Asahan (para kay Tess dl V)

Ballad song ito, ginawa ko para kay T dl V, noong nasa college kami pareho. Hindi kami nagkatuluyan dahil sa mga pangyayaring hindi maiwasan. Saka ko na ipo-post ang photo niyang kupas na, dahil pinag-iisipan ko pa, baka kasi mademanda ako. Ibinenta ko ang rights nito sa isang folk singer din na nagsa-sideline pa as wedding singer, kinanta niya sa mga kasal. Kung meron mang hindi nakagusto sa kanta, hindi siya pwedeng batuhin dahil nasa loob siya ng simbahan. Hindi halatang walang rhyme kung kinakanta na, na siyang character ng mga kanta.

 

Asahan

Ni Apolinario Villalobos

 

Asahang ikaw lamang

Ang iibigin ko …

Habang may buhay

Wagas na pag-ibig

Sa iyo lamang inaalay

Hindi magbabago, giliw ko

Mundo man ay magunaw

At ang init ay mawala sa araw.

 

Nang dahil sa iyo, giliw

Mayroong pag-asa…

Sa akin ang buhay

Ikaw ang gabay ko

Tungo sa magandang bukas

Kaya asahang ako’y sa ‘yo lamang

At ikaw ay para sa akin

Mula ngayon

Hanggang magpakaylan man.

 

Ref:

Oh, asahan mo

Ako’y hindi magbabago

Saksi ko ang Diyos

Pag-ibig ko’y taos…

 

(Repeat 1 and refrain, then, fade)

 

 

In Appreciation of Social Networking and its Unwritten Decorum

In Appreciation of Social Networking

And its Unwritten Decorum

By Apolinario Villalobos

 

I have just been blogging in less than a year. I started tinkering with the key pad of a computer when I made use of the email’s convenience. I would send poems to selected friends through my email hoping that these will be appreciated by them. Before the arrival of facebook, there was the Friendster. I looked at both as vanities and useless, time-consuming pastime for idle people….because I thought, only photos and short rubbish messages can be posted. Several friends had been egging me to open a facebook account which I adamantly refused to do. Later, I realized that the facebook is more than what I thought it to be. I realized that it is a powerful tool for social networking – getting in touch with friends, relatives, taking a peek at what strangers are doing through their photos, and most importantly, a venue, indeed, where I could post my works.

 

When I finally opened a facebook account and started posting poems and essays on my page, it got noticed by browsers. I was surprised to receive messages asking confirmation if I was the guy they know. This question is asked because of similarity in names. In fact, I have namesakes from as far as Mexico and Argentina. A friend told me that the web’s intricate system makes suggestions and references using the information that I inputted in my profile.

 

At a slow pace, I began to realize how the social networking in the web works. When friends knew about my facebook, they began to send me friend requests. Some sent me plain messages. Some made comments on my posts and status. It is funny, but I learned doing other things needed for my posting from strangers. I learned how to copy/paste my blogs from my USB disk to the sites from a kid who sat beside me in an internet café. Another kid showed me where to point the cursor of the mouse if want to log out or sign out of a site. A girl taught me how to clear the history of the server after I am done with browsing.

A foreign viewer who happened to come across one of my poems, suggested that I post them in a more appropriate site, just for poems, and he suggested one. The first attempt I made earned me encouraging reviews from viewers which encouraged me to post more. Some viewers commented that they have become my “followers”. I did not know anything about such comment, until a friend told me that it means, they have requested a notification from the server every time I made a post in my site. I did not know about the “like”, either, until someone told me that it can help the promotion of my posts. And, as for the “share”, I did not know in the beginning that it is the copying of posts to the viewer’s page and others within a “friend pool”.

 

Aside from the site for my poems, I opened another one, my own, for all my works – tula, poems, essays in English and Filipino, which is more exposed to all viewers of both yahoo and google. The site practically functions as the archive of all my works. I now realized the big difference between my other sites with that of facebook which is limited to friends. Foreign viewers from as far as Russia and Africa viewed my posts in my other sites and reposted them in their own. I was even surprised about an Italian viewer who appreciated a tula that I posted, until he commented that he lived long in Manila which made him adept in Filipino. A young and beautiful Russian woman whom I thought to be just a fashion blogger surprised me with her occasional poems. These and many more episodes in my blogging inspired me more to go on with my writing. But most important are the encouragements I keep on receiving from my facebook friends, some of whom patiently browse the web using their mobile phones, a feat that requires patience and sharp vision.

A few of my works are posted in the site of local news network such as GMA and the Yahoo contributors’ site. In these forums, I found out that viewers can be nasty, making nonsensical comments at times. It is as if, typing down a few words with punctuation marks at the end are enough. Some enjoy heckling at the posts of serious bloggers. These hecklers thought that just because they have made comments on the net, though babbles of sort, they have already accomplished a monumental task.

 

The social networks are there to be used properly. Serious posts deserve serious comments. If the blogger’s intention is just to have fun, it is indicated somewhere in the frame of the photo or as an accompanying comment to encourage viewers to post theirs. This kind of post deserves funny comments. Now, for the rest of the viewers who are at a loss of words to type, the best thing to do is just point the cursor at the “like” tab or, if far from being convinced, leave it and scroll down to the rest of the posts….or better, go to another page and just enjoy the view.

 

 

Ang Magagawa ng Gobyerno at Mga Mambabatas…suhestiyon lang naman

Ang Magagawa ng Gobyerno

at Mga Mambabatas….suhestiyon lang naman

Ni Apolinario Villalobos

 

Para sa isang third world na bansa tulad ng Pilipinas, ang hinahangad lamang ng mga mamamayan ay magkaroon ng maayos na trabaho, sapat na sweldo, mga presyo na abot-kaya, malinis at mapayapang kapaligiran. Ang pamahalaan naman, hindi na dapat mag-isip ng mga kung anu-anong hindi makatotohanang adhikain at proyekto upang umangat ang antas ng kalidad ng buhay-Pilipino. Sa ganang ito, ang mga sumusunod ay suhestiyon lamang:

 

  1. Ibalik sa pangangalaga ng pamahalaan ang pamamahala ng langis at mga produkto nito dahil napatunayan nang hindi maganda ang kinahinatnan ang deregulation.
  2. Ibalik sa pangangalaga ng pamahalaan ang pangangasiwa ng pailaw at patubig dahil nadanasan ang hirap nang isa-pribado ang mga ito.
  3. Kumuha ng mga talagang “managers” na may angkolp na kaalaman sa pagpapatakbo ng mga ahensiya at hindi mga taong pinagkakautangan ng loob nang nakaraang eleksiyon. Dapat ituring ang buong bansa na isang malaking “kumpanya” na ang nagpapatakbo ay isang bihasang “manager” – ang Presidente. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng propesyonalismo sa bawat tungkulin.
  4. Ayusin at i-update ang mga operating manuals ng lahat ng mga ahensiya para malaman ng mga kawani kung ano ang dapat nilang gawin sa lahat ng pagkakataon at sitwasyon. Napansin na kung kaylan may problema ay saka pa lamang naghahagilap ng mga memo o dokumentong pagbabasehan ng mga karampatang aksyon at solusyon
  5. Gumawa ng isang mega-operating manual na ang mga sentro ay Malakanyang, Hudikatura, Kongreso, at Senado. Sa ganitong paraan ay hindi magtuturuan kung sino ang nagkamali at kung saan ang pagkakamali. Kalimitan, walang maayos na koordinasyon ang apat na itinuturing na mga haligi ng bayan.
  6. Damihan ang mga barko at helikopter ng Philippine Navy na dapat ay naka-deploy sa mga major na daungan ng bansa upang mapabilis ang pagresponde sa mga pangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad. Nakita ang kakulangang ito ng Pilipinas noong hagupitin ng bagyong Yolanda ang Leyte at Samar, dahil dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos humagupit ang bagyo ay wala pa ring dumating na tulong sa mga tao. Dapat alalahanin na ang Pilipinas ay isang bansa na binubuo ng mga isla. Hindi kailangan ang mga eroplanong pandigma kung ito ang binabalak ng gobyerno upang mapangalagaan ang karapatan ng Pilipinas sa mga islang pinag-aagawan sa West Philippine Sea, dahil wala ring magagawa ang mga ito sa mga dambuhalang gamit ng Tsina.
  7. Bigyan ng insentibo sa pamamagitan ng subsediya at tulong teknikal ang mga Pilipinong imbentor. Pangunahan din ng gobyerno ang pagbili ng mga imbensyon nila. Magtalaga ng isang permanente at malaking showroom ng mga imbensyong Pilipino na madaling puntahan ng mga mamamayan, lalo na ng mga neyosyante.
  8. Palabasin mula sa mga aircon na opisina nila ang mga Municipal at City Administrators upang personal na mag-check ng kalagayan ng kanilang nasasakupan, upang hindi lang umasa sa mga dinadayang report ng mga field workers. Hindi isinasama sa mga report ang mga palpak na contracted projects na hindi maayos ang pagkakagawa lalo na ang mga drainage at kalsada. Hindi rin isinasama sa mga report ang mga manhole na ginawang basurahan. Isama pa rito ang mga establesimento na nagpapabaha ng mga bangketa kung maglinis sila ng pwesto, kaya may mga taong nadidisgrasya dahil sa pagkadulas, at mga tulay na ginawang palikuran. Mga maliliit na bagay ito kung ituring subali’t kapag pumutok ay yumayanig sa kredibilidad ng pamunuan ng mga lokal na pamahalaan.
  9. Gawin sa paraang incognito o hindi halata ang pag-iinspeksyon ng mga palengke upang mahuli ang mga nandadayang negosyante pagdating sa presyuhan.
  10. Bilhin ang mga matitibay na mga pasilidad na pang-ilaw sa mga kalsada, tulay at iba pang nakatiwangwang na mga lugar, hindi yong makukulay at magaganda nga ay plastic naman kaya, isang bagyo lang ang dumaan ay warat na.
  11. Magkaroon ng batas na magbabawal sa mga lokal na pamahalaan sa wala nilang patumanggang pagpalit ng mga simbolo at kulay sa mga bayan o lunsod, ayon sa kagustuhan ng bagong nanalong mayor, na nagiging dahilan ng pagkalito ng mga tao.
  12. Palakasin ang mga ahensiya na may kinalaman sa pagpapalago ng small at medium businesses, at pagsasaka, upang mapatatag ang pundasyon ng mga ito na siyang magsusustina sa mga Pilipino sakaling hindi na bagsakan ang bansa ng mga produktong galing Tsina, sakaling lumala ang alitan dahil sa pinag-aagawang mga isla.
  13. Magpasa ng batas upang ang mga Pilipinong maski 50 taong gulang na o mas higit, pero malakas pa, ay mabigyan ng pagkakataong magtrabaho. May mga ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng pagkakataon sa mga senior citizens upang magtrabaho tulad ng MMDA, pero hindi ito sapat.
  14. Ibalik ang dating sistema sa edukasyon na paggamit ng mga libro sa tradisyonal nitong ayos, at hindi pormang workbook, upang magamit pa ng iba. Ang pormang workbook ay may mga tanong- pagsusulit kada tsapter kaya hindi na nagagamit ng iba.
  15. Magtayo ng mga paaralan sa mga liblib na lugar ng Pilipinas, at palakihan ang mga nakatayo na upang madagdagan ang mga kwarto. Lagyan din sila ng maayos na mga palikuran.
  16. Ayusin ang mga sirang parola o lighthouse sa mga isla at maglagay sa mga baybabayin na wala nito upang matulungan ang mga maglalayag, lalo na ang mga mangingisda.
  17. Magtayo ng mga istruktura para magamit na palengke o talipapa sa mga liblib na bayan o malalaking baryo.
  18. Seryusuhin ang pag-aaral tungkol sa isyu ng basura.
  19. Magkaroon ng makatotohanang gamutan sa mga barangay. May mga nurse nga, wala namang stock na mga gamot.
  20. Rebisahin ang kabuluhan ng mga ahensiya upang malaman kung alin ang mga inutil at walang silbi upang hindi na kumain pa ng budget mula sa kaban ng bayan.

 

Kung ang mga mambabatas at ang pamahalaan ay kumikilos ayon sa inaasahan ng mga taong bayan, wala sanang nangyayaring pagmamartsa sa kalye ng mga taong sumisigaw at nambabato ng paninisi sa kanila. Wala nang naniniwala sa mga report ng maski anong international na grupong bihasa daw sa estatistika dahil ang pinagbabatayan nila ng kanilang report ay mga dinayang report ng mga ahensiya upang mapagtakpan ang mga kakulangan ng pamahalaan. Ang kailangan ng bansa ngayon ay totoong mga lider at mga mambabatas na hindi inakala ng mga botante nila na magiging kurakot at mahihina pala pagdating sa paggawa ng makatotohanang desisyon.

Sa kanyang Paglisan…para kay Tess Dapo

Sa Kanyang Paglisan…

(para kay Tess Dapo)

By Apolinario B. Villalobos

 

Masaya siyang lilisan…

Dahil sa abot ng kanyang kakayahan

Ay nakapagdulot siya ng kaligayahan

Sa kanyang mga mahal sa buhay –

Mga anak, asawa at mga kaibigan.

 

Masaya siyang lilisan…

Dahil sa abot ng kanyang kakayahan

Ay naipakita niya at napatunayan

Na ang kanyang pagtitiyaga at pagsisikap –

Ang mga ito’y ‘di niya itinuring na pahirap.

 

Masaya siyang lilisan…

Dahil batid niyang sa dako pa roon

Makakamtan, kaligayahang walang hanggan –

Sa piling ng Maykapal na sa atin ay naglalang

At sa mundo ay hindi natin lubos na madanasan.

 

At sa kanyang paglisan…

Wala siyang iiwanang tampo

Bagkus ay marubdob na dasal para sa lahat

At sana, pagpakumbaba niya’y ating tularan –

Natatanging niyang pamana sa lahat ng naiwan.

Ang Pagtulong sa Kapwa

Ang Pagtulong sa Kapwa

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi na kailangang lumayo pa upang makatulong sa kapwa, sa makatotohanang paraan. Sa mga tinitirhang subdivision, kung minsan may mga “nangangalakal” na mga bata, ang iba nakapaa dahil ang tanging isang pares ng tsinelas ay pinag-iingatan upag magamit sa pagpasok sa eskwela. Hindi na nila kailangan pang tanungin kung gusto nila ng damit, o sapatos na pampasok sa eskwela, o ng isa pang pares ng tsinelas, o kung nakakain na. Masaya na sila kung abutan ng lumang tinapay o binalot na kaning lamig o ilang pirasong piniritong isda o ilang dakot na bigas.

 

May pinuntahan akong party minsan, at habang nagkakainan na ay may kumatok sa gate na mga batang “nangangalakal” upang humingi ng plastik o kung anong pambenta sa junk shop. Tinawag ng kaibigan kong maybahay ang kasambahay at nagsabing, “oh, yong nakatabi na sa tabi ng lababo, balutin mo yong iba at ibigay mo sa mga bata, siguraduhin mong may matira para sa mga aso ni Mareng……..”, na-shock ako dahil ang ibibigay pala sa mga bata ay mga itinabing pagkain para sa aso. Palagay ko hindi naman siguro panis o mga buto-buto, pero ang ituring niya ang mga bata na animo mga aso ay hindi maganda. Ano ba naman yong papasukin ang mga bata at pakainin maski sa garahe, eh di, talagang bukal sa kalooban niya ang ginawang pagtulong, hindi yong parang naghagis siya ng buto sa aso.

 

Kung walang nakakadayong “nangangalakal” sa ibang subdivision dahil sa umiiral na istriktong patakaran, may makikitang ganito sa labasan, nagtutulak ng kariton. Yong ibang pwedeng tulungan ay nakatira sa mga bangketa, nadadaanan ng iba sa atin at hindi binibigyan ng pansin. Ang iba namang pwedeng abutan ng tulong ay mga batang nagbebenta sa palengke upang kumita ng babaunin sa eskwela, o pambili ng mga gamit sa eskwela, o di kaya ay makatulong sa magulang. Pwede silang gawing regular na beneficiaries ng tulong.

 

Ang mga nakikita sa TV na kalagayan ng mga iskwater ay pangbukas lamang ng ating mga mata at isip tungkol sa talamak na kagutuman sa ating bansa. Maraming gustong tumulong subali’t hindi kasanib sa anumang grupo o NGO na tumutulong sa mga taong ito. Hindi na kailangang sumali pa sa ganitong grupo ng isang tao na may balak na tumulong sa makatotohanang paraan. Kaya ko nabanggit ang tungkol sa mga “nangangalakal” sa mga subdivision ay upang ipaliwanag na pwede namang tumulong kahi’t mag-isa, at hindi na kailangang lumayo pa upang gawin ito. Yong mag-abot ng tulong ng diretso sa mga humihingi ay sapat na kung gagawing may katapatan at bukal sa kalooban.

 

May mga ahensiya o non-government organization (NGO) tulad ng Red Cross at mga Foundation ng malalaking kumpanya na epektibo sa malawakang pagtulong, yong abot ang libu-libong nangangailangan, bagay na hindi kayang gawin ng ilan kahi’t na nagsisigaw ang puso nilang gawin ito. Inuulit ko ang pagtukoy sa malawakang pagtulong na hindi pwedeng gawin ng ilan lamang lalo pa ng mga nag-iisa. Isang halimbawa ay ang maliit naming grupo (apat kami) na pumipili ng ilang pamilyang matutulungan sa abot ng aming makakaya, at ang mahalaga, hindi kami nagpapakilala. Ipinapakita namin sa kanila na hindi rin kami iba sa kanila, na may mga pangangailangan din, at ang ibinabahagi namin o sini-share ay “extra” lamang naming pera. At kaya ko ibinabahagi ang karanasan namin ay upang bigyan ng ideya ang mga makakabasa na kaya rin pala nilang gawin ang ginagawa namin…wala nang tanungan pa ng kung anu-ano.

 

Simple lamang ang makatotohanang pagtulong sa kapwa:

-huwag mong garapalang ipakita na nakakaangat ka sa mga tinutulungan mo

-kung ang pagtulong ay ginagawa sa mga lugar na hindi ka naman kilala, huwag kang

magpakilala at magsuot ng mga simpleng damit lamang

-huwag mag-selfie kasama ang mga tinulungan mo, maski pang- souvenir

-kung sa palagay mo ay sapat na ang ibinigay mong tulong sa isang tao o pamilya,

kalimutan mo ang ginawa mo sa kanila, at maghanap ka ulit ng ibang matutulungan

 

Huwag maging plastik kung tutulong sa kapwa. Dapat may katatagan ang adhikaing ito sa abot ng makakaya. Hindi maambisyong kinukunan pa ng litrato upang ipagyabang sa iba. Dapat kasing- tigas ng bato ang layunin upang hindi basta-basta madudurog ng mga pangugutya dahil sa “liit” ng tulong na inaabot. Alalahanin nating ang bato ay tumatagal kaya libong taon man ang nakalipas, may mga “dokumento” pa ring inukit dito noong kahi’t hindi pa ipinanganak si Hesus, na hanggang ngayon ay buhay pa…subali’t ang plastik ay nalulusaw ng init, at lumalambot sa tagal ng panahon.

 

Sa mga taong talagang walang panahon, o walang kayang iabot dahil sa matindi rin nilang pangangailangan, okey na rin ang ipagdasal nila na mabigyan pa ng lakas ang mga taong gumagawa nito at sana ay dumami pa ang mga donors ng mga charitable Foundations at NGO’s.

 

 

 

 

Ang Ospital ng Makati na may Letrang “B” At Ang Pagdugo ni Janet Lim Napoles

Ang Ospital ng Makati na may Letrang “B”

At Ang Pagdugo ni Janet Lim Napoles

Ni Apolinario Villalobos

 

Marami ang nalungkot nang hindi ibinalik si Napoles sa kanyang bahay-bakasyunan sa Tanay, pagkatapos ng itinakdang panahon ng pamamahinga nang siya ay operahan sa Ospital ng Makati. Inasahan ko na ito – gagawa at gagawa ng paraan upang maantala ang paglabas niya sa ospital, at ang naisip ay ang pagdugo daw niya at diabetes.

 

May kaibigan ako na ang asawa ay sumailalim din sa operasyong katulad ng ginawa kay Napoles. Nakatira sila sa isang maliit na bahay, kinakapos pa ng pagkaing masustansiya, kung minsan pati gamot na nireseta, pero nakakaraos. Ang sabi ng doctor ni Napoles, sa Tanay daw ay hindi siya pwede dahil pati tubig na pampaligo at pambuhos sa kubeta ay sinasalok niya sa poso, at ang balde ay siya daw mismo ang nagbibitbit.

 

Kung diabetes ang problema, may mga gamot naman at ang mga sosyal niyang doctor na taga-St. Lukes ay pwedeng regular na pasyalan siya. Pansamantala, pwede sigurong bigyan siya ng female warden o police woman na aalalay sa kanya. Marami ring tauhan doon na maaaring maghakot ng tubig para sa kanya. Kung gusto niyang madagdagan ang lamig ng bahay, dagdagan ang bentilador.

 

Sa pagka-wise ng mga abogado at mga doktor ni Napoles, baka pinag-iisipan na nilang papedikyuran ito at sadyang pasugatan ang mga daliri sa paa upang hindi gumaling, dahil diabetic nga. Ang nagagawa nga naman ng pera! Maraming nababayarang taong kayang lunukin ang prinsipyo.

 

Nagustuhan yata ni Napoles ang ospital ng Makati. Ang sabi ng isa kong kaibigan paborito siguro niya ang letrang “B” na nakikita sa mga sulok nito. Pati daw sa kisame meron ding ganitong letra…yan ang sabi naman ng isang kilala ko na-confine na doon. Sabi ko sa kanya, hindi lang sa Makati merong letra na animo ay tatak ng pag-aari. Meron din sa ibang lunsod, subali’t upang hindi mahalata ay dinadaan sa kunwari ay mga slogan subali’t hina-highlight ang tatlong letra, mga initial ng pangalan ng nakaupong mayor.

 

Ang payo ko sa mga naghihimutok, magdasal na lang, nasanay na rin lang sila sa mga epekto ng mga kabalbalang pagnanakaw ng mga corrupt na mamababatas at iba pang opisyal ng pamahalaan. Pati ako sanay na rin, kaya nauunawaan ko na ang mga letra ay nagpapahiwatig na saang sulok man ng ating kawawang bansa tayo tumingin, nakikita natin ang mga nakakasukang tatak ng corruption.

 

Andrea…naghihinagpis na Ina

Andrea …

Naghihinapis na Ina

(para kay Andrea Rosal)

ni Apolinario Villalobos

 

Dinakip dahil sa mga kasalanan daw na ginawa niya

Subali’t walang napatunayan maski ni isa sa kanila

Ang tumatak lamang ng malalim sa kanyang pagkatao

Ay pagiging anak ni Ka Roger, isang rebeldeng pinuno.

 

Sa kalagayan niyang kagampan, buntis ng ilang buwan

Sa malamig na semento ay natutulog, doon sa kulungan

At sa hirap na inabot, nadamay ang batang walang malay

Kaya nang nailuwal na…lupaypay, malamig, walang buhay.

 

Kung kaylan naibuwis, buhay na walang kamuwang-muwang

Saka nagtuturuan, nagsisisihan ang mga may bitukang halang

Palagi na lamang bang ganito ang mangyayari sa mga Pilipino?

Nayuyurakan ang karapatan, na may gawa, sariling gobyerno?

 

Tatlong oras, sa kanya’y ibinigay upang masilip mahal na anak

Hindi sapat na panahon upang mukha nito, sa isip niya’y tumatak

Di rin pinayagang maihatid niya ito sa kanyang huling hantungan

Wala siya nagawa kundi maghinagpis sa mapait niyang kapalaran!