Tacurong City Patroness: Nuesta Senoa de La Candelaria…guiding light of Notre Dame of Tacurong College

Tacurong City Patroness: Nuestra Seῆora de La Candelaria

…guiding light of Notre Dame of Tacurong College

By Apolinario Villalobos

The swampy barrio of what was once Pamansang (later, Talakudong), the old name of Tacurong, formed part of Buluan. The barrio was accessible then, via the Rio Grande de Mindanao. Makeshift wharfs were located at Dulawan, Maganoy, and Buluan, according to Mr. Menandro Lapuz who, together with his two brothers, Felipe and Eusebio, came all the way from Nueva Ecija during the early part of the 1940’s to seek their fortune. The road that led to the already progressive Koronadal was nothing but a “feeder road” with its length furrowed by the sledges drawn by water buffaloes. Another “feeder road” cut through the grasslands that led to Surallah via Isulan. A tamer road led to Cotabato via Esperanza and Maganoy.

The Pamansang of long ago was a typical barrio, greened by the profuse growth of talahib, cogon, enyam and acacia trees, as well as, bamboo grooves. There was a makeshift chapel occasionally made alive by visits of priests from Koronadal. Not long after, several priests who belonged to the Oblates of Mary Immaculate (OMI) came, to build the foundation of the Notre Dame of Tacurong. Simultaneously, pioneer settlers of the land joined hands in expanding the chapel. The advocacy of the early educators of Notre Dame was not limited within the confines of the school, but extended to the spread of Christianiy, through the first chapel which was yet empty of any venerated image.

One of the early teachers of Notre Dame who hailed from Iloilo, Mrs. Josefina Legayada-Lechonsito, suggested a patroness for enshrinement in the chapel – the miraculous Lady of Candelaria, whose image has been venerated in Jaro, Iloilo since the early 1800’s. Her suggestion was eventually, heeded. The bell followed, donated by Don Vicente and Dona Salud Garcia, Don Juan Garcia and his wife, Mrs. Maria Montilla, and Mr. and Mrs. Roberto Tulio. The four massive posts for the bell tower were donated by Mr. Menandro Lapuz.

Soon the patroness became known even among the settlers in areas around Tacurong. The celebration held during the first week of February attracted devotees who flocked to the continually improved chapel which necessitated expansion to accommodate them. When Tacurong became the center of evacuation during the unrest in early 70’s, the church was always filled with devotees who sought intercession so that peace would prevail, a call which was heeded, as Tacurong now enjoys tranquility and harmony despite cultural diversity of the locals.

When Notre Dame of Tacurong for boys was established by the missionary priests of the Oblates of Mary Immaculate, they opened its gate to all who would like to learn, regardless of their religious affiliation. It was therefore, not surprising when Muslim youth from Maganoy, Buluan, Sultan sa Barongis, Datu Piang, and Dulawan, donned the green- striped khaki pants and white t-shirt uniform, although, they were exempted from joining Religion class, scheduled novenas and rosaries.

Along with the establishment of the Notre Dame high school for boys, the Notre Dame high school for girls was also established and administered by the Dominican nuns of the Order of Preachers (O.P.). Just like its counterpart for boys, the Girls Department was also some kind of an educational institution without barrier. Muslim girls donned the green skirt and white blouse uniform, although, not required too, to attend Religion class, and scheduled novenas and rosaries.

Later, the sisters of the Oblates of Notre Dame (OND), arrived to assist the priests in their effort to reach out to the far barrios that needed to be visited regularly.

To make sure that graduates of the two Notre Dame high schools could pursue even the first two years of their college education, preparatory courses were offered, leading to Bachelor of Science in Elementary Education (BSEEd), Bachelor of Science in Education (BSE), Liberal Arts (LA), and Bachelor of Science in Commerce (BSC). Despite the trying times that tested the financial acumen of the college administration, somehow, third and fourth year levels were opened not long after. The school which started with small rooms to accommodate high school students has metamorphosed into a progressive college, with courses that big colleges and universities also offer.

With the Lady of Candelaria as the inspiring and moving spirit behind the enthusiastic pioneer educators and religious groups, many things were accomplished for Tacurong. What they did set the trend of progress. More schools were established, such as Lyceum of the Philippines and Magsaysay Memorial College, even vocational schools such as Grimaldo Fashion School and Parisienne Academy. The public market flourished and resulted to a more healthy business environment that encouraged the trek of more migrants to Tacurong.

There are stories about miraculous transformation of lives of locals that they attribute to the Lady of Candelaria, but which are kept as of yet, though, sometimes, they are shared discreetly. As a gratitude to the patroness, they maintain their vow to come home from where they are permanently settled today, to be part of the annual fiesta celebration.

Tacurongnons attest to a unique miracle that involved the quick transformation of the once swampy barrio into a progressive town, and eventually, a city. Strongly felt, too, is the prevailing harmony among the locals who are composed of Muslims, Christians and indigenous tribes. The harmony clearly oozes with goodwill, prompting the local government to refer to Tacurong as the “City of Goodwill”.

As an added information, the devotion to the Lady of the Candle or Candelaria, originated in the city of Candelaria,Tenerife, one of the islands of Canary Islands, where it is regarded as a “black Madonna”, hence, the name Our Lady of Candelaria or Nuestra Señora de la Candelaria. Although, the basilica that enshrines the patroness is located at Candelaria, she is considered as the patroness of the whole Canary Islands.

Hindi Dapat Itigil ang Imbestigasyon kay Binay

Hindi Dapat Itigil

ang Imbestigasyon kay Binay

ni Apolinario Villalobos

Ang panawagan ng iba, lalo na ni Romulo Makalintal na itigil ang imbestigasyon kay Binay ay hindi nararapat. Nakakagulat ang mga lumalabas na mga isyu tungkol sa mga katiwalian nito. Dapat malaman ng taong bayan kung anong uri ng tao ang interesadong maging presidente ng Pilipinas.

Kung hindi dahil sa imbestigasyon, malalaman ba ng taong bayan ang tungkol sa perang nakamkam nang ipatayo ang Makati City Hall II?,…ang asyenda sa Batangas?…ang ilang dobleng patong sa pagbili ng mga gamit sa Ospital ng Makati?…ang katiwalian sa pagpagawa ng Makati Science High School? Inaasahang marami pang isyu ang maii-ugnay kay Binay.

Wala namang problema sa mga ebidensiya dahil pinapasa ng Senado ang mga ito sa Ombudsman. At, inaasahan na ng bayan na aabutin ito ng siyam-siyam sa kamay ng mga imbestigador ng Ombudsman. Idadahilan na naman ang kakulangan ng mga abogado, na standard na dahilan ng lahat ng korte ng gobyerno, kaya mahina ang pag-usad ng mga kaso.

Malaking bagay ang ginagawang imbestigasyon ng Senado. Hindi nga lang nagko-cooperate ang mga resource speaker, ayaw magsalita at magbigay ng mga hinihinging dokumento, na naging sanhi ng pagkainis ng mga nag-iimbestiga. Kaya hindi tama ang sinasabi ni Romulo Makalintal na one-sided ang imbestigasyon. Hindi siniseryoso ng mga resource speakers ang ginagawang imbestigasyon. Malinaw ang intensiyon nilang magtakip dahil sangkot din sila.

Ang mahalaga sa ginagawang imbestigasyon ay nabulgar ang mga ginagawa ni Binay. Kahit pa pinapalabas ng mga kampi kay Binay na nagga-grandstanding ang mga imbestigador at nakakaduda kung may magagawang batas. Hindi rin totoo ang sinasabi ni Makalintal na paulit-ulit ang mg sinasabi sa imbestigasyon dahil palaging may bagong isyu na nakakagulat tuwing araw ng imbestigasyon. Ang malaking pakinabang sa imbestigasyo ay ang pagkabulgar ng mga katiwalian. Kaya, hindi iindahin ng mga Pilipino kung abutin man ng siyam-siyam ang imbestigasyon na gagawin ng Ombudsman…kung kikilos nga ang mga abogado nito para gampanan ang kanilang tungkulin.

Ang mga pananaw sa imbestigasyon ay lumalabas sa internet at malalaking diyaryo. Hindi kayang bumili ng mga ordinaryong tao ng malalaking diyaryo dahil mahal ang mga ito, at lalong wala silang computer kung saan ay mapapanood o mabasa nila sa internet ang mga imbestigasyon. Subalit magbukas lang sila ng radyo at TV, may maririnig o mapapanood na sila, live pa. Kaya paanong matitigil ang imbestigasyon kung ang nakikinabang ay mga ordinaryong mamamayang Pilipino?

Kung hindi dahil sa imbestigasyon, hindi mabibisto ang planong ginagawa ng pamilya Binay na makontrol ang Pilipinas, na inumpisahan nila sa pagkontrol ng Makati. Inaako nilang kung hindi dahil sa kanila ay hindi gumanda ang Makati, ganoong pera naman ng mga negosyante sa Makati ang ginamit – pinagkitaan pa. Pati kabataan ng Makati ay ginamit sa pagpapatayo ng Makati Science High School na pinagkitaan din. Ang mga mahihirap ng Makati ay ginamit din sa pamamagitan ng Ospital ng Makati, na ang halaga ng mga gamit ay pinatungan ng kung ilang dobleng komisyon.

Ginamit ng mga Binay ang kapangyarihan ng pera at mapagkunwaring makatao nilang adhikain upang makuha ang kalooban ng mga taga-Makati. Ngayon ay ginagapang naman nila ang buong sambayanang Pilipino. Malaking negosyo ang tingin nila sa Pilipinas – maraming senior citizen na mapagkikitaan ng “libreng” cake at “libreng” sine, maraming namamatay na mabibigyan ng bulaklak, maraming ospital na mabibilhan ng mga gamit na ang halaga ay papatungan ng kung ilang dobleng komisyon, maraming lugar ang pwedeng pagtayuan ng mga eskwelahan na maaaring pagkitaan, at maraming nakatiwangwang na lupain sa buong bansa na maaari pang makamkam. Dadagdagan nila ang dusang nararamdaman ng mga Pilipino dahil sa mga illegal na logging at pagmimina na gawa rin ng mga tiwaling opisyal, lalo na ang walang pakundangang nakawan sa kaban ng bayan. Nakakabahala ang paglaki ng utang ng Pilipinas na umabot na sa kung ilang trilyong piso dahil sa mga katiwalian.

Hindi siguro naisip in Makalintal na hindi dole-out ang mga libreng cake at sine sa Makati. Lumalabas lang na libre dahil subsidized ng pamahalaan ang isang bahagi ng gastos na dapat bayaran ng beneficiary. Kahit anong pamahalaan ay maaaring magpatupad ng “libreng” sine at cake para sa senior citizens kung kaya ng budget nila. Unang nagawa ito sa Makati dahil malaki ang kinikita ng bayan, kaya hindi dapat ituring na utang na loob kay Binay ang libreng cake at sine para sa mga senior citizen. Walang dole out o libreng binibigay sa mga Pilipino maliban lang sa mga donasyon na relief goods na tinitipid pa nga.

Nang mabisto ang ginagawa niyang katiwalian, nag-ikot sa Pilipinas si Binay, gamit ang pera ng bayan, at nagpakodak habang nakipag-boodle fight o kainang nakakamay sa dahon ng saging kasama ang mga mahihirap daw at kabataan. Lumapit sa pangulong Pnoy, lumapit sa mga Obispo (kaya ang isa daw ay nakapag- sign of the cross nang tabihan niya), at nagsalita pa sa radyo sa Cebu. Ganoon siya kadesperado sa paghanap ng kakampi.

Maganda ang taktika ni Binay. Ginamit ang pera ng mayayaman sa Makati upang magamit naman sa mga programa para sa mahihirap at matatanda, mga may pusong madaling kurutin – puro tinatakan ng “B”, kaya lahat ay lumalabas na kanya. Balak niyang gawing “ebidensiya” ang Makati bilang katibayan na magaling siya upang magamit namang magandang dahilan sa pagtakbo niya bilang presidente ng Pilipinas. Pati ang administrasyon ni Pnoy na kinabibilangan niya bilang kalihim ng isang ahensiya ay inaatake na niya para palabasing hindi maganda ang mga palakad kaya nangangailangan na ang bansa ng isang magaling na presidente. Lahat ay planado. Sa kasamaang palad sumemplang ang “grand plan”. Ang mga “ebidensiya” sana ng good performance ay naging mga ebidensiya ng katiwalian niya ….nag-boomerang!