Ang September 4 Senate Hearing Tungkol sa Graft Case in Binay

Ang September 4 Senate Hearing

Tungkol sa Graft Case ni Binay

Ni Apolinario Villalobos

 

Sumigabo ang mga pagbubunyag sa Senate hearing tungkol sa graft case laban kay Vice-President Binay. Mga independent resource speakers ang nagsalita, kasama ang dating namuno ng Bids and Awards Committee ng Makati noong kapanahunan ni Vice-President Binay. Nagimbal ang mga sumusubaybay nang aminin niya na binibigyan sila ng instruction kung sinong bidder ang papanalunin sa mga bidding, na kalimitan ay ang Hilmarc’s Construction group. Kung may magkamaling sumali at walang malay sa mga kalakaran, sinisilipan daw sila ng mga technicalities upang hindi makapasa. Inamin din ng resource speaker na si Engr. Mario Hechanova na para sa isang project, ang isang bidder daw ay “ikinulong” nila sa elevator upang ma-late sa pag-submit ng mga dokumento…hindi nga umabot dahil na-late ng mga twenty minutes. Siguro ang ibig niyang sabihin ay sadyang pinatigil ang elevator upang lumabas na nasiraan kaya hindi mabuksan ang pinto. Inamin din ni Mr. Hechanova na “niluluto” nila ang mga bidding upang masigurong makupo ng pinapaburang bidder. Dagdag pa sa inamin ni Mr. Hechanova ay ang pagkakaroon nilang mga miyembro ng Bids and Awards Committee ng monthly allowance na Php200,000.00!

 

Pinilit na mag-abogado ni Senador JV Ejercito para sa grupo ni Vice-President Binay, subali’t wala ring nangyari. Ang mga pinadala ng Makati na resource speakers nila, puro tamimi, walang masagot na tama sa mga tanong. Ang grupo naman ng Hilmarc’s ay may pinagsalitang abogado, hindi engineer, sinabayan pa niya ng multi-media presentation. Buong tatag ang pagpaliwanag na halos kapani-paniwala, subali’t nang pagtatanungin na ni Senador Allan Peter Cayetano, isa-isang nabuwag ang mga sinabi, na animo ay building na unti-unting gumuho nang abutin ng matinding lindol. Napahiya ang “speaker” ng Hilmarc’s na si Atty. Peig. Kung nakakalusaw ang pagkapahiya, malamang lusaw na lusaw siya. Wala siyang nagawa sa mga pandidikdik ni Senador Cayetano. Malamang hindi na ito magpapakita sa Senado. Wala pala siyang personal knowledge sa proyekto bilang abogado, ay kung bakit gumawa pa ng presentation na animo ay eksperto!

 

 

Sa hearing, iniulat ni Senador Cayetano na ang halaga ng perang ginastos sa mga proyektong “nakakatulong” daw sa mga taga-Makati ay hindi kapani-paniwala. Kung kukuwentahin nga naman, ang mga sinasabing ginastusang mga aktibong proyekto para mga iskolar, libreng sine para sa mga senior citizens, cake para rin sa mga senior citizens, bulaklak o korona para sa patay, libreng gamot, kunsulta at hospitalization, ay hindi aabutin ng milyones o bilyones. Kung baga, mga sentimo lang pala ang napakinabangan ng mga taga-Makati. Kaya tinatanong nila kung saan napunta ang hindi hamak na mas malaking halaga.

 

Pagkatapos ng hearing, nagkaroon ako ng malaking respeto kay Senador Cayetano. Matalino siya. Alam niya ang trabaho niya bilang senador ng bayan. Ang paglabas-labas niya sa TV upang magsalita tungkol sa mga proyekto nila sa Taguig upang sabihin na pwede naman palang magkaroon ng mga proyektong may kabuluhan kahit hindi gumastos ng malaki tulad ng ginagawa nila, ay naunawaan ko na ngayong parang pasaring sa Makati na kapit-lunsod nila na abot-langit ang budget para sa mga social, educational, at health -related projects. Noong una, akala ko ay pagyayabang lamang niya at advance campaign dahil interesado siyang maging presidente…hindi pala.

 

Baguio…Paradise on the Sierras

Baguio…paradise on the sierras

By Apolinario Villalobos

 

Without the initiative of Judge William Howard Taft, Baguio would not have been what it is now. It would have just been left to bask in the sun as an ordinary mountain-top village. But Baguio is fated to become the summer capital of the Philippines, despite its almost impossible-to-reach location…a good 5,000 feet above sea level and approximately 250 kilometers from Manila on a land transport.

 

In July of 1900, two members of Judge Taft’s Commission blazed a trail to this mountain village directed only by bits of information from Spanish account “of a pleasing and temperate climate offering opportunity for delightful condition of life”. The two members of the Commission, Luke E. Wright and Dean C. Worcester, set out on a boat to San Fernando, La Union, then took to the road by horseback via Naguilian Trail. It took them two solid days to reach a place of rolling hills and a little valley where the climate was ideal.

 

Because of the long and tedious travel over Naguilian, a shorter route was proposed and an engineer was engaged to lay out a plan. The first and the second proposals were rejected. A third proposal by Col. L. W. V. Kennon finally earned the approval. Ten thousand men and a budget that went beyond one million dollars finally opened a new route to the future city. The road, named after Kennon reached its earmarked site in January, 1905.

 

Landscape architect Daniel H. Burnham and his assistant Pierce Anderson visited Baguio in December 1904 to prepare an extensive plan for its development. What was envisioned during the visit was a city that would hold a population of fifty to one hundred thousand people and an allowance was made for an estimated growth of twenty five thousand more. Burnham’s plan included business and commercial centers, residential districts, army posts, a hospital, government center and a country club. The plan was followed to its minutest details, and churches, convents, playgrounds, parks, driveways, shrubberies and bridle paths were also appropriated spaces. For his effort the city’s premier park, was named after him, the Burnham Park.

 

The incredible plan of the Americans, carved a city out of the pine-covered range of the Cordilleras. But their vision’s span was not stretched beyond fifty years. Baguio today is bursting to the seams with escapees from the lowland cities’ dust, monotony, heat and din. The allocated area for expansion is not even enough to accommodate the surge of lowlanders who grab every opportunity to have permanent residency or just a couple of week’s transiency.

 

A good rising time in this city is when the sun has thrown ample amount of its warm rays to dispel some of the fogs that normally envelops it. A big cup of locally grown coffee could help perk one up. Once the tummy is warmed, the next best thing to do while still at the breakfast table is gobble a bowl of “chopsuey” made up of fresh vegetables, finally, downed with a glass of fresh strawberry juice.

 

The road to the Mines View Park should not be forgotten which is just about ten minutes on a jeepney from downtown. From here, a commanding view of the valley and pine-covered mountains can be had. The park is practically covered with stalls selling colorful handmade products from woodcarvings to cloths. From here, one may go down to the Wright Park in front of the Mansion House, the President’s summer retreat. It is known for year-long bloomers, an array of temperate flowers that literally brightens up the surroundings even during damp days. There’s a man-made lagoon surrounded with pine trees, and horses are available for ride at a minimal fee.

 

A jeepney may be taken from Wright Park back to downtown for leg stretching while strolling around the Burnham Park. It is neatly laid out and greened by fragrant pine trees, regularly trimmed shrubs and made colorful by clusters of daisies and begonias in almost every corner. It has a lagoon for boating at a minimal fee. Burnham Park has always maintained its image as the city’s twin in popularity. Just as the rice terraces are to Banaue, the Burnham Park is to Baguio.

 

On the northwest of the park is the City Hall, majestically built on a slightly elevated area flanked by evergreens. For a breathtaking view of the city, it is best to go to Mirador Hill, with its 225 steps that lead to the Lourdes Grotto. Another significant landmark of the city is the Bell Church, brilliantly ornate temple which stands for the universality of god. The church is named after the bells on top of the ornamental gates and consists of pavilions that hug the hillsides with pathways flanked by dragons.

 

For silverworks, it is a must to visit the St. Louis University Silver Shop. Responsible for the spread of the craft in the city are the Belgian nuns who combined patience and perseverance with artistic touch in teaching any local interested in the trade. The pioneers used tweezers, but today, modern equipment are used to produce intricately designed jewelries.

 

Asin road, a southerly deviation of Naguilian Road, on the city’s western edge is where hunters for cheap woodcarvings should go. The road is lined with shops of carvings that take shape in a matter of a couple of hours in the deft hands of the natives.

 

As in any city, the best stop for discoveries in Baguio is its market which is filled to the rafters with fruits in season, antiques, baskets, brooms, wood carvings, silver filigrees and jewelries, fresh vegetables, handwoven blankets, even pre-owned apparel. In the market, one can discover a stall that sells “tapoy”, sweetish, though, potent rice wine. The most authentic “dinardaran”, a dish based in pig’s blood, and “pinikpikan”, chicken cooked with its curdled blood due to continues “soft” beating until it gasps for its last breath can also be had in the market.

 

The lucky visitor may stumble upon the small antique stalls in the market, items such as old Spanish silver pesos, WWII relics such as Japanese watches and gold-rimmed eye glasses, and centuries old Chinese porcelain wares.

 

Due to its strategic location, Baguio has become a jump-off point to other interesting places in the Cordilleras, such as the Mt. Pulag (9,623 feet above sea level) and rice terraces of Benguet, and Kabayan for its centuries-old mummies, as well as, the nearby La Trinidad Valley for its garden fresh vegetables and strawberries.

 

The highlight of the city’s attraction is the yearly, month-long celebrated Panagbenga Festival, held during the month of February, during which the flowers are at their fullest blooming season. The festival showcases the traditions of the different indigenous communities and their products at the Burnham Park where visitors who failed to get hotel rooms are also allowed to pitch tents for the duration of the activities. The celebration includes exhibits, games, shows and the famous parade of floats fully-decked with flowers.

 

The Philippines’ Shangri-La is believed to have been known among those from Benguet as “bah-giw”, meaning “moss”, and among the Ibaloi, as “bagyu” which connotes as submerged aquatic plant. Whatsoever its name in the past was, Baguio may well be called an eternal city where one could stroll in bliss unmindful of the passing time. It will always be the last mountaintop resort for everybody…and, a special one, too.

 

Ang Laro ng Mga Pulitiko…Pinaiikot ang Mga Pilipino sa Palad

Ang Laro ng Mga Pulitiko

…Pinaiikot ang Mga Pilipino sa Palad

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung paglaruan ng mga pulitiko ang mga Pilipino at ang bansa ay walang pakundangan. Ginagawa nilang parang trumpo ang mga Pilipino. Uumpisahan nila sa mga pangakong nililitanya sa panahon ng kampanya na may kasamang “pambalubag-loob” na ang halaga ay nagkakaiba depende sa rehiyon, bayan o lunsod, at susundan ng paiwas-iwas na sa mga tao kung sila ay nanalo na at nakaupo sa pwesto.

 

Ang pinaka-ispiritu ng larong pulitika sa Pilipinas ay ang “utang na loob”. Utang na loob ng mga botante sa mga kandidato dahil nabigyan sila ng “pampalubag- loob”, utang na loob ng mga pulitiko sa malalaking taong tumulong at “nagdala” sa kanila upang manalo, at “utang na loob” ng mga pulitiko sa mga kaalyado nila sa partido, kaya anumang mangyari, sama-sama sila, lalo na sa panahon ng “paniningil nila” upang mabawi ang mga nagastos sa lumipas na eleksiyon.

 

Dahil sa “utang na loob”, kahit hantad na ang pagkasangkot sa anomalya ng kaalyado, ang mga kasama ay hindi na lang kumikibo. Si Jejomar Binay nga na Bise-Presidente ngayon, ay tahasang sinabi na utang na loob niya sa mga Aquino kung saan man siya ngayon. Si Binay ay maingay na sa pangangampanya hindi man direkta, para sa kandidatura niya sa pagka-Presidente ng Pilipinas. Si Pnoy na presidente ngayon ay may nakabinbin na mga kasong graft dahil sa Development Acceleration Program (DAP) “funds”, na ang pagkagamit ay mali ayon sa Korte Suprema. Maaaring abutin ang mga kaso ng eleksiyon sa 2016 – magiging pending. Ano ang mangyayari sa mga ito kung sakaling si Binay ang mananalong presidente?

 

Maraming pulitiko ang yumaman dahil sa larong ito, na parang sugal na rin kung tutuusin, subali’t sugal na walang pagkatalo dahil ang isinugal na pera ay nababawi ng kung ilang doble pa! May mga kagawad nga ng bayan na makalipas ang kalahati pa lang ng panunungkulan ay nakapagpa-repair na ng bahay at nagkaroon pa ng sasakyan. Mayroon nga diyang Barangay Chairman lang, makalipas ang dalawang taon, nakapagpatayo na ng bahay, may van pa. May mga kongresista na makalipas lang din ng dalawang taon, may isa o dalawa nang condo sa Maynila.

 

Ang mga taong bayan na umasa sa mga ipinangako ng mga pulitiko na mga inprastraktura tulad ng tulay at maayos na kalsa, naiwang nakatunganga! Ultimo pampalubag-loob na basketball court, mahinang klaseng materyales pa ang ginamit kaya karamihan, lalo na sa mga lugar na madalas dalawin ng bagyo, mababang signal lang nito, nagliliparan na ang bubong, ang mga posteng manipis na bakal na pinagdikit upang kunwari ay makapal, nagmistulang baging sa pagkakalubay. May mga tulay ngang naipagawa, nguni’t simpleng ragasa ng umapaw na ilog, inanod na. May mga highway at kalsadang- bayan na naipagawa, ilang beses na ulan lang ang pumatak, nagkatuklap-tuklap na, yong iba, animo mga lubak sa mukha ng buwan naman ang naging hitsura.

 

Kasama sa laro ng mga manlolokong ito ay ang paggawa ng report tungkol sa mga proyekto na hanggang papel lamang. Kaya may mga nagrereklamo na wala naman daw makitang tulay o eskwelahan o kung ano pa, batay sa mga sinasabi sa report. Hindi natuldukan ng mga ginagawang imbestigasyon kay Napoles ang mga panloloko sa mga Pilipino. Paanong matutuldukan eh, ang pinagpipilitan ng adminstrasyon na pag-itsapwera sa pork barrel ay nandiyan pa rin pala at nakakubli lang sa mga bagong pangalan ng iba’t ibang budget. Ang inaasahan ng taong bayan na dapat ay hindi na pakikialam ng mga senador at kongresista sa mga bagay na may kinalaman sa proyekto ay paiiralin pa rin pala. Mabuti na lang at nagkabistuhan. Subali’t malabo talagang mawala ang ungguy-ungguyang ito dahil karamihan sa mga kongresista ay kaalyado ng pangulo, kaya kung boto ang pagbabatayan sa pagpatupad, walang magagawa ang minorya kundi mag-ingay na lamang.

 

Kung sa larong tumbang preso, palaging panalo ang may malalaking pamato at mabibilis umiwas sa “taga” – sila ang mga tiwaling pulitiko at opisyal. At, ang kawawang “taya” na payatot dahil sa kawalan ng sustansiya sa katawan, kaya mabagal tumakbo upang “tumaga” – ay ang taong bayan…hinihingal sa pagkabagoong!