Hospitality…essence of Philippine Tourism

Hospitality

…essence of Philippine Tourism

By Apolinario Villalobos

 

Big cities in the Philippines have sufficient rooms for tourists, provided by lodging inns and multiple star hotels. But this is not so for towns and villages that are visited by tourists during the summer months which are the season for fiestas, and even year-round for some, as in the case of destinations that boast of natural attractions such as mountains, caves, swift white rivers, as well as, indigenous flora and fauna.

 

During the ‘70s which was the peak of tourist promotion effort of Philippine Airlines through its Tours and Promotions Division of Marketing and Sales-Philippines (MSP), the “hospitality home” was conceived by the think tank group of Vic Bernardino who heads the said division. The concept which was integrated in the PALakbayan Tour Program was supported by the late, Mr. Ricardo Paloma, the then, Regional Vice-President of MSP. The concept was laid down for appreciation and implementation of local governments which extended their full support. Along with this concept was also the promotion of the “backyard tourism”. To differentiate it from commercialized tourism, the “backyard tourism” was the small-scale tourism-related business that far-flung towns and villages operated in line with the Department of Tourism’s effort to drum up the attractions of the country.

 

Among the popular destinations that overflowed with tourists during festival season then, were Marinduque with its Moriones Festival, Kalibo with its original Ati-Atihan Festival, and Bukidnon with its Kaamulan Festival. Due to the limited commercial lodging facilities, pre-chosen local families were asked to host visitors for certain fees that varied according to their facilities and offered meals. Nowadays, sufficient lodging facilities have been built by local governments to accommodate visitors.

 

The tourism industry of the Philippines, did not start with big hotels. The industry started from scratch, so to speak. The hospitality home type of accommodation in the provinces supported the influx of foreign tourists in Manila, Cebu and Davao, as the hordes were desirous to see and experience more of the country. The PALakbayan Tour Program of the national flag carrier, PAL, through its Tours and Promotions Office successfully distributed tourists throughout the country. This is how the St. Paul Subterranean Park of Palawan, now known as Underground River of Puerto Princesa, the “dragons” of Caramoan peninsula in Bicol, the Chocolate Hills of Bohol, the enticing waves of the Quezon Province and Camarines Sur, Mt. Apo of Davao, Mt. Mayon of Albay, Mt. Hibok-Hibok of Camiguin, Mt. Pulog of Benguet, Mt. Kanlaon of Negros, to name a few of the mountains, Sicogon Island, the beaches of Cebu, Tubbataha Reef of Palawan and other dive sites in Mindoro, Cebu, Dumaguete, Davao, the Philippine Eagle, and later, the now world-renown Boracay….became essential features of international travel brochures and magazines..

 

It was a hectic period of promotional effort for the Bernardino group which reaped good results. Those who sacrificed much of their time were Edgar Buensuceso who handled the cave explorations and researches on the Philippine flora and fauna for promotion to nature lovers of Europe, Australia and Japan, as well as, the promotion of awareness on the Philippine Eagle; John Fortes who handled the mountain climbing activities; and Julio Luz, Jr. and Thelma Villaseῆor, who organized dive expeditions. Edgar Buensuceso can also be credited for the development of birdwatching as a popular naturist activity in the country. John Fortes on the other hand, did much in organizing the different mountaineering organizations in the Philippines into the National Federation of the Philippines. During mountain climbs, the diminutive Joe Cobilla, a famous outdoor photographer of the Department of Tourism was always part of the groups to document every detail of the treks. The photos of Mr. Cobilla graced the pages of many travel brochures and magazines here and abroad which further boasted the concerted effort of the national government and PAL in promoting tourism.

 

Tourism industry is the only hope of the government in earning the much-needed revenue to bolster the economy of the country. Agriculture is out of the question, as the agencies involved are inutile in making the country rice sufficient, despite the presence of the International Rice Research Institute (IRRI) in Laguna, Asia’s cradle of knowledge for rice technology. Even the onions and garlic are imported from China, Taiwan and Thailand. The high technology is likewise out, as the country has become the receiving end for sub-standard gadgets from China. Cheap and competitive, but unfortunately seasonal labor cannot be relied on, as the meager take home pay of workers has no buying strength. The exported labor is likewise threatened due to unrests at host countries which drastically affects dollar remittance.

 

In pursuing the advocacy of tourism, cooperation is necessary – among the residents, as well as, the local and the national governments. And, finally, the accommodation and transport components of the industry play an important role as they must be consistent in satisfactorily serving the needs of the tourists who now include local travelers. The Filipinos showed that with their innate hospitality, both foreign and local tourists can have fun around the country. Thanks to the Filipino hospitality as it has bolstered the tourism industry that has overshadowed the badly smeared image of the government due to prevalent corruption in practically, all its branches.

Ang Pagsakay ng Pilipino sa Isyu

Ang Pagsakay ng Pilipino sa Isyu

Ni Apolinario Villalobos

 

Maganda na sanang isipin na ang Pilipino ay pilit na nakikibahagi sa mga bagay na may kinalaman sa bansa. Subali’t ang iba naman ay ginagamit ang ibang isyu upang makapanamantala. Tulad na lamang sa isyu ng mga presyo ng bilihin. Nang mismong ang kagawaran ng agrikultura at ang ahensiyang namamahala sa bigas ay nag-anunsiyo na kailangang umangkat ng bigas dahil ang nakaimbak ay tatagal ng ilang buwan na lamang, biglang nag-taasan ang mga presyo ng bigas sa mga palengke. Nagkagulatan. Ang mga may-ari ng tindahan na nagtitingi, itinuro ang mga may-ari ng bodega na pasimuno. Kunwari umikot ang mga taga-ahensiya ng gobyerno sa mga palengke, hanggang doon lang – para lang bang kumaway sa mga tindera’t tindero at nangumusta – at makita sa TV. Inamin nila na wala silang kapangyarihan na mag-utos sa mga nagtitinda na ibaba ang mga presyo sa dating mga libel. Tatapatan na lang daw ng NFA rice, subali’t ito naman ay ibinebenta ng may limitasyon kaya sa may malaking pamilya, dapat, sa isang araw ay dalawang beses na bumili nito sa palengke!

 

Sa problema sa bigas, masisisi din ang iba nating kababayan na bahagi na yata ng pagkatao ay mag-aksaya, tulad ng kanin. Ayon sa International Rice Research Institute (IRRI), umaabot sa Php 34.8 billion ang halaga ng kanin na naaaksaya kada taon. Ito ay resulta ng pag-aksaya ng tatlong kutsarang kanin na ginagawa ng bawa’t isang Pilipino! Ang pag-aaksaya ay nangyayari sa mga pampublikong kainan at sa mga bahay ng nakakariwasa, na nagtatapon ng natutong na kanin. Yan ang isyu ng kayabangan!

 

Nang mapabalitang nagkakapestehan sa mga manukan at babuyan, nagtaasan ang presyo ng mga karne nito. Nang napabalitang nagkahirapan sa pagbiyahe ng mga gulay mula sa Baguio, pati ang mga gulay na galing sa kapatagan ay itinaas din ang presyo. Nang nagkapeste ang niyog sa ilang probinsiya ng CALABARZON region, pati yong galing sa ibang probinsiya, itinaas din ang presyo. Nang may nagreklamo tungkol sa presyo ng bawang, biglang nawala ang mga ito sa karamihan ng mga palengke, kesyo hindi na daw kayang umangkat ng mga tindera. Subali’t may balitang sinadya ng kartel na itabi muna ito upang lalo pang magmahal. Hindi naman kasi ito nabubulok maski pa abutin ng isang taon sa bodega, basta maganda lang ang bentilasyon. Ang problema sa ating bansa na nagpapakita ng kainutilan ng mga ahensiyang may kinalaman, ay ang hindi pagbaba ng mga presyong itinataas kahi’t na nagkakamurahan na ang mga kalakal sa mga pinanggagalingan ng mga ito.

 

Nang maging popular ang mga Koreanong banda, may ibang maski may-edad na ay nakikihalo para masabi na “in” sila. Ang iba ay mga nanay na, nakikipila ng maski magdamagan makabili lang ng tiket sa palabas ng mga banda, maski ito ay plano pa lang para sa darating na taon. Sabi ng kaibigan kong taga-media na nag-cover minsan ng pilahan, may mga nanay daw na talagang nagpumilit na ma-interview, lalo na kapag may nakatutok na camera. Nang pumutok ang balita na nagma-marijuana pala ang kinalolokohang banda…ang depensa, musika lang naman daw ang habol nila. Ganoon naman pala, eh, bakit hindi nila ma-appreciate ang musika ng mga lokal na banda at manganganta na pang-international din ang kahusayan? Ang problema ng mga local talents kasi, kulang sa seryosong promosyon kaya nauungusan ng mga banyagang katulad nila.

 

Sa pork barrel issue naman, maski yong hindi masyadong nakakaunawa, nakikihalo. Tulad halimbawa na lang nang tungkol kay Napoles. May isang nagmamarunong kung magbitaw ng kuru-kuro, pero nang tanungin kung sino ba talaga si Napoles. Sabi niya…”sino pa ba…eh, di yong ni-rape ni Vhong Navarro!”. Meron pang nagsasabi na si Napoles daw yong may malapad na parang kuwintas sa leeg na naka-wheelchair!

 

Ang mga isyusero at isyusero, oo…. talaga lang!