Kalayaan

Isang tula para sa kalayaan ng Pilipinas…ng Pilipino…

 

Kalayaan

ni Apolinario Villalobos

 

Minimithi ng lahat, itong kalayaan kung tawagin

Walang pagkagapos sa tanikala, pati damdamin

Mitsa ng pag-aklas noon pa mang unang panahon

At ang sindi’y nag-aapoy sa lahat  ng pagkakataon.

 

Maraming buhay ang naibuwis dahil sa kalayaan

Masagana ring dugo ang dumanak sa mga digmaan

Dahil ang sindi ng mitsa ay hindi maaaring patayin

Ng mapang-abuso, at mga nanunupil ng damdamin.

 

Dahil sa kalayaan ay marami na ring tao ang nakilala

Mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa inang bansa

Mga pangalan ay naitala sa mga pahina ng kasaysayan

Hindi mababaon sa burak ng limot, magpakaylan man.

 

Hitik ang Pilipinas sa mga bayani, may tapang at talino

May paninindigan silang maipagmamalaki nating ninuno

Mga  dayuha’y di pa man dumating sa ating dalampasigan

Malalim nang nakatanim sa puso at diwa nila ang kalayaan.

 

Subali’t ngayo’y ibang klaseng kalayaaan ang pinaglalaban –

Kalayaan mula sa pagkagahaman ng ilan nating kababayan

Pagkagahaman sa kayamanang kaydali nilang nakukulimbat

Sa kaban ng bayan na natira para sa Pilipino’y hindi na sapat.

 

Sa bagong panahon ay ibang pakikibaka ang ginagawa natin –

Laban sa mga garapal at may masidhing sakim na damdamin

Nabulagan ng kinang ng yaman na kung ituring nila ay kanila

Nakakahiyang mga Pilipino, walang puso, walang konsiyensiya!

 

2 thoughts on “Kalayaan

  1. Hindi makalalaya ang ordinaryong Pilipino sa gapos ng kahirapan dahil ang nang-aapi ay kapwa Pilipino na binigyan ang sarili ng mga legal na rason para looban ang kayaman ng bansa.

    Hindi sila pwede patalsikin tulad ng dayuhang nang-api. Hindi sila ma-aalis sa puesto dahil ang mga botante ay hindi gumagamit ng talino.

    At kung may mga kwestion, ang mga :naka-upo” ay nagbibigay-proteksiyon sa kanilang kapwang may-kapangyarihan.

    “I scratch your back, you scratch my back. To hell with the country. Let’s all get rich together, just us.”

    Like

  2. Great comment…now it’s coming out! Having had a taste of involvement in community service way back in South Cotabato, I know that you have that patriotic consciousness ingrained in your mind…thanks!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s