Reflection on Food

Reflection On Food

Do I proudly leave

mounds of morsel on the plate

when eating in public places

proud yet, for such waste?

Do I squander money

on expensive food for others to see

that such lavishness is no big deal

though I inadequately earn for my family?

Do I easily give in

to my children’s demand for junk food

that are fad but glaringly unhealthy

thereby, affecting the budget of the family?

Do I abhor cheap food

though nutritious and healthy

afraid that others will see me with a bag

brimming with dried fish and veggies?

Do I throw leftover food

not knowing what to do with them

such as recycling or giving it another taste

for my children to relish and appreciate?

Do I think about the hungry

who roam the streets and check dumps

for morsels of food for empty tummy

that for days, been cramped and empty?

If I erred unknowingly…

If I did those unknowingly…

If I committed them unknowingly…

Then, forgiveness is all I ask from you, Lord…

Bless my mind and heart with your grace

That they can guide me, henceforth…with lucidity!

AMEN.

Mga Kuwentong Pang-Indie Film

Mga Kwentong Pang-Indie Film

Ni Apolinario Villalobos

May kaibigan akong retired pulis na mataas ang katungkulan noon. Inamin niya ang tungkol sa “quota system” na nadanasan niya noong bago pa lang siya, pati ang halos paghalik sa puwit ng nakakataas sa kanya upang makakuha lang magandang “impression” na kailangan niya sa promotion. Todo-todo ang kanyang paglangis at paglagay sa pamamagitan ng mga regalo. Ang mga ginawa niya ay nakatulong sa pagkamit ng pangarap niyang ma-promote pagkalipas ng ilang taon. Ibig sabihin, walang pinag-iba sa sistema ng ibang ahensiya – palakasan.

Nang mag-retire na siya, dinagdagan niya ang kanyang na-confide sa pagsabi na totoong may mga pulis at mga opisyal na nakakaduda ang kasarian. Kaya yong ibang na-promote sa mataas na pwesto, hirap sa paglabas-labas sa TV upang magsalita dahil marami silang kilalang sibilyan na nakakaalam ng tunay nilang pagkatao. Baka daw may masabi silang hindi magustuhan ng mga sibilyang ito, at ibisto’t siraan siya ng below the belt sa media. Inamin nga niya na ilan sa mga senyor niyang pulis noon ay nagpahapyaw ng pagkagusto sa kanya subalit hindi niya pinansin. Ang tinutukoy kong pulis ay may hitsura at dahil health conscious, alaga niya ang katawan sa pagdi-gym na regular. Ang nakakatawa sa sinabi niya, noon ay marami daw pulis na mahilig din magpa-facial, kaya hangga’t maaari ay ayaw lumabas sa initan!

Yong nabanggit ko noong kaibigan sa isang blog tungkol sa Arranque, na umaming huldaper, at ang sideline ay sumayaw sa gay bar, nagsabi na may mga kostumer daw siyang umaming pulis, mga baguhan nga lang. Marami na rin daw siyang naging kostumer na pulis at yong isa ay nagsustento pa sa kanya. Yong isang naging masyadong malapit sa kanya ay nag-confide na kung minsan daw basta day off, ay pumapasok ito (pulis) sa mga sinehang may mga callboy na nagsi-service, at muntik pa daw madamay nang ma-raid ang sinehan! Nahihiya daw siya (kaibigan ko) kung nasasalubong niya noon ang mga kostumer niya na naka-unipormeng pulis kung araw. Malaking bagay ang pakipagmabutihan niya sa mga mga pulis dahil napo-proteksiyunan din daw siya kahit paano, kaya hindi naman niya inabuso. Maliban daw sa problema nila sa kasarian na pilit nilang tinatago, wala daw siyang alam na naging kostumer niyang pulis na nangotong. Masuwerte daw siya’t mababait ang mga naging kaibigan niyang pulis.

Isang araw, may nasakyan akong jeep na walang laman, kaya upang hindi antukin at mabagot, ang driver ay tumirada ng kwento, hanggang mabanggit niya ang isang mataas na opisyal sa gobyerno na kapitbahay raw nila noon kaya kilalang –kilala niya. May problema daw ito sa kasarian. Nagulat ako dahil wala pang nanira sa opisyal na hindi naman maangas kung interbyuhin sa TV at radyo. Mabait nga ito at masipag pa.

Yong isa namang nagkwento, nagsabi na may taga-northern city raw na dumadayo pa sa Maynila upang maghanap ng call boy dahil sa kanilang lugar, mataas ang pwesto niya sa isang national agency, kaya hindi pwedeng doon siya kumuha, lalo’t alam ng mga taga-roon na marami na siyang anak. Ang nagkwento ay call boy na nagsi-service sa taga-norte. Siya din ang nagsi-service noon sa isang artistang nagpipilit magpaka-macho, na kung maghanap ng kaligayahan sa gabi ay naka-cap at naka-dark glass kaya napapagkamalan daw itong adik kung minsan. Dagdag pa ng call boy, karamihan daw sa mga naging kostumer niya ay taga-showbiz, at may mga direktor din – karamihan din daw ay barat! Yong dating matinee idol na tinitilian, hanggang ngayon, at na-link sa mga magagandang artista, nakakasabay daw niya sa pag-istambay sa Cubao noon, pero hindi para maghanap ng kostumer, kundi upang mangursunada ng mga estudyanteng lalaki na nagsa-sideline bilang call boy.

Yan ang problema ngayon ng ibang may sensitibong puwesto sa pamahalaan at pati na ng mga popular na artista, dahil hindi sila ligtas sa pagbatikos at paninira. Kaya ang sabi nga ng iba, kung ayaw daw ng isang tao na mabulatlat ang pagkatao niya, dapat iwasan niya ang showbiz at pulitika.

Si Ferdinand Marcos, si Noynoy Aquino, si Jejomar Binay, at Mga Iba Pa

Si Ferdinand Marcos, si Noynoy Aquino,

Si Jejomar Binay, at Mga Iba Pa

Ni Apolinario Villalobos

“We practically own everything in the Philippines, from electricity, telecommunications, airline, banking, beer and tobacco, newspaper publishing, television stations, shipping, oil and mind, hotels and beach resorts, down to coconut milling, small farms, real estate and insurance.”- Imelda R. Marcos.

Ang quotation sa itaas ay kinopya ko lamang sa isa sa mga naunang pahina ng libro ni Jovito R. Salonga, na ang titulo ay “Presidential Plunder”. Hindi maiwasang hindi magbalik –tanaw sa panahon ng dating Presidente Marcos na naging diktador upang manatili sa puwesto, sa kabila ng pag-iingay ng taong bayan na siya ay bumaba na, dahil sa matinding korapsyon sa kanyang administrasyon. Sa panahon ngayon kasi, dalawang sitwasyon ang matiim na sinusubaybayan ng mga Pilipino. Ang isa ay ang isang sitwasyon ng Presidente Pnoy na pabago-bago ng salita tungkol sa kanyang termino, at ang palaging sinasabi ay makikinig daw siya sa mga “boss” niya kung kailangang ipagpatuloy ang mga “repormang” ginawa niya. Ang isa pang sitwasyon ay kinasasangkutan naman ng Bise-Presidente Binay na nagkamal daw ng yaman sa maling paraan sa loob ng kanyang panunungkulan sa Makati City bilang Mayor, at mariin naman niyang pinabubulaanan.

Sa kamalasan, inuulit ng dalawang pinakamataas na opisyal ng Pilipinas ang mga kinasusuklaman ng mga Pilipino na ginawa ni Marcos kaya ito napatalsik sa pwesto. Dahil sa angking talino, akala ni Marcos ay hawak na niya sa kanyang palad ang pagkatao ng mga Pilipino, sa kabuuhan. Marami nga siyang ginawa tulad ng mga nakatayong istrukturang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, Philippine International Conventions Center, mga dalubhasaang ospital para sa puso, baga at bato, pagpapalawak ng PGH, at marami pang iba, subali’t batay sa mga imbestigasyong ginawa, pinagkitaan din daw naman niya ang mga ito. Nakikita ang gawing ito sa mga proyekto ni Bise-Presidente Binay, sa Makati noong siya pa ang mayor dito. Nauulit yata ang style. Walang karapatan si Binay na magsabing malaki ang nagawa niya sa Makati. Pero dapat sana niyang isipin na trabaho niya ang magsilbi sa mga tao ng Makati. Ginusto niya ito, kaya hindi siya dapat manumbat. Malalaki ang proyektong pinagawa, na sabi ng mga whistle blowers ay upang malaki rin daw ang kita. Paano na daw kung maging Presidente ito ng Pilipinas na siya nitong ambisyon? Tulad ni Marcos, si Binay ay abogado din…talagang pinaghandaan niya ang sinuong niya.

Sa pagpapalawig naman ng termino, ang hangarin ay namumuo yata sa diwa ni Presidente Pnoy, dahil ang paniwala niya, magaling siya sa pagpapatakbo ng Pilipinas, ganoong hantad na hantad naman ang paghihirap ng mga Pilipino. Kandahilo ang mga tao sa paghanap ng mga sinasabi niyang mga pagbabago. Ganitong-ganito din ang nangyari noong panahon ni Marcos. Binusog ng mga report at istatistika ang mundo at mismong Pilipino tungkol sa pag-usad daw ng bansa dahil sa konsepto ng “Bagong Lipunan”. Subali’t ang katotohanan, ang tumatamasa lang noon ng kaginhawahan ay mga kaalyado ni Marcos. Sa panahon niya nauso ang kasabihang “what are we in power for….” na tumutukoy sa kanyang mga kaalyado na talagang nagpakasasa sa magandang pagkakataong dulot niya bilang sandalan nila. Nauulit na naman yata ngayon sa kasalukuyang panahon.

Sa kabila ng nagdudumilat ng katotohanan na nagpapakita ng mga bulilyaso ng mga kaalyado ni President Pnoy, tuloy pa rin siya sa pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan. Paulit-ulit niyang sinasambit ang mga suporta sa mga pinagdududahang mga tauhan sa kabinete. Pinupuri pa niya ang mga report ng mga ito tungkol sa mga proyektong palpak naman. Ngayon, mismong Ombudsman na ang nagdeklarang dapat imbestigahan si DOTC Secretary Abaya, Vitangcol at marami pang iba dahil sa mga tiwaling ginawa nila tungkol sa pagpapatakbo ng MRT. Sa deklarasyong ito ng mismong Ombudsman, parang sinampal ng malakas ang Pangulo! Dapat matauhan na siya!

Nakikita ang mga kapabayaan ng DSW sa ilalin ni Dinky Soliman na nakangiti pa sa pagsabi na marami na rin daw namang naipamigay na relief goods, na para bang ibig sabihin niya ay hayaan na lang ang mga nabulok at ninakaw! Samantala, ang mga dapat na nakinabang subalit gutom pa rin, ang mga biktima ng bagyong Yolanda ay nagngingitngit sa galit dahil ginamit lang sila para makakuha ng media mileage ang ahensiya, pati na ang DILG na wala ring nagawa sa anomalya sa mga materyales para sa temporary shelters ng mga evacuees. Si Lacson na “czar” daw ng rehabilitation ay walang kibo, tahimik….bakit kaya? Gayong siya ang unang umihip ng silbato tungkol sa anomalya!

Nakabalik sa Pilipinas ang pamilya ni dating Presidente Ferdinand Marcos at nakapasok pa sa pulitika. Samantalang ang sinasabing nakaw na yaman ay halos hindi mabawi-bawi. Malakas ang ipinarating nitong mensahe sa mga Pilipino… ibig sabihin, basta magaling ang gumawa ng katarantaduhan, maaari rin palang lumusot. Napahiya ang mga promotor ng “EDSA People Power”…saan sila ngayon?…ang mga pari?…ang mga madre?…ang mga pinagkatiwalaang lider? Nakakahiya, dahil ginamit pa naman ng mga taga-ibang bansa bilang modelo ang “People Power” nang ipaglaban din nila ang kanilang adhikain at karapatan. Ito ang naging inspirasyon ng mga labor union ng Poland at iba pang bansa. Subali’t ang Pilipinas na pasimuno nito ay lubog sa katiwalian, sa korapsyon! Lumalabas na haggang sa pagsigaw lang ng “ibagsak si Marcos” ang mga Pilipino! …na wala palang kakayahang magpatuloy ng ipinaglabang adhikain.

Nakakalungkot isipin na nawalan ng saysay ang pakikipaglaban ng mga estudyantem mga manggagawa, at mga magsasaka upang magkaroon ng katarungan at maitayo ang bantayog ng demokrasyang may tatak ng Pilipino. Ang mga inaasahang dapat na magpapatuloy ng adhikaing nasimulan sa EDSA ay nangawala na parang bula. At ang sinimulang “People Power”…ngayon ay ikinahihiya! Nawala ang mga pagyayabang ng mga kasapi noon na nagbida ng paglalamay at pagtirik nila ng kandila sa EDSA, pagmartsa tungo sa Malakanyang at Mendiola, at pagsigaw sa Liwasang Bonifacio.

Ang mga Marcos ay isang malaking halimbawang nagpapakita ng pagka-inutil ng sistema ng demokrasya at hustisya sa Pilipinas. Ang demokrasya ay isang maganda sanang sistema ng pamumuhay ng tao, subali’t iba ang naging demokrasya sa Pilipinas. Tinadtad ng butas ng mga mismong mga pinagkatiwalaan ng mga Pilipino. Ito ang mga taong may mga talinong nakuha sa malalaking unibersidad sa Pilipinas at ibang panig ng mundo. Sa huli, gagamitin lamang pala ang kaalamang ito upang manloko ng kanilang kababayan. Ginamit ng mga tiwali at mga kawatang opisyal upang magpayaman. Dahil sa pasimuno ng isa, nagsunuran ang iba dahil nakita nila na pwedeng palang “lusutan” ang mga butas…ang mga naglalakihang butas. Malakas ang loob ng mga pulitiko ngayon na gayahin ang mga ginawa ni Marcos dahil alam nila na makakalusot din sila!

Puro imbestigasyon ang nangyayari sa mga tiwaling nagawa. Ang mga nag-iimbistiga at iniimbistiga, puro nagpapayabangan ng kaalaman nila sa batas na para lang nilang pinaglalaruan, dahil kapag nasukol na, ang sasabihin lang ay pinupulitika lamang daw sila. Mayayaman na sila kaya wala silang pakialam kung ang mga “tunay” na mga Pilipino ay magutom. Magkagulo man sa Pilipinas, “makakauwi” sila sa Amerika o ibang bansa kung saan, may mga bahay sila. Samantala, habang may mapipiga pang yaman mula sa halos tuyot nang Pilipinas ay ginagawa nila.

Sa mata ng buong mundo, nakakahiya ang nangyayari ngayon sa Pilipinas kung saan ay may mga nakawan sa kaban ng bayan… batuhan ng mga sisi ng mga pulitiko at mga opisyal… at, turuan kung sino ang may sala…habang ang Pilipino naman, ay mukhang timawa na nakatalungko at nakatanghod sa isang tabi, kumukulo ang tiyan at luwa na ang mga mata dahil sa gutom! At sa hindi kalayuan naman ay ang mga buwitreng makapangyarihang bansa na naghihintay ng tamang panahon upang makapasok sa eksena!

Kung ang mga Katoliko ay nagsasambit ng “Jesus, Mary and Joseph” sa kanilang dasal upang hingan ng tulong…sa Pilipinas ngayon, maliban sa tatlong nabanggit, marami pang iba ang nasasambit kung makakita ng naghihikahos.