Maynila…sa mata ng Bagong Salta

Maynila…sa mata ng bagong salta

ni Apolinario B Villalobos

Hindi ko na maalala pa

Ang ibang yugto ng aking buhay

Mula’t sapul nang ako ay lumisan

Sa aking sinilangang bayan

Kung saan ang nakagisnang pagdarahop

Ay bahagi na ng buhay

Ng mga taong kakambal ay hirap

Nguni’t hindi nagsisisihang magkakapitbahay.

Musmos na isip at murang katawan

Ang nagpati-anod sa tawag ng pangako

Kumukulo ang tiyan sa kawalan ng laman

Dahil iilang pirasong barya

Hindi magasta-gasta

Sa pag-aalala   na kapag mga ito’y nawala sa bulsa

Sa laot ng buhay na malupit pala

Ay lalo akong magmumukhang kawawa.

Puyat at pagod ay di ko inalintana

Sa pag-aakalang bukas ako’y may pera na

Kaya halos hilahin ko ang araw

Sa kanyang pagbaba doon sa kanluran

Para mapadali ang pagdatal ng kinabukasan

At mga ilang araw pa nga ang nagdaan

Narating ko ang Maynila

Lunsod ng iba’t- ibang kulay at mukha.

Hindi ko mawari ang unang naramdaman

Nang ako ay unang tumapak sa pantalan

Para pa rin akong namamalikmata

Sa aking mga narinig at nakita-

Walang kapatirang daloy ng tao

Ingay ng nagtatawanan at naglalako

Kaya’t ang dating masaya

Kagya’t na pumalit ay takot

Nabahid sa aking mukha…

Sa sarili, nasabi ko na lang –

“Ah, ito pala ang Maynila”.

(Batay sa kuwento ni Ramon na taga-Calbayog, Samar…namulot ng plastik at lata, pati tirang pagkain sa mga burgeran upang ilutong batsoy, may makain lang ang asawa at anak. Tumira sa Baseco Compound, Tondo, nguni’t bumalik sa probinsiya pagkalibing ng anak na namatay sa dengue, noong huling linggo ng Setyembre 2014.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s