The Malunggay Tree

The Malunggay Tree

By Apolinario Villalobos

 

I have a friend who is 78 years old and lives near a slum. By slum, I mean, the “houses” of the informal settlers are the lean-to type…leaning on the high concrete fence of a compound. I estimated the number of small shacks to be about forty. Across the street where the informal settlers live was the house of my friend whom I met in an occasion hosted by his nephew whom I knew. For the duration of the party, he just stayed alone in a corner, obviously aloof. We became acquaintance when I helped him with his juice, the glass of which he could barely hold due to his shaky hand. He found out about my writing and he got interested when I told him that I am also into biography writing. He set a meeting at his house for the following week.

 

His house, unrenovated despite its antiquity was protected with a fence made of cyclone wire. I noticed the malunggay tree standing majestically in one corner, heavy with the elongated fruit and dense with leaves. I mentioned this to him, in admiration. He told me that he planned to cut it down because he had no use for it anyway. He lived alone, being a widower and his three children, all with families of their own were in the United States where he also lived for a while after his retirement. A housekeeper who doubled as laundrywoman visited him three times a week. He cooked his own food.

 

While having coffee, he told me about his interest to have his biography written down for perpetuation. I learned that he was a retired general. I told him about the difficulty of its publication if he wanted it that way because some people who hated the man he worked for were still alive. When he said that it would just be for the consumption of his family, I agreed to do the project. After closing the deal with him, I promised to be back the following day to start my interview and checking on whatever he has about his life that were still in his file.

 

On my way out to the main street, I passed by the makeshift shacks, outside one of which was a group of men enjoying rounds of gin. They invited me and the thick accent of the guy who asked me join them, made me presume that they were Visayans. I refused the drink but offered to buy another bottle of gin. I found out that they were from Samar. And, when they found out that I came from the house of the “matandang masungit” (snooty old man), they got curious how I was able to get his trust when he could not even part with a few stems of his malunggay. I was surprised by this revelation, obviously too, they hated the man.

 

During my meeting with my new friend the following day, I dissuaded him from cutting down his malunggay tree. I told him that Visayans consider it as a “goodwill tree” aside from being a “reservoir” of health benefits. I shared with him all I know about the benefits that could be derived from the tree, most especially, if he would share it with his Visayan neighbors. I asked him if it was okey that I just trim the tree and for him to allow me to distribute the stems and fruits among his neighbors. He agreed. I immediately asked for a bolo and started the job. It took me less than a hour to reduce its height, so that its leafy stems and fruits could be easily harvested later on. I brought the stems to my friends in the slum to be divided among them. I asked those present to go back with me to the house of my friend so that they could thank him personally on behalf of the rest of their neighbors. Before I left my friend that afternoon, I planted the rest of the cuttings along the length of the fence.

 

Every time I visited my friend for the duration of the biography project, I would cook malunggay for him that he appreciated. I did not tell him what his neighbors told me about their impression of him as being snooty. Meanwhile, I asked his neighbors to be nice to him. To make my friend feel at ease with his newfound friends, I would invite some of them to cook Visayan dishes for our lunch. He loved the “ flying fish kinilaw ” (sashimi or fresh flying fish marinated in vinegar, ginger and soy sauce). I finished writing his biography in two months. My friend learned to trust his neighbors, such that, on weekends, some of their kids helped him with the cleaning of his surroundings and garden, for a fee.

 

Sharing breeds goodwill, and that is how the malunggay tree played its role. By the way, in some countries, malunggay is called “moringa”.

 

 

Sonny Palencia…ulirang Ama

Happy Fathers’ Day!

 

 

Sonny Palencia

…ulirang ama

 

ni Apolinario B Villalobos

 

 

Sa isang yugto ng Eat Bulaga

May nanalong tinawagan sila

Actually, ang nag-dial si Vic Sotto

Na sinagot naman agad ng nanalo.

 

Welfareville compound ang eksena

Sina Wally at Jose sa TV pinakita

Maya-maya dumating isang lalaki

Halatang ninerbiyos at di mapakali.

 

Siya si Sonny Palencia ang maswerte

Na inabot pa ng kantiyaw nina Jose

Bakit hindi, eh, hindi yata nakahilamos

At t-shirt na suot sa mantsa’y lubus-lubos.

 

Sa bahay ni Sonny, sugod maingay na tropa

Ang dinatnan, sa dilim nito animo kuweba

Liwanag na nakakapasok galing sa mga butas –

Mga siwang sa dingding, bulok na yero sa itaas.

 

Walang permanenteng trabaho si Sonny

Subali’t napapag-aral mga anak na marami

Ang sabi niya, kakayanin niyang igapang

Pag-aaral ng mga anak, mairaos lamang.

 

Nguni’t saan si Misis, tanong ni Jose’t Wally

Walang kagatol-gatol, “iniwan kami” sabi ni Sonny

Nangibang bahay daw, iniwan anak na lima

Nadulas si Sonny, pang-anim daw hindi kanya!

 

Ang kuwento, kung ilang beses silang iniwan

Subali’t bumabalik din paminsan-minsan

Sa pinakahuling beses, tinanggap pa rin niya

Kahi’t may dala sa sinapupunan, ang ama’y iba!

 

Sa puntong ito, awa ni Jose at Wally, umalagwa

Sila ma’y nabigla sa di napigilang daloy ng luha

Si Jose nag- about face, si Wally, dingding hinarap

Sa tv screen, kita ang dalawang sisinghap-singhap.

 

Pagkatapos mailuwal ang ika-anim na supling

Asawa’y nawala, nag-disappear sa kanilang piling

Gayun pa man, naiwang anak, minahal ni Sonny

‘Di ininda mga tsismis at kuwento na napakarami.

 

Ilan kaya sa atin ang tulad ni Sonny Palencia?

Nakakapagparaya, sariling kapakana’y di alintana?

Mga anak na lang ang pinag-uukulan niya ng panahon

Ginagawa lahat ng pagsisikap nang sa hirap, makaahon.

 

(Nakatira si Sonny Palencia, ang limang tunay na anak

at ika-anim na “bunos”, sa Welfareville compound,

Mandaluyong City. Nakatanggap sila ng biyaya mula sa

Eat Bulaga noong July 31, 2013.)

 

Ang Mga Batas ng Pilipinas…na walang silbi

Ang Mga Batas ng Pilipinas

…na walang silbi

Ni Apolinario Villalobos

 

Marami ang nagsasabi na Pilipinas ang bansang may pinakamaraming batas sa buong mundo.

Kung sa dami, talagang marami, nguni’t makabuluhan naman kaya? At higit sa lahat, naipapatupad ba naman ng maayos? Iyan ang malaking problema sa sistema ng pamahalaan ng Pilipinas, puro sa papel ang kagandahan. Kaya ang mga ahensiya na dapat magpatupad nagiging inutil, nakatanga, dahil ang mga batas ay walang pangil. Sa dami nga, yong iba, sa halip na maipatupad ay nag-iipon lang ng alikabok sa filing cabinets.

 

May mga batas laban sa krimen, tulad ng pagnanakaw. Subali’t ang nakakairita, sa halagang Php12,000.00 lamang na piyansa, ang magnakakaw ay nakakalabas uli at nakakagawa na naman ng krimen. Ang kahinaang ito ang nasilip ng mga sindikato na namumuhunan para magpatakbo ng ganitong klaseng “negosyo”. Ilang grupong acetylene gang na ang nahuli, subali’t pagkatapos na pagkatapos ma-inquest, ay diretso na ang financier nila sa kahera para magbayad ng piyansa. Ilang akyat-bahay na rin ang nahuli sa akto, subali’t dahil sa liit ng halagang pampiyansa, libre uli’t sila at tuloy ulit sa gawain. Maraming nang-aagaw ng gamit na mga bata, malakas ang loob dahil alam nilang hindi sila makukulong, dadalhin lang sa shelter ng DSW. Tinuruan ang mga batang ito ng mga nakakatanda sa kanila. Bakit hindi baguhin ang batas para sa ganitong sitwasyon sa pakikipagtulungan ng Commission on Human Rights at DSW? At ang halaga ng piyansa sa salang pagnanakaw, bakit hindi lakihan?

 

May mga batas laban sa smoke belching ng mga sasakyan, subali’t marami pa ring nakikitang mga sasakyan sa kalsada na bumubuga ng maitim na usok. May mga batas para sa angkop na kasuutan ng mga driver ng pampasaherong jeep, subali’t marami pa rin ang nakikitang naka-sando lamang, shorts at tsinelas. May mga batas laban sa pagtapon ng basura kung saan-saan, subali’t kalat pa rin ang mga basura sa paligid, yong iba nga, pati basura sa bahay ay binibitbit at tinatapon kung saang kanto na lang. May nakita nga akong kotse, naghulog ng isang malaking plastic bag na halatang basura sa Coastal Road. May mga batas laban sa pagtawid sa mga maling lugar, subali’t marami pa rin ang lumalabag na parang wala lang, yong ibang minamalas ay nasasagasaan. May mga batas laban sa pag-istambay ng mga menor-de-edad, may curfew time pa nga, subali’t marami pa ring kabataan ang nagra-riot kung alanganing oras na nagdudulot ng pinsala.

 

Ang mga ibinoto ng taong bayan na dapat gumawa ng maayos na batas ay kung anu-anong kakurakutan ang pinag-iisipan. Hindi man lang nila naisip na may mga dapat nang baguhing mga sinaunang batas at kailangan nang gumawa ng mga bagong talagang angkop at may pangil. Hindi man lang nila naiisipang gumawa ng mga batas na magkokontrol sa mga maling sistema ng mga ahensiya ng gobyerno na dahil sa kaninaan ay napapaikutan upang magamit sa pangungurakot.

Ang mga ahensiya na dapat nagkokontrol ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ay palaging nagsasabi na wala silang kapangyarihan upang pumigil dito. Bakit hindi gumawa ng batas na aangkop sa responsibilidad ng mga ahensiyang ito? Ang mga batas sa pagmimina ng likas na yaman ay panahon pa ng kupong-kupong ginawa, kaya ang mga multa sa lumabag ay katawa-tawa. Pati dayuhan nakita itong kahinaan, kaya pati buhanging itim ay hinakot nila mula sa mga dalampasigan ng bansa papunta sa kanila upang lusawin at gawing mahalagang bahagi ng mga gadget. Kung tanungin ang mga lokal na opisyal, ang sagot lang ay kulang sila sa kapangyarihan.

 

May mga batas na hindi naipapatupad ng mga ahensiya dahil kapos daw sa budget at mga tauhan. Bakit hindi ito supurtohan ng budget ng pamahalaang lokal? … ng pamahalaang nasyonal? Sa madaling salita, maraming kulang na bahagi o aspeto ang mga batas para sa ikaaayos ng pagpapatupad ng mga ito. Nagpapadamihan ng maipasang batas ang mga kongresista at senador, at para masabi lang na may nagawa, maski maraming kakulangan, pinapasa na. May mga batas ding dapat gawin subali’t ni ayaw nilang mabanggit dahil apektado ang “career” nila bilang mga mambabatas. Ayaw nilang mag-commit ng self-annihilation.

 

Bakit hindi silipin ang mga batas na dapat ay nagpaparusa sa mga kawani ng gobyerno na maluwag sa trabaho kaya natatakasan ng mga preso, halimbawa? Ang mga opisyal na nagbibigay ng kaluwagan sa mga high profile na mga bilanggo? Paano ang iba pang may mga kasalanan? Kung ang problema ay ang mga patakaran ng Civil Service Commission, bakit hindi gumawa ng batas para lalo pang paigtingin ang responsibilidad ng ahensiyang ito, at tuloy mabago ang mga lumang patakaran na hindi angkop sa mga kasalukuyang sitwasyon? Palaging dahilan ang mga patakaran ng ahensiyang ito, kaya hindi napapadali ang paglitis sa mga nagkasalang empleyado ng gobyerno, sa halip na matanggal ay nalilipat o pinagbabakasyon lang.

 

Dahil sa mga kawalan ng kaseryusuhan sa paggawa ng batas, may mga problema na mismong gobyerno ay hindi alam kung sino sa mga opisyal o anong ahensiya ang dapat sisisihin kung may bulilyaso. Hindi kasi malinaw ang direksyon nila sa pagpapatakbo ng sistema na nakatayo sa pundasyong ampaw dahil sa mga batas na walang silbi.

 

 

Thank you, Lord…for my life

Thank you, Lord… for my Life

(inspired by Adoracion Paragas Sanque)

By Apolinario Villalobos

 

My voice may just be a faint whisper

A drowned trifling whine

In the deafening din

Of humanity

So muffled

My, Lord…

 

I just wanted to thank you for my life

Humble words that I say

Are just not enough

To express it –

So inadequate

For my faith…

 

Smaller than a speck in the universe

That’s me Lord, just a fleck

So to you, meekly, I pray

And mumble thanks

From my heart –

For my life…

 

 

 

Bakit Nga Ba….?

Bakit nga ba…..?

Ni Apolinario Villalobos

 

Bakit nga ba…

May mga taong ayaw magsikap

Umaasa sa ibang nagpapakahirap

Hangad ay lagi silang ambunan

Ng karampot na kinitang yaman?

 

Bakit nga ba…

May mga taong mapanghamak

Walang pili kung sa iba’y manlibak

‘Di man lang naisip ng mga taong ito

Hindi lang sila ang nilalang sa mundo?

 

Bakit nga ba…

May mga taong kasakima’y matindi

Karapatan ng iba’y kanilang binabali

Pagkagahaman ay walang hangganan

Akala, silang hari, ang iba’y tau-tauhan?

 

Bakit nga ba…

May mga taong mahilig magmarunong

Bilib sa mga ideyang kanilang isinusulong

Maski palpak, ayaw makinig ng mga payo

Kaya daw pasaning mag-isa ang gobyerno?

 

Bakit nga ba…

May mga taong simbahan, naligaw na yata

Dahil lihis ang ginagawa, mula sa mga panata

Kaya sa halip na marami ang kanilang maakay

Hindi hamak na mas marami ang nagbaba-bye?

 

Bakit nga ba…

May mga taong ayaw na talagang magbago

Kahi’t alam na gawi nila’y lihis sa turo ni Kristo

At sa halip na tanggapin, isa pang pagkakataon

Piniling sa kasalanan ay tuloy ang pagkagumon?

 

Bakit nga ba…?

Ang Pagkapalaban ng Mga Tiwaling Pilipino

Ang Pagkapalaban

Ng Mga Tiwaling Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Maganda sanang pakinggan na ang Pilipino ay palaban

Subali’t nabahiran ito ngayon ng hindi kaaya-ayang kulay

Kaya ang pantukoy na sana ay nakakapagbigay inspirasyon

Kahihiyan, dulot sa bansang sa pagkalugmok ay nagbangon.

 

Palaban ang mga pulitiko at mambabatas, sila’y nagpipilit

Ayaw aminin ang pagkasangkot sa anomalya, kahit naiipit

Anuman ang tanggi nila na sila ay mga inosente at malinis

Maliwanag pa sa sikat ng araw, pagkadawit nila kay Napoles.

 

Sa pagkapalaban ng mga tiwaling Pilipino, hindi nakakatuwa

Kahi’t idinaan ng isa, mga hinaing sa pamamagitan ng kanta

Puro talumpati, tanggi dito, tanggi doon, sila daw ay inosente

Bakit? sila lang daw ba? Aba’y kaladkarin din ang iba sa korte!

 

Palaban sila na nasemento sa kapal ng kahihiyan ang mukha

Palaban sila na nagkukubli sa kahinaan ng sistema at hustisya

Palaban sila na sa harap ng TV camera ay abot-tenga ang ngiti

Palaban sila na walang konsiyensya at wala man lang pagsisisi!