For Ric Paloma

For Ric Paloma

By Apolinario Villalobos

To say goodbye to a beloved

Is hard enough, how much more

If that beloved has impressed

In our heart everything

That he can impart

Just so, in this world, we can later

Be at our best

As we do our part.

He tried his best right from the start

Earning his keeps by honest toil

Firm determination and bold foresight

To be where he would be someday

And he did not fail

As all of us can now say.

He will always be a part of our memory –

An inspiration that shall guide us

For what he has left for us to keep

Is a legacy that shall guide us along

While we tread the road towards our destiny.

Let us thank him, this man Ric or Ricky to some

But Tatang to most of us who have known him

As a big brother and a doting father;

He whom we see as the perfectionist

He who wants nothing but the best for us to learn

Though how hard it could be

… and that, friends, is his legacy.

 

(A tribute to the late, Mr. Ric Paloma. Just like most of PALers, who built their career on a humble, yet sturdy foundation of lowly position, Ric started as a porter in Davao station, moving up till he became a VP for Marketing and Sales-Phils., and as SVP-Finance, a job he held until he was 65 He instructed his secretary, Bill Trinidad, to clip my poems and essays that saw print in dailies and magazines, showed them the me, gave me Xerox copies, while we were having coffee, as he packed his things to bid PAL goodbye, as a retiree.)

Ang Nakakalungkot na Sitwasyon ng Larangan sa Palaro ng Pilipinas

Ang Nakalulungkot na Sitwasyon

Ng Larangan sa Palaro ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

Hindi lang nakakalungkot kung hindi ay napakalungkot ang sitwasyon ng larangan ng palaro sa Pilipinas ngayon. Kung hindi nagagamit sa pulitika, ninanakawan din ng pondo ng mga tiwaling mga opisyal na itinalaga para dito. Lumutang ang mga kakayahan ng mga atletang Pilipino na tulad nina Elma Muros, Lydia de Vega, at marami pang iba noong panahon ni Marcos. Seryoso ang ginawang pamahala, dahil hindi ginutom ang mga atleta, binigyan ng karampatang allowances at kung anu-ano pang mga pangangailangan nila at incentives upang masuklian naman nila ng bigay-todong performance pagdating sa mga pandaigdigang kumpetisyon. Hindi ko idolo si Marcos, sinasabi ko lang ang katotohanan na malayung-malayo sa mga nangyari nang pinatalsik na siya dahil sa kanyang pagka-diktador. Lalong nalubog sa lusak ng siphayo ang larangan ng palaro sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Sinabi pa nga ng tagapagsalita ng Malakanyang na pumili na lang ang mga Pilipino ng mga larong angkop…saan angkop kaya ang ibig niyang sabihin? Sa height kaya…dahil ang pinakahuling dagok ay ang sunud-sunod na pagkakulelat ng Gilas Pilipinas sa lahat ng kumpetinsiyang sinalihan nito.

Nang mawala si Marcos, nagkaroon na rin ng free-for-all na pang-abuso sa sektor ng palaro. Puro plano ang nangyari, gamit ang mga atleta, naglaan ng budget na hinayaang manakaw. Yong sinasabing “quartering” ng mga atleta, walang nangyari dahil ang ipinangakong allowance ay hindi naman ibinigay ng maayos at ang mga tirahan nila sa Rizal Coliseum ay hindi maayos, animo “kuwadra” daw nang i-describe ng isang manunulat, wala silang nutritionist na dapat ay namamahala ng mga pagkain, at mga atleta mismo ang nagluluto. Mismong mga atleta ang naglabas ng kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng mga interbyu sa radyo. Yong iba, umuwi na lang sa kanilang probinsiya upang magtrabaho kaysa magutom ang kanilang pamilya na dapat sana ay nasusustentuhan nila gamit ang ipinangako subalit hindi ibinigay na allowance.

Malaki ang problema ang larangan ng palaro sa Pilipinas dahil kinakain ng mikrobyo ng korapsyon…hindi na rin ito pinatawad ng mga taong ang isip ay umaapaw sa kasakiman. Nakakatawang isipin na matayog ang pangarap ng lahat ng mga iniinterbyung opisyal at mga “concerned parties” tungkol dito – hanggan doon nga lang…sa ngalngalan nila. Yan ang problema natin sa ating mga namumuno, may ugaling nagmamadali at may kayabangan pa. Kung magkukumpara ng ating mga atleta at mga kalakaran ay sa malalaking bansa agad, tulad ng Amerika, Japan, at Tsina, kaya hindi makatotohanan.

Dapat tingnan muna ang sitwasyon ng mga malalapit na karatig-bansa sa Timog-silangang Asya. Isang tanong lang naman ang kailangang sagutin….ano ang sistema ng mga karatig-bansa natin sa Timog-silangang Asya, at nakakakuha sila ng ginto o silver man lang na mga medalya? Ang tinutukoy ko ay ang Thailand, Cambodia, Malaysia, Indonesia, at Myanmar. Hindi na nga natin mapantayan ang mga ito, nag-aambisyon pa tayong mapahanay sa Tsina, Japan, at Amerika.

Hindi masama ang mangarap, subalit dapat ay maging makatotohanan tayo sa harap ng mga nangyayari sa ating bansa at uri ng sistemang umiiral na batbat ng korapsyon. Ang gobyerno sa kabuuhan ay namumutiktik ng mga kawatang mambabatas at mga opisyal!

Yong mga maiingay na mga mambabatas at mga opisyal na susuporta daw sa mga atleta, dapat ay maglabas ng pondo upang magamit man lang na pamasahe at allowance ng mga grupo na walang sinasandalang permanenteng sponsor. Isang halimbawa dito ay ang Dragon Boat Team na kamakailan lamang ay nakakopo ng mga medalyang ginto sa sinalihan nilang kompetisyon. Nagkabitin-bitinan at nagkatarantahan pa dahil wala silang kapera-pera upang magamit na pamasahe, panghotel at pangkain, ilang araw na lang bago ang takda nilang pag-alis. Mabuti na lang at may nagmagandang –loob. Nakabalik na sila’t lahat dala ang mga gintong medalya, ni ha, ni ho, mula sa mga ahensiyang may kinalaman sa palaro ay walang narinig, lalo na ang Malakanyang.

Sa larong bilyar, kung hindi pinakita ng dating tambay sa bilyaran na ngayon ay internationally-recognized na, si Bata Reyes, at iba pang mga manlalaro, malamang hindi rin sila papansinin ng pamahalaan. Nagsariling sikap ang mga bilyarista hanggang sila ay makilala, at saka pa lang nang-agaw ng eksena ang mga opisyal ng pamahalaan…namulitika lang, nakibahagi sa limelight!

Sa chess, ang Pilipinong si So na kinikilala na sa buong mundo ay nasa Amerika na at sa isang panayam ay nagpahiwatig na mas gugustuhin pa niyang lumipat sa kalinga ng Amerika dahil hindi siya inaasikaso ng ahensiya ng Pilipinas na may kinalaman sa larangan ng chess. Kapansin-pansin noon pa mang nasa bansa si So, kahit namamayagpag na siya sa larangan ng chess, halos hindi man lang maimbitahan sa Malakanyang, samantalang yong ibang nasa ibang larangan ay halos labas-masok dito upang tumanggap ng parangal mula sa Pangulo. Hanggang diyaryo lang ang “balita” tungkol sa mga panalo ni So, simula pa noong tin-edyer siya. Yong ibang balita nga ay nakalatag sa kakarampot lang na bahagi ng diyaryo. Ang pamilya ay dating nanirahan malapit sa amin at madalas kong kakuwentuhan kakuwentuhan ang tatay ni So na umaming wala silang natanggap na suporta mula sa gobyerno.

Hindi madaling ayusin ang problema ng Pilipinas sa larangan ng palaro, sa totoo lang. Kung ihahambing sa sakit, kalat na ang kanser sa kabuuhan nito…kanser na dulot ng korapsyon na hindi na nawala sa sistema ng gobyerno at kultura ng Pilipino. Nakakalungkot, subalit hindi ito dapat maging dahilan upang mapanghinaan ng loob ang mga may mga kakayahang magpakita ng galing upang makapagwagayway ng bandila ng Pilipinas….kahit pinagkaitan ng suporta ng korap na gobyerno ng Pilipinas!

Coron: A Glimpse of Paradise 🌺

The Bella Travelista 💋

I know what you’re thinking…and yes, I’m in paradise. Oh well, I was. Coron, Palawan — my most fave beach destination so far. And I have been to a lot of beaches here in the Philippines, trust me. It was my 2nd time to visit Coron and yet it still blew me away.

image

We weren’t planned to go to Coron that year (2013), boyfie and I were supposed to go to Brunei but due to ticket name change issue, this trip didn’t push through. Frustrated and fuming at the airline, I booked a roundtrip ticket for 2 (no seatsales at that time) to Coron. Fortunately, PAL offered a reasonable fare to make me not think twice on booking it. Good thing I did because I was about to catch a glimpse of paradise…the second time around.

Day 1 – Arrival in Coron

It was already past 2pm when we arrived…

View original post 859 more words

Rolando “Rollie” Perello…anyo ng tagumpay at pagsisikap

Rolando “Rollie” P. Perello

…anyo ng tagumpay at pagsisikap

Ni Apolinario Villalobos

Kung minsan, may mga hindi inaasahang pangyayari sa ating buhay. Tulad ng nangyari sa akin habang ako ay nagkakape sa isang kiosk sa Luneta, isang umaga. May nakakuwentuhan akong isang lalaki na may puwesto rin sa kiosk, subali’t ang tinitinda niya ay lugaw at dumplings. Nakarating ang paksa ng usapan namin tungkol sa trabaho, kaya nalaman ko na noon palang kasagsagan pa ng kanyang kabataan, naging Assistant Director siya ni Lino Brocka, isang multi-awarded na movie director. Lalo akong naging interesado sa mga kwento niya, kaya panay ang tanong ko, hanggang sa ibunyag niya na naging DJ din siya ng radyo at nagtrabaho din sa isang malaking advertising agency, pati na rin ang telebisyon at mga konsiyerto ng mga kilalang singers ay nasakop rin pala niya sa pagdi-direk. Naging interesado akong marinig ang iba pang bahagi ng buhay niya na sa tingin ko ay makulay.

Out of decency, sa simula ay hindi ko inalam kung ano ang pangalan niya. Subalit sa kalaunan ay hindi ko na matiis ang curiosity kaya tinanong ko na rin siya. Laking gulat ko nang sabihin niya na siya pala ay si Rolando “Rollie” Perello, na hindi lang kilala sa larangan ng show business, kundi pati na rin sa pag-oorganisa ng mga aktibong samahan para sa masa. Sa unang tingin, hindi aakalaing naging bahagi pala siya ng movie industry at national activism. Kung hindi uunahan ng kwento, tahimik lang siya at aakalain ding suplado. Subali’t kung makapalagayan ka na niya ng loob, mabait pala at mapagtiwala.

Inamin niya na ang inabot niya ay third year college level sa University of Sto. Tomas, bale undergraduate dahil maagang nag-asawa noong 1997. Upang kumita, pumasok siya bilang DJ sa DWSF (San Fernando, Pampanga), hanggang napalipat sa DWLM FM (Mareco Broadcasting) at ang programang hawak niya ay “Tunog Pinoy”. Mula sa radyo, nahatak siya ng Advertising noong 1982, at ang pinasukan niya ay ang kilalang IBEX, Intl. Agency na ang mga kliyente ay Philippine Charity Sweepstakes Organization (PCSO), Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), ZestO. Sa pagkaalala niya, ang namahala sa ahensiya noon ay si G. Percival Cruz, at nakatrabaho din niya sina Henry Angeles at Sonny Coloma.

Halos kasabay sa pagpasok niya sa Advertising industry ay ang pagpasok din niya sa larangan ng pelikula bilang scriptwriter at pag-aasiste sa pagdirek. Naging bahagi siya ng mga sumusunod na mga programa sa telebisyon:

Channel 4 – “Sa Paghawi ng Tabing”, “Bida-Bida”, “Bayani”, “Konsiyerto ng Apat”, “Bubungang

Lata”, at “Isang Gabi Lang”.

Channel 7 – “Hiyas” (kinatampukan ni Rio Locsin, 150 episodes at nai-serye ng tatlong taon)

Channel 9 – “Talambuhay”, at “Quiapo”

Channel 13- “Anti-Narcotic Task Squad (ANTS), at “Buhay TNT”

Sa loob ng mga taong siya ay naging bahagi ng telebisyon, marami siyang natulungang mga nagsisimula pa lamang na mga manunulat tulad nina Helen Merez, Salvador Royales at Hilda Olviado.

Si Helen Merez ay isang nobelista na binigyan niya ng ideya na mag-condense ng mga isinulat nito upang maging “nobeleta” na madaling basahin. Ang ideyang ito ni G. Pellero ang nagluwal sa isang porma ng pagsusulat – ang “nobeleta”. Kalaunan, dahil na rin sa pagsunod ni G. Merez sa payong ibinigay sa kanya, naging mabili ang kanyang mga pinaikling nobela, na ang iba ay ginamit na rin sa telebisyon. Yumaman si Gng. Merez dahil sa tagumpay na tinamo niya dahil sa ipinayong gumawa siya ng mga “nobeleta”.

Si Salvador Royales, ayon kay G. Pellero ay dating kartero naman na kanyang tinulungan upang makapasok sa industriya ng brodkasting na hindi na nito iniwan hanggang sa siya ay nakuha ng DZRH, kung saan siya ay kinilala ng lubusan ang kanyang kakayahan.

Si Hilda Olviado naman ay isa sa mga tanyag na nobelista at kwentista ng nagiging popular na Tagalog pocket books. Dahil kaya ng masa ang halaga, naging tanyag ito sa lahat ng dako ng bansa. Kalat ang mga pocket books na naglalaman ng mga kwento niya, at nabibili kahit sa mga puwesto sa palengke at bangketa.

Dahil sa kagustuhang lumawak pa ang kanyang exposure bilang isang artist, pati ang pagdirek ng mga konsiyerto at palabas sa entablado ay pinasok na rin ni G. Pellero. Naging bahagi siya sa pagpalabas sa Folk Arts Theater ng “Dangal at Bangkeba” na nai-produce ng dating Imelda Marcos, at iba pang mga produksiyon na hindi na niya matandaan.

Sa larangan naman ng musika, dinirek niya ang mga konsiyerto nina Vernie Gonzales (Bodega City); Imelda Papin (Lubao at San Fernando, Pampanga); at Eva Eugenio.

Mula sa Advertising, radyo at telebisyon, pumalaot naman si G. Pellero sa larangan ng pelikula kung saan ay gumawa rin siya ng pangalan sa paggawa ng mga script na sinabayan pa niya ng pagiging Assistant Director. Ang pinakamadalas niyang alalayan noon bilang Assistant Director ay si Lino Brocka, isang multi-awarded na movie Director, at Mel Chionglo na ang kakayahan sa pagdirek ay hindi rin matatawaran.

Mula 1986 hanggang 1997 ay naging bahagi siya ng mga sumusunod na pelikula:

Bunso                          -tampok si Jeric Raval

Leon Guerrero           -tampok si Raymart Santiago

Alipin ng Tukso          -tampok si Alena Perez (kumita ng Php30M sa Manila)

Biktima                       -tampok si Sharon Cuneta at Boyet de Leon

Kislap sa Dilim                        -tampok sina Lorna Tolentino, Boyet de Leon, at Gabby  

Concepcion

Makiusap Ka sa Diyos– tampok sina Ruffa Guttierez at Boyet de Leon

Sa Kabila ng Lahat     -tampok sina Dina Bonnevie at Tonton Guttierez

Ama, Bakit Mo Ako Pinabayaan? – tampok sina Ariel Cruz, Jestoni Alarcon, at Gretchen

Barreto

Huwag Mong Salingin ang Sugat – tampok sina Dinna Bonnevie at Boyet de Leon

Mapanukso                – tampok si Clarissa Mercado

Penoy Balut               – tampok sina Nora Aunor at Tirso Cruz III

Gapos Gang                – tampok si Ronnie Rickets

Estudyante Blues       – tampok sina Raymart Santiago, Gellie de Belen, Joko Diaz, Vina

   Morales, Kier Legaspi, at Charmine Arnaiz

Rosang Tattoo                       – tampok si Monica Herrera

Maganto: Leon ng Maynila– tampok si Bong Revilla, Jr.

Bilang scriptwriter at Assistant Director, iba’t ibang kumpanya ng pelikula ang humirang sa kanya tulad ng Viva Films, OctoArts, Regal Films, Seiko Films, Bonanza Films, at Leo Films.

Ang pagiging malapit ni G. Pellero sa masa ang nagbunsod sa kanya upang iwanan ang industriya ng show business at musika noong huling bahagi ng 1997. Sumapi siya sa KADAMAY, isang cause-oriented group na tumutulong sa mga ordinaryong mamamayan. Isa sa naging tungkulin niya ay ang pagbuklurin ang mga maliliit na namumuhunan sa isang samahan upang mapadali ang paglabas nila ng kanilang mga saloobin. Sa loob ng panahong 1997-2003, nagawa niyang pisanin ang mga maliliit na namumuhunan sa mga organisasyong tulad ng: Tourist Belt Vendors’ Association (TBVA) na ang saklaw ay Divisoria, Sta. Cruz, hanggang Vito Cruz; at ang People’s Vendors and Hawkers’ Association (PEDVHA).

Dahil sa masidhi niyang hangaring makatulong sa mga nangangailangan, halos naubos ang kanyang naipon noong siya ay nasa industriya ng brodkasting at show business. Bilang isang volunteer para sa kapakanan ng masa, napasama siya sa mga rally at demonstrations na nagmartsa sa Malakanyang upang maglabas ng mga hinaing.

Bago magtapos ang 2003 ay bumalik si G. Pellero sa industriya ng pelikula, bilang scriptwriter at Asst. Director pa rin, subali’t para lamang sa mga piling proyekto dahil aktibo pa rin siya sa KADAMAY kaya nakatutok pa rin siya sa mga itinayo niyang mga organisasyon ng masang mamumuhunan.

Noong 2010, pinisan niya ang mga dati ay watak-watak na mga vendors ng Rizal Park sa samahang Rizal Park Vendors and Consumers Cooperative (RPVCC). Ito yong panahon na malaki ang natipid ng namamahala ng liwasan dahil ang mga vendors mismo ay boluntaryong nakibahagi sa paglinis ng kabuuan nito. May mga bahaging nakatoka sa bawa’t vendor na miyembro ng kooperatibang itinatag ni G. Perello.

Upang lalong mapalapit sa mga kasapi sa grupo, nakiisa na rin si G. Perello sa kanila sa pamamagitan ng pagkuha ng sarili niyang maliit na puwesto na ginamit niya sa paglako ng lugaw at siomai, at pinangalanan niyang “Lugaw King”. Ang maliit na mala-karitong puwesto ay makikita sa kanang bahagi ng bukana ng kiosk na nasa tabi ng opisina ng Rizal Park Security. Maligaya siya sa kanyang ginagawa, at wala na siyang mahihiling pa sa Diyos.

Dahil nakapanghihinayang kung hindi niya maibahagi ang kanyang kaalaman sa scriptwriting at directing, tinanong ko siya kung payag siyang gawin ito sa mga estudyante na kumukuha ng mga kursong may requirement para sa mga ganitong kaalaman. Ayon sa kanya, basta kaya ng kanyang panahon, ay hindi niya ipagmamaramot ang kanyang kaalaman. Iba kasi ang kaalamang galing sa aktwal na trabaho kaysa sa natutunan mula sa libro. Ang kaalaman galing sa aktwal na trabaho ay subok na, samantalang ang galing sa mga libro ay susubukan pa lamang. Sa ganang ito, ang mga interesadong makipag-ugnayan sa kanya ay maaaring magtext o tumawag sa 09991560628.

Napatunayan ni G. Perello na hindi kailangan ang malaking kayaman upang maging maligaya at maging bahagi ng buhay ng kapwa bilang pagtupad sa ating layunin sa mundo. Napatunayan niya na hindi kailangan ang mamahaling kurso upang matupad ang isang pangarap sa buhay. At, napatunayan din niya na ang minimithi ng isang tao ay nanggagaling sa kaibuturan ng puso, hindi sa libro at kung ano pang mga sinasaulo sa loob ng silid-aralan. Nakakatulong ang paaralan, mga guro, at mga batayan sa pag-aaral tulad ng libro, subali’t ang ikatatagumpay ng isang tao ay batay na rin sa kanyang pagsisikap sa buhay. Ito na yong sagot sa kasabihang: tinutulungan ng Diyos ang taong tumutulong sa kanyang sarili…at kung ihahalintulad sa buhay ni Rollie Perello, siya ay maituturing na nagtagumpay sa buhay.

Ang Mga Senaryo ng Pulitika sa Pilipinas

Ang Mga Senaryo ng Pulitika Sa Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

May naglalabas na ng paid advertisement sa radyo na nagpaparating ng mensaheng dapat na ipagpatuloy ni Pnoy ang kanyang panunungkulan bilang Presidente. Wala daw kinalaman dito ang Malakanyang sabi ng mga tagapagsalita. Iyan ang sabi nila…

Nag-uumpisa na ang senaryo para kay Pnoy. Sa kabila ng kabi-kabilang panawagan upang tuldukan na niya ang mga espekulasyon, pabali-baligtad ang sinasabi niya…isang araw sasabihin niyang hindi na siya hihingi ng extension, sa mga susunod na mga araw, uulitin niya ang pudpod nang monologue na: “pakikinggan ko ang mga boss ko…”

Ang isang survey kamakailan lamang, malinaw ang mensahe ng mga Pilipino…ayaw na nila kay Pnoy. Ang mga kaparian sa Cebu, nagpadala rin ng mensahe na bumaba na siya sa puwesto sa 2016, binasura din ito ng Malakanyang. Kamakailan pa rin, sinabi ni Pnoy na kailangang maipagpatuloy daw ang mga “reporma” ginawa niya. Anong mga reporma? – yan ang tanong mga Pilipino.

Dahil ipinagpipilitan talaga ng partido ni Pnoy na kailangan niyang ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan, inilutang naman nila ang posibilidad na tatakbo siya ngunit bilang Bise ni Mar Roxas. Kung ito ay kakagatin, malamang na ganito na ang mangyayari dahil wala nang poproblemahin pa sa pagbago ng Saligang Batas. Magtutulungan ang dalawa, hindi na rin gagalawin pa sa puwesto ang mga dati nang naitalaga na tulad nina Abad sa DBM at Abaya sa DOTC.

Walang nakikitang lakas sa personalidad ni Roxas at sabi pa ng karamihan, pati na ang mga taga-media, puro lang daw salita at paporma, subalit pagdating naman sa kalinisan ng pagkatao, may puntos na siya. Kung silang dalawa ni Binay ang pagpipilian, malamang madugo ang labanan dahil malakas pa rin ang hatak ni Binay kahit na hayag na ang mga anomaly sa Makati noong kapanahuna nito.

Si Allan Peter Cayetano naman, noon pa man, maingay na sa pagpapahiwatig ng kanyang ambisyon na maging presidente at idiniin pa ng salitang, “sino ba ang ayaw ng mas mataas na puwesto?”. May bahid man ng katiwalian, kung ikukumpara sa ibang mga senador, mantsa lang ang nakulapol sa kanya. At upang masiguro ang kanyang exposure sa mga tao, nagpapalabas ang kampo niya ng mga ads sa TV subalit ang sinasangkalan ay ang baluwarteng Taguig. Kinukumpara niya ito sa Makati at tahasang pinapakita ang kaibahan ng paggastos sa mga proyekto…na para bang sinasabi na ang mga proyekto sa Taguig ay nagawa pero hindi pinagkitaan, hindi tulad ng mga sa Makati na malalaki nga subalit pinagkitaan naman. Idiniin ang mensahe ng mga salitang, “pwede naman pala…”. Problema lang ni Cayetano kung sino ang bibitbiting Bise, dahil malabo si Trillanes dahil wala naman itong malakas na hatak sa mga tao.

Kung ang magka-tandem na Roxas/Aquino ay wala nang problema sa ngayon pa lang, dapat si Binay ay kailangan nang magpalutang din ng posible niyang ka-tandem bilang Bise, na ang inaasahan ng marami ay si Pacquiao naman. Kung ambisyon ang paiiralin ni Pacquiao, malamang tatanggapin niya ang alok…without thinking. May dahilan si Pacquiao na kagatin ang alok ni Binay kung sakali, at ito ay ang hinanakit niya sa administrasyon na hindi man lang siya tinulungan sa kanyang kaso laban sa BIR na naghahabol sa kanyang mga kinita. Sa hanay ng mga senador, wala nang makukuha si Binay, kahit nandiyan ang posibilidad na maaaring mapilitang tumakbo sa pagka-Bise si Grace Poe. Ang popular na kasabihan ngayon sa Senado at Kongreso ay, parang nagpahalik daw sila kay Hudas kung dumikit sila kay Binay.

Si Miriam Defesor Santiago naman, sana ay magbago na ang isip at huwag na lang tumakbo sa kahit anong puwesto, Presidente man o Bise, dahil sa kanyang kalusugan. Sa mga hearing pa nga lang sa Senado, halos himatayin na siya dahil sa mga pasaway na mga kasama, lalo na siguro kung buong Pilipinas na ang hahawakan niya. Marami siyang magagawa bilang consultant o adviser ng kung sinong uupo na may tiwala sa kanya. Ang galit lang naman sa kanya ay si Enrile, kaya wala siyang dapat ipangambang mawawala siya sa eksena ng pulitika.

Best Actor goes to…

readitorial

Kung inaabangan ngayon ng mga manonood ang pagtatapos ng “The Legal Wife” at ang bagong pelikula nina Pokwang at Zanjoe Marudo na “The Illegal Wife”, mas papatok sa buong mundo lalong-lalo na sa mga panday-fans ang “The Illegal Pork.” Tila, nagiging showbiz na ang mundo ng politika sa mga iba’t ibang anomalyang nasasangkot ng mga senador. May mga mambabatas na naglalahad ng kanilang panig sa pamamaraang pampaakit sa madla at mapaantig ang damdamin ng mga Pilipino. Yung tipong parang nagsasampalan, nagsusuntukan, nag-iiyakan at nag-uupakan. At para feeling bida, magpaapi-api at magpapalambot ng puso.

Nung una’y, ang mga senador ng mga Pilipinas ay nagtapos ng kolehiyo sa mataas na karangalan gaya na lamang nila Manuel Quezon at Ferdinand Marcos, ngunit paano ngayon? Galing sa showbiz! Halimbawa ay si Sen. Bong Revilla o mas kilalang “Panday”. Sa nakaraang araw, parang pang-showbiz ang naging takbo ni Panday sa kanyang privilege speech sa Senado.  Umiyak at…

View original post 122 more words

Araw ng Huwad na Kalayaan

readitorial

Ginugunita ngayon ng buong Pilipinas ang ika-116 na kasarinlan ng Pilipinas laban sa mga dayuhang Espanyol nang idineklara ito ni Emilio Aguinaldo at iwinagayway ang unang bandila ng bansa. Nakalaya na tayo sa mga mapang-api at sa pananakop ng Kastila at hindi nasayang ang kabayanihan nina Jose Rizal, Andres Bonfacio at iba pang mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan. Sa kasalukuyan, pagkaraan ng 116 na taon, mahirap at nakakapanghinayang mang sabihin ngunit nakagapos pa rin tayo sa kahirapan at korapsyon na nakakasakal sa buong mamamayan.

Ayon sa sarbey, mahigit 40 milyong Pilipino ang nagugutom dahil sa kadukhaan. Walang makain, walang bahay at nawawalan ng pag-asa. At ngayon, maraming nasa gobyerno’y mga buwaya at naglulustay ng kaban ng ‘Pinas. Kahit walang mang dayuhang nananakop sa bansa ay mayroon pa ring mga taong pumapatay ng kalooban ng madla. Ang masama pa nito’y kapwa natin Pilipino. Totoo nga bang “It’s more fun…

View original post 166 more words