Listen more…than talk

Listen more

…than talk

By Apolinario Villalobos

Ever wondered why normal persons have two ears and just one tongue? Perhaps, God wanted us to listen more, than talk. Unfortunately, some people talk more, than listen, that is why they commit blunder after blunder, because they did not listen first so that they can have the basis for what they will say afterwards. This is how “miscommunication” happens. And, this has developed a wise saying, “less talk, less mistake”.

Some people love to dominate conversations, even go to the extent of interrupting others and finish the latter’s statement. Some people are sometimes in a hurry to be understood, an effort which more often proved futile, instead of being helpful. Rather than be understood, their objective is not appreciated, making them a turn-off, instead.

I admit, it happens to me, sometimes. I mean, in my haste, I talk fast and when someone interjects to clarify something, I fail to acknowledge it. At the end, nothing happened to my effort to be understood. Sometimes, too, to show my interest in a topic, I would butt in, to what a friend says, and finish his statement, with my own judgment although, with a question mark, in an effort to get his affirmation. As a result, instead of getting a nod, I would just elicit an irritated reaction.

I have realized all the mistakes that I committed after seeing my friends doing the same! The mistakes they incurred, made me see my own. As I have learned my lessons, I have tried my best to behave, since then.

Ang Kalituhan ng Naghihirap na Pilipino

Ang Kalituhan ng mga

Naghihirap na Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

Nagsimula ang lahat sa pangarap na buhay na may maliit na bahagi man lamang ng ginhawa. Ang mga taga-probinsiya ay pumunta sa malalaking lunsod tulad ng Maynila. May mga nag-aral, ang iba ay naghanap ng trabaho, at ang iba, bitbit ang buong pamilya ay tuluyan nang tumira. Nakitira sa mga kamag-anak; umiskwat ng kapirasong bahagi ng mga pampang ng ilog; tumira sa ilalim ng tulay, kariton, bangketa, at sa tabi ng mga matataas na pader.

Nagsimula sa iilang barung-barong, na sa kalaunan ay naging barangay at inalagaan ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaang lokal na ang turing sa mga nakatirang iskwater ay mga numerong nabibilang – mga boto pagdating ng eleksiyon, kaya hindi mapaalis-alis. Ang isang barangay ay naging dalawa, hanggang naging tatlo pa. Pahirapan tuloy ang pagpaalis, bandang huli kung kailangan na.

Ang iilang linya ng kuryente ay kinabitan ng mga jumper at pinagapang sa mga bahay upang magkaroon ng liwanag at ang iilang legal na tubo ng tubig ay nagkaroon ng mga sanga-sangang gomang tubo upang daluyan ng mahalagang tubig. Dahil sa kawalan ng maayos na kubeta o palikuran, ang mga dumi ay inihahalo sa mga basurang itinatapon sa ilog, o di kaya ay hinahagis kung saan-saan na lang.

Dahil sa kawalan ng trabaho ng karamihan sa mga nakatira sa squatters’ area, ang maghapon ay pinapalipas sa harap ng bote ng alak o baraha; ang mga bata ay nanlilimahid at sakitin; ang ibang mga batang hindi nakakapasok sa paaralan ay natutong suminghot ng pandikit o rugby upang malibang; ang ibang mga desperadong ama ng tahanan ay natutong mangholdap; ang ibang mga anak na tin-edyer, ma-babae o ma-lalaki ay napilitang magtinda ng laman.

Kailangan na ang mga lupang iniskwatan dahil patatayuan ng mall o condominium kaya kailangang ma-demolish na ang mga barung-barong. Sa simula ay may girian at sakitan. Alam ng lahat na ang pagdadalhan sa kanila na relocation sites ay hindi maayos – kulang ang poso at linya ng kuryente; ang mga kalsada ay hindi man lang napatag at maputik kung mabasa kahit ng ambon lang; ilang kilometrong madilim ang layo ng mga ito sa pinakamalapit na daanan ng madalang na sasakyang pampubliko kaya magiging dusa ang pagpasok sa trabaho at eskwela na babalikan sa pinanggalingang mga iniskwatang lugar; ang mga bahay na patitirhan, may bubong nga subalit singlambot naman ng karton ang yero; ang mga bintana at pinto ay mga butas na walang takip. Pero sa TV, ang mga pinapakita ay iilang bahay na mga “modelo”. Pero, dahil mahirap lang, ang nangangailangan, ay pinapalabas na walang karapatang mamili!

Ang mga taga-lunsod, sinisisi ang mga iskwater dahil sa pagdami ng krimen. Bakit hindi na lang daw umuwi sa pinanggalingan nila. Sagot ng mga iskwater, ano pa ang uuwian nilang probinsiya ganoong sinalanta na ito ng mga sunud-sunod na bagyo? …anong katahimikan ang aasahan nila sa pinanggalingang probinsiya na pinamumugaran ng NPA?…anong maayos na pamumuhay magkakaroon sila kung ang lupang sinasaka ay hindi naman kanila?…anong ginhawa ang maaasahan nila sa probinsiyang pinanggalingan kung ang pinagkakabuhayan nila ay galing sa mga animo ay lintang nagpapautang ng perang ang interes ay abot-langit?…anong buhay ang matatamasa ng mga anak nila sa mga iniwang lugar na pinabayaan ng gobyerno, dahil wala man lang paaralan, health center, maayos na kalsada mula sa mga liblib na barangay patungo sa bayan, walang kuryente, at ang ipinangakong lupang sasakahin ay hindi ibinibigay?

Sa probinsiya, mayroon ngang mga niyog, subalit bawa’t isa ay bilang, kahit na mga lagas dahil gagawing kopra. Ang mga anak ng nagkokopra, kung minsan ang laman ng tiyan sa pagpasok sa eskwela ay pinagtiyagaang pira-pirasong niyog na pinulot sa bilaran, at nginunguya habang tinatahak ang kilo-kilometrong kalsada. Ang iba, namimitas ng kahit hilaw na bunga ng mga ligaw na bayabas o santol sa tabi ng kalsada, may makain lang. Ang pananghalian ay dalawang hilaw na saging na nilaga, hindi kamote dahil pambenta ito sa bayan. Sa gabi, binilad uli na kopra ang panlaman sa tiyan na inuulaman ng nilagang dahon ng gabi na inasinan.

Sa Maynila, magsipag lang ang iskwater sa pamumulot sa basura ng plastik at iba pang mapapakinabangan ay siguradong may maiuuwi nang barya. Nakakahingi pa ng mga tutong sa karinderya, o di kaya ay nakakapamulot ng mga tirang pagkain sa styro na nasa basurahan ng mga fastfood. Kung malapit naman sa palengke ang tirahan, lalo na sa Divisoria, sa madaling araw ay nakakapamulot ng mga lanta at reject na gulay na itinapon na maaari ding pantawid gutom o di kaya ay malinis at ibenta ng tumpok.

Ang nakalito sa mga naghihirap na Pilipino ay ang palaging sinasabi ng Presidente ng Pilipinas na si Pnoy Aquino, na masagana ang buhay sa bansa at walang nagugutom. Baka ang batayan niya ay ang perang binibigay ng DSW na   kung tawagin nila ay “pantawid-gutom”…subalit hindi naman totoo.

Nakakalito ang kalagayan ng mga naghihirap Pilipino na lalong pinalito pa ng mga sinasabi ng Presidente. Ang sabi tuloy ng iba, baka lumalampas ang tingin ng Presidente tuwing siya ay nagtatalumpati, kaya ang natatanaw niya ay ang mga karatig-bansa tulad ng Singapore at Malaysia, di kaya ay Brunei o Indonesia. Siguro, hinahanap niya ang sinasabi niya palaging “tuwid na daan”, na wala sa Pilipinas kaya pinapalampas ang kanyang pananaw upang matanaw ito sa mga mauunlad na karatig-bansa!