Awit ng Pagsisisi…para kay Ding Santos

Awit na ginawa ko para sa kumpare kong nakulong sa Munti. Patay na siya ngayon dahil sa sakit sa puso, hindi dahil sa saksak o bala ng baril. Katagayan ko rin siya noong hindi pa ako takot sa alak. Ding Santos ang pangalan niya.

 

Awit ng Pagsisisi

(…ni Ding Santos)

Ni Apolinario Villalobos

 

1

Kayong nakikinig

Sa awit kong ito

Mangyari lang ay damhin

Ang bawat titik

‘pagka’t nais kong

Ipaabot sa inyo –

Isang bagay na di nyo

Dapat pang danasin tulad ko

‘pagka’t ako ngayo’y nagsisisi.

 

2

Mulat’ sapul

Nang ako ay magkaisip

Pinilit ng magulang kong

Ituro ang tamang daan

Patungo doon kung saan

May maginhawang buhay-

Ilaw sila sa akin at gabay.

 

Ref:

1

Nguni’t dumating ang araw

Na ako’y nakalimot

Nakabali ng sanga ng batas

Kaya’t nagsayang

Ng mga taon sa bilangguan

At doon ko lalong nadama

Pagmamahal ng magulang

Na hindi ko binigyang halaga.

 

2

Ngayo’y pilit kong iginagapang

Ang sarili, kahi’t man lamang

Sa munting paraan ay maipakita

Sa aking kapwa

Na ako ay hindi likas na masama

Kahi’t pa sabihin nilang huli na.

 

(Repeat 1 and fade…)

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s