Emergency Meeting Na Naman!

Emergency Meeting na Naman!

Ni Apolinario Villalobos

 

Nabahala na daw ang gobyerno dahil sa kaliwa’t kanang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin…ngayon lang sila nabahala, eh kung ilang buwan nang nangyayari ito! Yong spokesperson nga ng Malakanyang, nagsabi pa na tiis-tiis lang daw muna. Magtatanghal na naman sila ng “moro-moro.”

 

Kung ang tinawag ng presidente ay ang mga namumuno pa rin ng mga ahensiya niya, mag-aaksaya lamang sila sa pagdaos ng miting dahil kung talagang may alam ang mga ito sa pagtugon sa mga problema, hindi na nila kailangan pang tawagin sa isang emergency meeting, noon pa, dapat may ginawa na sila…kaso talagang walang alam. Ang palaging dahilan ay kapos daw sila sa kapangyarihan…bakit hindi na lang sila magsi-resign kung may natira pang maski katiting na hiya sa kanilang pagkatao, upang mapalitan sila ng mga may alam? Follow the leader daw yata!

 

Kung seryoso ang pangulo na maski papaano ay maibsan ang mga problemang nangyayari ngayon, dapat ang tawagin niya ay mga representative ng mga consumers at mga gumagawa ng mga survey, hindi yong mga nakatunganga lang sa mga aircon na opisina nila, at kung lumabas man upang kunwari ay “mag-spot check”, may bitbit pang mga TV camera at reporters – higit sa lahat ay napatunayan nang mga inutil. At, dapat, makinig siya sa mga totoong suggestions na galing sa labas ng Malakanyang at mga ahensiyang ang alam lang ay himasin ang likod niya.

 

Sigurado, pagkatapos ng miting, ang sasabihin nila…maghigpit na lang muna ng sinturon habang nag-iimbistiga pa!Emer

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s