Hindi Dapat Tinatanong ang Diyos

Hindi Dapat Tinatanong ang Diyos

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang tao’y walang karapatang magtanong sa Diyos

Tuwing, sa buhay niya ay may dumarating na unos.

Hindi tinatanong ang Diyos ng may panunumbat pa

Tuwing, sa buhay niya ay may dumarating na sakuna.

 

Hindi maaring sambitin ang mga salitang, “bakit ako?”

Dahil lahat ng nangyayari’y nakalatag sa kanyang plano.

Hindi maaaring iwaksi ang paggalang at tiwala sa Kanya

Dahil ang tao’y marami pang hindi nalalaman at nakikita.

 

Hindi maaaring magtampo sa Diyos dahil sa mga inaakala-

Mga inaakalang, kapakanan ng tao ay hindi niya inaalintana.

Marunong ang Diyos…isang karunungang walang hangganan –

Karunungang hindi kayang abutin, tarukin o gayahin ninuman .

 

Emergency Meeting Na Naman!

Emergency Meeting na Naman!

Ni Apolinario Villalobos

 

Nabahala na daw ang gobyerno dahil sa kaliwa’t kanang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin…ngayon lang sila nabahala, eh kung ilang buwan nang nangyayari ito! Yong spokesperson nga ng Malakanyang, nagsabi pa na tiis-tiis lang daw muna. Magtatanghal na naman sila ng “moro-moro.”

 

Kung ang tinawag ng presidente ay ang mga namumuno pa rin ng mga ahensiya niya, mag-aaksaya lamang sila sa pagdaos ng miting dahil kung talagang may alam ang mga ito sa pagtugon sa mga problema, hindi na nila kailangan pang tawagin sa isang emergency meeting, noon pa, dapat may ginawa na sila…kaso talagang walang alam. Ang palaging dahilan ay kapos daw sila sa kapangyarihan…bakit hindi na lang sila magsi-resign kung may natira pang maski katiting na hiya sa kanilang pagkatao, upang mapalitan sila ng mga may alam? Follow the leader daw yata!

 

Kung seryoso ang pangulo na maski papaano ay maibsan ang mga problemang nangyayari ngayon, dapat ang tawagin niya ay mga representative ng mga consumers at mga gumagawa ng mga survey, hindi yong mga nakatunganga lang sa mga aircon na opisina nila, at kung lumabas man upang kunwari ay “mag-spot check”, may bitbit pang mga TV camera at reporters – higit sa lahat ay napatunayan nang mga inutil. At, dapat, makinig siya sa mga totoong suggestions na galing sa labas ng Malakanyang at mga ahensiyang ang alam lang ay himasin ang likod niya.

 

Sigurado, pagkatapos ng miting, ang sasabihin nila…maghigpit na lang muna ng sinturon habang nag-iimbistiga pa!Emer