sa kaban ng bayan bilang tiwaling senador o kongresman. Hindi rin tayo tatanungin kung ilang overseas workers ang naloko natin bilang illegal recruiter. Hindi rin tayo tatanungin kung ilang kabataan ang napariwara natin sa pagbenta ng shabu. Ang itatanong lang sa atin ay kung nagamit ba nang maayos ang puhunang ibinigay niya sa atin …kung naging makabuluhan ba ang buhay natin sa mundo…na ang ibig sabihin ay kung pinagsikapan ba nating gawin ito at sa tamang paraan?

Nagawa naman kaya natin?

Ang Mga Kahihiyang ng National Bilibid Prison at Cebu City Jail

Ang Mga Kahihiyan ng National Bilibid Prison

At Cebu City Jail

Ni Apolinario Villalobos

Hindi maiwasang mainis ng mga sumusubaybay sa eskandalong nangyayari sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, na nadagdagan pa ng kahalintulad na eskandalo na inabot naman ng Cebu City Jail. Hindi nahiyang magsabi ang NBP Superintendent na si Roberto Rabo sa harap ng kamera na hindi niya alam ang nangyayari sa loob ng NBP, ganoong ang mga tirahan ng mga drug lords na nakakulong ay nandoon lang, hindi naman nakatago, kaya walang dahilan upang hindi niya makita. Malas lang niya dahil pumutok sa media kaya nabunyag din ang kanyang kapabayaan.

Ipinakita sa TV ang mga hi-tech na gamit sa loob ng tirahan ng mga drug lords na hindi aakalaing mga “selda” pala sa loob ng national penitentiary. May nasamsam ding kilo-kilong shabu, pera, mga cellphone at baril sa mga selda. Subalit sa kabila ng nakakahiyang pagbubunyag, nagpakita pa si Rabo ng pagkagulat! Aba, eh di, natapalan pala ang kanyang mga mata! At, para na rin niyang sinabi na hindi siya lumalabas sa opisina niya upang mag-inspeksiyon kung minsan man lang, o di kaya ay wala man lang siyang ginawa sa kabila ng pagsabog ng eskandalo pagkatapos mag-inspeksiyon ang mga senador ilang buwan na ang nakaraan. Dapat siyang mag-resign dahil sa hantarang kapabayaan.

Hindi dapat mag-atubili ang Department of Justice sa pagtanggal agad ng mga taong hayagang sangkot sa anomalya, mula sa pinakamababang empleyado hanggang sa pinakamataas. Halatang ang umiiral na kalakaran sa NBP ay “palakasan” at “lagayan”. Kailangang magkatanggalan kahit na magsagawa pa sila ng isang mas malalim na imbestigasyon.

Tulad ng rekomendasyon noon ni Senadora Grace Poe, dapat LAHAT ng empleyado ay suspindihin at palitan ng bago. Ang mapapatunayang walang sala ay ilipat sa ibang detention facilities ng Bureau of Correction sa ibang panig ng bansa, at ang mga mapatunayan namang nagkasala ay dapat na tuluyang tanggalin, lalo na ang Director o Superintendent. Dapat magkaroon ng leksiyon dahil sa kapalpakan sa pamamalakad ng mga kulungan sa bansa upang maipakita na may pangil ang mga batas na pinaiiral.

Kung ano ang gagawin sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa ay dapat gawin din sa Cebu City Jail. Ito na ang pagkakataon ni de Lima na magpakitang gilas sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin bilang kalihim ng Hustisya upang makabawi sa mga kahihiyang inaabot ng kanyang kagawaran.

Cris “Kesz” Valdez…epitome of struggle

Cris “Kesz” Valdez

…epitome of struggle

 

By Apolinario B Villalobos

An innocent smile

Gives radiance to his face –

Kesz, as friends call the lad

Is a picture of exhilaration

When all eyes turned to him

And palms are clapped

For a thunderous jubilation.

The thirteen years of struggle

Put his enduring will to a test

As he lived away from family

Who thought him to be a jinx

And to a dump he was left

But lucky to have been saved

And given another chance to live.

Devoting his life in helping others

This he does, though at such an age –

Pushing carts filled with books

He and his buddies scour the roads

For children with want for knowledge

Nothing can slow them down, not rain

Not thirst, not hunger, aches and pain.

The International Children Peace Prize

For the year 2012 he got, truly deserved

Has shown that God has plans for us all

And that the best life that man can live

Is one that is patiently driven with guts

And nurtured with determination to succeed

Just like what this sweetly smiling lad, Kesz did!

(Kesz Valdez has been awarded the 2012 International Children’s Peace Prize at The Hague for his effort in helping around 10,000 children in Cavite City, 30 kilometers from Manila City. He is with a group that pushes pushcarts filled with books, toys, sweets, slippers, etc. for the needy children of the city. They share with the children knowledge on health, values and love of God. He belongs to Dynamic Teen Company of Efren Peñaflorida, a CNN Awardee. Their group is based in Cavite City.)

The Philippines Should Expect the Worst with China’s Refusal to Recognize the UN Authority

The Philippines Should Expect the Worst

With China’s Refusal to Recognize the UN Authority

By Apolinario Villalobos

The vehement refusal of China to recognize the authority of the United Nations to mediate in its differences with the Philippines as regards the West Philippine Sea, should give a strong signal to the Filipinos. Except for Vietnam that filed lately its own protest, the seemingly inaction of other concerned ASEAN countries, has just emboldened China to go on with its brave and defiant actions in developing and protecting their so-called territories in the contested area.

The Chinese government has a reason in losing its respect to the UN’s authority in the face of unrests that plague member countries which the world brotherhood of nations failed to police. Even the newly-formed Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), has enshrouded with doubt UN’s credibility, as the former, continually breaches the neutral line of the latter’s peace-keeping forces. Not even the strong protests that tinged with threats from the so-called super powers, Great Britain and United States, have put a stop to the terroristic acts of the motley group of Islamic nationalists.

China has repeatedly expressed its resolve not to honor whatever decision the UN court will make in favor of the Philippines. And, as it is wont to do, the giant country may even slap a “disciplinary action” on the Philippines for its persistent move to seek the mediation of a third party. Worst, China may impose demands when, eventually, the Philippines agrees to sit down for a bilateral “compromise” agreement. The Philippines is left with no choice, anyway, as it cannot even expect help from UN.

Another worst scenario is when an untoward incident between the Chinese naval force and the weakling Philippine Navy shall ignite an excuse for the former to make an invasive action. A single shot is enough. The Chinese can easily say that they are protecting their territory and in retaliation can launch an attack of the neighboring populated islands of the archipelago. If that happens, I doubt if the US will lift a finger, because, its President shall still seek a mandate from their Congress. Nothing in the questioned latest “agreement” with the US Armed Forces provides for their immediate action in case China attacks the Philippines.

Doubtful, too, is if the Philippine government has already plotted options that could prevent the occurrence of the worst scenarios, or when they shall happen eventually. The West Philippine Sea case has practically become a “test case” to prove if indeed, China is the new world super power that should be feared, or at the very least, respected. The world is gawking at this Pacific side of the world, waiting for what will happen next… and the Philippines is one of the pawns.

Finally, with the UN’s diminishing credibility, its “weak” members are left to the bullying of the “strong” ones. The mandate of the organization’s court of justice that is supposed to protect the territorial rights of member- countries has become a simple memo. The weakness of the UN could lead to a chaos – a formidable threat to world peace.

Maging Maunawain sa Damdamin ng Ating Kapwa

Maging Maunawain

Sa Damdamin ng Ating Kapwa

Ni Apolinario Villalobos

Lahat ng nilalang sa mundo na may buhay ay may damdamin…lalo na ang tao. Kadalasan dahil sa pagiging makasarili natin, nakalimutan nating isaalang-alang ang damdamin ng kapwa natin tao. Alalahanin din natin na hindi lahat ng damdamin ay magkakatulad. Mayroong mga taong hindi alintana ang pagbatikos o pagpula sa kanilang pagkatao. Mayroon ding madaling masaktan ang damdamin kahit sa pahapyaw na pagpuna ng kanilang pagkatao.

Kung may napupunang ibang ugali, kilos, o pananalita, subalit likas na sa isang tao, at hindi naman nakakapinsala ng kapwa, dapat huwag na lang itong bigyan ng pansin. Masasaklawan na kasi ang karapatan ng napupuna, at masasaktan lang ang kanyang damdamin. Ang dapat punahin ay ang mga gawi na makakasakit sa iba.

Kadalasan, ang taong nasaktan ang damdamin, kahit wala namang ginagawang masama, ay nawawalan ng tiwala sa sarili. Ang iba kasi sa atin ay mahilig magbatikos o magpuna kahit wala namang maayos na batayan o dahilan. Sila yong walang pakundangan sa pagsalita, na hindi nila alam ay nakakasakit na pala sila ng iba. Mabuti sana kung marunong humingi ng paumanhin ang nakasakit nang hindi sinasadya. Sa klase ng ugali nilang walang pakundangan, inaasahan ding hindi madali sa kanila ang humingi ng paumanhin.

Ang isang suhestiyon upang maiwasang makasakit ng damdamin ng kapwa ay, huwag magpadalus-dalos sa pagbitaw ng salita, lalo na sa mga taong hindi pa gaanong kilala. At, lalong mag-ingat sa pagbitaw ng salita sa mga taong kilala nang madamdamin. Magagawa lamang ito kung palalawakin natin ang ating pang-unawa sa ating kapwa.

Ating tandaan na ang salitang nabibitawan ay hindi na mababawi. Sa mga taong nagkaka-aregluhan ng kanilang hidwaan, ang sinasabing binawing salita ay patuloy pa ring nakatanim sa isipan ng pinagsabihan. Hindi rin kayang pahilumin na tuluyan ang sugat ng damdamin sa pamamagitan ng paghingi ng paumanhin. Sa pag-usad ng panahon, ang sakit na mararamdaman ay maaaring mabawasan subalit ang alaala ng nadanasan ay hindi mawawala.