Ang Mandto “Daw” ng Mga Botante

Ang Mandato “Daw” ng Mga Botante at Pangulo

Ni Apolinario Villalobos

 

Palagi na lang sinasabi ng mga kandidatong ayaw bumaba sa pwesto pagkatapos silang kasuhan dahil sa katiwalian o di kaya ay pag-abuso nila sa paggastos nang nakaraang eleksiyon na ang mandato nila ay galing sa mga taong bumoto sa kanila. Ito ay pag-abuso sa dahilang sinabi na isang malinis lamang na naibotong opisyal ang may karapatang magsambit. Sa Pilipinas lamang ito nangyayari, dahil sa ibang bansa, lalo na nang Japan, ay agad-agad na bumababa ang tinutukoy na opisyal. Yong iba nga ay nagpapakamatay.

Hanggang ngayon ay kapit-tuko ang mga mambabatas at mga opisyal sa kanilang pwesto sa kabila ng mga akusasyon na sagad-buto. Wala man lang silang delikadesa. May mandato daw sila mula sa mga botante. Yong mga opisyal naman, may mandato naman daw galing sa Pangulo. Pakapalan ng mukha ang nangyayari, at maski ang Pangulo ay mistulang bingi na sa maiingay na kaliwa’t kanang pagbatikos ng taong bayan.

Hindi na mapapaniwalaan ang salitang “mandato” sa Pilipinas dahil ito ay may katumbas na halaga pagdating sa kampanyahan bago mag-eleksiyon. Ang perang pinambayad sa mandatong ito ay masakit isiping pera din ng mga tao na kinurakot mula sa dapat sana ay pinag-iingatang kaban ng bayan. At ang isang mandato ay nanggagaling sa isang tao na bingi sa mga suhestiyon upang matanggal ang katiwalian sa kanyang administrasyon kaya ang mga kilala nang tiwali ay namamayagpag pa rin, at ubod ng yabang na nagsasabing, “we serve at the pleasure of the President”.

Paano nating matatahak ang sinasabing “matuwid na daan” nang ligtas, kung ang namumuno ay bingi sa mga babalang walang tigil na sinasabi sa kanya? Paanong magkaroon ng kaayusan ang bansa kung mismong karamihan sa mga gumagawa ng batas ay may isip-kriminal?…mga kurakot?…mga makasarili?

Nang mapanood ko ang disgrasyang kinasangkutan ng dyip na pilit tumawid ng riles kahit may padating nang tren kaya ito nakaladkad na humantong sa kamatayan ng anim na pasahero nito at pagkasugat ng iba pa, pumasok sa isip ko ang kalagayan ng Pilipinas. Nang mainterbyu ang driver ng dyip na halos walang galos ay walang kagatol-gatol na nagsabing, “nakatulog ho kasi ako”. Ganoon lang?

Ang isang bansa ay tulad din ng isang sasakyan. Kung ang bansa ay may Presidente, ang sasakyan ay may driver.

The Government Has A Lot to Explain

The Government Has A Lot to Explain

By Apolinario Villalobos

 

No suavely delivered rhetoric can splash gay color over the miserable picture of the Philippines today. The president keeps on mumbling economic turnarounds, increased jobs, decreased unemployment, invigorated business atmosphere, investments, etc. It is a shame that he is blind to what are really happening around him. He is seemed to be solidly sanitized by his confidantes, his cordon sanitaire, that he cannot even afford a peek beyond the walls of Malacaῆan Palace.

 

On the second day of the World Economic Forum, while he was delivering his speech without emotion, pockets of rallies were being held to open the minds of the Filipinos that not even such a “world class” gathering of businessmen can guarantee a realistic economic growth for the country. While he was shown on one TV station delivering his speech about the country’s enjoying a “miracle” economy, another station showed the unfinished school buildings at Tacloban and the rest of its countryside that are obviously untouched by the promised rehabilitation. “Miracle” may just be the right word in describing the economic state of the Philippines, very apt for such a gathering of humbug economists who scratch each other’s back, and because the country is predominantly Catholic, the faithful are “waiting” for a miracle to happen, yet!

 

Now, it can be told, that indeed, one reason why the rehabilitation of the areas devastated by typhoon Yolanda is the turtle-paced action of the DBM in releasing funds. This allegation is splashed all over the front pages of the dailies. What happened to the billions of donated funds? Why is the agency having a strangling hold on the strings of donated fund’s purse? With its attitude, Filipinos are suspecting that the agency is concocting a way to filch the fund systematically.

 

Newspapers carried headlines about the president’s trusted DBM Secretary, Abad, as the first “client” of Napoles, while he was yet, a congressman, and also the “brains” that bred the idea on how NGOs and Foundations can be used in suctioning funds from DBM. The suspicion has been, in fact floating around when the issue on forged SARO’s surfaced, but the president just shrugged his shoulders. Nothing is heard about any thorough investigation of DBM…not even on where the Xerox boys of the agency got their idea about switching documents to facilitate the release of funds, and most especially, the issue on the issuance of two SARO numbers that seemed to have victimized complaining lawmakers, they who are currently dragged into the anomaly. I recalled the lanky governor whose SARO number (when he was yet a congressman), appeared on the SARO document of a government agency to which billions of funds were released. The release was accredited to his name, although his SARO was good only for a few thousand pesos of fund for his project. When the “mistake” was “discovered”, all that was published on the dailies was the simple apology of the staff of the agency! The agency on whose SARO document the governor’s SARO number was made to piggy-ride is notoriously known for its corruption, highlighted by ghost and half-finished infra-structures.

 

While the President has the gull to announce the fast recovery of the country from calamities that befell it, TV stations splash on screens the sorry state of evacuees in Zamboanga, skeletons of school buildings in Leyte and Samar complete with salvaged books that may no longer be readable, broken chairs, shaky hanging bridges precariously spanning rivers, and undistributed stacks of bags of rice, some of which were reported to have been left rotting.

 

Add to the abovementioned, the announcement about checks made on jueteng and other gambling in the country which has become a funny topic among radio broadcasters, as it sounds just like a fairy tale. And, security of the nation that according to him is well in place, to which observers say, “ohhh…really?”.

 

Mountains that are supposed to be forested and protected have been denuded by unscrupulous illegal logging companies some of which are owned by politicians and government officials. Hills that are supposed to be thick with shrubs and tall grasses have been bulldozed, some practically flattened and converted into subdivisions. Why are these government properties titled? And why is the intrusion of foreign miners tolerated despite their having been exposed by idealistic media men? What the media men earned for their brave effort are marks for liquidation! Even a seasoned senator has the temerity to reveal in front of TV cameras when he was interviewed, that his money came from logging, hence, not from the coffers of the government, and which would therefore prove, that he is not corrupt!

 

The president cannot claim honest-to-goodness accomplishments despite his stay in the palace for many years. He keeps on blaming the past administration for what for him are “inherited problems”. He is implying that he cannot just let the nation be saddled with so many problems. Is he hinting on something? Is he aiming for another presidency, a reason why the three guys of the senate are viciously “maimed” – politically? Are all the problems that he keeps on mumbling to the point of repugnance be used as “signs” for him to stay put? If he will mention divine intervention despite his avowal not to run for a second term, only God knows if the Filipinos will believe him or trust him…again.

 

The president has a lot to explain. While there is still a fraction of chance for him to save what is left of their family’s honorable name, he should double up his effort in coming up with answers to the floating questions that just aggravate the polluted air of the country. While there’s still an opportunity left for him, he should sweep the palace with sincere effort to eliminate the egoistic whisperers who are obviously pulling him down. He has a little more than one year to do it, and he should take note, that time flies fast.

 

 

 

Mindanao

Mindanao

By Apolinario B Villalobos

 

Itinuring na lupang ipinangako –

Ng mga Pilipinong dito ay napadako

Mga naglakas -loob na makipagsapalaran

Hindi inalintana panganib na madadatnan.

 

Maraming kuwento ang aking nalaman –

May mga kulay ng lungkot at kaligayahan

Nguni’t lahat ay puno ng hangarin, ng pag-asa

Sa lupang ipinangako, magigisnan, bagong umaga.

 

May mga Pangasinense, Kapampangan, Ilocano

Mayroong Bicolano, Bulakeño, Caviteño, Batangueño

Mga taga-Luzon silang dala ay lakas ng loob, kasipagan

Hindi ininda ang init sa pagbungkal ng tigang na kabukiran.

 

Mayroon ding galing sa Antique, Negros, isla ng Cebu

Sumunod ang mga taga-Leyte, Romblon, Guimaras at Iloilo

Ano pa nga ba’t sa malawak, mayaman at luntiang Mindanao

Iba’t iba man ang salita, pagkakaisa pa rin, pilit na nangibabaw.

 

Hitik sa kwentong makulay ang buong isla ng Mindanao

Unang tumira’y mga kapatid nating sa relihiyon, iba ang pananaw

Silang mga taal na katutubo, makukulay, matatapang at mahinahon

Tanging hangad ay mabuhay ng matiwasay, tahimik, sa lahat ng panahon.

 

Ang mga Kristiyano, Muslim, Lumad – lahat sila ay nagkakaisa

Nagtutulungan, nagbibigayan, mga paniwala man nila ay magkaiba

Nguni’t dahil sa makasariling hangad ng ilang gahaman sa kapangyarihan

Animo kristal na nabasag, iningatang magandang samahan at katahimikan.

 

Nguni’t tayo ay Pilipino, iba tayo – lumalaban na may masidhing pag-asa

Sa harap ng masalimuot na mga problema, matatatag na kalasag ay nakaamba

Ito’y ang masidhing paniniwala sa Maykapal, malalim at marubdob na kapatiran

Ugaling nagbuklod sa mga taga-Mindanao, magkaiba man ang pananaw at kaugalian.

 

Ating isigaw-

Mabuhay ang Mindanaw!

 

 

Kristel….para kay Kristel Tejada

Ito ang isang halimbawa ng kawalan ng katotohanan sa mga pinagsasabi ng gobyerno na walang problema ang mga Pilipino pagdating sa edukasyon….

 

 

Kristel

(For Kristel Tejada)

 

By Apolinario Villalobos

 

Isang batang may payak na pangarap

Na parang bulang nawala sa isang iglap

Piniling wakasan ang mahalagang buhay

Hindi niya nakayanan ang bigat ng lumbay.

 

Sa YUPI* nag-aral SANA bilang iskolar

Kaya sa murang gulang, sipag ay pinairal

Subali’t iba kung humagupit ang kahirapan

Taglay na talino, di pinahalagahan ng paaralan.

 

Kung ituring siya ay iskolar dapat ng bayan

Subali’t ni minsan, ito’y di niya naramdaman

Sa murang gulang, laging nagtatanong, may luha

“Makapag-aral lang, bakit kailangan pang magdusa”?

 

Mga magulang, sa kanila’y di nagkulang ni minsan –

Sa kanilang magkakapatid, na nakitaan ng katalinuhan

Ang amang paminsan-minsan may naipapasadang taksi

Palaging dasal na sana malakas ang kita, may perang maiuwi.

 

Binayarang pagka-iskolar sa kabila ng kanilang kahirapan

Obligasyong ni sa hinagap ng magulang ay di tatakbuhan

Subali’t sa napakaliit na dahilang naantala ang pagbayad nila

May pinagawa pang “letter of repentance”, wala ring halaga!

 

Bakit ang isang Kristel, kailangan pang sa mundo’y mawala

Maipakita lang na nangingibabaw sa mundo, pagkagahaman sa pera?

Nasaan ang puso, pang-unawa, at damdamin ng mga taong iniluklok?

Na sana’y makakaagapay, o talaga kayang sagad sa buto na ang pagkahayok?

 

*University of the Philippines-Manila.

 

(Nayanig ang Pilipinas sa balitang may isang batang nagpatiwakal gamit ang lasong panlinis ng pilak. Hindi daw makapagpatuloy ng pag-aaral dahil walang pambayad sa matrikula. May mga nagsisi sa mga magulang na nagpabaya, may mga nagsabi na mababaw na dahilan ang pagpapakamatay. Sa banding huli, nalaman na may pambayad naman pala, nguni’t naantala lamang, subali’t hindi tinanggap ng paaralan. May nagsabi pa na nanikluhod ang ina sa Chancellor ng paaralan subalit wala ring nangyari, pati na ang pagpapasulat ng “letter of repentance” (na ewan kung ano ito, bakit hindi na lang promissory note kasi). Sa isang batang may pangarap sa buhay at alam niyang kaya niyang abutin ito dahil sa paniniwala sa taglay niyang talino, ang sama ng loob ay hindi niya kayang isigaw. Sa murang edad, siya ay hindi pa nalalantad sa masalimuot na buhay sa mundo – na kailangang maging palaban at matapang ng isang tao upang malampasan ang mga pagsubok. Sa malumanay na pananalita ng ina, mararamdaman ang kababaan niya ng loob na maaring ginamit niya sa paghubog sa kanilang mga anak, kasama na si Kristel.)

 

 

Teresa…para kay Teresa Festin

Teresa

(for Teresa Festin)

 

By: Apolinario B Villalobos

 

 

Isang dakilang inang maituturing

At may hindi matatawarang damdamin

Siya si Teresa na sa pag-usad ng panahon

Ay nagpilit na mapatunayan –

Na upang magampanan ang pagiging ina

Ay hindi kailangang daanin sa dami ng pera.

 

Sa simpleng buhay nilang magsing-irog

Noong sila ay nagsimulang magsama

Buhay nila’y puno ng maraming pagsubok

Subali’t hindi sila nawalan ng pag-asa

Bagkus, pagsikhay ay lalo pa nilang dinagdagan

Upang buhay nila’y mairaos sa kahirapan.

 

Ang kanilang pagsikap ay natumbasan ng biyaya

Kasama na rito ang pagkaroon ng mga supling

Na mababait at mapagmahal na maituturing

Hindi kataka-taka kung ang buhay ni Teresa

Ay makulay, maaliwalas at puno ng pag-asa –

Dahil sa Diyos lamang, nakatuon ang kanyang pamilya.

 

Hindi madali ang maging ilaw ng tahanan

Subali’t buong tiyaga niyang ginampanan

Iyan si Teresa, may matatag na paninindigan

Na sa mga labi’y laging may ngiting namumutawi

At sa mga pagsubok ay hindi agad sumusuko

Kahi’t na ang mga ito’y may katumbas na siphayo.

 

                                               

 

Pagpupunyagi…kuwento ng buhay ni Elmer Festin

Pagpupunyagi

(Kuwento ng Buhay ni Elmer Festin)

 

By: Apolinario B Villalobos

 

Ang landas ng buhay na ating binabagtas

Mahirap tahakin lalo na kung tayo’y nakayapak –

Mga lubak na hindi mapansin ay ating natitisod

Matatalas na batong di maiwasan ay nayayapakan

Pati tinik ng dahong mariang sumusugat sa ating talampakan.

 

Ang taong hindi handa sa pagtahak nitong landas

Sa ilang hakbang pa lamang niyang magawa –

Kahihinaan na ng loob at pangangatugan na ng mga tuhod

Hindi malayong babalik sa pinanggalingan

Di kaya’y mangingipuspos at sasalampak na lamang sa daan.

 

May isang taong sa murang gulang ay naglakas-loob

Nagpakatatag at taimtim na nagdasal sa Panginoon

Na harinawa sa paglisan sa sinilangang Bantoon, isla ng Rombon

Patnubayan siya sa kanyang paglayag at tatahaking landas

Bigyan din ng malinaw na pag-iisip at katawang malakas.

 

Masakit iwanan ang isang bayang tulad ng Bantoon

Islang animo’y tuldok sa mapa ng Romblon

Di man pansinin, siya’y mahalagang itinuring

Ng mga Kastilang dumating noong unang panahon sa ating bansa

Kaya’t sa aklat ng ating kasaysayan siya’y naitala.

 

Ito ang kuwento ng buhay ni Elmer Festin

Isang taong may ngiting agad mapapansin

Napadpad sa Cebu kung saan siya’y nahikayat

Suungin ng buong tapang, masalimuot na buhay –

Na wala namang pag-atubili at matatag niyang hinarap.

 

Ilang taon din siyang dito ay nagturo

Naglinang ng dunong ng mga kabataan

Hanggang sa siya ay kawayan ng kapalaran

Na nangako sa kanyang sa dakong katimugan

Siya ay makakatamo ng pinapangarap na kasaganaan.

 

Dala ay kakaunting pera na sa bulsa ay kakalog-kalog

Pilit winaglit ang pag-aalala at takot sa dibdib na kakabog-kabog

Hindi rin alintana ang mga tuhod na nangangatog

Siya ay naglakas-loob na pumalaot at tumango’ sa tawag ng kapalaran –

Ipinasa-Diyos na lamang, magiging bunga ng kapangahasan.

 

Sa Notre Dame, sa Tacurong siya ay napadpad

Paaralang sa bayang ito ay pinagkakapitagan

Limang mga gusali nang panahong iyon ang kanyang nadatnan

Pinangangasiwaan ng mga pare at madre na Oblates of Mary kung tawagin

At katulad ni Elmer, pagtulong sa kapwa ang sinusunod na adhikain.

 

Nakitaan siya ng kakaibang sigla sa pagturo

Dahil hindi lang sa mga aklat, mga estudyante niya ay natuto

Naibahagi rin niya ang kaunti niyang kaalaman

Pati sa gymnastics na para sa mga estudyante’y bagong larangan

Kaya napasigla niya ang dati’y matamlay na kapaligiran.

 

Anupa’t si Elmer ay nakilala hindi lang sa loob ng Notre Dame

Dahil ang galing niya sa pagturo, sa iba ay nakatawag pansin

Kaya nang magkaroon ng Polytechnic Institute sa bayang ito

Binuksan nila para sa kanya ang kanilang pinto

Upang makibahagi sa kagalingan ng kanyang pagturo.

 

Sa bago niyang malawak na kapaligiran at hitik sa iba’t ibang halaman

Lalo pang sumidhi ang kanyang hangad na makahubog ng kabataan

Hindi naman nasayang ang marangal niyang adhikain

Dahil taos-pusong pasasalamat ay kanyang naramdaman at natanggap

Mula sa mga estudyanteng binigyan niya ng pag-asa ang mga hinaharap.

 

Natupad ang pangarap ni Elmer na maibahagi ang kanyang kaalaman

Napatunayan niya na kakapusan sa pera ay hindi hadlang

Hindi rin nasayang ang kanyang pagpunyagi magmula pa sa kanyang kabataan

Kahi’t sa pagtahak niya sa landas ng buhay siya’y nakayapak lamang

Dahil alam niyang sa dulo nito’y mayroong walang hanggang kapayapaan.

 

(Si Mr. Festin ang nagbigay ng pagkakataon sa may-akda upang mahasa niya ang kanyang kakayahan sa pagsulat. Hinirang siya ni Mr. Festin bilang patnugot (editor) ng “The Green Ember”, pahayagan ng high school department ng Notre of Tacurong, kahi’t siya ay nasa unang taon pa lamang. Ang tiwala at dagdag- kaalaman sa pagsulat na ibinigay sa kanya ni Mr. Festin ang naging kasangkapan niya sa pagharap sa mga pagsubok ng larangang ito. Kulang ang mga kataga ng tula upang maipadama ng may-akda ang taos-pusong pasasalamat sa taong unang nagbigay ng tiwala sa kakayahan niya sa pagsulat.)

How Far Can the Filipinos Still Go in Bending?

How Far Can the

Filipinos Still Go in Bending?

By Apolinario Villalobos

Filipinos are proud to be referred to as a resilient people, a proud race that can effortlessly bend to the onslaught of calamities be they natural or man-made. Metaphorically, the Filipinos are resilient like a bamboo, that after bending to the blow of hurricanes and typhoons, it returns to its majestic posture, proud and sturdy. But how far can the Filipinos still go in bending?

There is nothing wrong with being resilient. In fact, it is a plus factor for a people who belongs to a third world country like the Philippines. It shows that the Filipinos can stand the trials that they face along the way of their struggle towards a better life. What is wrong is the Filipinos’ meekness in enduring the abuse that pound them down without let up.

The different kinds of exploitation, practically come from within and outside the country. Those from within are from countrymen who pretend to be protectors of their rights – government officials and lawmakers. Those from outside are from the foreigners who covet the country’s natural resources, as well as, sabotage the economy of the country, by establishing businesses, revenues from which are siphoned back to their own countries.

There is the revolting double-talk of the government about progress as indicated by “projects”. These are projects about schools allegedly being built in the countryside to promote literacy, bridges and roads that are being built to sustain the farm to market programs. There are also talks about the upgrading of salaries of frontline government workers such as teachers, social workers and village medical staff, and many more, that are just on papers. Intrepid field reporters/researchers of TV companies regularly report about “schools” with dilapidated walls and roofs, underpaid teachers in villages who shell out their own money to buy school supplies for some of their students, teachers who cross rivers, literally, on foot just to reach their school, kilometers away beyond hills, teachers who take the risk of being kidnapped by criminals in the far-flung islands of Mindanao. Even the indispensable technical staff of PAG-ASA complain of not being paid the promised compensation. Bridges long promised do not materialized despite reports of the already spent budget. Half-finished roads proliferate in far-flung areas, safely distant from the prying eyes of government auditors. These are just some of the questionable signs of progress.

Despite the availability of donations in cash and kind, victims of calamities are left to suffer. Despite months of publicities on rehabilitation efforts, the purported thousands of temporary housing units are found to be just a few hundreds. Packed donations are sold and nothing is done to the culprits. There are also reports on non-cooperation of at least two government agencies in the rehabilitation effort.

At the rate things are going, the “resilient”, may no longer stand for the positive connotation to which the Filipinos are proud to be likened. If this  happens, can the Filipinos still stand proud after bending to evade the inflections of calamities? Or, can the Filipinos still patiently bend, though with a heavy heart….. and just how far can they go?

Ang Guro Nating Mahal

Ang Guro Nating Mahal

By Apolinario B Villalobos

 

Sa pagsibol ng ating kaisipan

Mula nang tumapak tayo sa unang baytang

Silang sa silid-aralan, ating nadatnan –

Itinuring na nating pangalawang magulang.

 

Mayroong animo’y santo sa kabaitan

Mayroon ding parang tigre sa katapangan

Mayroong malayo pa lang ika’y ngingitian

Mayroon ding nakakakilabot sa katarayan.

 

Sa mga mag-aaral na matigas ang ulo

Guro ang panakot sa mga pasaway na ito

Sila’y isusumbong kapag nagpatamad-tamad

Kaya susunod, dahil mataas na grade ang hangad.

 

Kung hindi sa guro nating mahal

Wala tayong presidente, senador, kongresman

Wala tayong doktor, enhinyero, pulis, sundalo

Wala tayong pari, madre, at iba pa, lalo na guro.

 

Sila ang naghuhubog ng ating kaisipan

Upang maging may pakinabang na mamamayan

Sila ang inspirasyon, tinitingala nating bantayog

Sila na ang buhay, sa mga kabataan ay umiinog.

 

Inaabot ng hatinggabi sa paghanda ng leksyon

Madaling araw gigising, sa almusal walang panahon

Halos takbuhin ang paaralan, sa kwarto’y dapat mauna

Upang sa mga mag-aaral sila’y maging halimbawa.

 

Sa mga liblib na paaralan may mga kuwento

Nakakadurog ng puso kung malaman ninyo

Mga kuwento ng mga gurong nagsasakripisyo

Mairaos lamang nila, mga araw ng pagtuturo.

 

Mayroong binabawas sa kakarampot na suweldo

Pambili ng chalk, papel, lapis, at kuwaderno

Kagalakan nilang makita, saya sa mukha ng bata

Sa pagkakaroon ng gamit, di mabili dahil dukha.

 

Sila ang ating mga mahal na guro

Karapat-dapat mahalin, bigyan ng respeto

Kulang ang salitang “bayani” na sa kanila’y ituring

Sa sakripisyo, kahi’t kanino hindi sila maihahambing!