Dr. Avelino L. Zapanta…Mananalaysay ng Lakbay-himpapawid at Kalakalan nito sa Pilipinas

Dr. Avelino L. Zapanta…

Mananalaysay ng Lakbay-Himpapawid

At Kalakalan nito sa Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

Kulang ang ibig sabihin ng titulo sa pagtukoy ng kaalaman ni Dr. Avelino L. Zapanta, at “Lino”, naman sa kanyang mga kaibigan pagdating sa kasaysayan at kalakalan ng lakbay-himpapawid sa Plipinas. Mabigat ang dating ng salitang mananalaysay o “historian” dahil sa lawak ng saklaw nito pagdating sa kultura ng isang bayan, kaya hindi ko na dinagdag pa sa titulo ang kanyang pagka- Presidente ng Philippine Airlines na tumagal ng maraming taon, at ngayon ay bilang Presidente at CEO naman ng SeaAir.

Tulad ng iba pang mga natatangi at nakaka-inspire na mga empleyado ng Philippine Airlines, nagsimula din siya sa mababang puwesto. Maganda ang animo ay pagtuntong niya sa mga baytang ng hagdan ng tagumpay upang marating ang pinakarurok na puwesto sa kumpanya, at iyan ay bilang isang Presidente. Naging Supervisor, Manager, Director, Assistant Vice-President, Vice-President, at Senior Vice-President din kasi siya ng iba’t ibang departamento ng PAL, hanggang maging Presidente. Kung baga sa prutas, siya ay hinog sa panahon. Kaya nang maging Presidente siya ng kumpanya ay alam na niya mula sa kaibuturan ng kanyang puso at isip, ang lahat ng mga bahagi ng operasyon ng Philippine Airlines, na itinuturing na flag carrier ng bansa.

Nang dumating ako sa opisina ng Marketing and Sales-Philippines na nasa Administrative Offices Building (AOB) na ngayon ay Data Center Building (DCB) na, at sa tapat ng unang Manila Domestic Airport noong kalagitnaan ng dekada sitenta, natanaw ko si Dr. Zapanta sa kanyang “cubicle” bilang manager ng Cargo Division, at subsob ang ulo sa mga ginagawa. Ang tanawing iyon ay hindi na nasundan pa dahil ipinadala ako sa Tablas station (Romblon), sa paghikayat na rin ni Gng. Mila Limgenco na Market Planning Analyst ng Luzon Sales Area, na nasa ilalim naman ni G. Federico Pabelico bilang Area Sales Director (puwesto na naging Assistant Vice-President, kalaunan).

Noong panahong nasa Tablas ako, tuluy-tuloy na pala ang paggawa ng departamentong pinasukan ko, ng mga alituntunin at mga pulisiya para ipaloob sa isang libro o manual na siyang magiging batayan ng mga desisyon na aangkop sa lahat ng sitwasyon sa pagpapatakbo ng kumpanya, gaya ng pagtawag o pagpunta sa ticket office upang magpareserba o bumili ng ticket, pag-check- in sa counter, pagpadala ng cargo, pag-arkila ng eroplano, pagdating ng pasahero sa airport ng destinasyon, pag-asikaso ng mga pasahero kung naantala ang paglipad ng eroplano dahil sa bagyo o pagkasira nito, hi-jacking, at pagtulong sa lokal na pamahalaan na may dinadayong festival tulad ng Ati-Atihan at Moriones.

Sa utay-utay na paraan, naiipon nila ang mga ideya mula sa mga empleyadong hinugot pa mula sa mga domestic stations upang makibahagi sa proyektong ito. Nang ilipat ang departamento sa 5th Floor ng Vernida Building sa Legaspi St. ng Greenbelt (Makati), lalong sumidhi ang paggawa ng mga manual. Ito ang panahong gumawa si Dr. Zapanta ng isang malaking flow chart o daloy ng mga karampatang aksyong tutugma sa mga sitwasyon, na nabanggit na. Gamit ang pinagtagpi-tagping illustration papers, ang nabuo ay animo higanteng diagram ng isang radyo na sumakop sa kabuuhan ng isang dingding ng Conference Room!

Ang mga ideya galing sa mga analysts ng Standards and Coordination Division, mga representatives ng outlying stations, Reservations Division, Cargo Division, at tinatalakay naman sa mga magdamagang miting ng komiteng pinamumunuan ni Dr. Zapanta ay pinapaloob sa mga nakalaang Manual at pinipresenta ni G. Ricardo Paloma sa management ng PAL upang maging official na mga pulisiya o alituntunin ng kumpanya. Kalaunan, ginaya ito ng Marketing and Sales –International Department na ang saklaw ay operasyon ng PAL sa ibang bansa.

Sa huling yugto ng proyekto ay napasama ako, at doon ko uli nasilayan si Dr. Zapanta. Nabigla man ako sa mga puyatang nangyari, nakisabay na lang ako. Noon ko natutuhang uminom ng kung ilang tasa ng kape upang tumagal. Subali’t iba si Dr. Zapanta, dahil pagsapit ng hatinggabi, habang kaming mahihina sa puyatan ay nagnanakaw ng ilang kisap-matang idlip, siya ay tuloy pa rin sa pagsulat, at paggising naming pupungas-pungas pa sa madaling araw, ngingitian lamang niya kami habang tuloy ang pagsulat sa malaking flow chart!

Kung sa panahon ngayon, malamang ay gumastos na ng malaki ang kumpanya sa pag-upa ng isang research outfit upang gumawa ng mga Manual, subali’t nagdesisyon si G. Ricardo Paloma, ang Regional Vice-President ng departamento na gamitin ang kaalaman ng mga empleyado, at hindi naman siya nagkamali dahil lumutang ang iba’t ibang galing ng mga ito. (Tatalakayin sa isa pang blog ang mga “unsung heroes” na ito).

Dahil sa malawak at first- hand na kaalaman ni Dr. Zapanta tungkol sa operasyon ng PAL, na nadagdagan pa ng kanyang pagsubaybay sa masiglang pagsibol ng industriya, maituturing siyang isang historian o mananalaysay nito, at isa ring airline management authority, na ang kakayahan ay hindi matatawaran. Wala nang iba pang Pilipino ang maaaring umako ng ganitong kakayahan. Ayon kay Dr. Zapanta, ang pagpapalabas niya ng kakayahang ito upang makatulong sa pagpaunlad ng PAL at ng industriya, ay hindi niya itinuturing na “sakripisyo”. Sa halip, ang mga ginawa at ginagawa pa niya ay pagpapakita niya ng pagmamahal sa larangang pinili niya at pagmamalasakit ng buong puso sa kumpanyang nagtiwala sa kanya – ang Philippine Airlines.

Wala pang gaanong naitalang kasaysayan ang industriya ng lakbay-himpapawid sa Pilipinas, maliban na lamang sa mga mangilan-ngilang impormasyong nababanggit sa mga naisulat ng mga banyaga na may kaugnayan naman sa industriya na saklaw ang buong daigdig. Ang mga librong isinulat niya na sumaklaw sa kabuuhan ng kasaysayan ng lakbay-himpapawid sa Pilipinas ay may mga pamagat na, “HISTORY OF PHILIPPINE AVIATION”, at “100 YEARS OF PHILIPPINE AVIATION, 1909-2009: A FOCUS ON AIRLINE MANAGEMENT”. Ang ikalawang libro ay mabibili sa mga outlet ng Central Book Supply, Inc., tulad ng SM Megamall (5th level, EDSA, Mandaluyong, Tel. 6381088); Ever Gotesco (Manila Plaza Mall, CM Recto Ave., Manila, Fax 7346178); Aldevinco Shopping Center (19A Building A, Roxas St., Davao City, Tel. 2241070); West Concourse (Limketkai Mall, Lapasan, Cagayan de Oro City, Tel. 8566961); at GV Building (P. del Rosario St., Cebu City, fax 2530784). Maaari ring makipag-ugnayan sa Head Office (Phoenix Building, 927 Quezon Avenue, QC, Tel. 3723550) para sa maramihang bibilhin o di kaya ay sa may-akda mismo, sa kanyang cellphone number 09178320711, email na alzapanta@yahoo.com, at facebook gamit ang buong pangalan niya.

Si Dr. Zapanta na nagtapos ng kurso sa University of the Philippines at nagtamo ng Masters of Business Administration (MBA) sa Ateneo de Manila University, sa kabuuhan ay nakagugol ng 38 na taon sa Philippine Airlines, at apat pang taon bilang Presidente at CEO ng SeaAir na ginagampanan pa rin niya hanggang sa kasalukuyan.

Hindi pa rin ganap na kuntento si Dr. Zapanta sa mga nagawa na niya, kaya tuloy pa rin siya sa pagtrabaho at pagsusulat, na malamang ay nasisingitan ng mga tula at script na pang-pelikula… na dati na niyang ginagawa noon pa mang hindi pa siya empleyado ng Philippine Airlines. Nagbabahagi din siya ng kaalaman sa tinatalakay na larangan sa pamamagitan ng pagbigay ng mga lecture sa Asian Institute of Tourism(AIT) ng University of the Philippines at sa Institute of Graduate Studies ng Philippine State College of Aeronautics (PhilsSCA) . Dapat magpasalamat ang bansa at ang sambayanang Pilipino sa naiambag na ito ng isang taga-Taytay, Rizal, na tinaguriang lalawigan din ng mga pintor, dibuhista, kompositor, at manlililok, partikular na ang bayan ng Angono.

A Remarkable Guy, named Ed Guatelara

A Remarkable Guy,

named Ed Guatelara

by Apolinario Villalobos

Almost everybody who worked with Philippine Airlines until the mid-90’s knew Ed Guatelara. Aside from being the Manager of the Standards and Coordination Division (SCD) of the Marketing and Sales-Philippines Department (MSP), he was also the Director of the PAL Employees and Savings Association, Inc. (PESALA) for several years. Just like the rest of PAL executives who were well-rounded, he also held the position of Manager – Manila Domestic Airport Operation, and during the time of his retirement, as Consultant for the operation of PAL flights at the Subic International Airport. Most called him “Guate”, but the younger beneficiaries of his benevolence, called him “Manong Ed”. He was a big brother, literally, at 6’ flat height, which earned him a slot in the first basketball team of the airline, and later in lawn tennis.

His remarkability goes beyond his jobs in Philippine Airlines. PAL employees assigned in provincial stations do not tire of sharing how they were accommodated in his sparsely furnished apartment, during their sojourn in Manila to attend recurrent trainings and meetings. Simple meals were shared with them – whatever were on hand. Some of those who were unfortunate to be short of cash, were blessed with whatever amount he could afford, without any desire from him of being paid back.

Employees who were in dire need of cash, but were no longer qualified to renew PESALA loans were given guarantee by Ed Guatelara. Some would recall how they were able to get substantial loan, with his guarantee, from the cooperative, and which they used as down payment for their housing loan. His Volkswagen (Beetle), became ambulance for colleagues who were brought to the hospital in so short notice.

But he was not free from financial problem, too, just like the rest who depended on the 15th and 30th days wage for subsistence. Others just did not know about it, because he knew how to camouflage his worries with his sunshiny smile, typical of a Negrense. He hailed from Villadolid, Negros Occidental. During his youth, he was a dead ringer of Jun Aristorenas, with his thick, but constantly trimmed moustache, as shown by early photos. He was the guy who did not have the heart to say “no” to any request, official or personal, for as long as they are within his capacity. Alibi is not part of his language.

As Supervisor, and later, Manager of the SCD, he spearheaded the team that practically, laid down the foundation for a systematic operation of Philippine Airlines. Policies based on actual operational situations in Manila and provincial stations were discussed and refined by his team with appropriate support from the Cargo Division, Market Planning Division, Area Offices and outlying stations from where, select personnel were plucked to contribute bright ideas to the operations “Bible” of PAL (a separate blog will be devoted to these unsung brains of PAL).

Out of the collated ideas, two manuals were made – Station Operations Manual and Marketing and Sales Operations Manual. These manuals later on, became the prototype of smaller airlines in coming with their own, and joined the industry, in augmenting PAL’s effort to accommodate the overwhelming surge of tourists from abroad, as well as, the local travelers who began to appreciate the advantage and comfort of air travel, thanks to the flag carrier’s unceasing campaign to drum up air travel since its operation after the WWII.

Guate, just like the rest of the members of the PAL family, now sits back and happily reminisce the happy days he spent in PAL.

Ang “Golden Rule” na Dapat Isaisip ni Pnoy Aquino

Ang “Golden Rule”

Na Dapat Isaisip ni Pnoy Aquino

Ni Apolinario Villalobos

“Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”…. “Golden Rule” o Gintong Salawikain na dapat palaging isaisip ni Pnoy Aquino. Sa ginagawa niya ngayon kay Gloria Arroyo na maya’t maya niyang binabato ng pagsisisi, hindi malayong gawin din sa kanya ito ng kanyang mga kalaban pagbaba niya sa puwesto. Dapat sana niyang unawain na lahat ng mga umupong presidente ng Pilipinas ay nabahiran ng katiwalian, at hindi nakaligtas sa iba pang pamumuna hindi lang ng mga kapwa pulitiko, kundi maski ordinaryong mamamayan. Maliwanag na hindi lang sa administrasyon ni Gloria Arroyo nagsimula ang mga katiwalian, na naipon nang naipon sa tagal ng panahon dahil hindi naresolba ng mga pumapalit na administrasyon. Ang cronyism na akala ng mga Pilipino ay nabura sa kultura ng pulitika nang mawala si Ferdinand Marcos ay naiwan pa rin pala sa administrasyon ng pumalit na si Cory Aquino, at lalo pang lumala!…kaya tuloy pa rin ang corruption, yon nga lang malabnaw ang turing.

Mana-mana…yan ang nangyayari sa mga problema ng bansa na namamana ng mga bagong administrasyon mula sa kanilang pinalitan. May karapatang pumuna ang bagong upong presidente subalit hindi niya pwedeng gawing dahilan ang mga minanang problema, sa pagka-inutil niya sa pagpapatupad ng mga bagong programa at paglutas ng mga problemang kinakaharap niya, mga problemang nangyari na sa ilalim ng administrasyon niya.

Ang palaging pagbato ng sisi sa ibang tao ay tanda ng karuwagan at kahinaan sa paglutas ng mga problema. Ang isa pang tawag sa ganitong gawi ay “paghuhugas-kamay”. Sa kagustuhan ng taong naninisi na magkaroon siya ng isang magaling na imahe sa mata ng tao, lahat ng mali ay ibabato niya sa iba. Pagka- makasarili ding maituturing ang ganitong ugali dahil ang tinitingnan lang niya ay ang kanyang kapakanan.

Ang dapat gawin ni Pnoy habang may natitira pa siyang panahon ay lutasin ang mga problema niya sa kanyang administrasyon na animo ay mga talabang nakakapit ng mahigpit sa kinakalawang na barko! Dahil sa bigat ng mga talabang ito na dumagdag sa bigat ng makapal nang kalawang na tanda naman ng pagka-inutil sa pagharap sa mga problema, sa halip na umusad ay lulubog ang barko na nagsisimbolo naman ng Pilipinas!