Morsels of Life

Morsels of Life

By Apolinario Villalobos

 

Flung to the ground –

Morsels unwanted by some

But life for others

That gleam under the sun

Giving joy and elation

And relief for their guts

That for days went empty

Reeling with pain –

Begging for mercy.

Advertisements

Down The Primordial Taal Volcano

Down the Primordial Taal Volcano

By Apolinario Villalobos

 

The wanderlust in us, members of the PAL Mountaineering Club, brought us together during the last week of January, 1980 for a trek down Taal, the “volcano island”, the country’s second most active volcano, the last eruption of which was in November 1977. It has a record 33 historical eruptions to date, with total casualties of 5,000 to 6,000, since 1572. The dormant Binintiang Malaki is the prominent cinder cone that can be seen from the view ridges of Tagaytay City. The Binintiang Munti crater is located on the westernmost tip of the island. The most recent period of activity of the volcano took place between 1965 and 1977, with the area of activity mainly felt in the vicinity of Mt. Tabaro.

 

Geographically, Taal Volcano and its lake are located in the province of Batangas. Its northern half is within the jurisdiction of Talisay, the southern half within San Nicolas. Other towns that encompass the lake, include Tanauan, Talisay, Laurel, Agoncillo, Sta. Teresita, Alitagtag, Cuenca, Lipa, Balete and Mataas na Kahoy. The lake of the volcano is the “largest lake on an island in a lake on an island” in the world, and this lake also contains an island, the Vulcan point.

 

That early morning of our departure for Tagaytay, everybody was excited, as although, most were seasoned mountain climbers, it would be their first time to go down to this low-lying volcano. At eight sharp, the driver of the “baby bus” that we hired in Baclaran, turned on the engine and we were on our way. We took the Zapote road, instead of the superhighway (now, SLEX) and this option gave us the opportunity to have a glimpse at the saltbeds of Paraῆaque, the old houses along Las Piῆas and the church where the Bamboo Organ was kept.

 

As there was not much traffic, in a little more than two hours of travel, we already felt the cold air caressing our face, indication that we are within the vicinity of the resort capital of southern Luzon. Sights of fruit stands along the highway confirmed our arrival in Tagaytay city. There was a last-minute shopping of provisions such as extra rolls of film, food and drinks.

 

We took a dusty road down the range on which our bus seemed to groan as it made swerves down and up, following the zigzag. After almost forty minutes of tortuous bus ride down the road, we reached Sampaloc, a barrio of Talisay where we were supposed to take off for the island volcano. But since there was no available big boat that could accommodate the whole group, it was decided that we proceed to the Talisay, the town to look for one. However, five of us in the group decided to stay behind and take the small boat that would take us ahead of the rest to the island – a wrong decision. The five of us thought that our destination was the prominent big crater, the Binintiang Malaki, because for us, that was already Taal volcano. The rest of the group which anchored their own decision on the suggestion of their boatman, decided to go to the new crater at the westernmost tip of the island. Clearly, there was no unanimous decision as to which docking areas that should be targeted, and the problem was not patched up because there was yet no cellphone that time.

 

The five of us proceeded to the beach of Binintiang Malaki and waited for the rest, thinking that they made the same decision. A quarter of an hour was spent waiting for them, until we decided to proceed with our trek towards the dead crater. The Binintiang Malaki was quite a challenge to us, despite its low elevation, because of the thick growth of cogon and talahib grasses. In half an hour, we were able to reach the crater and after some time of dilly dallying for photo opportunities, we practically slid our way down back to the beach.

 

While we were preparing our lunch, we worried about the bigger group that could have “lost” their way. Later, when we met again at Talisay, we found out that while we were worrying for them, they were having a grand time in traversing the island towards the new craters. According to Ceres Noble, they had a grand time trudging on gullies of hardened lava, cogonal land and a small desert of sulfuric sand.

 

The boatman that we contracted would be fetching us the following day, yet, so that our group spent the night at Binintiang Malaki. We had a bright evening on the beach as the moon was at its fullest. Under its gaze, we retired for the night lulled by the waves of the lake. But in the dead of the night, I could hear yet the old woman in Sampaloc, who told me many things about Taal when it erupted in 1911.

 

“Everybody panicked and there was a scramble for the boats, but a child was mysteriously saved by an overturned big kettle. That was how Matandang Bulkan (Binintiang Malaki) was formed,” she said. As years passed, the villagers along the shores of Talisay would constantly hear the island rumble. Many time, too, the islanders were evacuated due to minor eruptions.

 

The lake teems with freshwater fish such as tawilis, siliw, maliputo, ayungin, dangat, dulong, and carp. Anglers from Manila and nearby towns frequent the lake for leisurely fishing.

 

When our group finally met the splintered group that we thought got lost, there was an endless exchange of adventures. Of course, those that went traversing got the most, because our group just spent an idyllic time on the beach of Kabintian.

 

Tagaytay today has developed into some kind of a mountain resort with resthouses mushrooming on its mountain slopes facing the lake. Add to this the exotic restaurants and greenhouses that where flowers and vegetables from other countries are nurtured. It is also the site of prominent seminar venues and retreat houses, not to mention the park which offers horseback riding.

 

It is possible to commute to Tagaytay from Manila by taking buses from Baclaran with travel along coastal road, taking only about two hours (without much traffic). Another option is by taking a bus from Alabang. For groups, however, it is advised that a transport be contracted. Most importantly, one should fill his purse with plenty of money for the fresh fruits, vegetables, and bottled jams and jellies, for which Tagaytay is proud.

 

Kung Si Miriam ang Presidente

Kung si Miriam ang Presidente…

ni Apolinario Villalobos

 

Hindi na kailangan pang dugtungan ng apelyido

Ang pangalang Miriam na binanggit sa titulo

Nag-iisa lang siya sa larangan ng pulitika

Isang matapang at matalinong Ilongga.

 

Nakilala siya sa walang tapang na pananalita

Walang pinipili, basta’t nagkamali ay tinitira

Kahit sa harap ng kamera o mikropono

Salitang bibitiwa’y tatama…sigurado!

 

Walang takot sa mga banta sa kanyang buhay

Noon pa man daw, handa siyang mamatay

At huwag na huwag daw siyang tatakutin

Dahil ang bala ay kanyang kinakain!

 

Ganyan katapang si Miriam Defensor-Santiago

Minsan nang tumakbo noon sa pagkapangulo

Subali’t dahil sa karamdamang lumala daw

Sa karerang umiinit sana, siya’y bumitaw.

 

Siya ay nagpahiwatig uli ng interes na panibago

Na sa 2016 eleksiyon, tatakbo bilang pangulo

Isang Constitutionalist sa kanya’y nag-udyok

Upang ang hamong ito’y kanyang masubok!

 

Kung siya ay maging Presidente, aasahan ko na

Ang mga tiwali na sa gobyerno’y naglilipana

Siguradong mapapalis ng walang pasubali

Dahil noon pa’y, galit siya sa mga mali!

 

At siyempre pa, mga bulwagan ng Malacaῆan

Ay sisigabo na sa matutunog na halakhakan

Mga Miriam jokes ay siguradong aalagwa

Upang dadalo sa miting ay di manawa!

 

Maibabalik kaya niya ang parusang kamatayan?

Mapapabilis kaya, mga natenggang paglilitis?

Bababa kaya ang mga presyo sa palengke?

Bababa rin kaya ang lahat ng pamasahe?

 

Mababawi kaya ang Sabah mula sa Malaysia?

Marerespeto na rin kaya ang Pilipinas ng Tsina?

Ang oil deregulation kaya ay bibigyang pansin?

At presyo kaya ng bigas ay maibababa na rin?

 

Mga relokasyong tirahan kaya’y matatapos na?

Pati na nabinbing tulay, eskwelaha’t kalsada?

Tanggal rin kaya, mga kapit-tukong opisyal?

Mga pasakit sa mga Pilipino na kay tagal?

 

Sa dami ng mga gagawin ni Presidente Miriam

Sana nama’y hindi bumalik, mga dinaramdam

Mga sakit na sa katawan ay magpapagupo

Huwag naman sana, upang di siya sumuko!

 

Kapag Nag-field Work ang Mga Taga-Gobyerno

Kapag Nag-Field Work

Ang Mga Taga-Gobyerno

Ni Apolinario Villalobos

 

Dalawang araw makalipas mula sa petsang ito, lumabas sa TV si Sec. Abaya na naglalakad sa riles ng MRT…nakaputing barong, may mga alalay at pinapayungan! Tinanggap niya ang challenge na sumakay sa MRT upang “maranasan” ang nakakaburyong na sitwasyon kapag sumakay ang isang simpleng mamamayan sa mass transit system na ito. Okey naman daw. Bakit hindi? Sumakay ba naman ng bandang ala-una ng hapon ayon sa mga nagkober na reporters, oras na walang pila dahil hindi rush hour, at ang sinakyan pang bagon ay para sa mga babae, buntis, matanda at may kapansanan! Kaya ang sagot niya sa mga nagrereklamo, wala ring kwenta.

 

Hindi nalalayo ang sa ginawa ni Sec. Abaya ang ginagawa ng mga taga-ahensiya ng gobyerno na ang trabaho ay mag-monitor ng mga presyo sa palengke. Kung pumunta sila ay may prior notice kaya maraming pulis sa mga pupuntahang lugar, may mga bitbit din na mga alalay mula sa opisina mismo at higit sa lahat, may mga kamerang nakatutok sa kunwari ay pagtistsek ng mga price tags. Kapag lumabas na ng palengke, may mga nakaabang na magpapayong. Dahil naanunsiyo ang pagdating, siyempre ibang mga price tags ang naka-display, at pag-alis nila, balik na naman sa masayang pataasan ng presyo!

 

Sa isang pagtitipon na pinuntahan ko, may darating palang isang mayor na bisita rin. Halos nasa kalagitnaan nang programa nang dumating siya na maraming bitbit na alalay. Maliit siya kaya siya “nalunod” sa dami ng nagtatangkarang bodyguards. Pagkatapos ng programa, nilapitan ako ng isang kaibigan ko na nadaanan ng grupo ni mayor at nagsabing narinig daw niya ang instruction ni mayor sa isang lalaking katabi niya na: “… yong cameraman lapitan mo na at ituro kung saan ako uupo, ihanda mo na ang pang-abot mo”.

 

Sa isa namang pasinaya ng isang art gallery sa MegaMall, inimbita ako upang mag-emcee. Sa labas lang ng gallery ang programa para sa mga piling bisita kasama ang isang dating senadora at isang dating mayor ng malaking lunsod at ngayon ay may bagong pwesto sa gobyerno. Okey lang ang dating senadora na dumating ng maaga kaya naupo na lamang muna habang hinihintay namin ang iba. Maya-maya lang parang may nagkagulo dahil ang mga taong dumaan ay nagmamadaling hindi maintindihan. May mga dumating na mga naka-short sleeves polo barong at nagpapatabi ng mga tao, pati ako ay “nahawi”. Umalma ako at tinanong ko ang “humawi” sa akin, kung bakit. Sabi niya habang may kayabangang nakatingin sa mga mata ko ay, “dadaanan si mayor, kaya tumabi ka!”, halos pasigaw niyang sabi sa akin. Nagpanting ang tenga ko at sinagot ko siya ng “sira ulo ka ba, eh, may program dito sa dinadaanan ninyo at emcee ako?” Sagot niya, “diyan pupunta si mayor, eh”. Sa inis ko, sinabihan ko siya ng, “ikaw ang tumabi dahil hawi boy ka lang, emcee ako dito!”. Maya-maya dumating ang sinasabing mayor na noon ay hindi ko pa nakita ng personal, pero narinig ko na ang pangalan.

 

Nang kausapin ko ang mayor para hingan ng kunting impormasyon para magamit sa pag-introduce ko sa kanya, binanggit ko ang inasal ng alalay niya. Sabi naman niya na nagpahupa ng galit ko ay, “pasensiya na po kayo at pagsasabihan ko”, sabay ngiti ng pagkatamis-tamis na isa sa mga trademark niya ngayon. Kilala daw pala ang dating mayor na ito dahil sa dami ng “hawi boys” niya.

 

Ang dating senadora naman na ininterbyu ko rin para makuhanan ng konting impormasyon ay halos ayaw ibuka ang bibig kung magsalita at walang kakurap-kurap ang mata, at ni hindi man lang ngumiti. Inakala kong may sakit siya. Nang kausapin ko ang misis ng pintor na nag-imbita sa akin upang maging emcee, sabi niya pasensiyahan na lang dahil baka bago lang nainiksiyunan ng botux sa pisngi at noo. Seryoso siya sa pagsabi sa akin pero dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng botux noon, inakala ko na lang na gamot laban sa allergy, kaya naawa ako sa dating senadora. Sayang nga naman ang mukha niyang makinis at walang kulubot kung magka-allergy!

 

Ang pinaka-commendable na senadorang nag-fieldwork upang mangalap ng first- hand information sa imbestigasyong gagawin ng komite niya sa MRT ay si Sen. Grace Poe na isang staff lang ang dala nang pumila upang makasakay sa MRT. Unannouced din ang pagsakay niya kaya parang hindi lang din sinasadya na may nakapansin sa kanyang taga-media. Walang special treatment na ibinigay, at nadanasan din niyang “makainan” ng tiket, hanggang sa makipagsiksikan sa pagsakay. Peak hour nang sumakay siya, alas-otso o pasado ng kunti daw ng sumakay siya kaya sapol niya ang pahirapan sa pagpila bago makarating sa ticket booth.

 

Kung ang ginawa ni Sen. Poe ay gagawin ng mga taga-DTI at taga-Department of Agriculture kung mag-tsek sila ng mga presyo sa palengke, marami silang mahuhuling mga tiwaling negosyanteng nagtataas ng mga presyo na labag sa batas. Pero hangga’t ang gagawin nila ay puro photo opportunity lamang, hindi sila nakakatulong sa Pangulong pilit na inilalagay sa tamang kaayusan ang mga sistema sa Pilipinas.

 

Sa isang banda, hindi maikakailang may mga service vehicle ang mga opisyal ng gobyerno, lalo na kung mag-field work sila, pero sana naman ay huwag nang magsalita upang kontrahin ang mga tunay na nangyayari pagdating sa mass transport system ng bansa, dahil hindi naman nila nadadanasan ang magpakahirap sa halos araw- araw na lang, makarating lang sa patutunguhan.