The Beauty of Life…for Adoracion Paragas Sanque

The Beauty of Life

(for Adoracion Paragas Sanque)

By Apolinario Villalobos

 

The magnificence of creation is such

That all we need to do is open our eyes

Though the extent of our perception ends

Where the earth meets the sky –

It still oozes with awe-inspiring sights.

In loving God, we love life…

Gratitude is what to Him we show

For everything He blessed us with

There’s nothing else that we can do.

Even the whiff of the wild grass

Undulating in the wind’s caress

And the buzzing of the busy bees

That fills the air with lively drone

Lightens up, even a heavy stone.

Light feeling, ecstasy, happiness –

They grip us tight, though tenderly

As we delight in the beauty of life

That God made for all of us to see!

Kaligayahan….para kay Bing Paragas Calbone

Kaligayahan

(para kay Bing Paragas Calbone)

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaligayahan ang paggising

Sa haplos ng malamig na simoy

Ng ginintuang bukang-liwayway

Hudyat ng bagong araw, bagong buhay.

 

Kaligayahan ang mga kapitbahay

Na ang mga tahanan ay binubuhay

Ng halakhak ng kasiyahan at ng sigla

Tanda na sila ay punong-puno ng pag-asa.

 

Kaligayahan ang supling na dumating

May mala-rosas na pisngi, tawa’t ngiti

Na sa iyo’y nagdala ng luha’t kaligayahan –

Damdaming halos wala kang mapagsidlan.

 

Kaligayahan ang makatulong sa ibang tao

Na hindi mo inaasahang sa iyo ay ibabalik

Dahil ang tanging hangad mo’y maipakita

Na walang katumbas, pagmamahal sa kapwa.

 

Kaligayahan ang hindi na maghahangad pa

Ng mga bagay na sa buhay na ito’y makakamit

Dahil mas mahalaga ang sa Kanya’y sampalataya –

Maigting at tagos sa puso na dapat nating nadarama!

 

 

 

Awit ni Barbara

Awit ni Barbara

Ni Apolinario Villalobos

 

Masaya akong maglalakbay

Dahil sa lahat ng pagkakataon

Pagmamahal ninyo’y aking nadama

Baon kong lakas patungo kay Bathala.

 

Masaya akong maglalakbay

Dahil kahi’t sa matinding kakapusan

Pinilit ng mga mahal ko sa buhay –

Lumigaya ako’t maitaguyod ng matiwasay.

 

Masaya akong maglalakbay

Na may ngiti sa mga labing

Sa tagal ng panaho’y naging tikom

May kirot, sugat,  ayaw humilom.

 

Masaya akong maglalakbay

At sabay kong idarasal na sana

Lahat kayong aking naiwan

Sa buhay ay may biyayang darating

Sa hagod ng panahon ay lalong iigting.