Ang Pagsakay sa Isyu ng Pilipino

Ang Pagsakay ng Pilipino sa Isyu

Ni Apolinario Villalobos

 

Maganda na sanang isipin na ang Pilipino ay pilit na nakikibahagi sa mga bagay na may kinalaman sa bansa. Subali’t ang iba naman ay ginagamit ang ibang isyu upang makapanamantala. Tulad na lamang sa isyu ng mga presyo ng bilihin. Nang mismong ang kagawaran ng agrikultura at ang ahensiyang namamahala sa bigas ay nag-anunsiyo na kailangang umangkat ng bigas dahil ang nakaimbak ay tatagal ng ilang buwan na lamang, biglang nag-taasan ang mga presyo ng bigas sa mga palengke. Nagkagulatan. Ang mga may-ari ng tindahan na nagtitingi, itinuro ang mga may-ari ng bodega na pasimuno. Kunwari umikot ang mga taga-ahensiya ng gobyerno sa mga palengke, hanggang doon lang – para lang bang kumaway sa mga tindera’t tindero at nangumusta – at makita sa TV. Inamin nila na wala silang kapangyarihan na mag-utos sa mga nagtitinda na ibaba ang mga presyo sa dating mga libel. Tatapatan na lang daw ng NFA rice, subali’t ito naman ay ibinebenta ng may limitasyon kaya sa may malaking pamilya, dapat, sa isang araw ay dalawang beses na bumili nito sa palengke!

 

Sa problema sa bigas, masisisi din ang iba nating kababayan na bahagi na yata ng pagkatao ay mag-aksaya, tulad ng kanin. Ayon sa International Rice Research Institute (IRRI), umaabot sa Php 34.8 billion ang halaga ng kanin na naaaksaya kada taon. Ito ay resulta ng pag-aksaya ng tatlong kutsarang kanin na ginagawa ng bawa’t isang Pilipino! Ang pag-aaksaya ay nangyayari sa mga pampublikong kainan at sa mga bahay ng nakakariwasa, na nagtatapon ng natutong na kanin. Yan ang isyu ng kayabangan!

 

Nang mapabalitang nagkakapestehan sa mga manukan at babuyan, nagtaasan ang presyo ng mga karne nito. Nang napabalitang nagkahirapan sa pagbiyahe ng mga gulay mula sa Baguio, pati ang mga gulay na galing sa kapatagan ay itinaas din ang presyo. Nang nagkapeste ang niyog sa ilang probinsiya ng CALABARZON region, pati yong galing sa ibang probinsiya, itinaas din ang presyo. Nang may nagreklamo tungkol sa presyo ng bawang, biglang nawala ang mga ito sa karamihan ng mga palengke, kesyo hindi na daw kayang umangkat ng mga tindera. Subali’t may balitang sinadya ng kartel na itabi muna ito upang lalo pang magmahal. Hindi naman kasi ito nabubulok maski pa abutin ng isang taon sa bodega, basta maganda lang ang bentilasyon. Ang problema sa ating bansa na nagpapakita ng kainutilan ng mga ahensiyang may kinalaman, ay ang hindi pagbaba ng mga presyong itinataas kahi’t na nagkakamurahan na ang mga kalakal sa mga pinanggagalingan ng mga ito.

 

Nang maging popular ang mga Koreanong banda, may ibang maski may-edad na ay nakikihalo para masabi na “in” sila. Ang iba ay mga nanay na, nakikipila ng maski magdamagan makabili lang ng tiket sa palabas ng mga banda, maski ito ay plano pa lang para sa darating na taon. Sabi ng kaibigan kong taga-media na nag-cover minsan ng pilahan, may mga nanay daw na talagang nagpumilit na ma-interview, lalo na kapag may nakatutok na camera. Nang pumutok ang balita na nagma-marijuana pala ang kinalolokohang banda…ang depensa, musika lang naman daw ang habol nila. Ganoon naman pala, eh, bakit hindi nila ma-appreciate ang musika ng mga lokal na banda at manganganta na pang-international din ang kahusayan? Ang problema ng mga local talents kasi, kulang sa seryosong promosyon kaya nauungusan ng mga banyagang katulad nila.

 

Sa pork barrel issue naman, maski yong hindi masyadong nakakaunawa, nakikihalo. Tulad halimbawa na lang nang tungkol kay Napoles. May isang nagmamarunong kung magbitaw ng kuru-kuro, pero nang tanungin kung sino ba talaga si Napoles. Sabi niya…”sino pa ba…eh, di yong ni-rape ni Vhong Navarro!”. Meron pang nagsasabi na si Napoles daw yong may malapad na parang kuwintas sa leeg na naka-wheelchair!

 

Ang mga isyusero at isyusero, oo…. talaga lang!

 

Ang Kapalaran…para kay Bing Paragas Calbone

Ang Kapalaran

(para kay Bing Paragas Calbone)

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakaguhit sa ating palad, yan ang ating buhay

Mga guhit na yugtu-yugto, merong madalang

Subali’t ang ganyang paniwala, hindi daw totoo

Dahil Diyos lang ang may karapatan sa mga tao.

 

May mga bagay na akala natin, sa ati’y nakatalaga

Nadadanasan natin sila mula pa noong tayo ay bata

Mga yugto ng buhay nating masaya, may malungkot

Ang iba’y tuluy-tuloy na nangyayari, iba ay nauudlot.

 

Pagdating ng panahon, ang ‘di inaasaha’y nangyayari

Mga bagay na hindi maunawaan, hindi natin mawari

Subali’t dahil kagustuhan ng Diyos, ay ating tanggapin

Ang mahalaga, buhay ay masaya, lungkot huwag isipin.

 

No Blessing is a Grain in Size

No Blessing is a Grain in Size

By Apolinario Villalobos

 

A single greeting with a sincere smile

Is a blessing that makes a morning lively

Gladdens the heart and makes it perky

Makes even the humble grass look pretty.

 

A peck on the check of your loved one

Is a blessing that can buoy her up the air

Makes her sing her heart out like no other

And gives her comfort, so warm, so tender.

 

No blessing is a grain in size, each is huge

Can’t be measured, weighed, nor reckoned

Such is more gorgeous than mounds of gold –

Priceless gift from the ever caring, loving Lord!

Bakit May Gobyerno Pa?

Bakit May Gobyerno Pa?

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa mga rally, lalo na noong nakaraang pagdiwang ng Araw ng Kalayaan, ang sigaw ng ilan ay hindi ang pagbagsak ng kasalukuyang gobyerno, bagkus ay isang katanungan: “BAKIT MAY GOBYERNO PA?” Ang nararamdaman kasi ng mga tao, ay para na ring walang namumuno, dahil halos wala man lang napaparusahang mga tiwaling opisyal o nagpapataw ng kaukulang parusa sa mga lumalabag ng batas….kaya ang mga Pilipino ay nagsasariling diskarte na lang upang mabuhay. Palaging naririnig ang parusang “pagsibak”, na ibig sabihin lang pala ay pagtanggal sa kasalukuyang pwesto at “paglipat” sa ibang pwesto…wala ring nangyari.

 

Matatapang ang mga negosyante sa pagtago ng mga basic commodities tulad ng bigas upang magkaroon ng dahilan na makapagtaas sila ng mga presyo nito, pati nga rekado na bawang at sibuyas ay napakialaman din. Ang mga negosyante ng langis, ganoon din ang tindi ng tapang sa panloloko sa pamamagitan ng animo ay pagsi-see-saw ng mga presyo…magbabawas ng ilang sentimo, at magtataas ng mahigit piso. Parang nakakaloko na sa pagpapatakam. Matatapang ang mga taong pamahalaan sa pagturing sa mga proyekto na animo ay sarili nilang negosyo kaya kung pagkitaan ang mga ito ay ganoon na lang.

 

Dahil wala man lang napapatawan ng parusa, pati ang sistema sa mga kulungan ay apektado at nakulapulan na rin ng kagaw ng corruption. Pati na rin ang mga paaralan, mula high school hanggang libel ng kolehiyo ay hindi man lang masita sa maya’t maya ay pagkakaroon ng mga sosyalang gastusan, tulad na lang ng “acquaintance party” na may costume pa…para ano ito, ganoong kabubukas lang ng mga eskwela? Sigurado, ilang buwan lang pagkatapos ng party na yan, magkakaroon na ng “educational tour” na kasama sa itinerary ay shopping mall o resort para makapasyal ang mga madre at mga titser at ang mga gastos nila ay pinababalikat sa mga estudyante. Ang mga estudyanteng hindi makasama dahil walang panggastos, pinapatawan ng mga kung anu-anong project naman, na hindi naman talaga kailangan. Bakit hindi na lang research project na may kabuluhan ang ipagawa sa mga estudyante o di kaya ay familiarization sa mga iba’t- ibang barangay ng lunsod o bayan kung saan nandoon ang paaralan, sa halip na “educational tour” sa malalayong lugar?

 

Nakakahiya, dahil ang mga taong inaasahan na dapat ay nagtuturo ng mga paraan kung paanong makaiwas sa gastos ang mga magulang dahil sa kahirapan ng buhay, ay siya pa ang pasimuno ng kaaliwaswasan na walang kabuhulang gastusan. Inutil ang mga ahensiyang nakatoka sa sistema ng edukasyon ng ating bansa. At, lalong walang konsiyensiya ang mga paaralang, animo ay nanghuhuthot sa mga magulang at estudyante sa halip na magturo nang maayos upang makapaghanda ang mga kabataan para sa kanilang kinabukasan.

 

Naturingang may Senado at Kongreso, subali’t ang mga ibinoto ng bayan upang umupo rito ay may mga bahid na ng corruption. Noong kampanyahan, animo mga santo at santa, puro pangako ng mga magagandang proyekto. Subali’t nang magkaroon ng pagkakataon upang makapangurakot, hindi na nagpapigil. Kailangan nga naman nila ang pondo para sa susunod na eleksiyon. Nagbibintangan sila sa isa’t isa at may mga “sinampahan” na ng mga kaso. Sino pa ang pagkakatiwalaan ng mga tao? Yong mga bago sa Senado tulad ni senadora Binay, ay may kinakaharap ding mga katanungang dapat niyang sagutin. Si senadora Poe, hindi naman nakakalimutan ang pangdaya daw ng dating Presidente Gloria sa kanyang ama…lumalabas na benggadora siya dahil hangga’t may pagkakataon, hindi niya maiwasang hindi banggitin ito. Para na rin siyang si Presidente Aquino na maya’t maya din ang paglingon sa dating pamunuan ni Presidente Gloria upang batuhin ng mga pagsisisi sa mga pangyayaring palpak sa kasalukuyang administrasyong hawak niya. Ang ugaling mapaghiganti ay nakakapagpigil sa pag-usad ng tao, at ang pinakamalaking halimbawa ay ang nangyayari ngayon – hirap sa pag-usad ang pamahalaan dahil panay ang sisi ng pamunuan sa mga corruption daw ng nakaraang administrasyon sa mga nangyayari ngayon.

 

Sana magmuni-muni din ang pangulo tungkol sa mga taong itinalaga niya bilang mga alalay niya lalo na sa namamahala ng budget na nahasa na sa mga nakaraang administrasyon. Ang mga napatunayan nang wala namang alam sa pagpapatakbo ng mga ahensiya ay nandiyan pa rin na naging mabigat pa niyang pasanin. At ang mga mambabatas na bihasa na sa pag-ikot sa mga batas ay nandiyan pa rin, kaya hindi lang ang nakaraan presidente ang dapat niyang sisihin. Ang mga talumpati niya na ang laman ay puro pagdedepensa sa kanyang mga kaalyado sa partido at mga alalay sa gobyerno ay ayaw na ring pakinggan ng marami dahil ampaw naman daw – walang laman.

 

Ultimo driver ng dyip na nasakyan ko minsan, pinatay ang kanyang radyo nang marinig ang nagsisimula pa lang na talumpati ng pangulo, sabay bitaw ng mga pagmumura. Hindi ko na lang pinansin dahil baka lalo lang mainis at ibangga ang dyip.

 

Mabuti na lang at madiskarte tayong mga Pilipino, kung hindi, baka sa kangkungan pupulutin ang lahi natin!