Mother Earth and Man

Mother Earth and Man
By Apolinario Villalobos

Looking back when time began
God said the words
Giving life to all
That He desired,
The endless expanse of the void
Was filled with motley specks
That moved with harmony –
A prodigious task
Of the Almighty.

A tiny dot in the universe
Mother Earth throbbed with life
As God made her a living sphere
Covered with green and blue
All part of God’s grandiose plan
Done in a few days of divine toil,
Though, He rested finally
Being at last satisfied –
On the seventh day.

Out of a handful dust from her womb
God made Adam, by such name he was called
And with God’s breathe of life
What was once a lump with limbs
Has become like Him in image
And let to roam the Garden of Eden
But then, loneliness soon had its toll
Which when God has perceived –
From Adam’s rib, He made Eve.

Mother Earth now nurtures
Not only lesser creatures
But the pair that God made
In some aspects, in His own image.
A paradise, Eden was supposed to be
But to it, a serpent found its way
Tempting Eve to have a taste of ecstasy
And, no sooner than she did have a bite
She made Adam commit the same depravity!

The blunder made by Adam and Eve
Instigated the misery of Mother Earth
As they opened the floodgate of afflictions
That soon blemished her once pristine face;
Greed and selfishness, for long, led lives –
Cain putting to death his own brother Abel,
And many other stories that are written
On the sacred pages of the age-old Book-
All it needs is for us to give it a serious look.

Warnings that Mother Earth belched
In her effort to wake man up with a jolt
Did not budge him even a single bit
Instead, pride bloated him to the utmost
That, into the fetid air, made him float
And, as he breathes in more turpitudes-
It would be no wonder, when he bursts!

That will be the day when not even time
Shall move its hands as they should be,
That will be the day when not even rain
Shall fall with life-giving sweet droplets,
That will be the day when not even birds
Shall fill the air with their lilting tweets,
And the cool breeze shall no longer blow-
Leaving Mother Earth cloaked in sorrow!

Ang Nakakamanghang “Galing” ni Antonio

Ang Nakakamanghang “Galing” Ni Antonio Tiu
Ni Apolinario Villalobos

Nakakamangha ang mga skills o galing ni Antonio Tiu. Kung sakaling manalo si Binay bilang Presidente ng Pilipinas, hindi lang iisang tungkulin ang maaari niyang gampanan. Makakatipid ang administrasyon ni Binay, dahil iisa na lang ang hihiranging Secretary – si Tiu. Maaari siyang Secretary of Tourism, Finance, Budget and Management, Education and Culture, Foreign Affairs, Agriculture, Energy, Health, etc.

Sa galing niya sa paghabi ng mga kuwento, maaari siyang dumayo sa ibang bansa upang maghikayat ng mga turista sa pagsabi na nakakabingi ang katahimikan sa Pilipinas…walang patayan, nakawan, kidnapan, gahasaan, at kung anu-ano pang kriminalidad, kaya ang turista ay ligtas na makakapaglakbay saan man, kahit na hanggang sa Tawi-tawi at Basilan. Kahit magdamag ding maglalakad ang turista sa Tondo, Avenida, Cubao at iba pang lugar sa Maynila, hindi siya madudukutan ng pitaka o aagawan ng bag. Wala rin siyang matitisod na mga rugby boys o mga mag-anak na natutulog sa bangketa, at walang Badjao na namamalimos.

Walang nagra-rally na mga estudyante… pwede niyang sabihin yan, dahil wala nang halos nag-aaral, abut-langit kasi ang halaga ng tuition fees. Kaya ang mga babaeng dapat nag-aaral ay nasa mga music lounge, café, beer house – entertainers. It’s more fun in the Philippines! Ang mga lalaking dapat mag-aral ay construction workers, hindi magkandaugaga sa pagtrabaho sa ilalim ng araw upang matapos agad ang mga building na pinapagawa ng mga negosyanteng Koreano at Intsik. Masipag ang Pilipino! At, yong mga bata naman…walang problema, tahimik silang nagra-rugby sa mga sulok. Kaya, it’s more fun in the Philippines talaga!

Maaari siyang magsalita sa United Nations upang ipagyabang na ang Pilipino ay hindi nagugutom, sa halip ay malulusog dahil nakakakain ng tatlong beses isang araw, may dalawang meryenda pa, at midnight snack – yon nga lang, pagpag na galing sa basurahan ng Jollibee at iba pang burger joints at restaurants. Wala ring sakit dahil wala ni isang lamok o ipis saan mang sulok ng Pilipinas, kaya maski matulog ang Pilipino na nakahubad, ligtas siya sa nakaka-dengue na kagat ng lamok. At, sa mga kainan sa kalye, kahit pa hindi hugasan ang mga pinggang pinagkainan na, walang maaakit na ipis, kaya pwedeng kainan uli kinabukasan.

Sa mga gustong mag-invest na taga-ibang bansa, maaari niyang sabihin na ang mga isla ng Pilipinas ay pinag-uugpong ng mga tulay, kaya walang problema sa pagbiyahe mula Batanes hanggang Tawi-tawi. Kung ang isang investor ay magtatayo ng mall sa Marinduque, dadagsain pa rin ito ng mga taong naninirahan sa Jolo. Kung ang investor ay magtatayo ng pagawaan sa General Santos, ang mga empleyado ay hindi mali-late kahit nakatira pa sila sa Cavite.

Ang educational system ng Pilipinas ay pwede niyang ipagyabang na the best in the world dahil every year ay binabago ang mga libro ng mga estudyante, kaya malaki ang kita sa ganitong negosyo. Aircon ang mga silid-aralan at pwede pa ngang tumanaw sa labas dahil sa laki ng mga butas ng mga dingding, may mga skylight pa dahil kulang ng yero ang ibang bubong ng ibang eskwelahan lalo na ang mga nasa liblib na kanayunan. Kung palikuran naman – ahhhh!…napakalawak ng mga talahiban at marami ring punong mapagkukublihan, kaya walang problema.

Walang iskwater sa Pilipinas! maaari niya itong ipagsigawan sa buong mundo dahil karamihan sa mga mga sinasabing busabos ay may mga kariton at ang iba naman ay palaging may kipkip na karton na banig nila sa gabi. Kaya hindi sila nang- iiskwat ng lupa upang tirhan. Yong mga nakatira sa mga barung-barong ay mga artista sa ginagawang Indie films at ang mga tirahan nila ay mga props lamang. Ang mga batang akala ng iba ay yagit dahil nanlilimahid at halos nakahubad na ay mga anak ng nature lovers na magulang kaya pati sila ay halos hubad na rin. At yong mga dumi sa mukha ay ipinahid na putik bilang simbolo na sila ay galing sa lupa at sa lupa rin babalik pagdating ng panahon. Sa Pilipinas, hindi lang sa mga liblib na beaches mayroong nude na nature lovers, dahil sa Maynila lang ay marami nito. Siguradong maraming mga turistang manyakis ang dadagsa sa Pilipinas sa halip na magtiyaga sa pagmasid ng pay-per-view na sex shows sa internet.

Hindi magkakaroon ng blackout sa Pilipinas, maaari niyang idagdag sa kanyang kampanya. Talagang hindi magkakaroon, dahil dati nang mayroon nito, matindi pa, lalo na sa Mindanao. Kaya nga dumami at lomobo ang populasyon sa mahigit isang milyon na ngayon ay dahil palaging maagang matulog ang mga Pilipino. Ganoon ka-health conscious ang mga Pilipino, kaya hindi nagpupuyat. At dahil dito, lumutang ang pagkaromantiko ng mga Pilipino na kinaiinggitan ng mga taga-ibang bansa na kung magkaroon ng anak ay iisa o pinakamarami na ang tatlo. Sa Pilipinas, dose-dosena ang mga biyayang galing sa sinapupunan ng mga ina!…kaya inggit ang mga banyaga!

Kung may bagyo, walang problema sa mga gusali o bahay na mahahapay…dahil puro nahapay na. At upang hindi masira ang skyline ng mga probinsiyang nasalanta, halos isang taon na ay iilan pa lang na tirahan ang itinayo ng gobyerno. Ganyan ka-concern ang gobyerno. At hindi lang concerned ang gobyerno sa mga nasalanta, pati na rin sa mga halang ang bituka, ang mga bantay-salakay, kaya ang mga naimbak na donations hinayaan na lang na nakawin nila, kaysa dagsain pa ng mga daga at uod. At isa pa, may mga darating pa naman yata.

Upang lalong makuha niya ang tiwala ng mga banyaga, maaari niyang sabihin na isa sa mga requirements ng mga Pilipino na gustong pumasok sa pulitika ay dalawang taon man lang sa seminaryo o kumbento, para siguradong malinis ang kanilang budhi kapag nanalo sila bilang mambabatas o sa kung ano mang puwesto sa gobyerno. Ibig sabihin, walang korap na mga opisyal sa Pilipinas. Pero kung puwesto na ng presidente ang pinupuntirya, dapat ang kandidato ay may apat na taong karanasan sa loob ng kumbento o seminaryo. Ibig sabihin certified na maka-Diyos ang presidente ng Pilipinas, na dapat ay laging diretso ang pananaw, parang kabayo, hindi tumitingin sa kaliwa o kanan, habang naglalakad sa tuwid na daan. Pwede niyang idagdag na masigasig ang presidente sa Pilipinas at sumusunod sa mga utos ng kanyang mga hinete, eheste, mga amo pala.

At sa relasyon ng Pilipinas at Tsina, bff silang dalawa at may mga theme-song pa, ang: “My Way”, at “Buchekek”. At home na at home din ang mga Tsino sa Pilipinas at ang pinakamalaking pruweba ay siya, tatlong litra ang apelyido. Kaya pwede niyang sabihin: huwak apleyd sa ploblem sa West Philippine Sea, sabay smile ng pagka-cute na cute!

Wala Man Akong Mga Kamay…

Wala Man Akong Mga Kamay…
Ni Apolinario Villalobos

Wala man akong mga kamay
Hindi ito hadlang sa aking pagsisikhay
Hindi kawalan ang mga ito upang mabuhay –
Na may dangal, pangarap, at lubos na matiwasay.

Wala man akong mga kamay
May angkin pa rin naman akong talino
Na sa akin ay gagabay sa ibabaw ng mundo
Lalo na sa pakikipagsalamuha sa aking kapwa- tao.

Wala man akong mga kamay
Mata ko naman ay napapakinabangan
Pangtanaw sa kalsadang aking yayapakan
Upang ‘di matalisod… ‘di masubsob sa dadaanan.

Wala man akong mga kamay
Mga pasyala’y akin namang nararating
Nakakatakbo, nakakalukso, at pati swimming
Na tulad din ng mga isda, lumba-lumba at pating.

Wala man akong mga kamay
Na pagdadaitin ko sa aking pagdarasal
May bibig naman akong taos-puso na uusal
Habang ako ay nakatingin sa itaas – sa Maykapal.

Wala man akong mga kamay
May puso namang umaapaw sa pag-ibig
Hindi lamang para sa kapwa, kundi sa daigdig
Lalo na sa Manlilikha na layon ng aking pananalig.

Ang Mga Magiging Pamana ni Pnoy sa Mga Pilipino

Ang Mga Magiging Pamana ni Pnoy
sa Mga Pilipino
Ni Apolinario Villalobos

Bukang-bibig ng mga tagapagsalita ni Pnoy na sa pagbaba niya ay may iiwanan siyang pamana…legacy. Sigurado yan at marami pa, tulad ng:

-Kagutuman…. na lalong umalagwa mula palang sa unang araw ng panunungkulan niya dahil itinalaga niya sa DSW ang wala namang napatunayang maayos na acoomplishment at mahilig magpalipat-lipat ng loyalty, si Dinky Soliman na ang mga proyektong laman ng isip ay hindi makatotohanan o realistic kaya hindi talaga nakakatulong sa mga nangangailangan. May mga “bureau” ang DSW na ang gamit ay palamuti sa flow chart of organizational chart dahil wala namang nagawa. Ang mga bureau na ito ay nakatalaga sa mga tukoy nang mga bahagi ng populasyon tulad ng kabataan, family, informal settler at iba pa. Bakit lalong dumarami ang mga rugby children at mga palaboy sa kalye? Bakit marami pa ring Badjao ang namamalimos at lalong dumami sa mga lunsod, hindi lang sa Maynila? Bakit nagkakawalaan ng mga donations? Bakit walang maipamahagi agad sa mga nangangailangan pag may nangyaring kalamidad? Sa Maynila lang, bakit lalong dumami ang mahihirap na hindi na halos makakain maski isang beses isang araw?

-Alanganing seguridad…na lalong naging manipis dahil lumakas pa ang loob ng Abbu Sayyaf na namamayagpag pa rin sa kabila ng kaliitan ng kanilang grupo at limitadong lugar na ginagalawan; hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli si Nur Misuari na sa tingin ng marami ay malaking banta sa sinusulong na Bangsamoro sa Mindanao, at pati na rin ang grupo ni Umbra Kato ng humiwalay sa grupo ng MILF; hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw tungkol sa usapin ng West Philippine Sea at lalo niyang pinatindi ang kaawa-awang kalagayan ng bansa nang ipatigil niya ang pagpapaayos ng paliparan sa Kalayaan Island na kahit buong mundo ay nagsasabi na napakamahalagang kasangkapang pangseguridad; at, ang problema sa NPA, ganoon pa rin…lalo pang lumala;

-Matataas na presyo…na pumirmanente na, at hindi na bumaba pa, simula nang magsiritan ang mga ito sa mga lebel na hindi man lang nagpabahala sa kanya;

-Korapsyon…na kahit na inilantad na sa kanya ay hindi niya binigyan ng gaanong pansin, at kahit na isabay niya sa pagbaba ang mga alalay niyang may mga kwestiyonableng performance, maiiwan nila sa mga opisinang pinanggalingan ang impression ng mga tiwaling gawain, na maaaring gayahin, na ang pinakamatunog ay smuggling, kaya tuluy-tuloy pa rin ang mga pamamalakad na may ganitong bahid…at tuloy ang nakawan;

-Mga utang…na matindi na ang pagkakalobo, at sa tingin ng mga Pilipino ay wala nang pag-asang mabayaran pa ng mga henerasyong darating, kahit na ng mga kaapu-apu-apu-apu-apohan sa talampakan;

Sa isang banda, huwaran ang ginagawa niyang pagprotekta sa mga kaibigan, lubog man ang mga ito sa kontrobersiya. Marubdob ang pag-oobserba niya sa kasabihang “walang iwanan”. Pinakita rin niya na upang makaiwas sa heart attack, ay ngitian lamang ang mga problema.

May Isang Ulikbang Switik…cor

May Isang Ulikbang Switik…
Ni Apolinario Villalobos

Ito ay kuwento tungkol sa ulikbang switik
Nakatira sa bayang maunlad, ang Diyanlang
Bilang pinuno, buong bayan sa kanya’y humirang
Na kanyang ikinatuwa’t tinanggap ng buong galang.

Kulay-lupa siya, sabi ng iba kulay-uling daw
No problem, puti naman, kanyang mga ngipin
Lutang ang mga ito kung siya’y tumawa’t ngumiti
Kahit papaano, sa kabuuhan niya, mayroong maputi.

Bata pa’y banat na sa trabaho, kaya bansot
Bilad sa araw, anak-mahirap kaya kulay-ulikba
Gusto’y masabing mahirap, kaya nga ‘di mayaman
Pinipilit ito 24/7 sa lahat ng maharap na mamamayan.

Aba’y nagulat ang mga kababayan, one day
May halos tore kalaking gusali itong pinatayo
Nagtaka ang mga tao, bakit mayroon nito sa bayan
Halos nagpasaid sa iniingatang laman ng kanilang kaban.

Sa imbistigasyon, pinadala niya’y mga hangal
Tamimi lahat, walang sagot sa mga katanungan
Ang iba ay kandabulol ang dila, tagaktak ang pawis
Habang nasa bulwagan at kaharap ang mga manlilitis.

Nasaan ang ulikbang switik?…ask ng mga tao
Busy daw at siya ay naglayag sa malalayong isla
Na-miss kasi ang mga islanders, na friends daw niya
Mangungumusta la’ang…at promise, wala nang iba pa!

Ang halatang nagpayamang ulikba’y nagtatago
Hindi alam kung saang sulok siya mamamaluktot
Gumawa ng multo, ngayo’y kanyang kinatatakutan
Hindi alam, paanong magpaliwanag sa mga kababayan!

Aanhin niya ngayon ang yamang kinurakot niya?
Kung may matira… in case, after ng imbestigasyon
Magsisi man siya, ay talagang huli na, useless talaga
Dahil lubog pa sa kahihiyan, pangalan ng kanyang pamilya!

Kung Ako si Jejomar Binay…

Kung Ako si Jejomar Binay…
Ni Apolinario Villalobos

Sa patung-patong na mga bagong ebidensiya na may kinalaman sa asyenda ng mga Binay sa Rosario, Batangas, at tinalakay sa Senate hearing, ika-tatlumpo ng Oktubre, malabo na nilang malusutan ang paratang na sila ang nagmamay-ari nito. Ang masaklap pa, nandamay pa sila…nanghila pa ng iba habang lumulubog sila sa kumunoy ng kahihiyan. Ang tanging pag-asang natatanaw ni Binay ay ang eleksiyon ng pagka-presidente ng Pilipinas sa 2016 – kung makakalusot niya…sa ano mang paraan siguro. Naalala ko tuloy ang tulang nabasa ko tungkol sa taong nagbenta ng kaluluwa niya kay satanas upang magkaroon ng maginhawang buhay….

Pero kung ako si Jejomar Binay, dahil sumapi kunwari ang ispiritu ko sa kanya, aakuin ko na lang ang mga ginawa ko. Kakausapin ko ang misis ko, at ang tatlo kong anak at pagsabihan sila na huwag umamin ng kung anong kasalanan. Basta, ang lahat ng bintang ay ibato sa akin. Haharapin ko na lang ang lahat sukdulan mang ako ay makulong. Walang problema dahil sanay naman akong kumain nang nakakamay na ginagawa ng mga nasa ob-lo. Nakodakan pa nga ako minsan kasama ang mga batang, kumakain sa dahon ng saging, naka-kamay kami. Kaya ganoon lang kadali yon…kakayanin ko.

Hihintayin ko na lang na matapos ang eleksiyon sa 2016, kung kaylan ay alam ko namang magkakaroon ng dayaan kaya yong mga may hawak ng pork barrel at kung anu-ano pang pondo ng bayan ang sigurado kong mananalo. Basta nandiyan lang “siya”. Magkasama nga kaming nag-hose noon ng mga loyalista ni Marcos, kasama si Tolentino sa harap ng Manila Hotel, nang ipilit nilang umupo ang matanda bilang Presidente dahil inilipad na si Marcos sa Hawaii, sa halip na sa Paoay. Nakodakan pa nga kami ni “brod”, in fairness, hindi nahulog ang salamin niya, sincere na sincere sa pag-hose ng mga taong nagkandatilapon. Kaya may utang na loob pa rin sila sa akin, dahil kung hindi ako humawak ng hose, hindi nakarating sa Malakanyang silang mag-iina. Dapat lang akong maningil dahil mahirap yata ang magpalit ng kulay, depende sa administrasyon….nakakaitim…kita na nga ang ebidensiya. Sa laki ng badyet na tingin ko ay maipapasa, sigurado na ang panalo “nila” sa eleksiyon.

Subali’t kung gusto namang bumida ng junior ko…atatapang a bata yan…junior yata!…siya na lang ang ididiin ko. Pakapalan na lang ng mukha. Sanay naman ako diyan. Hindi siya puwedeng umalma dahil lahat ng ginusto niya ay binili ko, pati bahay na may elevator. Hindi siya dapat mangulila sa loob dahil padadalhan siya palagi ng keyk at mababangong bulaklak, pati na rin ng isang exotic na ibong nagsasalita, yon nga lang kailangang may interpreter siya dahil ang salitang alam ng ibon ay Mandarin.

Si misis at ang dalawang anak kong chicks, dapat manatiling malinis sa mata ng tao. Ipipilit ko yan, kahit na alam kong ngayon pa lang marami nang librong naisulat tungkol sa mga kababalaghang nangyari na nagsimula noong kapanahunan ko bilang mayor sa Makati. Aaminin ko naman talaga, upang wala nang mga kaek-ekan pang pag-usapan.

Maaari ko ring kausapin ang junior ko upang magpalabunutan kami kung sino ang aako ng mga kasalanan. Sasabihin ko sa kanya, na ang taong umaako ng kasalanan ay may grasyang matatanggap mula sa langit. Kung gusto niyang ako na lang ang tumanggap ng grasya, sasabihin ko na hindi na ako tatablan nito dahil makapal ang balat ko…ang mukha ko. Mauunawaan niya dahil matalino siya tulad ko rin, kaya nga ako naging abogado para malaman ko kung paanong paikutan ang mga batas. Ganoon ako katalino kaya nga dapat sana ay wala akong kasalanan until proven in court, o hangga’t hindi bumigay ang istaring na dummy na may intsik na pangalan.

Sana ako si Binay upang magawa ko ang mga pag-ako, o di naman kaya ay mabuyo ko ang anak ko na gawin ito, at nang matapos na ang usapang pangungurakot ko daw. Kawawa kasi ang taong bayan dahil nasasapawan na ang ibang isyu na dapat ay mapag-usapan tulad ng trilyones na badyet 2015 na pinaglalawayan ng mga buwaya sa kongreso at senado. Malamang nilakihan ng mga “brod” ko ang badyet upang masigurong may maipamudmod sa mga Pilipinong katulad kong mahirap at nagugutom ayon sa DSW, pagdating ng kampanyahan sa 2016. Alam kong may pagkabanal ang hinahangad kong ito, at alam ko ring 100% na tama…abogado yata ako, maraming alam, kaya nga maski mali ay nagagawa kong palabasing tama. Dahil sa kagalingan kong ito, maraming naiinggit, pinupulitika ako.

Ako na ito, ang manunulat, na nagsasabing opinion kong pansarili ang inilahad ko kung sakaling sumanib ang ispiritu ko kay Binay. Sa isang banda, huwag mag-alala ang mga spokesperson ni Binay dahil wala akong hangad na mang-agaw ng eksena. Kung gusto nila, paghatian na lang nila ang sentensiya pagdating ng panahon…kanila na lang. Lumalabas din lang sa bibig nila ang animo ay mga galing sa diwa ni Binay, i- all the way na nila ang pagsalita na para na ring si Binay, kasama na ang pa-humble epek nito sa harap ng mga TV camera…dahil mahirap lang siya…at maitim, hindi mestizo tulad ng mga kalaban niya.

DSW/ Dinky Soliman…Nangangarap!

DSW/Dinky Soliman…Nangangarap!
Ni Apolinario Villalobos

Hindi daw tanggap ni Dinky Soliman, ang secretary ng DSW ang resulta ng bagong survey na maraming nagututom na Pilipino. Hindi daw palpak ang mga programa ng DSW, lalo na ang doled out na pera para sa mahihirap, na hanggang ngayon ay kaduda-duda. Nangangarap siya!
Wala nga siyang maayos na kasagutan sa mga katanungan tungkol sa mga anomalyang nakapaligad sa mga donasyon at pamamahagi nito sa mga biktima ng mga trahedya, hindi pa rin nahiyang magpahayag ng saloobin niya na palpak talaga ang pamumuno niya sa DSW.

Anong feeding program niya ang magpapaliwanag sa sinabi ng senador Grace Poe mismo, na 15milyon na mga bata ay naguguton?

Dapat mag-ikot siyang mag-isa sa Maynila upang malaman niyang mali siya. Bulag yata siya kaya hindi niya nakikita ang mga namamalimos na mga pulubi at mga bata, ang mga nakatira sa bangketa, ang mga namumulot ng tirang pagkain sa basura. Hindi malaman ng taong bayan kung tao siya o robot dahil wala man lang makitang pag-alala sa mukha niya na ang kulay ay pinatingkad ng kapirasong kulay sa buhok, na pabago-bago sa araw-araw na ginawa ng Diyos!

Itigil na dapat ni Dinky Soliman ang pangarap na marami ang bilib sa pamamalakad niya ng DSW. Sabagay kung susundin ang ibig sabihin ng marami…maaaring totoo, more than one kasi ang bilib sa kanya – si Pinoy, mga spokesperson nito sa Malakanyang, driver niya at mga katulong, at mismong miyembro ng pamilya niya. Tama siya…marami nga!