Why Not Simplify the Belief?

Why Not Simplify the Belief?        

By Apolinario Villalobos

 

(Caution: read this with an open mind.)

 

A basic knowledge about God is that He has no image, no face and all-knowing. The Islamic faith ardently maintains this which firmly supports its monotheistic belief. Other religions have so many gods, in contrast to Christianity that also maintains this fealty. The only problem with Christianity, particularly the Roman Catholic Church is the many “titles” or names of the venerated Mother and Jesus. There is no problem with God, because what are attributed to Him are one word definitions such as Benevolent, Omnipotent, Merciful, etc.

 

With Jesus, even his misrepresented image as a child is venerated – the Sto. Niῆo. This prompted my niece one time to ask me if Jesus has not grown old. What will I answer to that?

As a grown- up, Jesus is also tagged with so many aliases or a.k.a’s…Black Nazarene, Holy Face, etc. The same is true with the Virgin Mother who is also tagged with so many titles…Our Lady of Guadalupe, Immaculate Conception, etc…with each title assuming a different image. When I asked a friend about this, he told me that the title depends on where the Mother manifested herself. I asked him what title will the church give the Mother if she appeared on the door of a toilet. I asked this, because people claim appearances on leaves, walls, tree trunks, etc. I was honest in my question. There is the Our Lady of Guadalupe because she appeared in that place, somewhere in Mexico, there is the Our Lady of Lourdes because, she appeared in a cave somewhere in France. I was just honestly curious. He just ignored my question and left me…he never talked to me afterwards. I lost a friend because of one question.      

 

For the prayers, there is a long prayer for the dead which even mentions a “tower”. The Holy Rosary is alright, because it is supposed to be a sacrificial prayer. The Mass is most appropriate because it is supposed to commemorate the Last Supper of Jesus, His last act of salvation for mankind. What is wrong is its commercialization and use as a venue for political utterings of some revolutionary priests. Why can’t the holy ritual be confined to its real purpose, and for the revolutionary priests to go out of the church after the Mass, so that they can shout out to their hearts’ content, their political slogans and slurs against the government?

 

The laymen are confused as to the real mission of the Christian Church. While there are people around who are waiting for their share of spiritual grace, those with responsibilities are out in the streets joining hands with rallyists shouting invectives against the government. Some Christian groups condoned by the Catholic church, preach about blessings that will rain on the faithful so they must invert their open umbrellas, the better way to catch them….that when they get home, they should open wide their windows and doors to welcome hordes of blessings!

 

Why not just simplify the faith, the belief, and the way it is taught?…that there is an All-Knowing, Merciful, Benevolent God…period! Since the good acts of Jesus can enhance the evangelism, He should be included in the effort, and the faithful should be reminded that it is best to emulate Him. The simple choice, then, would just be between the good and the bad.

 

As for the shrines, those who raise funds for them, love to build most of these structures on top of a hill or a mountain. In the Bible, these are called “high places” where pagan rituals are held. They say that the taking of the hundreds of steps to reach them is a good “sacrifice”. People today have more than enough sacrifice, what with the soaring prices of prime commodities, deaf government leaders, and natural calamities. Why spend money for fares in going to shrines when such financial commodity is scarce nowadays? Living on a day to day basis is a sacrifice that can be offered to the Lord. In promoting shrines, the people behind them should be honest enough to admit that they are actually “religious tourism”, an endeavor that actually promotes the town or province where they are built, an industry…and, with that, no more questions will be asked. Why not trek to the nearest Church during worship days, if one would really want to sacrifice?

 

Anything concentrated is better in texture, stronger. If the faith can have this characteristics, it can withstand the onslaught of distraction…and that is what God wants to happen – undiluted Faith in Him, nothing else!

 

 

Ang Globalization at Pilipinas

Ang Globalization at Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang pagsirit ng mga halaga ng iba’t ibang bilihin, lalo na ng mga pagkain – ito ang bangungot ng globalization na dulot sa Pilipinas. Ang idinulot ay malawakang paghihirap. Kung dati, ang mga umaangal ay ang mga walang regular na trabaho, lalo na yong mga nakatira sa depressed areas, ngayon, halos lahat na ay nag-iingay. Hindi kasama dito ang mga talagang mayayaman na kayang sabayan ang mga pangyayari.

 

Nakakatawa ang sitwasyon ng Pilipinas sa paningin ng mga taga-ibang bansa. Nandito sa atin ang International Rice Research Institute (IRRI), dalubhasaan ng mga rice scientists at technologists mula sa ibang bansa upang mag-aral ng mga bagay-bagay tungkol sa makabagong kaalaman sa pagtanim ng palay, subali’t nag-aangkat tayo ng bigas mula sa bansa nila! Isang agricultural country ang Pilipinas, subali’t ang presyo ng sibuyas, bawang at luya ay katulad ng sa mga bansa sa Europe at Amerika na nag-aangkat ng rekadong ito. Ang mga gulay-butil tulad ng monggo, tapilan, at iba pa ay tahimik kaya hindi napansin ang pagsirit din ng mga presyo. Idagdag pa diyan ang pananamantala ng ibang Pilipinong mangangalakal na nagtataas ng mga presyo ng mga dati na nilang paninda, upang sumabay sa kaguluhan, at lalo na ang kalamyaan ng pamunuan ng bansa kaya hindi makontrol ang mga pangyayari.

 

Ang mga nananamantala para bang sinubukan lang ang pamahalaan kung makakalusot sila…nakalusot nga!… kaya, kaliwa’t kanan ang pagsirit ng mga presyo. May ginagawa din naman ang gobyerno – ang walang katapusang imbestigasyon. Baka isa ito sa ipamamana ng pangulo sa susunod na administrasyon. Wala man lang sinampulan upang maging halimbawa, kaya pati yong tauhan niya na dapat noon pa nag-resign o tinanggal dahil sa kapabayaan, kapit-tuko sa pwesto. Sabagay, maganda ang dahilan niya – siya pala ang may pinakamalaking sweldo!

 

Nang umupo bilang pangulo si Fidel Ramos, nagsimula ang walang puknat na pagbenta ng mga pag-aari ng bansa na pinalabas na “privatization” upang mapaayos daw ang pagpapatakbo ng mga ito dahil tadtad ng korapsyon. Yong iba, ibinenta dahil “non-performing” o natetengga lang, hindi kumikita. Isang panlilinlang na nakalusot. Mabuti na lang at naagapan ang pagbenta sana ng historical landmark ng bansa na Manila Hotel. Ang mga ospital na gustong ibenta ay bantay-sarado ng mga militante. Ipapaayos daw ang mga ito upang maging moderno kaya ibebenta ng gobyerno sa mga private corporations. Ang mga lupang kinatitirikan ng mga ospital, hanggang ngayon ay hindi pa nalilipat sa kanila. May malaking dahilan kaya?

 

Ibenenta ang Fort Bonifacio sa mga negosyanteng Indonesian, ang National Steel sa mga Chinese-Malaysians, Petron sa mga Saudi Arabians, pinuno ang Subic ng mga Taiwanese, ang mga iba’t ibang nakatiwangwang na mga lupa ng bayan, sa iba pang mga banyaga ibinenta at pinatayuan ng mga condo at malls. Ang mga condo, karamihan ay tinitirhan ng mga banyaga dahil hindi kaya ng mga Pilipino ang presyo. Ang mga malls ay pinuno ng mga produkto galing sa ibang bansa, lalo na China at Korea. Ang karamihan sa mga pwesto, pag-aari ng mga banyaga. Saan nakalugar ang mga Pilipino?…..kung hindi mga dispatsadora, janitor at security guards, ang iba nagtitinda sa mga bangketa!

 

Ang mga Pilipinong gustong sumabay sa “globalization”, nagbenta ng mga lupain nilang dati ay taniman ng palay, gulay, kape at mga punong-prutas upang ma-develop na subdivision. Ang developer ng malalawak na lupain…mga banyaga! Inasahan ang turismo at may nakitang kapirasong pagbabago subali’t karamihan pa rin ng mga pasilidad para sa industriyang ito ay pag-aari ng mga banyaga, ito ang mga mauunlad na resort sa mga popular na isla tulad ng Boracay.

 

Pinapalabas na korporasyong Pilipino ang nagpapatakbo sa mga na-privatize na pasilidad para sa tubig at kuryente, subali’t sa loob ng mga korporasyong ito ay may mga banyaga, kaya ganoon din ang kinalalabasan ng lahat, na ang pang-kontrol ng mga ito ay may impluwensiya nila at ito ang nakakapag-alala.

 

Ang mga likas na yaman tulad ng itim na buhangin na pinagkukuhanan ng mga elementong ginagamit sa makabagong gadget, hantarang hinahakot sa ibang bansa. Nakatanghod lang mga lokal na opisyal at mga ahensiyang nakatalaga para dito, duda tuloy ng iba, pati sila ay sangkot sa mga transaksyon – kumita!

 

Ang masaklap, kung nagtaasan ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin, ang tanging naisip agad na gawin ng gobyerno ay umangkat sa ibang bansa. Umabot nga sa punto na pati ang galunggong at pusit ay galing sa Taiwan – frozen!

 

Ang prinsipyo ng globalization ay umiinog sa maayos at hindi sa kung sino ang nagpapatakbo ng negosyo. Kaya maraming banyagang negosyante sa ating bansa ngayon ay dahil sa ganitong prinsipyo. Ang paniwala ng mga taong may pakana na isali ang bansa sa globalization, mga banyaga lamang ang may kakayahang mamuhunan o magpatakbo ng negosyo – wala silang tiwala sa kababayan nila. Isa pa, pangangalakal na lang ba ang maaaring pagkitaan? Bakit pinabayaan ang agrikultura na dapat sana ay pinaunlad muna? Alam naman ng lahat na ang bansa ay kabilang sa grupo ng third world countries kaya wala talagang kakayahang makisabay sa mga nakakaangat na mga bansa pagdating sa kalakalan at teknolohiya.

 

Nagkaroon man ng trabaho ang ibang Pilipino dahil sa globalization, ito ay seasonal lamang at higit sa lahat, kontraktwal, kaya ganoon din ang nangyari, wala pa ring spending capacity ang mga Pilipino, dahil sapat lang o kulang pa ang kita nila. Sinasabi kasi ng mga ekonomista na kung maraming gumagastos, tuloy ang kalakalan, kaya aangat ang ekonomiya ng bansa. Hindi ito nangyari sa Pilipinas. Kaya siguro ang mga may pakana ng globalization ay halatang tahimik, dahil napahiya!

 

Kung malampasan man natin ang bangungot at magigising pa tayo na buhay, baka ang mabuglawan ng ating mga mata isang umaga ay mas matinding pangyayari, na ang nagpapatakbo ng Pilipinas ay hindi Pilipino. Yan ay haka-haka lang naman dala ng matinding panlulumo dahil sa mga nakakabaliw na pangyayari sa ating bansa!