The Phenomenon of “Two”

The Phenomenon  of “Two”

By Apolinario of Villalobos

 

Looking at the photo of the American and Filipino soldiers shown providing a background to the American president Barack Obama to perpetuate his visit to the Philippines, I noticed the guys’ heights, with those of the Filipino reaching only up to the shoulders of their American counterparts. It is a case of tall and short which tickled my mind for other contrasts.

 

Basically, there is the good and bad, then the weak and strong, rich and poor, pretty and ugly, silent and loud, black and white, rough and smooth. My imagination explored other areas until it zeroed in to man as God’s creature. I noticed that most of the vital organs are in pair. Man has two eyes, two eyebrows, two holes in the nose, two lips, two ears,  two arms, two feet, two kidneys, two heart “chambers”, two lungs, two major body openings – mouth and anus, not to mention God’s creation of the first pair, man and woman.

 

I also remember the sayings:  “two heads are better than one” and “no man is an island”. And, from Obama himself: “no ally stands alone”, meaning, an ally needs a partner. The orientals have their yin and yang two balancing forces in the universe, as with the north and south poles. And for the weather, the standard “dry and wet”, though for temperate countries that have winter and summer, there are the “in between” such as the “spring and fall”.

 

The prudence of God is such that He gave us the liberty to choose between hell and heaven. This liberty makes us decide whether to be wise or dumb in coming up with a decision to choose between eternal solace or suffering. There is no compromise, as enough leeway is given to us since the time we are able to make decisions on our own until the time that we are approaching the brink of our life.

 

Common sense dictates that for whatever wrong we commit, nobody should be blamed because the choice is ours. I cannot comprehend others, therefore, who has the habit of blaming God every time they make a blunder in this world.

Ruth of the Bible…and her filial piety

Ruth of the Bible

…and her filial piety

By Apolinario Villalobos

 

A friend, who lives on the other side of world, Canada, and with whom I communicate only through the internet, unabashedly expressed her devotion to her departed husband whom she described with all words that were perhaps available in her mind while she was blogging the message for me. Another friend, posted on her timeline their faded nuptial photo with accompanying message that she will never change, short of saying, she will go on loving him, in a way… as if she was face to face with her husband. Another story is that of a former neighbor in Paranaque who worked as a beerhouse dancer in order to earn for the needs of her ailing mother-in-law, as her husband was killed in a traffic accident. She did not have even a single child by her husband, despite which, she persisted in taking care of her widowed, sickly and old mother-in-law. All of those made me try to recall a story in the Bible about a woman who practically founded her life on love and devotion. Finally, I remember the woman in the Bible …Ruth.

 

Ruth was a Moabite, a clan which God wanted eradicated from the face of the earth when He guided the Israelites to the Promised Land. But most importantly, Ruth’s blood flowed in the veins of Jesus Christ. Here’s why…tracing to Perez, who belonged to one of the tribes of Israel, thus, “Perez was the father of Hezron, Hezron was the father of Ram, Ram was the father of Amminadab, Amminadab was the father of Nahshon, Nahshon was the father of Salmon, Salmon was the father of Boaz, Boaz was the father of Jesse, and Jesse became the father of David.” (Ruth 4: 18-22). Jesus Christ belongs to the House of David.

 

What I am trying to point out here is, despite Ruth’s being a pagan, she was so devoted to her mother-in-law, Naomi, that she stayed with her despite the tragedies the befell her. First to die was her husband, Elimelech, then her sons, Mahlon and Chilion. They belonged to the clan of Ephrathites from Bethlehem of Judah. The death of her two sons who married Moabite women triggered her decision to go back to Bethlehem, as they were living that time on the plateau of Moab. But the devotion of Ruth, one of the daughters-in- law to her mother-in-law was such that she did not abandon her. Instead, she did her best in showing how she was able to meld with the family of her husband.  Being pretty and young, she could have married again when her husband died. She felt that she was needed by her aging mother-in-law, so that she persisted in being with her despite her effort to practically drive her back to her own people.

 

Back in Bethlehem, Ruth showed her diligence, reaping grains in season, and fortunate enough to have done it in the fields of Boaz, the kin of her husband. By virtue of the Jews’ practices during that time on inheritance of properties, Boaz was able to marry her. And as the story went, she provided a link in the Redeemer’s lineage.

 

The world today is full of temptations. For the weak woman, succumbing to any of them could just be easy and most often is even made justifiable by loose alibis. Matrimony that requires not only devotion of the couple to each other, the in-laws, and later on, their own children could crumble easily in the face of temptations. Legal separations are rampant, paving the way for the eventual divorce for those who can afford it. This can happen if selfishness will prevail, add to that the call of the carnal desire. It needs therefore, an extraordinary emotional stability and spiritual strength for a woman to become another Ruth. Blessed, therefore, are those women who personify her in this world that throbs with sins. The greatest reward of Ruth for her filial piety is her being mentioned every time the lineage of Jesus Christ is traced back to His ancestors, this despite her being a pagan. Her story shows that one need be a professed Christian, Muslim, Hindu, Buddhist, etc., to become pious. Ironically, some non-believers are more pious in their acts than those who profess their strong attachment to established religions.

 

 

Mga Lubak at iba pa…sa Tuwid na Daan

Mga Lubak at iba pa…sa Tuwid na Daan

ni Apolinario Villalobos

 

Maihahalintulad ang buhay sa binabagtas na daan

Maaring ito ay tuwid, liku-liko, paahon o palusong

Sa araw-araw nating pamumuhay sa mundong ito

Bumabagtas tayo ng daan…hindi alam saan patungo.

 

Sa pakikibaka sa buhay ay para rin tayong tumatahak

Ng daan na hindi lang baku-bako dahil sa mga lubak

Marami ring mga sagabal – mga bato at minsa’y tinik

Na kung di maiwasa’y magdudulot ng sugat…masakit.

 

Kung minsan naman, ang daang tinatahak ay liku-liko

Para ring buhay na maraming dinadaanang pagsubok

Kung minsan ay mga pasakit na pabigat sa ating balikat

Na kailangang tiising pasanin, kahi’t dusa ang kaakibat.

 

Minsan nang may taong nag-anyaya, samahan daw siya

Sa pagbagtas sa tuwid na daa’t sinabi pa niyang nakangiti

Pangako’y puno ng kaginhawahan sa buhay, animo totoo

Subali’t kalauna’y nabatid, daa’y may lambong na siphayo!

 

Ang daa’y diretso nga, nguni’t tadtad naman ng mga lubak

Marami ring bato, tinik ng mga damo, ipot, at kung ano pa

Marami na ngang sagabal, umaalingasaw pa sa kabantutan

Kaya sa pagbagtas nitong daan daw niya, sinong gaganahan?

 

Hindi na lang sana siya nangako, dahil lahat ng daa’y masukal

Maraming sagabal dahil ito ay parang buhay, hindi matiwasay

Upang makaraos, depende na sa pagkapursigido ng isang tao

Kaya, kung Diyos nga ay hindi nangangako ng tuwid na daan –

                …ito pa kayang isang tao na wala pang napatunayan?

 

 

 

 

 

 

Ang Pagsisinungaling at ang Kaso ni Cudia

Ang Pagsisinungaling at ang Kaso ni Cudia

Ni Apolinario Villalobos

 

Minalas ang mga taong nasobrahan yata ang pagkangitngit kay Cudia, ang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na dahil sa pagsisinungaling daw ay hindi pinayagang maka-graduate sa kabila ng pagiging topnotcher nito. Maliwanag sa salaysay ni Cudia na may isang hindi bomoto upang hindi siya mapatalsik sa akademiya, kaya bilang panuntunan, abswelto dapat siya. Subali’t pinalalabas ng komite na naglitis sa kanya na nagkaroon ng botohan uli at nakuha ang “unanimous” o lahatang boto na “nagpapatunay” na siya ay nagkasala.

 

Ang mali ng PMA ay ang hindi nito pagpayag sa hiling ng mga magulang ni Cudia na hayaan na lang makuha nito ang kanyang diploma at transcript of records upang makahanap ng trabaho na walang kinalaman sa military, dahil nabuo naman nito ang apat na taong pag-aaral. At sana, hindi na rin ipinilit ng PMA ang mababaw na dahilan na hindi nakapag-on-the-job military training si Cudia kaya hindi siya itinuturing na “graduate”. Kung wala namang kinalaman sa military ang aaplayan nitong trabaho, ano pa ang gamit ng on-the-job military training na nire-require nila? Halos manikluhod ang mga magulang at kapatid ni Cudia sa pagmamakaawa, subali’t ni hindi man lang nakitaan ng kapiranggot na simpatiya ang mga taga-PMA. Kaya ngayon, nakarma ang PMA.

 

Sa desisyon ng Commission on Human Rights (CHR) na mali ang PMA, na dapat silang magpaliwanag sa ginawa nila kay Cudia, at dapat kasuhan, nakuha ng mga taong bumubuo sa komisyon ang respeto ko. Kahi’t na ang pagsisinungaling ay isa sa mga pinagbabawal na nakasaad sa Code of Discipline ng PMA, hindi ako naniniwalang ito ay nakatanim sa diwa ng mga nagtapos dito at nasa pwesto na ngayon. Hindi ba may mga nagtapos sa PMA na nalitis at napatunayang nagkasala? Ang pagsuway nila sa batas ay pagpapakita na rin ng pagsisinungaling! Bakit ganoon na lang kabigat ang turing nila sa kasalanang ito ni Cudia? Yon bang mga kasama niyang naglitis sa kanya ay hindi man lang nakadanas ng pagsisinungaling habang nasa loob ng akademiya? Kung ang korte nga ay nagbibigay ng kaluwagan sa mga kaso sa pamamagitan ng tinatawag na “mitigating circumstances” na itinuturing na kompromiso, bakit hindi ito magawa ng PMA sa kaso ni Cudia? Malinaw na pinagkaisahan nila si Cudia na topnotcher sa batch ng taong 2014!

 

 

Ang Mga Panyero, talaga…(tungkol ito sa mga abogado)

Ang Mga Panyero, talaga…

(tungkol ito sa mga abogado)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang “panyero” ay tumutukoy sa mga abogado. At unang-una, wala akong balak na sila ay libakin. Ang mga isi-share ko ay halaw lamang sa aking mga naobserbahan sa mga kaibigan kong may ganitong propesyon at sa aking pakikisalamuha sa mga umpukan na may ganitong klaseng mga propesyonal. Mahirap mag-aral ng abogasiya, kaya bilib ako sa kanila.

 

May isa akong kapatid na abogado at nakita ko kung paano siyang “magsunog ng kilay” makapagsaulo lang ng mga batas  halos gabi-gabi na lang na ginawa ng Diyos. Lalong tumindi ang kanyang pagpupuyat nang siya ay maghanda para sa tinatawag na bar exam, isang pagsusulit na kung ilang beses na ring nabahiran ng pandaraya. Isa itong prestihiyosong karera na magastos na, kailangan pa ang matalas na pag-iisip at memorya. Kapag mayroon nang lisensiya ang isang tao pagkatapos niyang makapasa sa pagsusulit, maaari na niya itong isabit sa labas ng gate, pero kung nag-aapartment lang ang bagong abogado, sa ibabaw ng pinto niya…presto! pera na, mula sa pagnonotaryo. Dahil sa nakita kong ginawa ng kapatid ko upang maging abogado, naisumpa ko ang karerang ito.

 

May mga kaibigan akong abogado na umaaming mahina sa English, kaya nagkakaroon ako ng pagkakataon na kumita rin mula sa kahinaan nilang ito, sa pamamagitan ng pag-edit ng mga ginawa nilang dokumento. Pinapalabas na lang na masyadong marami silang ginagawa, busy, wika nga, kaya kailangan nila ng tulong sa pagsulit ng mga nagawa na nilang dokumento. Meron namang iba na may mga trabaho na subali’t nagpupursiging maging abogado kaya lumalabas na sila ay mga working student. Kailagang nilang makapasa ng bar exam na siyang magiging mabigat na batayan sa kanilang promotion. Sa kanila, saludo rin ako.

 

Ang masaklap lang…may ibang abogado na nagpapagamit sa mga taong alam na nilang mali, tiwali, masama, etc.  Ito yong mga taong may kaso na saan mang anggulo titingnan ng maski  hindi nakapag-aral ay talagang nakikitaan ng kamalian. Subali’t dahil sa tukso ng limpak-limpak na salapi, may mga abogadong pikit-matang tumatanggap ng kaso nila at kinakapalan na lang ang mga mukha habang nagsisinungaling sa loob ng korte. Kung ang pagsisinungaling ay nakamamatay, marami na siguro ang bigla na lang nangisay sa loob ng korte.

 

Kunsabagay, ang simbolo nga naman ng hustisya ay babaeng may piring, eh…di ganoon na lang din ang gawin nila…piringan ang mga mata nila at depensahan ang mga taong may sala nguni’t may kakayahang magbayad. Kasama kasi sa kanilang sinumpaang pangako bilang abogado ay ipagtanggol ang kahi’t sino, na hanggang hindi napapatunayang may kasalanan ay itinuturing na inosente. Ang simbolo ng hustisya, dahil sa piring sa mga mata, ay tila ba umaasa na lang sa kung sino ang “maririnig” na magaling sa pagsasalita habang naghahabi ng mga depensa, kaya hindi pwede ang bulol na ay mahina pa ang bokabularyo. Pagdating sa mga kasuhan, ang nangyayari ay pagalingan ng abogado, maski mahal ang serbisyo.  Totoo nga siguro na may halaga ang hustisya.

 

Nakakatawa na kung minsan ang nakikita sa TV…mga abogadong nagpipilit na walang kasalanan ang kanilang kliyente, ganoong alam na ng buong bayan ang buong pangyayari. Tulad na lang ng isang abogado na diretsong nakatingin sa kamera ng TV, sabay sabi na hindi nagnakaw ng pera sa kaban ng bayan ang kanyang kliyente, ganong ang dami nang saksi ang nagdidiin. Sa isang kaso naman, maliwanag na ngang nakorner ang kanyang mga kliyente pagkatapos tugisin ng mga otoridad, pinipilit pa rin niyang sabihin na sumuko daw sila! Paanong hindi susuko ay talagang nakorner na! Si panyero talaga, oo….

 

Sa TV pa rin….mayroong nag-aabogado ng mga drug pushers at drug lords at pilit na tinatanggi ang ginagawa ng mga kliyente niya, ganoong sa kalalabas na balita ay naipakita na ng raiding team ang mga milyon-milyong halaga ng shabu na nasamsam. Nagmumukha tuloy silang tanga na ewan kung binayaran ng mga singkit na drug lords dahil wala naman silang nagawa upang mailigtas sila sa kulungan. Sabi minsan ng kumpare ko, sinabihan siya ng anak niya na ayaw na niyang maging abogado. Nang tanungin kung bakit, sabi ng bata, “sinungaling sila”. Nang tanungin uli kung ano na lang ang gusto niyang “maging” paglaki niya, sabi ng bata, “maging pari na lang dahil binibigyan ng pera ng mga tao”. Ang tinutukoy niya ay ang love offering na binigay ng mga tao sa Misa. Sinabihan ko ang kumpare ko na i-korek ang maling impresyon ng bata tungkol sa perang binibigay sa pari, dahil ang pera ay para sa simbahan at Vatican.

 

Subali’t may iba pa ring mga bata na gustong maging abogado paglaki nila, at kapag tinanong kung bakit,  dahil gusto daw nilang maging mayor, governor, o presidente. May anak ang isang kumpare ko na ganito ang ambisyon, at tuwing tanungin ang bata kung bakit niya gustong maging abogado at mayor, sinasabi niyang, “kasi maganda ang kotse ni mayor, marami pang kasamang kontrabidang may mga baril, at kung minsan magaganda ang kasama, parang mga artista…” (nakakapanood siya ng TV at hindi siya tinuruan ng kumpare ko).

 

Sa korte, may sistema o paraan para hindi mapabigat ang hatol o di kaya ay umabot na lang sa pagka-abswelto ng may sala. Sa tingin ko dito ay “sabwatan”.  Yon bang mag-uusap ang mga abogado ng magkabilang panig, para siguro sabihin ng isa sa panyero niya na talagang walang ligtas ang kliyente niya kaya magtawaran na lang at pag-usapan ang “kompromiso”. Kapag sinuwerte, napapapayag ng abogado ang kliyente niyang biktima na daanin na lang sa “maayos na paraan” upang mapababa ang ipapataw na parusa kapalit ng pera. Ibig sabihin ay may pinagalaw na pera ang panig ng maysala. Nasisilip kaya ito ng babaeng may piring ang mga mata? Bakit nagkaroon pa ng sinasabing “hustisya” kung hindi rin lang buo ang pinapataw na parusa?

 

Bilang panghuli…noong minsang dumaan ako sa kumpare ko upang kunin ang USB disk na kinapapalooban ng mga dapat kong i-edit na dokumento, nakita kong binatukan ng nakakatanda niyang anak ang nakakabata nitong kapatid kaya napaiyak at nagsumbong sa magulang. Nang tanungin ng kumpare ko ang nakakatandang anak kung totoo ang sinasabi ng nakakabata niyang kapatid, pilit itong tumanggi. Sabi ng nabatukang kapatid, “yan…yan papa, tingnan nyo, para na ring abogado ng babaeng mataba sa TV kung magsinungaling si kuya…talaga namang binatukan niya ako, eh…sinungaling si kuya…sinungaling!”

 

Hindi ko na sasabihing ang anak ng kumpare ko ay may gustong ipahiwatig tungkol sa abogado…tahasan na niyang sinabi ito…at sa gobyerno natin, marami ang ganitong klaseng tao!