Ang Bulok na Style ng Mga Mambabatas Upang Kumita at Maalala

Ang Bulok na Style ng Mga

Mambabatas Upang Kumita at Maalala

Ni Apolinario Villalobos

Ang ginagawa ni Franklin Drilon na hindi pag-ako ng proyekto sa pagpatayo ng Convention Center sa Iloilo City, ay pagpapakita ng bulok na style ng mga mambabatas pagdating sa ganitong bagay. Kung hindi siguro siya sinampahan ng kaso na dahilan upang siya ay maimbestigahan, malamang pinagyayabang niya ito na kanya. Ngayon, ang palagi niyang sinasabi ay maliban sa paggamit ng kanyang budget, wala na siyang kinalaman sa proyekto. Kaya siya napagbintangan ng overpricing ay dahil, ang kontraktor na nanalo sa bidding ay siya ring kontraktor na gumawa ng Makati City Hall II, na pinaghihinalaang kakutsaba ni Binay upang magawa ang overpricing. Nagkakabistuhan na sa style ng mga mambabatas na “referencing” para malaman kung anong kontraktor ang maaaring kutsabahin upang kumita.

Hintayin nating sana ay mapatunayang walang problema sa proyekto na ito, at siguradong hindi magkakandaugaga si Drilon sa pagbrodkast na kung hindi dahil sa kanya ay hindi magkakaroon ng Convention Center ang Iloilo City!

Ang hindi mabura-burang bulok na style ng mga mambatatas ay ang paglagay ng larawan nila sa mga tarpaulin at mga pininturahang yero na palatandaan ng mga proyekto, at nagsasaad na sila ang promotor, sa halip na ipahiwatig na ang pondo ay galing sa kaban ng bayan, kaya proyekto ng taong bayan. Pati ang mga sasakyang pinamumudmod sa mga barangay, kalsada na ilang dipa lang ang ni-repair, waiting shed, basketball court, eskwelahan, karatula ng mga NGO, at mga t-shirt tungkol sa mga proyekto ay hindi nakaligtas.

Minsan may nadaanan akong squatter’s area at natawa nang makita ko ang tarpaulin ng isang epal na pulitikong ginamit na pantapal sa butas ng dingding sa second floor ng isang lumang gumigiray na building, dahil nasa ibabaw mismo ito ng karatula ng beer house na nasa ground floor. May nakita rin akong tarpaulin ng kaepalan pa rin ng pulitiko, kumpleto sa larawan niya, na nagsilbing “pinto” ng kubeta. Yong isa namang tarpaulin na may larawan, nakita ko na ginamit pambalot sa isang malapad na bangko ng karinderya, sentrong- sentro ang larawan sa nauupuan…kaya tuloy hindi ligtas sa utot ng mga umuupo – deserve nilang mabugahan ng sama ng loob!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s