Be Like a Tree

Be Like a Tree..

By Apolinario Villalobos

A tree, though standing still

and on a windless day

with not even a rustling leaf,

is still erect and majestic –

host to winged creatures

that in the sky frolic.

We can be like a tree

by being still and patient –

under a heavy burden

in times of challenges,

we should not waver

but strive more for success!

Ang Nakaambang Alalahanin Kung Politician ang Maging Kalihim ng DOH

Ang Nakaambang Alalahanin

Kung Politician ang Maging Kalihim Ng DOH

ni Apolinario Villalobos

Kung aalagwa ang kaso laban kay Ona batay sa mga katiwalian sa Department of Health (DOH), na inaasahan na, siguradong mapapatalsik ito sa kanyang puwesto. At, ang pumuporma na maliwanag pa sa sikat ng araw ang hangad na maupo sa puwesto ay isang politician, si Janet Garin.

Ang kalakarang pagtalaga ng mga Presidential appointees sa mga puwesto ng mga sensitibong ahensiya ang isa sa mga nagnanaknak na kanser na nagpapabulok ng gobyerno ng Pilipinas. Lahat na halos ng mga ahensiya ay puro political appointees ang mga kalihim kaya sumasabay sa paggawa ng mga katarantaduhan dahil co-terminus ng Presidente ang kanilang pagkatalaga. Ibig sabihin, “strike while the iron is hot”. At kung wala na sila, wala na ring masisisi. Aasa pa ba tayo sa bulok at makupad pa sa pagong na pag-usad ng hustisya sa ating bansa?

Ang DOH ay isang masaganang larangan ng oportunidad upang kumita. Katulad ng DSW at Department of Agriculture, nakikitaan ang DOH ng mga proyekto na ang closure ay hindi nangangailangan ng mga tangible o nakikitang patunay. Ang maraming kailangang proyekto para sa “ikabubuti” daw ng mga mamamayan, ay nagkikislapan sa sagisag ng piso! Malapit din ito sa mga tao, kaya magandang springboard ng ambisyosong pulitiko.

Hindi maayos ang sistema ng DOH sa kabuuhan, dahil ang budget nito ay hindi nagagamit sa magandang paraan. Ipinapasa nito sa lokal na pamahalaan ang mga kapalkan na resulta ng kanilang kapabayaan. Nakakalusot sila dahil mahina rin ang ahensiyang dapat ay nag-aawdit, ang Commission on Audit (COA), dahil kung ginawa lamang ng huli ang trabaho nito ay hindi dapat nakakalusot ang pagbili halimbawa, ng gamot pambakuna na sa umpisa pa lang ay mismong WHO na ang nagsabi na hindi angkop sa pangangailangan ng Pilipinas.

Sa pagkawala sandali ni Ona, may itinalaga na isang “acting”, pero sa ilang araw pa lang nitong pag-upo sa puwesto ay nakitaan na agad ng pagka-“overacting”, at pagkamakasarili dahil marahil ang tingin niya sa ahensiya ay isang tuntungan na magagamit niya sa pagsulong ng kanyang ambisyon sa pulitika…ayon yan sa mga brodkaster na nagmamatyag.

Ano na ang nangyari sa Career Service Program ng gobyerno? Bakit hindi ibigay ang pagkakataon sa mga Career Service Officers na nakapila upang mapausad ang kanilang karera? Ang iba na deserving o karapat-dapat ay inabot na ng retirement o kamatayan, ngunit hanggang Assistant Secretary lang ang inabot, ni hindi man lang nakatikim ng kahit sandaling appointment bilang Undersecretary.

Kung hindi mababago ang ganitong kalakaran na isang malinaw na instrumentp ng korapsyon, wala ngang kahihinatnan ang ating bansa…habang buhay na itong gagawing palabigasan lamang ng mga tiwaling opisyal. At, ang kawawa ay ang mga Pilipino na nagpapawis at nagpapakahirap upang makabayad ng buwis, na wala namang katumbas na kaginhawahan!

Ang Bureau of Corrections at Department of Justice

Ang Bureau of Corrections (BuCor)

At Department of Justice (DOJ)

Ni Apolinario Villalobos

Alam na pala ng Department of Justice (DOJ) na may laboratory ng droga sa national penitentiary o “Munti”, bakit ngayon lang sila nagdadakdak?… at todo warning pa si Dilema na kilala na daw niya ang mga drug lords! Dapat pala siyang kasuhan ng administratibo dahil sa hindi niya pagpapatupad ng kanyang mga responsibilidad, kaya dapat noon pa ay may ginawa na siya! Marami siyang nasasabi kung sa harap ng kamera at kung iniinterbyu pero walang nagagawa kung wala na ang mga ito. Pinaghahanda lang niya ang mga drug lords upang gumawa ng counter moves, tuwing siya ay magbrodkast. Marami tuloy ang nagtatanong kung kapanalig ba siya ng batas o ng mga drug lords!

Mula noong may pinaputok na ang whistle blower na si Kabungsuwan Makilala, wala nang narinig mula sa DOJ. Kung hindi pa nag-inspeksiyon ang Senado tungkol sa tunay na kalagayan ng Bureau of Corrections, hindi pa nataranta uli ang DOJ sa pagkilos kuno, sabay ng kaliwa’t kanang pa-interview, para lang masabing may ginagawa sila. Hihingi pa raw ng tulong sa iba pang ahensiya ng gobyerno dahil hindi nila kayang matunton ang laboratory sa loob ng “Munti”. Kung hindi ba naman hung….ang! Ilang linggo na ang sinayang ni de Lima mula nang magpaistaring siya sa mga interview. Siguradong ni isang kapiranggot na gamit ay wala nang mahahagilap dahil pinagtatago na o inalabas na sa compound. Hindi magiging drug lords ang mga walang konsiyensang nakadetene sa “Munti” kung bobo sila, kaya nakokontrol nila ang mga gwardiya at opisyal!

May sinabi ang dating Director ng Bureau of Correction na si Santiago, na ang pinatapon daw niya noong drug lord sa isang malayong “kolonya” o penal colony ay nakabalik! Ang tanong ay kung saan nanggagaling ang authority sa mga ganitong desisyon? Hindi ba DOJ? Malamang sa malamang, malawak ang saklaw ng “intelliegence network” ng mga drug lords sa loob ng “Munti” na may koneksiyon pa rin sa mga kaalyado nila sa labas. Kasama sa network na ito ang mga tauhan ng Bureau of Corrections at DOJ dahil kaya nilang magbayad ng malaki, kaya lahat ng kilos ng mga matitinong tauhan ng mga ahensiyang ito ay nalalaman at naititimbri agad. Saan naman napunta ang intelligence fund ng DOJ? Ang bagong Director ng BuCor na si Bucayo ay walang nagawa kahit alam pala niya ang mga nangyayari, kaya dapat magresayn na siya.

Ngayon, hindi nakakapagtataka kung bakit tuwing may ma-raid na drug laboratories saan man sa Pilipinas ay walang nahuhuling may-ari. Kung hindi kasi natimbrihan agad ng mga kakutsaba sa loob ng mga ahensiya ng gobyerno kaya nakatakas, ang iba pala ay nasa loob na ng “Munti”!