Mabuti Pa Noong Unang Panahon

Mabuti Pa Noong Unang Panahon

Ni Apolinario Villalobos

 

Mabuti pa noong unang panahon

Mga ninuno nating tadtad man ng tattoo

Nagnganganga, nakabahag, walang siphayo.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Payak ang takbo ng isip, walang pag-iimbot

Na sa pangangamkam ng ibang lupa’y umaabot.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Magkakatabing kaharian ay nagtutulungan

Sa pangangailangan ng iba’y malugod ang bigayan.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Ang mga bundok ay nababalot ng kagubatan

Masaya pati mga ibong nagliliparan sa kalawakan.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Ginto’t pilak, ‘di pinapansin, walang gahaman

‘Di tulad ngayon, pamantayan ng buhay ay yaman.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Kung magdasal sila ay diretso sa Amang Poon

‘Di tulad ngayon, tao’y kasanib sa iba’t ibang kampon.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Pagtiwala sa kapwa ay di basta-basta nasisira

‘Di tulad ngayon, dangal ay kayang lusawin ng pera.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Sa malawak na gubat, may pagkaing makukuha

‘Di tulad ngayon, mga bundok at pastulan, kalbo na.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Masarap samyuhin ang hanging sariwa, malinis

‘Di tulad ngayon, amoy nito, animo’y pagkaing panis.

 

Mabuti pa noong unang panahon

Tubig na iniinom, sa ilog ay maaari nang salukin

‘Di tulad ngayon, pinakuluan lang ang dapat inumin.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s