Sarah
(para kay Sarah Saludes Puerto)
Ni Apolinario Villalobos
Larawan siya ng kahinhinan
May mukhang mala-birhen ang kagandahan
Ngiting matipid, kung sa bibig ay mamutawi
Sapat nang pasalamatan, sino mang humingi.
Talino niya’y hindi matawaran
Elementary to high school, siya’y valedictorian
Marami ang umasang, malayo ang mararating –
Ni Sarah, na ang bituin, until now, nagniningning.
Maraming nilampasang pagsubok
Subali’t sadyang matapang, hindi nalulugmok
Na kung nangyari sa ibang mahina ang kalooban
Titigil na sa kalagitnaan ng tinatahak niyang daan.
Alam niya, marami pa siyang gagawin
Kaya anumang pagod, di niya binibigyang pansin
Sa puso’y nakaukit, malakas na pananalig sa Diyos
At sa kapwa, pagmamahal niya’y todo ang pagbuhos.
Isa sa mga nilalang na talagang pambihira
Hindi ginugupo ng dumarating sa buhay na trahedya
Dahil sa isip niya ay marami pa rin siyang matutulungan
Sa abot ng makakaya, pati na rin sa kung anong paraan.