Para sa Namayapang Kaibigan at Kapatid…Ted Lapuz

Para sa Namayapang Kaibigan

At Kapatid…Ted Lapuz

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi madali para sa iyo ang umilag sa karit

Minsan ka na ring nadaplisan…ito’y masakit

Tiniis mong sa iyong paggising tuwing umaga

Para kang nalulunod sa paghabol ng hininga.

 

Noon pa man, marami ka nang gustong gawin

Ang iba’y di natupad, matindi man ang hangarin

At tulad ng nakagawian mo, ikaw ay ‘di kumibo

Masakit man ang kalooban, hindi mo pansin ito.

 

Ang ngiti mo’t tawa ay palagi naming maaalala

Ngiting tapat, may alab, at malutong na pagtawa

Mga tanda ng isang taong ‘di gusto ang malungkot-

Kahi’t sa harap ng problema, ‘di dapat sumimangot.

 

Natatangi kang kaibigan,  bilang ama nama’y huwaran

Taong madaling pagkatiwalaan, pati na ng kalooban

Sa pakisama ay hindi mapantayan, ikaw ay pambihira

Kaya’t marami ang nanghinayang sa iyong pagkawala…

 

Ted, nanghihinayang man kami, ito ay walang lungkot

Alam naming masaya ka, nakangiti’t hindi nakasimangot

Turing namin sa iyo ay mapalad nga sa iyong paglalakbay-

At makakasama mo na rin Siya, sa walang hanggang buhay!

 

Mahal ka namin, Ted!

                                                                       

 

  (Kasama sa diwa ng tula ang kanyang pamilya, mga kapatid at kamag-anak,

   mga ka-batch – elementary, high school, college, at mga kasama niya

   sa Masonic Lodge-Tacurong. May 9, 2014)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s