Ang Mandto “Daw” ng Mga Botante

Ang Mandato “Daw” ng Mga Botante at Pangulo

Ni Apolinario Villalobos

 

Palagi na lang sinasabi ng mga kandidatong ayaw bumaba sa pwesto pagkatapos silang kasuhan dahil sa katiwalian o di kaya ay pag-abuso nila sa paggastos nang nakaraang eleksiyon na ang mandato nila ay galing sa mga taong bumoto sa kanila. Ito ay pag-abuso sa dahilang sinabi na isang malinis lamang na naibotong opisyal ang may karapatang magsambit. Sa Pilipinas lamang ito nangyayari, dahil sa ibang bansa, lalo na nang Japan, ay agad-agad na bumababa ang tinutukoy na opisyal. Yong iba nga ay nagpapakamatay.

Hanggang ngayon ay kapit-tuko ang mga mambabatas at mga opisyal sa kanilang pwesto sa kabila ng mga akusasyon na sagad-buto. Wala man lang silang delikadesa. May mandato daw sila mula sa mga botante. Yong mga opisyal naman, may mandato naman daw galing sa Pangulo. Pakapalan ng mukha ang nangyayari, at maski ang Pangulo ay mistulang bingi na sa maiingay na kaliwa’t kanang pagbatikos ng taong bayan.

Hindi na mapapaniwalaan ang salitang “mandato” sa Pilipinas dahil ito ay may katumbas na halaga pagdating sa kampanyahan bago mag-eleksiyon. Ang perang pinambayad sa mandatong ito ay masakit isiping pera din ng mga tao na kinurakot mula sa dapat sana ay pinag-iingatang kaban ng bayan. At ang isang mandato ay nanggagaling sa isang tao na bingi sa mga suhestiyon upang matanggal ang katiwalian sa kanyang administrasyon kaya ang mga kilala nang tiwali ay namamayagpag pa rin, at ubod ng yabang na nagsasabing, “we serve at the pleasure of the President”.

Paano nating matatahak ang sinasabing “matuwid na daan” nang ligtas, kung ang namumuno ay bingi sa mga babalang walang tigil na sinasabi sa kanya? Paanong magkaroon ng kaayusan ang bansa kung mismong karamihan sa mga gumagawa ng batas ay may isip-kriminal?…mga kurakot?…mga makasarili?

Nang mapanood ko ang disgrasyang kinasangkutan ng dyip na pilit tumawid ng riles kahit may padating nang tren kaya ito nakaladkad na humantong sa kamatayan ng anim na pasahero nito at pagkasugat ng iba pa, pumasok sa isip ko ang kalagayan ng Pilipinas. Nang mainterbyu ang driver ng dyip na halos walang galos ay walang kagatol-gatol na nagsabing, “nakatulog ho kasi ako”. Ganoon lang?

Ang isang bansa ay tulad din ng isang sasakyan. Kung ang bansa ay may Presidente, ang sasakyan ay may driver.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s