Ang Mga Tengang Apaw sa Tutule

Ang Mga Tengang Apaw sa Tutule!

Ni Apolinario Villalobos

Inaabuso ng gobyerno ang kaluwagan ng mga Pilipino –

Halos hindi na kumibo sa kabila ng mga pasakit na inaabot

dahil sa kapabayaan ng halos lahat na lang ng mga ahensiya nito.

Puro ngiti at mga pangakong pag-iimbistiga ang naririnig –

Sa bibig ni Pnoy at mga namumuno sa kanyang mga ahensiya

at ang paulit-ulit niyang talumpati, inaani ay palakpakang matulig.

Lito’, at ‘di na alam ng mga Pilipino kung saan sila susuling –

Dahil kaliwa’t kanan, harap at likuran, batbat ng mga suliranin

Kaya sa itaas na lang, marubdob na pagmamakaawa ay ipinaling.

Hanggang kaylan kaya, mga panaghoy nila ay mangibabaw?

Bulag yata ang mga namumuno, pati na ang nakangiting Presidente

at ang nakakalungkot, bingi pa, dahil mga tenga, sa tutule’y umaapaw!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s