Ang Guro Nating Mahal

Ang Guro Nating Mahal

By Apolinario B Villalobos

 

Sa pagsibol ng ating kaisipan

Mula nang tumapak tayo sa unang baytang

Silang sa silid-aralan, ating nadatnan –

Itinuring na nating pangalawang magulang.

 

Mayroong animo’y santo sa kabaitan

Mayroon ding parang tigre sa katapangan

Mayroong malayo pa lang ika’y ngingitian

Mayroon ding nakakakilabot sa katarayan.

 

Sa mga mag-aaral na matigas ang ulo

Guro ang panakot sa mga pasaway na ito

Sila’y isusumbong kapag nagpatamad-tamad

Kaya susunod, dahil mataas na grade ang hangad.

 

Kung hindi sa guro nating mahal

Wala tayong presidente, senador, kongresman

Wala tayong doktor, enhinyero, pulis, sundalo

Wala tayong pari, madre, at iba pa, lalo na guro.

 

Sila ang naghuhubog ng ating kaisipan

Upang maging may pakinabang na mamamayan

Sila ang inspirasyon, tinitingala nating bantayog

Sila na ang buhay, sa mga kabataan ay umiinog.

 

Inaabot ng hatinggabi sa paghanda ng leksyon

Madaling araw gigising, sa almusal walang panahon

Halos takbuhin ang paaralan, sa kwarto’y dapat mauna

Upang sa mga mag-aaral sila’y maging halimbawa.

 

Sa mga liblib na paaralan may mga kuwento

Nakakadurog ng puso kung malaman ninyo

Mga kuwento ng mga gurong nagsasakripisyo

Mairaos lamang nila, mga araw ng pagtuturo.

 

Mayroong binabawas sa kakarampot na suweldo

Pambili ng chalk, papel, lapis, at kuwaderno

Kagalakan nilang makita, saya sa mukha ng bata

Sa pagkakaroon ng gamit, di mabili dahil dukha.

 

Sila ang ating mga mahal na guro

Karapat-dapat mahalin, bigyan ng respeto

Kulang ang salitang “bayani” na sa kanila’y ituring

Sa sakripisyo, kahi’t kanino hindi sila maihahambing!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s