Ang Pagsisinungaling at ang Kaso ni Cudia

Ang Pagsisinungaling at ang Kaso ni Cudia

Ni Apolinario Villalobos

 

Minalas ang mga taong nasobrahan yata ang pagkangitngit kay Cudia, ang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na dahil sa pagsisinungaling daw ay hindi pinayagang maka-graduate sa kabila ng pagiging topnotcher nito. Maliwanag sa salaysay ni Cudia na may isang hindi bomoto upang hindi siya mapatalsik sa akademiya, kaya bilang panuntunan, abswelto dapat siya. Subali’t pinalalabas ng komite na naglitis sa kanya na nagkaroon ng botohan uli at nakuha ang “unanimous” o lahatang boto na “nagpapatunay” na siya ay nagkasala.

 

Ang mali ng PMA ay ang hindi nito pagpayag sa hiling ng mga magulang ni Cudia na hayaan na lang makuha nito ang kanyang diploma at transcript of records upang makahanap ng trabaho na walang kinalaman sa military, dahil nabuo naman nito ang apat na taong pag-aaral. At sana, hindi na rin ipinilit ng PMA ang mababaw na dahilan na hindi nakapag-on-the-job military training si Cudia kaya hindi siya itinuturing na “graduate”. Kung wala namang kinalaman sa military ang aaplayan nitong trabaho, ano pa ang gamit ng on-the-job military training na nire-require nila? Halos manikluhod ang mga magulang at kapatid ni Cudia sa pagmamakaawa, subali’t ni hindi man lang nakitaan ng kapiranggot na simpatiya ang mga taga-PMA. Kaya ngayon, nakarma ang PMA.

 

Sa desisyon ng Commission on Human Rights (CHR) na mali ang PMA, na dapat silang magpaliwanag sa ginawa nila kay Cudia, at dapat kasuhan, nakuha ng mga taong bumubuo sa komisyon ang respeto ko. Kahi’t na ang pagsisinungaling ay isa sa mga pinagbabawal na nakasaad sa Code of Discipline ng PMA, hindi ako naniniwalang ito ay nakatanim sa diwa ng mga nagtapos dito at nasa pwesto na ngayon. Hindi ba may mga nagtapos sa PMA na nalitis at napatunayang nagkasala? Ang pagsuway nila sa batas ay pagpapakita na rin ng pagsisinungaling! Bakit ganoon na lang kabigat ang turing nila sa kasalanang ito ni Cudia? Yon bang mga kasama niyang naglitis sa kanya ay hindi man lang nakadanas ng pagsisinungaling habang nasa loob ng akademiya? Kung ang korte nga ay nagbibigay ng kaluwagan sa mga kaso sa pamamagitan ng tinatawag na “mitigating circumstances” na itinuturing na kompromiso, bakit hindi ito magawa ng PMA sa kaso ni Cudia? Malinaw na pinagkaisahan nila si Cudia na topnotcher sa batch ng taong 2014!

 

 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s